You are on page 1of 7

Mga Layunin at tungkulin ng isang Nagdadalaga at Nagbibinata

Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan. Ano ang Maipapamalas mo?


Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang
misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba't-ibang tungkulin. Wika nga ng marami, tayo
ay nasa mundo upang gumanap ng ating misyon. Hindi lamang natin kailangang isagawa o
isakatuparan ang mga ito, mahalaga rin na maglaan ng panahon upang unti-unting tuklasin ang
mga ito. Patunay laman ito na namumuhay tayo sa mundo hinda para sa ating sarili lamang,
kailangan natin gmaglingkod sa ating kapwa. At sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa,
mahalaga ang matapat na pagtupad sa ating mga tungkulin.

Ang mga sumusunod ay ang iba't-ibang tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata.


1. Ang Tungkulin sa Sarili.
Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. mahirap isalin sa ibang tao ang
responsibilidad kung hindi ito nagsimulang ilapat sa sarili. Bilnag isang tinedyer, may mga bagay
na dapat bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa sarili.

1.b. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.


Isa kang obra ng Diyos. Biniyayaan ka ng talento at kakayahan na maari mong gamitin at paunlarin, hindi
lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataon na makinabang. mawawala amg
posibilidad na maibahagi mo ang kakayahan na maari sanang magkaroon na mahalagang gamit para sa
lahat. makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayaghan Isa ito sa
mahahalagang bahagi sa pagnuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong pagkalalang.
1.c makabuluhang Paggamit ng mga hilig.
may kasabihan sa Ingles na "Do what you love and you will love what you do". Ngunit hindi sapat
na ginagawa mo anmg gusto mo, kailangan mong masiguro na ginagawa mo ito nang
makabuluhan.

2. Ang Tungkulin Bilang Anak.


Hindi ka na nga bata. Paro hindi nangangahulugan ito na maari mo nang ihiwalay ang iyong sarili
sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may pinakamalaking impluwensya sa
iyong buhay.. Mayrron ka nang sapt na edad upang makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan.
Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin ang isang bagay
na hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang magtrabaho upang kumita at
makatulong sa kanila. mas mahalaga sa kanila na mag-aral ka upang makatapos. pero
makakatulong ka pa rin sa pamamagitan ng pagiging maingat sa paggastos, pagpapanatiling
malinis at maayos ang iyong sariling silid, makisangkot sa mga usapin sa bahay upang
magkaroon ng kolektibong makabuo ng pagpapasya.
Mahalaga rin na maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang ugnayan sa iyong mga magulang. Tungkulin
mong sila ay mahalin, igalang, at pagkakatiwalaan.

3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid.


Hindi naman siguro matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng mga kapatid sa
tahanan ay dumarating sa yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway. natural lamang na may
mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan ninyong magkakapatid. Ang kailangan
lamang ay huwag itong hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki. pagsikapan mong ienjoy ang panahon na kasama sila. Ang mabuting pakikitungo sa iyong kapatid ay makakatulong
upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.

4. Ang Tungkulin Bilang mag-aaral.


Ikaw ngayon ay nasa high school na. nasa higit na malaking "mundo". Mas marami kang
natutunan sa mga bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawain na iyong natatapos,
karagadagang karanasan at aral na iyong maiipon. mas nadadagdagan ang kabuluhan ng iyong
buhay.
Ang High school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito masusubok ang iyong mga
kakayahan. Dito nakadapende kung ano ang mararating sa hinaharap. Tumingin ka sa malayong
hinaharap pero gawin mo ang lahat ng iyong makakaya ngayon. Gamiting bagay ang mga
sumusunod.
a. Mag-aral ng mabuti
b. magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
c. Pataasin ang mga marka
d. gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
e. Pagyamanin ang kakayahn sa pag-iisip
f. matutong lutasin ang sariling mga suliranin
g. makilahok sa mga gawain sa paaralan

5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan


Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa
kapakanan nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin kang:
a. Pangalagaan ang maayos na pamayanan.
b. makinahagi sa gawain ng Pamayanan
c. magkaroon ng pagkukusang maglingkod
d. maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang maiparating
sa mga pinuno ng pamayanan
e. maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
f. makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan
g. Sumali sa mga samahang pangkabataan kung saan ilalaan ang sarili bilang maging mabuting
tagasunod kung hindi man maging pinuno
h. makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang
mga proyekto.

6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya.


kasama ba sa pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa iyong mga gawain sa araw-araw? Ang panalangin
ay paraan ng papuri sa Diyos. Ang panalangin ay papuri, pasasalamat, at pinakamahalaga ay ang pag-aalay
sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain. malalaman mo na ang lahat ng bagay na nasimulan sa panalangin ay
magaganap na puno ng tiwala at kahusayan. ito ay dahil nasa ilalim ng paggabay ng Diyos ang gawaing
inialay sa Kanya.

7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya.


Maraming uso at maraming makabago sa modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang
iyong isip na ang mga ito ay kailangan dahil sa husay ng presentasyon ng midya.

Labis ng nakaaalam (informed) ang mga tinedyer. Mahalagang gamitin ang mapanuring pag-iisip
(critical thinking) sa paggamit ng mga ito. Ang critical thinking ay nagtuturo sa iyo kung paano
mag-isip at hindi kung ano ang iisipin. ito ay patuloy na proseso na madalas na nagsisimula sa
isang tanong. ito ay kakayahan natin na pag-aralan ang mga bagay at ang kanilang bunga bago
magpasya o pumili. Hindi lahat ng nakikita sa midya ay totoo. Kaya mo bang gamitin ito nang
may pananagutan?

8. Mga Tungkulin sa kalikasan


malakas na ang panaghoy ng inang Kalikasan. Ang kailangan natin ay tumugon bago pa maging huli
ang lahat. may magagawa ang bawat isa sa atin. Maari mong gawin ang mga sumusunod:
a. Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutunan sa
paaralan. Hikayatin ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa pagtulong para iligtas ang
kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira.
b. mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya. Mas
palawakin pa ang kaalaman ukol sa pagbababgo ng klima (climate change) sa epekto nito at
mga solusyon sa lumalalang suliranin na bunga nito.
c. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at sa tubig. makibahagi sa
proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na tutulong upang
mabawasan ang mga suliranin sa maruming hangin at paligid.
d. kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan. mas makabubuti kung
sa ganitong paraan uubusin ang panahon kasama ang mga kaibigan. Makakatulong na ito upang
lalong mapatibay ang pagsasamahan, magdudulot pa ito ng kabutihan para sa kalikasan.
"Walang siniman ang nabubuhay para sa sarili lamang, Walang namamatay para sa sarili
lamang, Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling niya." Mula ito sa isang awit, ipinapaunawa sa atin ng mga linyang ito ang kahalagahan
ng pagtugon sa ating mga tungkulin bilang mga nilalang.
Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagpapakatao. ito ay dahil likas ito sa
tao. Ang taong tumatalikod dito ay maaaring mahalintulad sa taong naglalakad ng walang uol.
kaya habang maaga simulan mo ang tumugon sa itong mga pananagutan. lalo na sa pagtugon
sa pinakamahalagang tungkulin: ang pagkamit ng kaganapang pansarili, hanapin ang kabanalan,
upang makaalam, magmahal at maglingkod sa Diyos nang malaya.
Ang hamong ito ay hindi madali. ngunit dapat kang kumilos upang tugunan ito. mahalagang tuntungan ito
ptungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At sa tagumpay mo sa mga susunod pang yugto ang pundasyon
ng paghubog ng iyong pagkatao.

You might also like