You are on page 1of 4

MGA KONTRIBUSYON NI AMENEMHET III AT

KAHALAGAHAN NITO SA KASALUKUYANG PANAHON:


Sa

kanyang

mahabang

panunungkulan,

ipinagpatuloy

ni

Amenemhet III ang trabahong sinimulan ng kanyang ama na ikonekta


ang Ilog Nile sa Red Sea. Ang lugar ay dating halos lahat ay lubog sa
tubig. Isang kanal na may 16 km at 1.5 km ang lapad ay hinukay, at
kinilala bilang Mer-Wer (the great canal). Ang kanal na ito ay naguugnay sa Ilog Nile at Red Sea. Mas marami nang lugar ang
naaapektuhan sa katabahan ng lupa dahil sa banlik o silk na umaapaw.
Kung nagkakabaha, ang baha ay hindi naaapektuhan ang mga
mamamayan dahil napupunta ito sa kanal. Malaki ang epekto ng
ipinatayong kanal na ito. ito ang naging dahilan ng pag-unlad ng
kalakalang

Egypt

sa

ibang

bansa.

Pinalawak

rin

niya

ang

pakikipagkalakalan at pinalago niya ang mga industriya sa Ehipto


noong siya ang namumuno.
Sa kasalukuyang panahon, importante pa rin ang kanal na ito sa
mga naninirahan sa Ehipto. Ito ay ginamit sa distribusyon ng suplay ng
tubig para sa mga taniman at mga mamamayan. Noon, ang mga lugar
malapit sa Ilog Nile lamang ang may mainam na suplay ng tubig para
sa mga taniman, ngayon, halos lahat na ng Ehipto ay nabibigyan ng
suplay ng tubig dahil sa kanal na ito. At ang epekto nito, mas mainam
na ang kanilang pagtamnan at mas marami na rin ang mga inaaning
pananim. Marami na ang suplay ng tubig at marami na rin ang suplay
ng pagkain.
Ang pakikipagkalakalan ng Ehipto ngayon ay maganda ang mga
resulta. Nakikipagkalakalan sila sa ibang bansa upang lalong uunlad
ang kanilang bansa. Importante talaga ang mga kontribusyon ni
Amenemhet III noong siyay namumuno. Hindi lang sa kanyang
panahon, pati na rin sa kasalukuyan.

ADVOKASIYA:
Si Amenemhet III ay isang kahanga-hanga at responsableng
pinuno sa Gitnang Kaharian. Napakaimportante ang kanyang mga
nagawa bilang hari ng mamamayan. Kung akoy naninirahan sa Ehipto,
isasabuhay at pangangalagahan ko ang kanyang mga kontribusyon.
Ang kanal na nag-uugnay sa Ilog Nile at Red Sea, kung ito ay
natabunan ng lupa o putik, magpapatulong ako na hukayin at ibalik
ang dating kalaliman nito. Kung hindi ito malalim ay wala naman itong
silbi kaya palalalimin ko ito bilang pagpapakita ng pangangalaga ko sa
nagawa

ni

Amenemhet

III.

Kung

akoy

taga-Ehipto,

ang

pakikipagkalakalan sa ibang bansa naman ay aking ipagpapatuloy rin


para sa ikauunlad ng Ehipto. Gagawin ko ang mga ito para isabuhay at
pangalagahan ang mga kontribusyon ni Amenemhet III upang manatili
itongmay silbi sa atin sa panahon ngayon.

You might also like