You are on page 1of 10

ANG KUWINTAS

ni Guy de Maupassant
Isa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para bang nagkamali ang
tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda
na ikasal kaninoman, walang umaasa na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala,
maunawaan, mahalin, at makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus,
isang hamak na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang
kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi siya masaya
dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas mababa pa sa kanyang uri. Pero
ang mga babae naman talaga ay hindi nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang
kagandahan, kahinhinan, at alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang
natural na pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na isip ay
nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na ito, ang babaeng
tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na kapantay ng pinakamataas na babae
sa balat ng lupa.
Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niyay ipinanganak siya
para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan. Pinagdurusahan niya ang kanyang
hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis
na kurtina. Lahat ng itona maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niyaay nagdudulot
sa kanya ng pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa
kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin at natigatig ang
kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang kanyang imahinasyon at naisip niya
ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga
nagtataasang sulo na yari sa tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot
na mahahabang medyas na nagmumula sa tuhod at nahihimbing sa malalaking sopa, dahil sa
nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya rin ang malalawak na silid na
napapalamutian ng antigong telang sutla, at maliliit ngunit kaaya-aya at mababangong silid na
nilikha para sa mga munting salusalo kasama ang mga pinakamalapit na kaibigan, at mga
lalaking pamoso at inaasam-asam, na ang pamimitagan ay nakatitigatig ng inggit at pagnanasa sa
kababaihan.
Nang dumulog siya para sa hapunan sa hapag na natatakpan ng mantel na kalalagay lang tatlong
araw na ang nakararaan, katapat ng kanyang asawa na nag-alis ng takip ng lalagyan ng sopas at
napabulalas nang buong saya: Aha! Scotch broth! May hihigit pa ba rito?, muli na
namang lumipad ang imahinasyon ng babae at naisip niya ang mga pagkasarap-sarap na pagkain,
mga kumikinang na kubyertos, mga tapiseriya na tumatakip sa mga dingding at naglalarawan sa
mga sinaunang tao at mga kakatwang ibon mula sa mga kagubatang pinamamahayan ng mga
diwata; naisip niya ang mga kasiya-siyang pagkain na nakalatag sa mga kamangha-manghang

bandehado, mga pabulong na panunuyo, na pinakikinggan nang may di mawaring ngiti habang
ngumangasab ng mamula-mulang laman ng isda o pakpak ng manok na may halong asparago.
Wala siyang magagandang damit at alahas. At ito ang mga bagay na iniibig niya. Pakiramdam
niyay nilikha siya para sa mga bagay na ito. Matagal na niyang inaasam na makapang-akit,
na mapagnasaan, na kahumalingan, at maging kaasam-asam.
Nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan, isang dating kaklase na ayaw niyang bisitahin,
dahil nakararamdam siya ng matinding pagkasawi habang papauwi siya sa kaniyang tirahan.
Ilang araw siyang umiiyak, saklot ng kalungkutan, pagsisisi, kawalang-pag-asa, at pagdurusa.
Isang gabi, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya, hawak ang isang malaking sobre.
Para sa iyo ito, sabi niya.
Mabilis na pinunit ng babae ang sobre at hinugot mula sa loob nito ang isang papel kung saan
nakasulat ang mga katagang ito:
Hinihiling ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau na makapiling sina Ginoo at
Ginang Loisel sa Kagawaran ngayong Lunes ng gabi, ika-18 ng Enero.
Ngunit imbes na matuwa, gaya ng inaasahan ng kanyang asawa, inihagis ng babae ang
imbitasyon sa mesa, sabay bulong ng:
Anong gusto mong gawin ko rito?
Bakit, mahal ko? Akala koy masisiyahan ka. Matagal ka nang hindi lumalabas. Napakaimportanteng okasyon nito, at pinaghirapan kong makakuha ng imbitasyon para rito. Lahat ay
gustong maanyayahan sa pagtitipong ito. Piling-pili ang makakapunta, at iilan lang ang
napaunlakang kawani na gaya ko. Makikita mo rito ang lahat ng matataas na tao.
Tumalim ang tingin ng babae sa asawa, saka nagsalita na parang naubusan na ng pasensya:
At ano sa palagay mo ang isusuot ko sa pagtitipong yan?
Hindi iyon naisip ng lalake; pautal niyang nasabi:
Bat di mo gamitin yung isinusuot mo pag nagpupunta ka sa teatro? Napakaganda
noon, para sa akin

