You are on page 1of 19

MGA DIGMAAN SA ASYA

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG


Pakanan mula itaas: isang lugar sa Larangang Kanluran; mga tangkeng Mark
V ng Imperyong Briton; barkong pandigmang HMS Irresistible na lumulubog
matapos makabangga ng mina sa Labanan ng Dardanelles; mga tripulante
ng isang masinggang Vickers suot ang kani-kanilang maskarang pang-gas, at
mga eroplanong Albatros D.III ng Imperyong Aleman

Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I/pinaikling WWI) ay


isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na
kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay
napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa
(batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at
Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng
Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa
mga pinakamapinsalang giyera sa kasaysayan.
Ang pagpaslang kay Archiduque Franz Ferdinand ng isang makabayang
Serbiyo na nanggalan Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing
na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong 28
Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban
sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang
nabanggit, kasama na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibaka sa

isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang
lumaganap sa buong mundo.

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng


Austriya-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong
Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng bigong
pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang
mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang
Aleman patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang
mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad
ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin
sa digmaan ang Imperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at
iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang
Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga
Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga
Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa
digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11
Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng
Alyadong Puwersa.
Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula
sa labi ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso.
Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang
tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana
ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga
mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa
mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan
pagsapit nang 1939.
Tinatawag noong "Dakilang Digmaan" (o Great War sa Ingles) at "Digmaang
Pandaigdig" (World War) ang digmaan bago sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay kilala rin sa mga katawagang "Ang
Pandaigdigang Digmaan" (The World War), "Ang Digmaan upang Wakasan
ang lahat ng mga Digmaan" (The War to End All Wars), "Ang Digmaang
Kaiser" (The Kaiser War), "Ang Digmaan ng mga Nasyon" (The War of the
Nations) at "Ang Digmaan sa Europa" (The War in Europe). Tinatawag naman
itong La Guerre du Droit ("Ang Digmaan para sa Katarungan") o La Guerre
Pour la Civilisation/de Oorlog tot de Beschaving ("Ang Digmaan para
Mapanatili ang Sibilisasyon") sa mga medalya't bantayog sa Belhika't
Pransiya.
Ang katawagang "Unang Pandaigdigang Digmaan" ay unang ginamit nina
Ernst Haeckel, isang pilosopong Aleman, noong Setyembre, 1914 at ni Carlos

A. Repington, isang mamamahayag, noong 10 Setyembre 1918 sa kanilang


isinulat na mga talaarawan.
Sa ngayon, ang pangalan ng digmaan na ginagamit sa Nagkakaisang
Kaharian at Kanada ay "Unang Pandaigdigang Digmaan" (First World War)
samantalang "Unang Digmaang Pandaigdig" (World War I) naman sa Estados
Unidos.
Makalipas ang dalawang taon ay isang alyansang tinatawag na Liga ng
Tatlong Emperador ang pinasinayahan ng mga imperyong Aleman, AustroUnggaryo at Ruso subalit hindi nagtagal nang may namuong alitan sa
dawalang huling nabanggit hinggil sa mga usapin sa Rehiyong Balkanika.
Dahil dito, noong 1879, ay bumuo ng sariling alyansa ang Imperyong Aleman
at Austro-Unggaryo na tinaguriang Dalawahang Alyansa. Kalaunan nama'y
sumali ang Italya sa nasabing alyansa. Magmula noong 1882, ang samahan
ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Kaharian ng Italya ay kinilala
bilang Tatluhang Alyansa. Sa kabilang banda, nang mabuwag ang Liga ng
Tatlong Emperador, ay nakipag-alyansa ang Pransiya sa Imperyong Ruso
noong 1894 at nang mga sumunod na taon ay makailang ulit na lumagda ng
kasunduan sa Imperyong Briton. Noon namang 1907 ay nilagdaan ng mga
imperyong Briton at Ruso ang Kasunduang Angglo-Ruso. Ang mga
pangyayaring ito'y nagbunsod sa pagtatatag ng Tatluhang Kasunduan ng
mga imperyong Briton, Ruso at Republikang Pranses. Noon din ay
nagsimulang magparami at magpalakas ng sandatahang lakas ang bawat
bansang nabanggit pangunahin na ng Imperyong Briton at Aleman.
Noon namang 1908 ay sinakop ng Austriya-Unggarya ang Bosniya at
Hersegobina samantalang nagpahayag ng kasarinlan ang Bulgarya mula sa
Imperyong Otomano. Ikinagalit ng Serbiya at ng Imperyong Ruso ang
naunang pangyayari sapagkat ang nasabing lugar ay tahahan ng mga
mamamayang Eslabo na kanilang mga kalahi. Pagsapit naman ng 1912 ay
sinalakay ng Ligang Balkanika na kinabibilangan ng Bulgarya, Gresya,
Montenegro at Serbiya ang Imperyong Otomano na dating nakasasakop sa
kanila. Naging matagumpay ang nasabing liga at malaking bahagi ng
teritoryo ng Imperyong Otomano sa Rehiyong Balkanika ang kanilang
napasakamay subalit may namuong alitan sa pagitan ng Bulgarya't Serbiya
hinggil sa isinagawang paghahati-hati ng liga sa Masedonya samantalang
kinilala naman ang pagtatatag ng Albanya. Nang sumunod na taon ay
sinalakay ng Bulgarya ang Gresya't Serbiya subalit napipilan samantalang
sinamantala ito ng Imperyong Otomano at Rumanya upang makakuha ng
ilang teritoryo sa Bulgarya.
Noong 28 Hunyo 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip, isang makabayang
Serbiyo, si Artsiduke Francis Fernando, tagapagmana ng trono ng Austriya-

