You are on page 1of 12

A.

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO


Mga Konsepto:
Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo
ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng
pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga kagamitang
pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
Dulog isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
Pamaraan isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa
isang dulog.
Metodolohiya itoy isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang
teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Itoy tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng
tanong na paano ang pagtuturo.
Silabus Itoy isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na programang pangwika.
Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga
kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng
mga mag-aaral.
B. MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaral
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang ibat-ibang katangian: kognitib,
pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika,
istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang
bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon upang
makilahok sa ibat-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga input na
komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang pangangaailangan at
interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan
mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng natural at hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling
panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at
stratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado ang panahon.

5. Simulaing Sosyo-kultural

Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang magkaroon ng
mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap.
Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang
pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit
ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang
ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at
kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang lakas ng
wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng ibat-ibang taong gumagamit ng target na wika.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa ibayo pang
pagkatuto. Kayat mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa
pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.

8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman ang
maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Ang mga Mithiin (Goals), Tunguhin (Aims) at Layunin (Objectives) sa Pagtuturo.
Ang mga layuning pampagtuturo ay mga tiyak na pagpapahayag na nagbibigay ng direksyon
sa isang programang pampagtuturo.
Isa sa mga iskema ng pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo ay ang mga sumusunot na
tatlong batayang kategorya.
Mga Mithiin (Goals
Mga Tunguhin (Aims)
Mga Layunin (Objectives)
Ang Mga Mithiin (Goals)
Ang mga mithiin ay malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang
programang pang-edukasyon.
Hal. sa pagpasok ng dekada 90, naging pukos ng mga pagpaplano sa edukasyon ang pagpapataas ng
kalidad ng mga paaralan bilang paghahanda sa bagong milenyum.
Ang mga mithiing itoy naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad para sa mga program pangedukasyon at pampaaralan.

Ang mga Tunguhin (Aims)

Ang mga tunguhin ay mas tiyak at may pukos kaysa sa mga mithiin. Ang mga itoy nagbibigay ng
direksyon para sa isang tiyak na aralin.
Hal.
1. Filipino:
Natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita,
2. Matematika:
Nauunawaan ang mga datos na nakalahad sa mga tsart at grap.
C. PROGRAMANG FILIPINO SA KURIKULUM
1. Sa Edukasyong Elementarya
Sa paaralang elementarya ang araling Filipino ay tinatawag na Sining ng Komunikasyon sa Filipino mula
kinder hanggang Baitang VI. Sa araling ito magkakaugnay na itinuturo ang mga makrong kasanayang
nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Makikita sa Elementary Learning Competencies
(ELC) na ipinamahagi ng kawanihan ng
Edukasyong Elementarya ng DECS ang mga batayang kasanayan sa dapat matamo ng mga mag-aaral
sa bawat taon ng kanilang pag-aaral sa elementarya.
2. Mga Batayang Layunin Sining ng Komunikayon (Elementarya)
Pakikinig nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig.
Pagsasalita Naisasagawa ang makabuluhan at mabisang pakikilahok sa mga gawaing nauukol sa
pakikipagtalastasan.
Pagbasa kasanayan sa pagkilala ng Salita. Nakakamit ang higit na kasanayan sa kahusayan sa
pagkilala at pag-unawa ng salita: sa ibat-ibang paraan, sa tulong ng paghiwatig, sa pamamagitan ng
pagsusuri ng tunog ng mga salita at sa pamamagitan ng kayarian nito.
Pag-unawa Ganap na mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa kung nakakamit ang
kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa, nagkakaroon ng kasanayan sa mapanuring pag-unawa sa binasa,
natatamo ang mga kasanayan sa pagpapahalaga, at nagkakaroon ng higit na maunlad na kasanayang
pang-aklatan.
Pagsulat Nakakaugalian ang pagsunod sa wasto at maayos na paraan ng pagsulat. Nagkakaroon
nang ganap na kasanayan sa at maayos na pagsulat sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat.
3. Programang Filipino sa Kurikulim Batay sa BEC (Basic Education Curriculum)
Deskripsyon: Ang asignaturan ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsulat at pag-iisip sa Filipino.
Pakikinig Masusing pagkilatis at mabisang pang-unawa.
Pagsasalita Nalilinang ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag at isrukturang
panggramatiko.
Pagsulat napagaganda ang ayos ng sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at

kasiya-siyang kaayusang pansulatin.


