You are on page 1of 11

Florante at Laura Buod ng bawat kabanata

Araling 1: Kay Selia


Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang
babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang.
Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang
namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayoy di
mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka
naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa
kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata.
Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay
M.A.R.
Aralin 2: Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng
kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas
sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling
ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at
pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon.
Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita
sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
Aralin 3: Pambungad na Tagpuan
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw
na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag
ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming
hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa
isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa,
kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na
balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa
gubat na makapagliligtas sa binata.

Aralin 4: Ang Reynong Albanya


Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang
naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal
magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan
ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya
ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni
Duke Briseo na ama ng nakagapos.

Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal


Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng
kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam
niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kayat
nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana,
maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang
iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin
siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang
labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka
naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal
ni Laura.
Aralin 6: Magandang Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang
nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang
sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa
namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan,
ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang
may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa
labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni
Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang
aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita
ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot
ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kayat
nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan

man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura.


Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siyay
mapayukayok.
Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong
dumating
sa
gubat
ang
isang
mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang
Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at
lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang
umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya,
maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na
sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit
mag-aamay nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat
pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos.
Mooy ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na
ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at
mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na
itoy ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging
kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa
ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal
sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama
pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal.
Maagang naulila sa ina ang gerero kayat di siya nakatikim ng
pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero
nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy
pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10: Panganib na nakaamba

Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit


parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki.
Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga
leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na
pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi
ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin
ang pag-ibig ni Laura.
Aralin 11: Ang Tagapagligtas
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing.
Kayat hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig.
Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang
marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na
ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan
ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon
hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong
ang binata.
Aralin 12: Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang
hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan
siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng
gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat
magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din
sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos
ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat,
isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki
ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang
gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog
ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang

malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata


na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan.
Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing
magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro
ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Aralin 14: Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siyay si
Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni
Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at
nagkaisip. Ang kanyang amay tanungan o sanggunian ni
Haring Linseo at tumatayong pangalawang
puno sa
kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama
si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si
Florante. Nang sanggol pay muntik na siyang madagit ng
isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas
at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang
siyay siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa
pamamasyal sa burol. Bata pay natuto na siyang mamana
ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip
na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong
itoy higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa
ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kayat tiniis nito ang luha ng
asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla
siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

Aralin 16: Nahubdan ng Balatkayo


Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa
Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si
Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si
Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila
pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa
Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Aralin 17: Nalulumbay na Puso
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya
maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito
na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang
ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong
patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si
Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang
isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante
mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina.
Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Aralin 18: Paalam, Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding
kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat
ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya.
Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na
pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong
maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa
magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda
nang hindi nagpapahalata.

Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay


Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga
kamag-aral hanggang sa daungan.
Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan.
Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling
manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon
dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari
ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang
Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng
bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at
ayon sa balitay kilabot sa buong mundo. Sa narinig,
napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang
mga balita at karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon
masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang
itoy hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura,
isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang
kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali
ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di
maging marapat sa dalaga.
Aralin 21: Pangarap na Pagibig
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa
loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante
nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw
bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito
ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng

oo ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante


patungong digmaan.
Aralin 22: Tagumpay at Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante
ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal.
Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na
halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit
magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga
kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang
dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban
hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng
taong-bayan si Florante lalo nang malamang itoy apo ng hari
ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang
kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang
kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante
na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang
bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit
nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya,
biglang kinutuban si Florante.
Aralin 23: Pag-ibig na Pilit
Hindi
nagkamali
ang
kutob
ni
Florante.
Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil
muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok.
Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang
babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga
Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura.
Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito
ang pag-ibig ng emir at itoy sinampal pa. noon binigkas ni
Laura ang sintang Florante.

Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at


ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong
nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring
tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura.
Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
Aralin 24: Patibong ng Taksil
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng
Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante
si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante
hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa
kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang
hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa
kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit
pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at
noon diy ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni
Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo.
Si
Laura
namay
nakatakdang
ikasal
kay
Adolfo.
Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali
siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala
ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan AliAdab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay
ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya
ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si
Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang
hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang
mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi
Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya
noon din. Bagamat nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig

ni Aladin na mamatay
pagmamahal ni Flerida.

kaysa

maagaw

ng

iba

ang

Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig


Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang
dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman
niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal,
nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na
patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal
sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumangayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila
nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang
babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa
mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang
kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di
inaasahang
pagtatagpong
iyon,
di
masusukat
ang
kaligayahan ng apat na tauhan.
Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya,
napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taongbayan kayat nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng
pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat
na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si
Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na
niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang
palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa
kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at
naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang
dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni
Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na
pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang

pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon


din.

Aralin 28: Masayang Wakas


Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si
Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang
makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang
bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging
Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at
Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang
mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at
Laura.

You might also like