Unggarya at ang asawa nitong si Sophia sa Sarahebo, kabisera ng Bosniya at


Hersegobina. Naghain ng banta ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya ukol
sa nasabing pagpatay nang mapag-alamang si Princip ay kasapi ng Mlada
Bosna, isang kilusang Serbiyo-Bosnyo na naglalayon ng kalayaan ng mga
mamamayang Eslabo na nasasakop ng imperyo. Nagpahayag ng pakikidigma
ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya noong 28 Hulyo 1914, nang hindi
makuntento ang nauna sa isinagawang pagtugon ng huli sa naturang banta.
Kinabukasan ay iniutos ni Tsar Nikolas II ang bahagyang paghahanda ng
sandatahang Ruso. Sinagot ito ng pakikidigma ng Imperyong Aleman laban
sa Imperyong Ruso noong 1 Agosto at noong 3 Agosto laban sa Pransiya.
Nagpahayag din ng pakikidigma ang Imperyong Briton laban sa Imperyong
Aleman noong 4 Agosto nang sakupin ng huli ang Belhika (na umapela
naman ng tulong mula sa Imperyong Briton) upang dumaan sa nasabing
bansa patungong Pransiya.
Ang digmaan ay nagwakas sa kanlurang Europa noong 11 Nobyembre 1918
nang maipatupad ang isang tigil-putukan samantalang nagpatuloy ito sa
iba't iba pang dako ng daigdig hanggang sa unti-unti ring nagwakas.
Nilagdaan noong 28 Hunyo 1919 ang Tratado ng Versalles, isang kasunduang
pangkapayapaan, na siyang ganap na nagbigay-katapusan sa digmaan.
Noon pa man ay nangako na ng tulong ang Imperyong Aleman sa AustriyaUnggarya hinggil sa pagsakop nitong huli sa Serbiya. Sang-ayon sa tulong na
nabanggit, inakala ng mga pinunong Austro-Unggaryo na ipagtatanggol ng
mga Aleman ang kanilang imperyo laban sa mga Ruso samantalang
sinasalakay nila ang Serbiya. Sa kabilang banda naman, inasahan ng
Imperyong Aleman na ibubuhos ng Austriya-Unggarya ang malaking bahagi
ng lakas nito laban sa Imperyong Ruso samantalang sinasalakay niya ang
Pransiya. Bunga ng mga 'di pagkakaunawaan, napilitan ang AustriyaUnggarya na hatiing mabuti ang sandatahan nito laban sa mga Ruso at
Serbiyo.
Sa kanlurang Europa'y sinalakay ng sandatahang Aleman, sang-ayon sa
Planong Schlieffen, ang Pransiya mula Belhika sa layuning masakop ang Paris
at mapalibutan ang malaking kabuuan ng sandatahang Pranses. Kanilang
napanalunan ang Labanan ng mga Hangganan mula 1424 Agosto ngunit
napipilan sa Unang Labanan ng Marn, noong 512 Setyembre, ng
pinagsamang sandatahang Briton-Pranses. Bunga nito'y napilitang umatras
ng may 64 kilometro (40 milya) pahilaga ang sandatahang Aleman
papuntang Ilog Aisne. Ipinagpatuloy naman ng magkalabang panig ang kanikanilang mga pagsalakay mula Champagne papuntang dalampasigan ng
timog Belhika na kinikilala sa kasaysayan bilang Habulan patungong Dagat.
Matapos nito'y kapwa naghukay ang magkalabang panig ng mga bambang
na bumabagtas mula sa dalampasigang nabanggit patungong hangganan ng

