You are on page 1of 3

Saan mang sulok ng mundo

Naninirahan ang tao


Anumang lahi nito
Anumang kulay nito
May angking kultura, may taglay na talino
May kinagisnang wika, hinuhulma ng prinsipyo.

Ikaw, ako, s’ya


Tayo’y mga Pilipino
Noong una pa ma’y buo na ang pagkalahi
May sariling gobyerno, balangay sa sambit
Mayaman sa tradisyon hinding hindi ipagpapalit.

Ngunit...
Walang abug-abog bayang mahal ay ginulantang
Dayong naghangad nang labis sa yaman ng bayan
Hindi lang isa... dalawa... at naging tatlo pa
Baya’y binusabos, sa paniniwala’y pilit pinasunod
Diwa at lunggati’y sinikil ng mga hunghang
Buong higpit na pagsakmal
Walang habas na pangangamkam
Sukdang alsan pa ng kalayaan.
Daang taon ang lumipas, sa wakas!
Kasarinla’y nalasap
Baguhin man ang lahat, sa katauhan ay
nakatatak
Ito ay kusang babangon sa pagkatilad-tilad
Sapagkat ang kultura sa wika nakaugat
“Sugod Mga Kapatid”, ang winika sa paglaya
Nagkakaisa sa damdamin, sa puso at diwa.
Ang pagiging magalang sa lahat ng dako
Katangiang angkin, minana pa sa ninuno.
Ugaling bayanihan... batarisan ay ‘di liliko
Mga pagbabagong ipinaaangkin ng ‘di
kadugo.

Likas na husay at galing, Pilipinong talento


Sa iba’t ibang larangan ay nakakabilib-todo
Iba-ibang pagdiriwang, iba-ibang tradisyon,
iba-ibang produkto
Mabunying mamamalas, tatak-Pilipino.

Wika ay kabalikat ng kultura at lahi


Nakabuhol, dikit-dikit, taling-tali
Libo’t laksa-laksang pita, himig at mithi
Sa labi ng bawat Pilipino, laging
mamumutawi.
[ITO ‘YUNG PIECE NA GINAMIT PARA SA PALIGSAHAN SA SABAYANG PAGBIGKAS NOONG NASA HAISKUL
(CULIAT HIGH SCHOOL, QUEZON CITY, PHILIPPINES) PA KAMI.]

You might also like