Para sa mabisang pagtuturo, ang mga tiyak na kasanayan ay malilinang sa pamamagitan nga mga
sitwasyon at ibat-ibang kagamitan tungo sa lubusang pagkatuto. Ang mga bata ay tuturuan ng angkop ng
kagamitang pangliteratura tulad ng ingles, tugma, tula, diyologo at iba pa.
Konsepto ng Sibika at Kultura ang nilalaman ng Filipino sa Una hanggang Ikatlong Baitang. Inaasahang
ang mga batayang kasanayan sa pagbasa ay matutuhan ng lubusan sa tatlong unang baitang.

4. Mga Inaasahang Bunga


Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (Pasalita at Pasulat); nagpapamalas ng
kahusayan sa pagsasaayos ng ibat-ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa
kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Pagkatapos ng Unang Baitang, ang mag-aaral ay inaasahang makabibigkas ng mga alpabeto at mga
simpleng salita. Nagagamit ang magalang na pagbati at nakasusunod sa maikling panuto at direksiyon.
Nakababasa ng bagong salita sa tulong ng bagay, larawan, hugis o anyo, naisusulat ang sariling
pangalan at nakasusulat ng mga payak na pangungusap.
Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, ang mag-aaral ay nakapagsasabi ng pangunahing diwa ng kuwento
o saknong ng tulang napakinggan; nakapaglalarawan ng mga tao, bagay, pook; nakababasa nang may
wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat ng kabit-kabit na mga titik na gumagamit ng
wastong bantas.
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, ang mga mag-aaral makapagsasalaysay ng buod n pinakinggang
balita/ulat; naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinag-uusapan;nakababasa at naipaliliwanag
ang kahulugan ng mga hiram na salita, mga babala at patalastas; nasasabi ang pagkakaiba ng opinion at
katotohanan at naisusulat ang mga idiniktang patalastas, anunsyo, postyer, liham at iba pang teksto;
nakababasa nang may pang-unawa.
Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag ng sariling ideya at
kaisipan tungkol sa mga impormasyon/kuwentong narinig; nakapagbibigay rin ng reaksiyon at
nakalalahok sa ibat-ibang talakayan, gumagamit ng matalinghagang salita at mga ekpresyong tuwiran at
di-tuwiran. Natutukoy ang mga pangyayaring nag-uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at
napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon. Nakikilala ang ibat-ibang bahagi ng aklat/pahayagan
at nakasusulat ng maikling komposisyon.
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, ang mag-aaral nakapagbubuod ng nabasa at napankinggan,
nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga sangkap ng ibat-ibang bahagi ng pananalita, nakagagamit
ng diksunaryo, thesaurus at iba pang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at nakasusulat na
ng libro, anekdota, patalastas, poster, at sulatin na may 15-20 pangungusap.
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, ang mga mag-aaral ay nakapag-aayos ng napakinggang teksto at
naililipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag. Nagagamit ang ibat-ibang
pangungusapsa pagpapaliwanag, nakapagbibigay solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga
natutuhang kaalaman sa ano mang sitwasyon at nakasusulat na ng iskrip, paglalarawan, pictorial essay,
o talumpati sa tulong ng mga ideya na binuo ng klase.

D. ANG ABC PORMAT SA PAGBUO NG MGA LAYUNING PAMPAGTUTURO


Ito ay isang praktikal na lagom ng mga talakay hinggil sa mga katangian ng isan nahusay na layuning
pampagtuturo. Tinatawag din itong layuning pangkagawian o pupil performance objective. (Armstrong at
Savage. 1994)
1. A o Audience
Itoy tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang gagawa ng mga task o gawain.
2. B o Behavior
Itoy paglalarawan ng mga nakikta o namamasid na gawi o kilos na inaasahang maipakikita ng mga magaaral bilang bunga o resulta ng kanilang pagkakahantad sa isang pagtuturo.
3. C o Condition
Itoy paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang makatiyak kung may masteri sa
itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.
4. D o Degree
Itoy paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap sa gawain bilang ebidensiya ng
masteri.

ABCD Format = Layuning Pampagtuturo


ABC
Hal. Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng hindi
D
kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Rizal.
E. MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)

Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay magkakaroon mg
maraming pagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang
kahandaan ng mga mag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral
mula sa target na wika.

Ang Series Method

Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung sann ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang
pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto na
madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayaring balarila na
napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang itoy naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga
pananaw sa wika at isang konsepto na madaling maintindihan.

Ang Pamaraang Direct

Mga simulain sa pamaraang Direct.


Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at paulit-ulit
na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay itinuturo
ng mga modelo.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga
pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.
Ang Mga Designer Methods ng Dekada 70

1. Ang Community Language Learning (CLL)


Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang
pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin
sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan
ng kaukulang pagpapayo.

1. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang itoy halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaibay isinasagawa ang
mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang
kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag
ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na mahinang
tugtugin.

c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo.


d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang
musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.

