You are on page 1of 1

Mga Festivals ng Pilipinas

Ati-AtihanFestival
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan,
bilang pagdakila sa Santo Nio. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang
ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira! Makikilahok ang buong bayan sa pista,
magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat
na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Nio na malimit
hinihingan ng milagro.

Sinulog Festival
Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu
upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang
pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
Pahiyas Festival
Ang pahiyas festival ay isanf makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron
saint ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay
nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang
tinatawag na "kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may ibat-ibang kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sarisariling disenyo kada taon at dito nila naipapakita ang kanilang talento sa pagiging artistiko sa pagpapalamuti ng kanilang
mga bahay.
Moriones Festival
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan
maskara, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang
mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap
kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng
Pagkabuhay.
Pista ng Itim na Nazareno
Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng
mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at
itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang
Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.

Pista ng Peafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol.
Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na
ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan
ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko.

You might also like