Pransiya at Suwisa. Sa ganoong pangyayari'y nagsimula ang pakikidigmang


pambambang sa kanlurang Europa na naging dahilan upang halos hindi na
umusad ang magkabilang panig sa mga susunod pang taon ng digmaan.
Sa silangang Europa'y nagawa ng sandatahang Aleman na pigilan ang
anumang tangkang pananakop ng sandatahang Ruso nang talunin nila ang
mga ito sa mga Labanan ng Tanenbergo at mga Lawa ng Masuryo na
naganap mula 17 Agosto hanggang 2 Setyembre. Sa kabilang banda ay bigo
naman ang sandatahang Austro-Unggaryo na mapigilan ang pag-usad ng
sandatahang Ruso papasok ng Galisya.
Sa Rehiyong Balkanika ay sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya
subalit napipilan nang maipanalo ng huli ang Labanan ng Ser noong 12
Agosto. Makalipas ang dalawa pang linggo, naitaboy pabalik ang
sandatahang Austro-Unggaryo na nakapagtamo ng matitinding pagkatalo.
Muling sumalakay ang Austriya-Unggarya subalit muli ring napipilan sa
Labanan ng Kolubara noong 16 Nobyembre hanggang 15 Disyembre, at ang
Belgrade, kabisera ng Serbiya, na noo'y nasakop na ng Austriya-Unggarya,
ay muling nabawi ng sandatahang Serbiyo.
Lingid naman sa kaalaman ng Alyadong Puwersa, nagkaroon ng lihim na
kasunduan sa isa't isa ang Imperyong Aleman at Otomano noong Agosto,
1914. Hindi nagtagal ay lumahok na ang huli sa digmaan. Pagsapit ng
Disyembre'y sinalakay ng may Otomano ang Bulubunduking Kawkasus na
hawak ng mga Ruso subalit nabigo sa Labanan ng Sarikamish
Sa katubigang malapit sa Tsile, Timog Amerika ay nagsagupa ang plotang
Aleman at Briton sa Labanan ng Koronel noong 1 Nobyembre. Nagawang
manalo ng mga Aleman sa nasabing labanan ngunit pagsapit ng 8
Disyembre ay halos nawasak naman ang kanilang plota nang muling
makasagupa ang mga Briton sa Labanan ng mga Pulo ng Malvinas. Sinimulan
naman ng plotang Briton ang pagsasagawa ng blokeo o panggigipit sa Dagat
Hilaga at Lagusang Ingles upang putulin ang pagpasok ng suplay ng pagkain
at munisyon sa Imperyong Aleman. Kapagkadaka'y nagdulot ito ng
matinding taggutom sa mga mamamayang Aleman nang sumunod na
dalawang taon.
Sa Aprika'y sinalakay ng pinagsamang sandatahang Briton-Pranses ang
Togolandiya, isang protektorado ng Imperyong Aleman, noong 7 Agosto.
Tatlong araw makalipas, sumalakay naman ang mga Aleman sa Timog
Aprika. Sa Alemang Silangang Aprika'y pinangunahan ni Koronel Pablo Emil
von Lettow-Vorbeck ang pakikidigmang panggerilyo laban sa Alyadong
Puwersa hanggang sa siya'y sumuko dalawang linggo matapos maipatupad
ang tigil-putukan sa Europa. Sa kabilang panig ng mundo, sinalakay ng
Bagong Selanda ang Alemang Samoa noong 30 Agosto. Nang sumunod na

buwan ay sinalakay ng Australya ang Alemang Bagong Ginea noong 11


Setyembre. Sinakop naman ng Imperyo ng Hapon ang Kapuluang Mikronesya
na isa ring kolonya ng Imperyong Aleman. Sinalakay din ng Imperyong Briton
at Hapon ang Tsingtao, isa ring teritoryong Aleman sa Tsina mula 31 Oktubre
hanggang 7 Nobyembre. Hindi nagtagal ay nasakop nang lahat ng Alyadong
Puwersa ang mga teritoryong Aleman sa Asya't Pasipiko liban na lamang sa
iilang lugar sa Bagong Ginea.

Sa pagtatapos ng 1914 ay tatlong pangunahing larangan (o front sa Ingles)


ng digmaan ang nagbukas sa Europa: ito ay ang Larangang Kanluran na
matatagpuan sa timog Belhika at hilagang Pransiya; Larangang Silangan sa
silangang Alemanya, hilagang-silangang Austriya-Unggarya at kanlurang
Rusya; at Larangang Serbiyo sa hilagang Serbiya.
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay


isang pandaigdigang labanan na nagsimula
noong ika-7 ng Hulyo 1937 sa Asya at unang
araw ng Setyembre 1939 sa Europa.
Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot
ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at
bawat kontinente na may naninirahan.
Tinuturing ito na pinakamalawak,
pinakamahal at pinakamadugong labanan sa
kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang
ang mga bansang lumahok sa digmaan ay
nagbuhos ng napakaraming pwersang
militar upang lupigin ang bawat kalaban.

