Professional Documents
Culture Documents
(Epikong Mindanao)
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa
kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang
isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda.
Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga
yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat.
Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang
sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang
sanggol sa bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang
kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.
Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda.
Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila
Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya
lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal
na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang
itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit
ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa
kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga
kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana.
Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon
pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang
ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa
gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari.
Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi.
Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara
na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa
gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang
palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita
niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si
Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan
kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya
ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang
sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na
ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik
nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati.
Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng
sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang
kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga
magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa
Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang
dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala
niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si
Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa
Lam-ang
(Epikong Ilokano)
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng
tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at
nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang
dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang
at mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni
Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang
aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang
bahay. Napansin si Lam-ang.
Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi
naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya
na kapantay ng kayamanan nina Ines.
Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni
Ines.
Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng
kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lamang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay
makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari
ito.
Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lamang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikutikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.
Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na
parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.
Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang
maligaya sa mahabang panahon.
Hudhud:
Ang Kuwento ni Aliguyon
(Epiko ng mga Ifugao)
rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na matining
na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang
laruan ng kanyang kalaban.
Tinuruan din siya ng kanyang ama ng ibat-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na
mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan ang mga
makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.
Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng loob.
Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang
kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya
ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi
si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang
mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang
maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.
Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban
lalo na sa paghawak ng sibat.
Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng
araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng
matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.
Tila kidlat na paroot-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit
sa hangin.
Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat.
Saksakin mo siya, Dinoyagan!
Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.
Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa itoy inabot ng linggo, ng buwan.
Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa
mga taniman.
Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang
labanan. Inabot ng taon hanggang sa silay lubusang huminto ng pakuluan ng sibat. Walang
nasugatan sa kanila. Walang natalo.
Bantugan
(Epikong Mindanao)
Ibalon
(Epikong Bicolano)
Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castao, batay sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na
mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong
magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang
pangalan ng Bikol.
Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo.
Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya
nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na
tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang
makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang
buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng
tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang
dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga
masasamang hayop sa Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na
pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at
pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng
palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kaunaunahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot.
Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o
hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na
naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang
pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si
Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang
Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang
nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng
Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.
Indarapatra at Sulayman
(Epikong Mindanao)
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao.
Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal
at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si
Kurita, sa tulong ng kanyang kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao,
na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa
pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni
Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na
ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang
magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon.
Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang
palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra.
Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang
kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra
ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay
na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman.
Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di
kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling
nabuhay si Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap
ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y
wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng
kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.
Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig
sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at
nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na
pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban
nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na
silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay
Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
Agyu
(Epiko ng Ilianon)
Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa
tradisyong Ilianon silay magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na
babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko. Isang araw
nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina
Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kayat
kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may ulser. Gumanti si Kuyasu at
kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil
napatay ang datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa bundok ng
Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang
kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga
kaaway.
Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang bundok ng
Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila sinalakay. Lumaban ang
mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon. Nang silay naubusan ng tauhan, ang
batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang
lahat ang kalaban nang ikaapat na araw. Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon.
Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang lulusubin sila ng mga kaaway o
mananakop nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng
datu ang kanyang anak kay Tanagyaw.
Di nagluwat ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong dagat.
Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit silay natalo. Hinulaan ng
propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw. Nagbihis
siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi
nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa dalampasigan. Naghambalong ang mga patay,
patung-patong, na parang bundok at burol.
Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang
kanyang kaakit-akit na asawa
Alim
(Epiko ng mga Ifugao)
Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganangsagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga
hayop na madaling hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang
kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas na
isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag
maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.
Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay ang mga tao.
Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila
ay nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang
tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng
baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan.
Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito
ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan.
Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng
Si Biuag at Malana
(Ang Epiko ng Cagayan)
ngunit hindi man lamang ito nasasaktan. Nang siyay lumaki sinubukan niyang lumangoy sa
ilog na tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.
Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa niyang maging
mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamanghamanghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang
bunutin ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari moy damo
lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.
Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang
isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man
ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila malaman. Gustuhin man ni
Biuag na limutin ang dalaga ay hindi makakasama ang dilag habangbuhay.
Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng pagkatao ni
Biuag. Siya ay si Malana. Nong siyay labing-walong taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa
Malaueg, at itoy nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan
ng pagkain ay ang Sto. Nio na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng
ilog na tinitirhan ng maraming buwaya.
Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Nio,
at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay.
Nang siyay makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam nilang hindi
sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay nagpasiya na itong umuwi.
Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay
ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay
bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay
Biuag.
Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay Malana. Ipinagwalang-bahala
ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niyay ang napakagandang dalaga.
Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang
pakasalan siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging
minamahal.
Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito tatanggapin. Nagsabi siyang hindi
karapat-dapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana
ang pana. Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.
Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong
nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang
dumating. Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag, siyany
nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako
hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang
pag-agaw na kahit ano na hindi mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung
nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.
Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siyay nakatayo sa kabilang bundok tangan ang
panat isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng tagaMalaueg para kay Malana. Sa isip niyay gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.
Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa
napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na
lulan ang dalagang pinag-aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin
ng dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.
Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa
natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang malakas ka ay humanda ka sa aking regalo
na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo.
Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis ang pagsalo ni
Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa
bayan ng Rizal.
Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.
Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na
inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad, itoy nagmintis. Hindi sa puso
ni Malana kundi sa ilog tumama ang sibat.
Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang armas mo. Pagkakataon
ko naman ngayon.
Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasalitay biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag.
Biglang nagkaroon ng malalaking alon na humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa
bundok na kinatatayuan ni Malana. Nang magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang
pinakamalaking buwaya na siyang ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.
Pinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at hinamon si Malana na lumukso sa ilog.
Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula sa tuktok ng
bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si Malana. Itoy ginawa niya upang hindi
mapahamak si Malana. Tiningnan ng dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang
duwag dahil nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak ng
diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-dapat sa mga bigay sa iyo
ng aking diyosang Ina.
Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon ay kanyang
binasbasan, maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan kung saan naroon ang kaharian
ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang
kanyang sarili sa ilog. At siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga
tagaroon na ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-Luru.