You are on page 1of 2

MEMO BLG.

EDG 2015-002
Mga Miyembrong Konseho ng Mag-aaral sa UP System
Pambansang Pagkilos sa Pebro 25 at 27 at Marso 13
Pebrero 18, 2015
Mga Kapwa Lider-Estudyante:
Maalab na pagbati!
Sa kasalukuyan, kaliwat kanan ang patuloy na atake sa kabataan at mamamayan ng
rehimen ni Noynoy Aquino. Nagbukas ang taon sa pamamagitan ng dagdag pasahe sa
MRT at LRT, isa sa itinuturing na pangunahing moda ng transportasyon ng marami nating
kababayan sa kalungsuran pagdating sa aspekto ng paghahanapbuhay, pag-aaral, at
iba pang arawang aktibidad. Sa kabila ng naging pag-rolbak sa presyo ng gasolina,
nananatiling mataas ang presyo ng maraming bilihin. Kasabay nito, hindi maawat sa
pagbulusok pataas ang halagang ipinapataw sa mamamayan para sa maraming
serbisyong kanyang kinakailangan.
Ngayon ding buwan ng Pebrero, idinaraos ang konsultasyon sa ibat ibang pamantasan
kaugnay ng mga planong pagtataas ng matrikula. Ang mga taunang konsultasyon na ito,
gaya ng paulit-ulit nang nangyayari, ay isinasagawa lamang upang pinal nang
matatakan ang lalo pang pinalolobong patung-patong na bayarin ng mga estudyante at
ng kanilang mga magulang. Malinaw, walang pangil at kontrol ang Commission on Higher
Education (CHED) at administrasyong Aquino sa mga pribadong institusyong ang tanging
layon ay magkamal ng kita.
Noong nakaraang Enero 25, nagkasalpukan sa Mamasapano, Maguindanao, ang mga
puwersa ng PNP Special Action Force (SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na
siyang ikinasawi ng humigit-kumulang 70 katao mula sa parehong panig dagdag pa ang
bilang ng mga sibilyang nadamay. Nagawang isubo ng ating sariling Pangulo ang PNPSAF sa tiyak na kapahamakan nang italaga niya ang mga ito sa misyong palihim na
pasukin ang teritoryo ng MILF malinaw na paglabag sa kasunduan tigil-putukan sa
kasagsagan ng usapang pangkapayapaan. Lahat nang ito, bilang pagpapasailalim sa
dikta ng gobyernong Amerikano.
Mananatiling bulnerable ang mga kabataan at mamamayan lalo na kung hindi tayo
lulusong upang lumaban. Tulad ng marami, tayo ay nagsasawa at nawawalan ng pagasa sa kasalukuyang sistemang umiiral, kung kaya mahalagang ilaan ang lakas at
enerhiya sa mithiing baguhin ang kalagayan ng lipunang ating ginagalawan.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, mahalaga ang ating magiging ambag sa mga gaganaping
pagkilos na may pambansang saklaw. Hamon sa ating patambulin ang hinaing hindi
lamang ng ating mga kapwa estudyante at ng iba pang kabataan kundi ng maraming
mamamayan na patuloy na nasasadlak sa kapabayaan, pagsasamantala, at inhustisya.
Kasama ng iba pang kabataan at mamamayan sa ibat ibang panig ng bansa,
hinihikayat na magkaroon ng disenyo ng pagkilos ang ating mga kampus sa mga darating
na araw:
1 Paggunita sa EDSA Revolution sa ika-25 ng Pebrero, isang buwan matapos ang
bloodbath sa Mamasapano
2 Pambansang araw ng pagkilos ng mamamayang nanawagan ng pagbabago sa
kasalukuyang sistema ng mga kabataang patuloy na pinagkakaitan ng karapatan sa
edukasyon sa ika-27 ng Pebrero
3 Paggunita sa ikalawang taon ng pagpanaw ng ating kapwa Iskolar ng Bayan na si Kristel
Tejada (March 15) na hinihikayat ganapin sa ikaw-13 ng Marso