Natigilan ang lalake, natuliro, at naghahanap ng sasabihin nang makita niyang umiiyak na ang
kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga
mata patungo sa gilid ng kanyang labi.
Anong nangyayari sa iyo?
Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at kalmado siyang
tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:
Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang
yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may asawang mas nababagay
diyan kaysa sa akin.
Halos madurog ang puso ng lalaki.
Sandali lang, Matilda, giit ng asawa. Magkano ba ang isang simpleng damit na
nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang pagtitipon?
Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong klaseng damit
habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede niyang hingin sa asawa, na hindi
matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng lalaki.
Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:
Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs.
Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para makabili ng isang
baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang
pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang namamaril ng ibon tuwing Linggo.
Ngunit gayunpaman, sinabi ng lalaki: Kung ganoon, bibigyan kita ng apat na raang francs.
Siguruhin mo lang na makabibili ka ng isang napakagandang damit.
Papalapit na nang papalapit ang araw ng kasayahan. Kahit handa na ang kanyang damit, nagiging
malungkutin pa rin si Ginang Loisel, laging di mapalagay, at balisa.
Ano bang nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo
Nahahabag ako sa aking sarili, dahil wala akong alahas, ni isang mamahaling bato ay wala
akong maisusuot, tugon ng babae. Wala akong mukhang ihaharap kaninoman. Mas
mabuti pa yatang wag na lang akong dumalo sa kasayahan.

Magsuot ka ng bulaklak, sabi ng lalaki. Sa halagang sampung piso, makakabili ka ng


dalawa o tatlong rosas.
Ngunit hindi kumbinsido rito ang babae.
Wag na lang Kahihiya-hiya kung magmumukha akong dukha sa harap ng
napakaraming mayamang babae.
Napaka-estupida mo! bulalas ng asawa. Pumunta ka kay Ginang Forestier at
tanungin mo kung pwede ka niyang pahiramin ng mga alahas. Alam mo namang kilala siyang
alahera, di ba?
Napabulalas ng tuwa ang babae.
Tunay nga. Hindi ko yon naisip.
Kinabukasan, nagpunta ang babae kay Ginang Forestier at ikinuwento niya rito ang kanyang
problema.
Nagtungo si Ginang Forestier sa kanyang iskaparate, kinuha mula rito ang isang malaking kahon,
binuksan ito, at sinabi:
Mamili ka rito, mahal.
Unang tiningnan ng babae ang mga pulseras, tapos ay isang kuwintas na may perlas, at isang
gintong krus na may makikinang na bato. Galing ito sa Venetia, at sadyang napakahusay ng
pagkakagawa. Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili na gamit ang mga alahas.
Nagbabantulot siya at di makapagdesisyon kung iiwan o isosoli niya ba ang mga alahas. Panay
ang tanong niya:
Mayroon ka pa bang iba?
Oo. Ikaw na ang mamili. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo.
Kapagdakay nakita niya sa isang maliit at itim na lalagyan na yari sa satin ang isang
napakagandang alahas na diamante.
Tumibok ang pagnanasa sa puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang
alahas. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg, sa ibabaw ng kanyang mahabang damit, at ilang
sandali siyang nalunod sa kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.

Tapos ay nag-aalinlangan siyang nagtanong:


Maaari mo ba itong ipahiram sa akin? Tanging ito lamang?
Oo naman.
Napahilig siya sa dibdib ng kaibigan, niyakap niya ito nang mahigpit, at dali-dali siyang umuwi
na bitbit ang natatanging hiyas. Dumating din ang araw ng kasayahan. Tagumpay si Ginang
Loisel. Siya ang pinakamarikit na babae sa lahat, elegante, mabining kumilos, laging nakangiti,
at nag-uumapaw ang kaligayahan. Lahat ng mga lalaking nandoon ay napapatingin sa kanya,
itinatanong ang kanyang pangalan, at gusto siyang makilala. Lahat din ng mga Pangalawang
Sekretaryo ng Pamahalaan ay gusto makipag-balse sa kanya. Napansin din siya ng Ministro.
Haling na haling siya sa pakikipagsayaw, nag-uumapaw ang kanyang saya, at panay ang inom
niya, walang pakialam sa lahat, maging sa pagwawagi ng kanyang kagandahan, sa karangalan ng
kanyang pagkakapanalo, sa lambong ng kaligayahang bumalot sa kanya dulot ng mga pagtangi at
paghanga, ng mga pagnanasang kanyang ginising, ng kabuuan ng kanyang tagumpay na sadyang
napakalapit sa kanyang puso.
Mag-a-alas-kuwatro na ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi. Hatinggabi pay
tulog na ang kanyang asawa sa isang maliit na silid, kasama ang tatlo pang kaibigan na may mga
asawang nagkakasayahan. Ipinatong ng lalaki sa balikat ng babae ang mga kasuotang dinala niya
para magamit nila sa pag-uwimga ordinaryong kasuotan na alangan sa napakagandang saya
ng babae. Napansin niya iyon kayat nagmamadali siyang umalis upang hindi siya makita ng
ibang mga babae na nagsusuot ng kanilang mga mamahaling fur.
Pinigilan ng lalaki ang kanyang asawa.
Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi.
Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Nang
makalabas nay wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at ilang beses nilang sinigawan
ang mga taxing dumaraan.
Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay nakatagpo sila ng
isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang
kanilang kalumaan.

Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad ang daan
patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae. Kailangang nasa opisina na siya
nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.
Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli niyang
mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit bigla siyang napabulalas.
Nawawala ang kuwintas!
Bakit? Anong problema? tanong ng asawa, na halos nakahubad na.
Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki.
Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier
Nabigla ang lalaki.
Ano?! Imposible!
Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng kaniyang coat, sa
mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita.
Sigurado ka bang suot mo pa ang kuwintas noong umalis tayo sa kasayahan? tanong ng
lalaki.
Oo, hinawakan ko pa ito noong nasa bulwagan tayo.
Pero kung nahulog iyon sa daan, dapat ay narinig natin iyon.
Oo. Malamang. Nakuha mo ba ang numero ng taxi?
Hindi. Ikaw, napansin mo ba iyon?
Hindi.
Napatingin ang mag-asawa sa isat isa. Pareho silang natulala. Agad na muling nagbihis si
Ginoong Loisel.
Babalikan ko ang daan na nilakad natin, sabi niya.. Baka mahanap ko pa iyon.
Umalis ang lalaki. Naiwan ang babae, suot pa rin ang kanyang saya. Nanghihina siya at ni hindi
makahiga sa kama. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Ni hindi siya makapag-isip.

Ala-siyete na nang makabalik ang kanyang asawa. Hindi nito nakita ang kuwintas.
Nagtungo ang lalaki sa istasyon ng pulis, nag-alok ng pabuya. Nagtungo rin siya sa mga diyaryo,
sa mga kompanya ng taxi, sa lahat ng lugar na makapagbibigay sa kanya ng kahit katiting na
pag-asa.
Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang pagkawindang
sa inabot nilang kamalasan.
Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang mukha. Bigo ang
kanyang paghahanap.
Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier, sabi ng lalaki, at sabihin mo sa kanyang
napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito nang sa gayoy may oras pa
tayo para maghanap.
Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.
Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.
Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:
Dapat nating palitan ang nawalang diamante.
Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa alahero na ang
pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero ang kanyang talaan.
Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang nagbigay ng
kalawit.
Nagpunta ang mag-asawa sa ibat ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na kapareho ng
nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi at labis na pagdadalamhati.
Sa isang tindahan sa Palais-Royal, may nakita ang mag-asawa na diamante na tila kawangis ng
hinahanap nila. Nagkakahalaga iyon ng apatnapung libong francs. Nakatawad ang mag-asawa
kayat naging tatlumput anim na libong francs na lang ang halaga ng diamante.
Nagmakaawa ang mag-asawa sa alahero na huwag ibenta ang diamante sa loob ng tatlong araw.
At inareglo rin nila na bago magtapos ang Pebrero, makukuha nila sa halagang tatlumput
apat na libong francs ang ikalawang diamante sakaling may makabili na ng unang napili nila.