Mga dahilan
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya at
ng kanyang mga kasapi noong 1918. Nabago ang mapa ng Europa, at bilang
resulta nito, nagsipagsulutan ang mga bagong bansa, kasama na ang
bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan sa nasabing bansa,
dulot nito. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi

sa digmaan; sila ay ginamit bilang pambayad ng pera sa Britanya at Pransiya


na nagwagi sa digmaan. Binigyan ang naunang nasabing bansa ng mga
pagbabawal at sangksyon, kabilang na rito ang Kasunduan sa Versailles na
nagbabawal sa bansa na magsanay ng hukbong katihan na umabot sa
mahigit sa sandaang libong kawal, para maiwas ang karagdagang gulo sa
Europa at upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang dulot ng
nasabing digmaan.
Naglunsad si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923 sa lungsod ng
Munich sa Alemanya kasama ng kanyang mga kapartidong Nazi upang
tangkaing ipalawak ang kanilang kapangyarihan. Pero ang himagsikang ito
ay pumalpak, at marami sa kanyang mga kasamahan ay nabihag ng mga
awtoridad. Aabutin ang partido ng sampung taon bago sila ang magiging
pinuno ng bansa.
Pagkatapos ng mga tagumpay laban sa iba't ibang imperyo kamakailan bago
at pagkatapos ng digmaan, naramdaman ng mga Hapon ang ginigiit nilang
karapatang magpalawak ng kanilang kapangyarihan sa Asya. Sinimulan nila
ito, noong taong 1931, sa pamamagitan ng paglusob ng Manchuria na sakop
ng Tsina noon. Sapagkat nasa digmaang sibil ang bansa roon, mga
nasyunalistang Kumintang na lumalaban sa mga Komunista na dati nilang
kapanalig, lubos na mahina ang Tsina upang ipagtanggol nito ang mga
teritoryong sakop nito; ang kinalabasan ay ang mabilisang pagkaagaw ng
mga territoryo sa kamay ng mga Hapon. Nang malaman ito ng League of
Nations at kinondena pagkatapos, umalis ang Hapon sa samahan at
pinalawak nito ang imperyo sa iba't ibang ibayo ng Tsina.
Ganap na naitatag ang Unyong Sobyet noong 1922 mula sa mga lupaing
dating sakop ng mga Ruso at nawala nila pagkatapos ng mga himagsikan sa
bansa noong taong 1917. Humalili si Joseph Stalin bilang pinuno ng bagong
bansa pagkatapos ng pagpanaw ni Vladimir Lenin noong 1924. Sinimulan
niya ang malawakang industriyalisasyon at pagpapalakas ng pambansang
hukbong katihan, tinawag na "Hukbong Pula ng mga Manggagawa at
Magsasaka" o kilala lamang bilang Hukbong Pula, habang kumikitil ng buhay
ng mga pinagkakamalang mga traydor at rebisyonista sa Partido at ng
bansa.
Sa Italya naman, naglunsad ng kudeta si Benito Mussolini kasama ang mga
kanyang mga kapartidong pasista sa Roma. Bilang resulta, ibinigay ng haring
si Vittorio Emanuele III ang mga ehekutibo at mga pangmilitar na
kapangyarihan kay Mussolini. Ganap na siyang naging diktador ng bansa.

Samantala, sa Alemanya, napasakamay na rin ng Partidong Nazi sa


pamumuno ni Adolf Hitler sa wakas ang pamumuno ng bansa noong 1933.
Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Hudyo. Sunod-sunod ang
mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular na ang
bansang Italya na naging unang bansang yumayakap sa ideolohiyang
pasismo.
Sanhi ng Masidhing Panlulumo na nagsimula noong 1929 na sumira sa mga
ekonomiya ng iba't ibang bansang industriyalisado sa daigdig,
ipinangatwiran ng mga ibang diktador na kailangan nilang palakasin at
palawakin ang kani-kanilang mga bansa. Lumusob ang mga Italyano sa
Etiyopiya na matagal na nilang balak gawing kolonya nila noong 1936, at
naging matagumpay sila.
Bilang paghihiganti sa pakikipagdigma laban sa Tsina, tinigilan ng Estados
Unidos ang pagsusuplay ng langis sa mga Hapon. Dahil dito, nalilimita ang
mga militar na kapabilidad ng mga Hapon, at ito rin ang dahilan kung bakit
pagulat na inataki nila ang base militar ng Pearl Harbor noong 1941.

DIGMAANG PILIPINO AT ESPANYOL

Simula noong 1896 ang pangkat ng


mga Filipinos sa ilalim ng Pangkat
Magdalo ay gumawa ng kanilang
magagawang tulong upang mapalaya
ang lalawigan ng Marinduque mula sa
mga dayuhang Kastila. Ang pangkat ng
mga taga Mogpog ay pinamumunuan ni
Basilio Mendez at pumangalawa sa
tungkulin ang kanyang kapatid na si
Vicente Mendez na siyang recruiting
officer o naghahanap ng mga kaanib ng kilusan. Si Olympia Mendez ang
Supply Officer o tagatustos ng mga kinakailangan ng kilusan. Ang mga iba
pang mga pinuno ng pangkat ay sina Juan Manuba alyas Mauser, Felix
Lavega, Fabian Medenilla, Dalmacio at Pedro Lamac, Bartolome Taingaso at
marami pang iba. Noong Disyembre 1896 ng si Gat. Jose Rizal ay barilin sa
Bagumbayan, ang mga insurectors ng Mogpog ay marami na. sa loob ng
isang taon, sila ay nagsanay ng escrima o estocada(FENCING) hand to
hand combat at sa paggamit ng mga yaring bahay ng mga baril kung
tawagin ay de Pugon.