1. Ang Silent Way


Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-aaral ang
kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro kaya ang
katawagan Silent Way.

1. Ang Total Physical Response (TPR)


Ang pamamaraang itoy humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang
pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng mga magaaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga
ma-aaral sa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong
tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang global
lamang ang iniwawasto.

1. Ang Natural Approach


Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung saan
mahalaga ang mga comprehensive input upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural
approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting
wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at
iba pa.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng ibat-iba at mga kawili-wiling gawaing pangklasrum
gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.

1. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)


Ang katawagang itoy gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)

c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;


d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda
kaagad-agad ang mga layunin.

1. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)


Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na laging
naroon ang pagtulungan sa isat-isa.
Dagdag na konotasyon ng kooperatib ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang (collaborative)
pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

1. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)


Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin s ideya
ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagging may
nauunawaan sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit ng wika
sa labas
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens

1. Ang Whole Language Education


Ang katawagang itoy bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang kabuuan ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento gaya ng
ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang
pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na itoy likas na umuunlad, na katulad din ng alituntuning
pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng apat na kasanayan
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika

1. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon ng mga
pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Itoy ang magkasabay na pag-aaral
ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng
nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo
nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamitan nito

1. Ang Pagkatutong Task-Based


Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may
tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task. Ang
task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man malaki ang saklaw nit kaysa sa teknik. Ang
pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang task sa pagtuturo.
Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga
layuning pangkagawian at ang mga hangaring nitoy lagpas na nakagawiang pagsasanay ng wika.

F. IBA PANG ISTRATEHIYANG GINAGAMIT SA PAGTUTURO NG WIKA


1. Awtentikong Kagamitan
Ayon kay Wilkins (1976-78) ang mga awtentikong kagamitan ay iyong mga isinulat sa mga katutubong
tagapagsalita at hindi espisyal para sa mga mag-aaral na di katutubong tagapagsalita ng wikang pinagaaralan.
Ilan sa mga awtentikong kagamitan na ginagamit sa pagtuturo ng wika ay ang mga sumusunod:
1. mapa 7. classified adds
2. resipi 8. nilathalang impormasyon sa paggawa
3. balita, ulat, horoscope ng mga bagay
4. patalastas/komersyal 9. mga propaganda sa eleksyon atbp.
5. programa sa radio at telebisyon
6. maibibilang din sa mga kagamitang awtentiko ang tape-recorded na mga usapan na nagpapakita ng
mga gamit ng Filipino sa ibat ibang domeyn.

2. Mga Visual
Ang kagamitan ng mga awtentikong kagamitan ay maibibilang sa mga visual o mga bagay na nakikita.
Kabilang din sa pangkat na ito ang mga larawan, mga tunay na bagay, pelikula, slides atbp.
Maaring magtipon ang guro ng mga visual na napapangkat sa ganitong kategorya: mga tao, hanapbuhay,
pang araw-araw na gawain, tahanan, pagkain, inumin, isport, libangan, mga hayop, mga tanawin at iba
pang bagay.
Sa pagpili ng larawan, dapat na isaisip ng guro ang mga sumusunod:
1. kayariang panggramatika na mailulunsad o malilinang sa tulong ng larawan.
aytem ng talasalitaan na maituturo sa pamamagitan ng mga larawan.
2. laki, kaliwanagan at interes na makukuhanito sa mag-aaral.

3. Role Play
Ang role play sa pamamagitan ng dayalog ay isang mahalagang istratehiya sa paglinang ng kakayahang
komunikatibo. Sa istratehiyang ito inilalagay ang mag-aaral sa isang sitwasyon na maaring mangyari sa
tunay na buhay.
Halimbawa, ay ang pagpapahayag ng paghanga o papuri, paghingi ng pahintulot, pakikipagtalo,
pakikipanayam, pakikidalamhati at iba pa.

Uri ng role play na magagamit ng guro:


a. Role Play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogo na may cues.
b. Role-play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon.
Itoy pagbibigay ng ditalyadong cues sa isang mag-aaral lamang. Ang isa ay binibigyan ng impormasyon
na makatutulong sa kanyang angkop na pagsagot.
c. Role-play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin.
Ang uring ito ng role-play ay nagbibigay sa mag-aaral ng higit na responsibilidad sa pagkilos ng
interaksyon sa kanilang sarili. Sa role-play na ito, binibigyan-tugon ng mag-aaral kung ano ang sitwasyon
at ang layunin tulad ng pagtatanong at pagtugon sa tanong. Hindi mahuhulaan ang sasabihin o isasagot
ng mga kalahok hanggat hindi sinasabi ng bawat isa ang kanilang saloobin. Dapat tiyakin ng guro na
may sapat na kaalaman/impormasyon ang mga mag-aaral hinggil sa paksa upang maging makabuluhan
ang interaksyon.