May labing-walong libong francs si Ginoong Loisel na minana niya sa kanyang ama.
Ipangungutang na lang niya ang iba pa.
Nakahiram nga ng pera ang lalaki. Nakakuha siya ng isang libo sa isang kaibigan, limang daan sa
isa pa, limang louis dito, limang louis doon. Lumagda siya ng mga kasulatan, pumasok sa mga
mapanganib na kasunduan, namalimos sa kung sinu-sinong mga nagpapautang. Isinanla niya ang
kanyang mga nalalabing taon, ipinagsapalaran ang kanyang lagda nang walang kasiguruhan kung
matutupad niya ang mga napagkasunduan, at nangilabot siya sa kanyang sariling kinabukasan, sa
napakadilim na hinaharap na nakatakdang bumagsak sa kanya, sa mga pangitain ng lahat ng
klase ng pagdarahop at pagdurusa hanggang sa nabili ng lalaki ang bagong kuwintas at
naibayad niya ang tatlumput anim na libong francs na hiningi ng alahero.
Nang isauli ni Ginang Loisel ang kuwintas kay Ginang Forestier, nagsalita ang huli nang may
nanlalamig na tinig:
Sanay isinoli mo ito agad sa akin. Maaaring nagamit ko pa sana ito.
Ngunit taliwas sa kinatatakutan ng babae, hindi na binuksan ng kanyang kaibigan ang lalagyan.
Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya ang iisipin nito? Ano kaya
ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang magnanakaw si Ginang Loisel?
Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay tinanggap na niya ng
buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay
kanyang pagdurusahan. Pinaalis na niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan.
Nagtiyaga sila sa isang maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.
Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang kinabubuwisitan
niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga pinggan. Dahil sa pag-iisis ng
magagaspang na palayok at puwitan ng mga kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamulamulang mga kuko. Nilabhan niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at
isinampay niya ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib
siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang kanyang paghinga.
At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin ang namamalengke, dala ang
kanyang basket. Naranasan niyang makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat
sentimo ng kanyang kakapiranggot na salapi.
May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang ibay kailangang
palitan ng bago, kayat lalo pang tumagal ang mga pananagutan.

Sa gabiy kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng isang


negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.
Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.
Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga pagkakautang, pati
na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.
Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na mga babae na
nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok, masagwa na ang kanyang damit,
at maligasgas na ang kanyang mga palad. Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas
siya ng sahig, nagkalat ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa,
napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang gabi ng kasayahan
kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labis-labis siyang hinangaan.
Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang nakaaalam?
Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring mawasak o mabago ang lahat
sa isang mumunting dahilan lamang!
Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga, nakita ni Ginang
Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang anak. Si Ginang Forestier pala iyon,
at mukha pa rin siyang bata, maganda, at kaakit-akit.
Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si Ginang
Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang mga utang, ikukuwento ni
Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng nangyari.
Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier.
Magandang umaga, Jeanne.
Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahil
sa kapangahasan ng pobreng babae.
Ngunit Ginang pautal na sabi ni Ginang Forestier. Hindi kita kilala
Nagkakamali ka
Hindi Ako si Matilda Loisel.
Nabigla ang kanyang kaibigan.

Ay! Ikaw pala yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!


Oo Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong dinanas na
kalungkutan Dahil sa iyong kagagawan
Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?
Naaalala mo ba yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa kasayahan
noon sa Ministro?
Oo. Anong kinalaman noon?
Naiwala ko iyon.
Hindi bat ibinalik mo naman iyon sa akin?
Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon At pinagbayaran namin iyon sa loob ng
sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin ang magbayad ng utang. Wala
kaming pera Pero bayad na iyon ngayon At natutuwa ako dahil tapos na ang aming
obligasyon.
Natigilan si Ginang Forestier.
Ang ibig mong sabihiy bumili ka ng bagong diamanteng kuwintas para palitan ang
hiniram mo sa akin?
Oo Hindi mo ba iyon napansin? Parehong-pareho kasi ang dalawa.
Napangiti pa si Ginang Loisel nang buong pagmamalaki at kainosentehan.
Labis na nagulumihanan si Ginang Forestier kayat napahawak siya sa kamay ni Ginang
Loisel.
Ay kaawa-awang Matilda! Ang kuwintas kong iyon ay isang imitasyon lamang.
Nagkakahalaga lamang iyon ng hindi hihigit sa limang daang francs!
- See more at: http://www.jessicarulestheuniverse.com/2008/11/11/ang-mga-hikaw-ni-ginangde/#sthash.y3ugDzV8.dpuf

You might also like