Noong Agosto 1897 ang mga rebolusyunista ng Marinduque sa pamumuno ni


Herminihildo Torres ay nagsagawa ng kanilang pang-unang pagsalakay sa
Bayan ng Boac sa tulong ng mga insurectors na mga taga Mogpog. Ang
kanilang target ay ang simbahang katoliko ng Boac upang patayin ang mga
sundalong Kastila na nakatira sa kumbento ng nasabing simbahan. Hindi
nagtagumpay ang kanilang pagsalakay sapagkat marami sa kanilang
insurectors ang napatay. Ang ilan ay nabihag at ang iba naman ay nangagsiurong. Ang mga nabihag ay sina Juan Manuba, Felix Lavega, Fabian
Medenilla at magkakapatid na Lamac at iba pa. ang mga sundalong Kastila
na binubuo ng mga talagang tunay na Kastila at mga Pilipinong kusangloob(volunteers) na umanib sa kilusan ay sumunod at humabol sa mga
insurectors kung kayat patuloy ang laban ng dalawang pangkat. Ang mga
rebolusyunista ng Mogpog ay nagtayo ng crude battery pananggalang na
yari sa abaka na ibinibigay ng isang Intsik na naninirahan sa bayan ng
Mogpog. Naging mahina ang pakikipaglaban ng mga Filipinos laban sa mga
Kastila dahil may mga garantisadong armas ang huli. Ang mga insurectors ay
nangag-siruong hanggang sa marating nila ang kanilang kuta sa nayon ng
Bintakay kilala sa taguring Bundok ng Camarines na tinatawag ngayong
Pinagbateryahan. Dito ay ginawa nila ang pangwakas ng pagtatanggol sa
bayan sa laban sa dayuhan. Sa pamamagitan malalaking bato, naitaboy nila
ang mga Kastila at tumagal ang laban sa loob ng isang linggo.
Ang pangkat ng mga sundalong Kastila sa pamumuno na Sgt. Vedasto
Mawac ay ipinadala upang mapatunayan kung totoong ang landas o daan
doon ay ligtas at maaring marating ng mga Filipinos. Ang Estocada ay
sumunod ng mag-abot ang magkabilang grupo. Sa labang ito dinaig ng mga
sundalong Kastila sa pamamagitan ng kanilang kasanayan sa pagsaksak. Si
Vedasto Mawac ay napatay sa tabi ng daan patungong Camarines sa nayong
kung tawagin ngayon ay Mababad samantalang ang kanyang mga
kasamahan ay nagbalik sa Poblacion, duguan dahil sa sugat nilang tinamo sa
labanan.
Sa kabila ng bundok sa lugar na ngayon kung tawagin ay Bintakay, dalawang
sarhentong Kastila, sina Sgt. Raymundo Lecaros at Tranquilino Lecaros ay
naghahanap din ng daan patungong Camarines. Nakita o namataan sila ng
pangkat ng mga insurectors na pinamumunuan ni Olympia Mendez, ang
Gabriela Silang ng Mogpog single handed. Nagsimula na naman ang
labanan samantalang silang lahat ay nakakabayo, dito ay ipinakitang muli ni
Olympia ang kanyang kakayahan. Nasugatan niya ang dalawang kalabang
ito at di nagtagal ay naitaboy nila ang mga kalabang hanggang makarating
sila sa lugar na kung tawagin ay Duongan sa nayon ng Laon.

Makalipas ang isang linggong pananalakay sa grupo ng mga Filipino, ay ang


mga sundalong Kastila ay nagbalik na sa Boac dala ang bangkay ng mga
nasawi at mga nasugatan pagkatapos ang mga insurectors ay malaya na
namang nakapamasyal sa Bayan ng Mogpog.
Ipinakita nila sa publiko ang bangkay ni Sgt. Vedasto Mawac na buhat buhat
nila na nakalagay sa kawayan.
Ang mga Kastila ay naghiganti upang tumbasan ang kanilang pagkatalo sa
digmaan sa Bintakay. Makalipas ang huwad na paglilitis na tumagal ng halos
isang buwan ang mga insurectors na nabihag sa pagsalakay ng mga ito sa
Boac Catholic Church ay nahatulan at binitay sa pamamagitan ng firing
squad. Ang pagbitay ay naganap noong 10 de Octubre 1897 sa harapan ng
Kumbento ng Simbahan ng Boac na nagsilbing barracks o kwartel ng mga
sundalong Kastila. Ang mga labi ng mga insurectors ng Mogpog ay isinakay
sa karomata, kalesa o kariton at dinalang muli sa Mogpog upang ilibing sa
sementeryo nang naturang bayan. Bago naganap ang paglilibing, ang
sundalong Kastila na nakatalaga sa paglilibing na tumayo na may pangakong
kalayaan para sa kanila. Si Juan Manuba at Felix Lavega ay tumayo. Sila ay
pinalaya. Si Juan Manuba ay tinawag na Mauser, bagay na pangalan ng baril
na ipinagtibay sa mga baril na ipinagtibay sa mga insurectors.

DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO

Nagsimula
ang
digmaan sa pagitan ng mga
Pilipino at Amerikano noong
Pebrero 4, 1898. nagsimula
ito sa tulay ng San Juan
nang barilin ng sundalong
Amerikanong si William W.
Grayson
ang
dalawang
sundalong
Pilipinong
naglalakad sa tulay ng San
Juan. Tinamaan at napatay ang isa sa sundalong Pilipino habang ang kasama
nito ay nakatakas. Maya-maya ay naglabasan na ang mga sundalong Pilipino
at nagsimula na ang labanan sa pagitan ng dalawang panig.
Sa pangyayari sa San Juan, ibinintang ng mga Amerikano sa mga
Pilipino ang unang nagpaputok. Sinabi rin nila na talagang binalak ng mga
Pilipino ang pagsisimula ng labanan. Hindi ito maaaring mangyari dahil sa
nang mga sandaling iyon ay nasa isang pagdiriwang si Aguinaldo at iba pang

heneral sa Malolos at kasama rin niya roon si Koronel San Miguel na siyang
pinuno ng mga sundalong Pilipino sa Masantol. Maging si Antonio Luna na
direktor ng digmaan ay nasa San Fernando, Pampanga at ang tanging
heneral na nasa kanyang posisyon ay si Heneral Pantaleon Garcia. Ang
pangyayaring ang mga heneral ay nasa magkakaibang lugar ang patunay na
di nila binalak na lubusin ang mga Amerikano.
Nagkaroon din ng labanan sa iba pang dako ng Maynila. Nang
malaman ito ni Aguinaldo, sinulatan niya si Heneral Otis upang mapagusapan ang mga nangyari ngunit tumanggi si Heneral Otis at sinabing ang
pinasimulang labanan ay itutuloy ng mga Amerikano hanggang sa kahulihulihang sandali. Walang nagawa si Aguinaldo kundi ibalita sa mga Pilipino
na silay nasa isang digmaan na naman at itoy laban sa mga Amerikano.
Mabilis na kumalat ang labanan sa iba pang panig ng Maynila gaya ng
Intramuros, La Loma, Caloocan at Tondo. Dumating ang mga tulong-sundalo
mula sa Estados Unidos. Ikinalat ang mga ito sa ibat ibang panig ng
kapuluuan kasabay ng utos na sakupin ang mga lalawigan. Nakuha ang Iloilo
noong Pebrero 20 gayong malakas ang puwersa ni Heneral Martin Delgado.
Ang Cebu ay isinuko noong Pebrero 22 nang walang laban. Galit na galit ang
gerilyang Pilipino at binantaan nila na papatayin ang sinumang
makipagtulungan sa mga Amerikano. Sa Negros ay nakipagtulungan pa ang
mga mayayamang Negrensa sa mga Amerikano kapalit ang pahintulot na
paggawa ng saligang-batas sa pamamahala ng lalawigan. Sa Mindanaw,
nakipagkasundo ang mga Amerikano sa mga Muslim. Pinagtibay ang
Kasunduang Batas na kilalanin ng Sultan ng Jolo ang kapangyarihan ng
Estados Unidos at sa mga pulo nito kapalit ang paggalang ng mga Amerikano
sa mga karapatan at katayuan ng mga Sultan. Gayundin malayang
makipagkalakalan ang Jolo sa iba pang panig ng kapuluan.
Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang tapang sa pakikipaglaban sa
mga Amerikano. Isa sa magiting na ito ay si Antonio Luna na dahil sa
kanyang matibay na paninindigan ay maraming nakakagalit. Ang bagay na
ito ay naging sanhi ng kanyang kamatayan hindi sa kamay ng dayuhan kundi
sa kamay ng sarili niyang kababayan. Pinapunta ni Aguinaldo noong Hunyo 5
sa Cabanatuan kung saan ay dito siya napatay. Walang naganap na
imbestigasyon sa pagkamatay niya, katunayang binalak ang nasabing
pagpaslang.
Ibat ibang taktikang pandigma ang ginamit ng mga Amerikano upang
maputol ang insureksyon. Isinagawa ang pagkokordon, rekonsentrasyon at
suspensyon ng writ of habeas corpus. Ang mga Pilipinong naninirahan sa
isang baryo ay inilipat sa mga kampo at ang sinumang lalabas ay papatayin.
Sinunog din ang naiwang kabuhayan. Ang layunin nitoy upang putulin ang
pagtulong ng masa sa mga gerilyang lumalaban sa mga Amerikano. Nang
mabihag si Aguinaldo noong Marso 23, 1901 at manumpa ito sa

pamahalaang Amerikano inakala nilang tapos na ang labanan. Ngunit lalong


nagalit ang mga Pilipino at dumami pa ang namuno sa ibat ibang
rebolusyon.
Malakas at mahabang panahon ang naging pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa mga Amerikano. Noong Hulyo 4, 1902, ipinahayag ni Pangulong
Theodore Roosevelt na tapos na ang insureksyong Pilipino.