Hindi nalalayo ang mauugong na isyu na may pambansang saklaw sa mga isyu na
kinahaharap natin dito sa loob ng pamantasan. Bunsod ng mga polisiya na ipinatupad at
patuloy na ipinatutupad ng ating pamahalaan, lalot lalong nalalayo sa Iskolar ng Bayan
ang kanyang mithiing makapag-aral. Tayo man ay nagiging biktima ng kaliwat kanang
gastusin sa loob ng pamantasan mula sa mataas na matrikula at bayarin sa laboratoryo
hanggang sa mga pasilidad, kagamitan, at espasyo na dapat sanay inilalaan ng
pamantasan upang higit na linangin an gating pagkatuto. Walang kawala ang Iskolar ng
Bayan sa lumalalang krisis sa edukasyon na inianak na ng mga patakarang walang ibang
layon kundi ang patuloy at papalala pang liberalisasyon, pribatisasyon, at deregulasyon.
Sa pinakamaagap, inaasahan ang pagtalima ng mga konseho ng mga mag-aaral sa
buong UP System upang maipalaganap ang kampanya at makapagpakilos ng ating mga
kapwa Iskolar ng Bayan.
1 Mungkahi na iayon ang inyong lokal na kampanya sa ganitong disenyo at iakma ang
mga darating na aktibidad sa temang nagpapanawagan ng katotohanan at
pagpapanagot sa kasalukuyang gobyerno upang makamit ang hustisya na patuloy
na inaasam ng kabataan bunsod ng napakaraming kasalanan nito sa kanyang mga
mamamayan.
2 Pagkaisahin ang buong konseho upang maabot ang lahat ng estudyante at mahagip
maging ang mga miyembro ng kaguruan, mga kawani, at iba pang miyembro ng
komunidad.
3 Masinsin na tipunin ang mga datos na makatutulong sa ating kampanya upang
makabuo ng komprehensibong talaan ng mga bayaring sinisingil sa mga mag-aaral labas
pa sa kung ano ang mismong nakasaad sa ating mga Form 5.
4 Mag-organisa ng ibat ibang porma ng konsultasyon, paliwanagan, at talakayan upang
higit pang maipalaganap ang impormasyon ukol sa kampanya. Tiyakin ang
pagsasagawa ng dokumentasyon at pagsasapubliko ng mga ulat mula sa mga tipunang
ito. Maksimisahin ang platapormang online at offline upang higit pang mapatambol ang
mga isyu sa loob at labas ng pamantasan.
5 Pagtibayin ang pakikipag-alyansa sa ibat ibang organisasyon at pormasyon ng mga
kabataan at mag-aaral upang higit na lumawak ang ating naaabot at napapakilos.
Maaari nang simulan ang pagtindig ng mga alyansa tulad ng Rise for Education para sa
ating local at sektoral na kampanya at Youth Act Now para naman sa mga isyung may
pambansang saklaw.
Tiyakin na ang lahat nang aktibidad na gagawin natin sa mga darating na araw ay
makaaambag para sa malakas at malapad na pagpapakilos sa mga petsang binanggit
sa itaas. Kung sakaling mayroon nang nakatakdang plano ang inyong mga yunit para sa
darating na panahon, sikaping maipagtalab at maisama ang disenyong hinihingi mula sa
atin. Susi sa magiging tagumpay ng ating kampanya ang lahat ng bagay na ating
gagawin sa mga darating na araw at ang kolektibo, koordinado, at sustinidong
pagsubaybay sa mga gawaing ito.
Kung sakaling mayroong mga katanungan ukol sa mga bagay na binanggit, huwag magatubiling ipagbigay-alam sa inyong lingkod o sa sinumang miyembro ng ating National
Executive Council.
Inaasahan ng KASAMA sa UP ang inyong pagtalima sa ating kampanya.
Maraming salamat!

EDUARDO D. GABRAL
Pambansang Tagapangulo
09273841392 | edgabral@up.edu.ph

You might also like