1. Role-play sa pamamagitan ng pagtatalo sa talakayan.


Ito ay nakatuon sa pangkatang gawain. Halimbawa, magkakaroon ng talakayan ang mga mag-aaral
hinggil sa gagawin nilang pananaliksik. Anong pangkat ang magtitipon ng mga datos, ang magsasagawa
ng survey, ang pangkat na mag-iinterpret ng datos, ang mga pangkat na mananaliksik ng mga Gawain
hinggil sa gagawing pananaliksik. Tulad sa ibang uri ng role-play, maaaring bigyan ng cues ang mga
mag-aaral upang maipakita ang pagtatalu-talo sa pagbuo ng solusyon sa suliranin.
Mga Larong Pangwika
Ang mga larong pangwika ay mahalaga ring kasangkapan sa paglinang ng mga kasanayang pangwika.
Maaring pumili ang guro ng pinaaangkop na laro kaugnay ng paksang kanyang tatalakayin upang maging
madali para sa mga mag-aaral na matutuhan ang paksang pinag-aaralan.

MGA URI NG PAGSUSULIT


A. Ayon sa layon, ang pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:

1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran (Achievement Test)


Ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Ang pagsusulit na ito ay isang
pasusulit na pangwakas. Nilalagom ng ganitongf pagsusulit na malalaman ang hangganan ng
pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon.

1. Panuring Pagsusulit (Diagnostic Test)


Itoy ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang ng isang kasanayan upang matiyak kung taglay na
ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-requisite skills). Ang pagsusulit sa natamong
kabatiran sa isang baiting ay maaaring magsilbing panuring pagsusulit sa kasunod na baiting.

1. Pagsusulit sa Kakayahan (Proficiency Test)


Itoy pasusulit na naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi isinasaalangalang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng ganitong mga pagsusulit
ay hindi ibinabatay sa nilalaman na ng taong kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang

espisipikasyon ng mga gawaing dapat na maisagawa ng isang kukuha ng pagsusulit para sabihing may
kakayahan siya sa wika.

1. Pagsusulit sa Aptityud (Aptitude Test)


Ito ay nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito ang
kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak.
B. Ayon sa dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytwem.
1. Pagsusulit na discrete point. Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa bawat aytem.
Hal. Karen, bakit para kang lumuluha?
Paanoy napuwing ang aking kanang
a) mata b) paa c) kamay d) tainga
2. Pagsusulit na Integrative. Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa
wika. Ang ilang mga halimbawa ng integrative test ay ang mga sumusunod:
a. Cloze Itoy pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may
puwang para sa mga kinaltas na mga salita. Ang pagkaltas ay maaring turing ikalima, ikaanim, ikapito,
ikawalong salita. Kung mahaba ang clone maaaring hanggang walong kaltas ang una at huling talata.
Kung maikli ang piniling kwento o sanaysay, ang una at huling pangungusap lamang ang hindi kakaltasan
ng salita. Kung ang pagkaltas ay laging ikalima, ikasampu, o anumang ratio na napili, tinatawag itong
fixed-ratio deletion. Kung ang pagkaltas ay walang sinusunod na ratio dahil mga pangngalan o mga
pandiwa lamang ang kinakaltas, itoy tinatawag na variable-ratio deletion. Kung may pagpipiliang sagot
ang mga mag-aaral, ito ay multi-choice cloze
At kung walang pagpipilian ng sagot, ito ay basic cloze.
b. Pagsusulit na idinikta o Dictation Test Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan,
sa kayarian, at maari rin sa pagbaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng bantas. Ang dalawang
uri ng pagsusulit ng pagsusulit na idinikta ay ang standard dictation at partial dictation. Sa standard
dictation, isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang ididikta. Sa partial dictation, ang mag-aaral
ay binigyan ng sipi ng talatang ididikta. Pero ito ay may kaltas na parirala o pangungusap. Pupunan
lamang ang mga puwang upang mabuo ang talata.
C. Ayon sa Kakayahang Sinusubok
1. Pakikinig
a. pagkilala ng mga tunog
b. pag-unawa sa pinakinggang teksto
2. Pagsasalita
a. pagbigkas ng mga tunog
b. pakikipag-usap
3. Pagbasa
a. pagkilala at pag-unawa ng salita
b. pag-unawa sa seleksyon
c. kasanayan sa pag-aaral

4. Pagsusulit
a. pagsulat ng komposisyon
b. paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik

You might also like