DIGMAANG PILIPINO AT HAPONES


Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay
ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula
1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng
Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa
ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo


ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941.
Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl
Harbor, Hawaii, Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras
sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L.
Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng
militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa
puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng
digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng
Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa
lalawigan ng Tarlac.

Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si


MacArthus sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan
Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang
sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal
nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa
Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan
lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.

Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas


mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas
MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng
Pilipinas si Sergio Osmea nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na
nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero
1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral
Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang
sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.
ANGLO BURMESE WAR

The First Anglo-Burmese War


(Burmese) March 1824 24
February 1826) was the first of
three wars fought between the
British and Burmese Empires in
the 19th century. The war,
which began primarily over the
control of northeastern India,
ended in a decisive British
victory, giving the British total
control of Assam, Manipur,
Cachar and Jaintia as well as
Arakan Province and Tenasserim. The Burmese were also forced to pay an
indemnity of one million pounds sterling, and sign a commercial treaty.

Fifteen thousand European and Indian soldiers died, together with an


unknown number of Burmese military and civilian casualties. The high cost of
the campaign to the British, 513 million pounds sterling (367 million-953
million as of 2015)[3][4] contributed to a severe economic crisis in British
India which cost the East India Company its remaining privileges.
For the Burmese Empire, it was the beginning of the end of their
independence. The Third Burmese Empire, for a brief moment the terror of
British India, was crippled and no longer a threat to the eastern frontier of
British India.[4] The Burmese would be crushed for years to come by
repaying the large indemnity of one million pounds (then US$5 million), a
large sum even in Europe of that time.[2] The British would make two more

wars against a much more weakened Burma, and swallow up the entire
country by 1885.

DIGMAANG LABAN SA OPYO

Ikalawang digmaang opyo (1856-1860) Sanhi : Patuloy na pagpasok ng ilegal


na opyo Kaganapan : Iang barkong Tsino na may watawat ng Britain ang
sapilitang pinigil ng tropang Tsino. Dinakip ang kapitan na British at
kinasuhan ng pamimirata at smuggling. Nagprotesta ang mga British at
nagdeklara ng digmaan. Umanib ang France sa Britain laban sa China nang
bitayin ng Tsino si Abbe Chapdelaine, isang misyonerong Pranses na dinakip
dahil sa pagpapalaganap niya ng Kristiyanismo sa ipinagbabawal na lugar.
Muling ipinakita ng mga dayuhang Europeo ang lakas ng kanilang Sandata.
Madali nilang nagapi ang mga Tsino na gumamit ng mahinang uri ng
amunisyon. Sapilitang nakipagsundo ang pamahalaang Tsino sa Tientsin
noong 1858. Bunga : muling nalupig ang mga Tsino at lumagda sa
kasunduan sa Tientsin. Sa kabila ng pagsuko, nagpatuloy ang labanan ng
dalaang taon dahil sa pagpapatibay ng mga Tsino ng pader at paggawa ng
narchy patungong peking. Tuluyan nang sumuko amg mga Tsino sa malakas
na puwersang British at Pranses noong 1860.

DIGMAANG MALAMIG
Ang Digmaang Malamig (Ingles:
Cold War, Ruso:
) ay isang digmaan na
nangyari pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ito ay nangyari mula 1945
hanggang 1991, nangyari ang
digmaan dahil sa tensiyon ng
kompetensiya sa Ekonomiya,
ang hindi pagkakasundo ng mga
politiko, at tensiyong militar, ang
digmaang ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa kasama ang Estados
Unidos at ang Unyong Sobyet kasama ang mga kaalyado nito. Pinatanyag
ang katawagang Digmaan Malamig ng tagapayong pampolitika at tagapondo
na Amerikanong si Bernard Baruch[kailangan ng sanggunian] sa isang
debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang Truman.
Ang paghihirap ng Digmaang Malamig ang humubog sa mga kasalukuyang
pangyayari. Ito ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa
ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang
Europa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at
Unyong Sobyet). Naging labanan ito ng ideolohiya at tinawag na Digmaang
Malamig dahil walang naganap na putukan sa pagitan ng dalawang bansa.
Simula ng Digmaang Malamig
Nabuo ang Digmaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
pagitan ng Estados Unidos at mga kaalyado nito at sa kabilang panig ang
mga pangkat ng mga Bansa sa pamumuno ng Unyong Sobyet. Walang
tuwirang alitang militar ang dalawang makapangyarihang bansa. Sa halip,
umiral ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at hidwaan tungkol
sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang
Europa.

