You are on page 1of 7

Mga Kwentong Bayan /

Folktales
Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor)
ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip
na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay
nito ang alamat at mga mito.

1 | Page

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at


matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya
lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap
siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nagiisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na
Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang
ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang
dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang
alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa
kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang
pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng
gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na
magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nagitlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang
ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang
bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng
pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa arawaraw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay
pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog.
Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang
2 | Page

lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela,
ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendengkendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng
at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa
kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap
kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunungsunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o


adhika upang ito ay maisakatuparan.

3 | Page

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa
kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o
higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at
ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang
mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.
Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng
anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.
Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng
matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit
hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang
maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino
sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang
dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay
batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni
Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa
kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu,
umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
4 | Page

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.


magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Sa ganito,

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang


datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito,
madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda,
mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag
nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang
magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang
datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa
buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung
bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang
pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang
sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba'tibang paraan.

5 | Page

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang
Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay
naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng
mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa
sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at
pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at
wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo
na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong
Kawayan. Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.
6 | Page

Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang
pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at
nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang
mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na
hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang


dulot.

7 | Page

You might also like