You are on page 1of 1

MGA TALASALITAAN MULA SA NOLI ME TANGERE 1

1. kantanod tawag sa mga taong ibig na umakyat o makilala sa mataas na lipunan.(social


climber) kaya sila ay mahilig dumalo sa mga handaan o salu-salo kahit hindi inimbitahan
2. hitso nganga (betel nut)
3. pintakasi patron (patron saint)
4. guwardiya sibil- tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan ng bayan (pulis sa kasalukuyang
panahon)
5. indiyo panlibak o pang- insultong tawag ng mga Kastila sa mga Pilipino noon
6. Kanser ng Lipunan tumutukoy sa sakit ng lipunan at mga katiwalian (corruption) at
pagmamalabis ng mga prayle.
7. Caf La Campana ang pinakatanyag na restawran sa panahon ng Kastila
8. Fonda de Lala ang tanyag na hotel na tinirhan ni Ibarra
9. prayle Kastilang pari (friar)
10. coadjutor katulong ng pari ng kura paroko
11. kura namamahalang pari sa simbahan (parochial priest)
12. erehe taong di sumasampalataya sa kautusan ng simbahan
13. pilibustero taong kalaban ng pamahalaan
14. kapitan / gobernadorcillo katumbas siya ng pinunong - bayan o municipal mayor.
15. Dominiko mga prayleng kasanib ng kapatirang itinatag si Sto. Dominggo de Guzman
16. Pransiskano mga prayleng kasanib sa kapatirang itinatatag ni San Francisco de Asis
17. garotte salitang Kastila na nangangahulugang malaking pamalo o pambambo. Ito ang tawag
kay Padre Damaso dahil sa kanyang pamamalo.
18. Indulgencia pagpapatawad sa kaparusahang may takdang panahon dahil sa kasalanag
nagawa ng isang tao matapos na itoy pagsisihan.
19. hermano mayor isang maginoo na karaniwang mayaman at relihiyoso na pinipiling mamahala
ng pagdiriwang ng kapistahan.
20. Reverencia tawag na paggalang sa mga pari
21. Madre Escucha madre sa kumbento na may tungkulin samahan ang bisita
22. pararayos panghuli ng kidlat

Mga Balyus
Mainit na Pagtanggap sa Bisita (hospitality)
Paghalik sa Kamay sa mga Nakatatanda
Pagbibigay Alaala sa mga Patay
Pagiging Matatag sa Anumang Pagsubok
Pagmamahal sa Magulang
Pagiging Relihiyoso
Pagkasentimental
Pagiging Matapat sa Pag-ibig

Kanser ng Lipunan
Kawalan ng wastong pamamaraan sa paglilibing at paghuhukay sa mga patay.
Maling paniniwala sa relihiyon
Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan
Pang-aabuso ng mga maykapangyarihan
Kawalang katarungan / Inhustisya
Pag-abuso sa mga karapatang pantao
Kawalang pansin sa kahalagahan ng edukasyon
Pang-aabuso sa kababaihan

You might also like