Sa simula, nakasentro ang Digmaang ito sa paggamit ng lakas-militar ng


Unyong Sobyet at ang pagtatatag ng komunistang pamahalaan sa Silangang
Europa. Nagdulot ito ng takot at pangamba sa marami na baka gawing
komunista ang Kanlurang Europa pagkatapos makontrol ang Silangang
Europa.
DIGMAAN SA GOLPO

Ang Digmaan sa Golpong Persiko (Persian Gulf War) (2 Agosto 1990 28


Pebrero 1991), karaniwang tinutukoy bilang ang Digmaan sa Golpo o ang
Gulf War sa Ingles, na kilala rin bilang ang Unang Digmaan sa Golpo (First
Gulf War), ang Ikalawang Digmaan sa Golpo (Second Gulf War), at bilang Ang
Ina ng Lahat ng mga Labanan (The Mother of all Battles) batay sa pananaw
ng Iraking pinuno na si Saddam Hussein, at kadalasang tinatawag namang
Bagyo sa Ilang o Unos sa Disyerto (Desert Storm) para sa katugunang
militar, ay ang huling hidwaan sa pagitan ng puwersang koalisyon mula 34
na mga bansa laban sa Irak, na sinimulan na may pagpapahintulot ng
Nagkakaisang mga Bansa, na may ipinadamang layunin ng pagpapaalis ng

mga lakas-militar mula sa Kuwait pagkaraan ng paglusob at pananakop dito


noong 2 Agosto 1990.

VIETNAM WAR
The Vietnam War (Vietnamese: Chin tranh Vit Nam), also known as the
Second Indochina War,[35] and also known in Vietnam as Resistance War
Against America (Vietnamese: Khng chin chng M) or simply the
American War, was a Cold War-era proxy war[36] that occurred in Vietnam,
Laos, and Cambodia from 1 November 1955[A 1] to the fall of Saigon on 30
April 1975. This war followed the First Indochina War (194654) and was
fought between North Vietnamsupported by the Soviet Union, China and
other communist alliesand the government of South Vietnamsupported
by the United States and other anti-communist allies.[41] The Viet Cong (also
known as the National Liberation Front, or NLF), a South Vietnamese
communist common front aided by the North, fought a guerrilla war against
anti-communist forces in the region. The People's Army of Vietnam (also
known as the North Vietnamese Army) engaged in a more conventional war,
at times committing large units to battle.
As the war continued, the part of the Viet
Cong in the fighting decreased as the
role of the NVA grew. U.S. and South
Vietnamese forces relied on air
superiority and overwhelming firepower
to conduct search and destroy
operations, involving ground forces,
artillery, and airstrikes. In the course of
the war, the U.S. conducted a large-scale
strategic bombing campaign against
North Vietnam, and over time the North
Vietnamese airspace became the most
heavily defended in the world.

The U.S. government viewed American involvement in the war as a way to


prevent a Communist takeover of South Vietnam. This was part of a wider
containment strategy, with the stated aim of stopping the spread of

communism. According to the U.S. domino theory, if one state went


Communist, other states in the region would follow, and U.S. policy thus held
that Communist rule over all of Vietnam was unacceptable. The North
Vietnamese government and the Viet Cong were fighting to reunify Vietnam
under communist rule. They viewed the conflict as a colonial war, fought
initially against forces from France and then America, as France was backed
by the U.S., and later against South Vietnam, which it regarded as a U.S.
puppet state.[42]

Beginning in 1950, American military advisors arrived in what was then


French Indochina.[43][A 3] U.S. involvement escalated in the early 1960s,
with troop levels tripling in 1961 and again in 1962.[44] U.S. involvement
escalated further following the 1964 Gulf of Tonkin incident, in which a U.S.
destroyer clashed with North Vietnamese fast attack craft, which was
followed by the Gulf of Tonkin Resolution, which gave the U.S. president
authorization to increase U.S. military presence. Regular U.S. combat units
were deployed beginning in 1965. Operations crossed international borders:
bordering areas of Laos and Cambodia were heavily bombed by U.S. forces
as American involvement in the war peaked in 1968, the same year that the
communist side launched the Tet Offensive. The Tet Offensive failed in its
goal of overthrowing the South Vietnamese government but became the
turning point in the war, as it persuaded a large segment of the United
States population that its government's claims of progress toward winning
the war were illusory despite many years of massive U.S. military aid to
South Vietnam.
Disillusionment with the war by the U.S. led to the gradual withdrawal of U.S.
ground forces as part of a policy known as Vietnamization, which aimed to
end American involvement in the war while transferring the task of fighting
the Communists to the South Vietnamese themselves. Despite the Paris
Peace Accord, which was signed by all parties in January 1973, the fighting
continued. In the U.S. and the Western world, a large anti-Vietnam War
movement developed. This movement was part of a larger Counterculture of
the 1960s.
Direct U.S. military involvement ended on 15 August 1973 as a result of the
CaseChurch Amendment passed by the U.S. Congress.[45] The capture of
Saigon by the North Vietnamese Army in April 1975 marked the end of the
war, and North and South Vietnam were reunified the following year. The war
exacted a huge human cost in terms of fatalities (see Vietnam War
casualties). Estimates of the number of Vietnamese service members and

civilians killed vary from 800,000[46] to 3.1 million. Some 200,000300,000


Cambodians, 20,000200,000 Laotians, and 58,220 U.S. service members
also died in the conflict.

You might also like