Professional Documents
Culture Documents
Bilang pakikiisa nina Pardo de Tavera at Legarda sa mga Amerikano, nakiisa sila sa
mga Komisyon nina Schurman at Taft at tinangkilik ang pagtanggap ng mga Pilipino
sa Estados Unidos. Noong Disyembre 1900, tinangkilik nila ang pagiging isa sa mga
estado ng Pilipinas ng Estados Unidos sa ilalim ng Partidong Pederalista (Federalista
Party). Naitalaga sila bilang unang mga kasaping Pilipino ng Komisyong Pilipino na
pambatas. Noong 1905, binago ng partidong ang kanilang palatuntunan, dahil sa
kawalan ng kasunduan sa mga pinuno nito, upang tangkilikin ang pagkakaroon ng
Pilipinas ng "lubos na kalayaan". Binago ng partido ang pangalan nito upang maging
Partido Nacional Progresista (National Progressive Party).[3]
Noong 1916, ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos ang Batas Jones (Jones Act),
ang pangalawang organikong batas na may kaugnayan sa Pilipinas, at pumalit sa
Batas na Organiko ng 1902. Isinasaad dito na may layunin ang Estados Unidos na
palayain ang Pilipinas kapag nakapagtatag na ito ng isang matatag na pamahalaan.
Napalitan ng Senado ng Pilipinas ang Komisyon ng Pilipinas sa pagganap bilang
Mataas na Kapulungan na pambatas. Ang Mababang Kapulungan ay pinalitan
naman ang pangalan upang maging Kapulungan ng mga Kinatawan (House of
Representatives). Dahil sa Batas Jones, ang sangay na lehislatibo o pambatas ng
pamahalaan ay napunta sa kontrol o pagtaban ng mga Pilipino, bagaman ang mga
hukom ng Korte Suprema (Kataastaasang Hukuman) ay nananatiling mga
Amerikano.[4]
Mula 1921 hanggang 1927, ang naging kapalit ni Wilson bilang Gobernador-Heneral
ng Pilipinas ay si Heneral Leonard Wood, isang pinuno na hindi naniniwala na dapat
lisanin ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil sa mga interes ng Estados Unidos sa
pook ng kanlurang Pasipiko. Hindi katulad ni Wilson, ginamit ni Wood ang kaniyang
kapangyarihan sa paggamit ng veto (pagtutol) na umabot sa 126 na mga ulit sa
loob ng kaniyang anim na taon sa panunungkulan bilang gobernador-heneral ng
Pilipinas. Noong 1923, maraming mga Pilipino ang umayaw sa kanilang mga
tungkuling pampamahalaan, na hindi napunuan hanggang sa kamatayan ni Wood
noong 1927. Dahil dito, binaligtad ng mga naging kahalili ni Wood bilang
gobernador-heneral ang kaniyang mga patakaran at naglunsad ng mabuting
pakikitungo sa mga Pilipinong nanunungkulan sa politika.[4]
Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga
paghihimagsik tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at
Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.
Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig.
Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng ibat ibang anyot kulay, itoy tungkol sap agiibigan ng isang mahirap at isang mayaman.
Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian
o iyong tinatawag na mga romanikong bayani.
C.
Jose Corazon de Jesus- ang Makata ng Puso ang siyang higit sa kaninoman ay
nkamana ng koronat setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman
magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit anong panahon
kung hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng Batute, ang Makata ng Puso.
Lope K. Santos ang Makata ng Buhay sa kaniyang mga tula, mababakas ang
pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay,
lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang
panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta
at fi pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral.
Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng
salawikain
Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang
paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang
nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa
bayan.
Iigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at
mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa
kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa
daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang
katotohan ng buhay.
Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit
niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.
Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista,
mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang
Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947.
Nobela
Katangian ng Pampanitkan
Maikling katha
Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala niyang
pinakamahusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling
katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila.
Nagkaroon sila ng matibay dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang
pagsulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang
paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na hindi
naman pawang sa pag-ibig.
Ang Tula
Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay
nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay ng
panitikang Pilipino lalo na sa tula.
Ang Nobela
Ang Dula
Ang Tula
Ang Dula
Bunga ng mga kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng
panitikan ng mga sumunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay
nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang
galling sa Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa
halip na dula.
Ang Nobela
Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa
mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon sin ang
panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon.
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban
sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga
labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga
Amerikano noong Marso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at
nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling
na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy
na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng disentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo
noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde,
ay naghirap.[12]
Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa
siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging
hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga
bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]
Ang ikalawa ay ang hindi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na ipagkaloob noong
Hulyo
4,
1946
ang
kunwa-kunwariang
kalayaang
pulitikal
(neocolonialism)
Sinabi din sa akda na hindi totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang
kanilang pagpasok sa Pilipinas at sa buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin. Noong daw
mga panahong yaon, humihina na ang mga dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya, Portugal,
Pransiya at Olanda. Dahil dito, madaling naisagawa ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng
kanyang impluwensyang pangkabuhayan. Napadali ang pagtatatag nila ng pamilihan sa ibat-ibang
bansa sa Asya na napagdadalhan nila ng kanilang produktong industriyal at agrikultural na labis sa
pangangailangan ng kanilang mamamayan. Ayon pa sa may-akda, inihandang mabuti ng Estados
Unidos ang kanyang sistemang gagawin na may hangarin sa Asya. Pinalakas ang kanyang
hukbong dagat at militar upang hindi malamangan ng iba pang mga bansang imperyalista. Inihanda
ang ganitong hukbo, hindi lamang laban sa kapwa imperyalista, kundi upang matiyak ang tagumpay
ng pananakop kung tututol ang sasakupin o kung ang mga ito naman ay maghihimagsik kapag
nasakop na. Binigyan-diin din ni Prudente na ang pagpapalakas na ito ng kanilang sandatahang
lakas ay hindi dikta ng dangal at tungkulin ng kanilang bansa, kundi ng mga monopolistang
Amerikano na nagbubukas ng bagong gawain sa Amerika- ang imperyalismong pandaigdig.
Isinalaysay din sa akda ang mga hindi magagandang ginawa ng mga Amerikano, tulad ng panloloko
nila kina Aguinaldo, brutalidad at ang hindi makataong pagpaparusa sa mga Pilipino. Ilan pa sa mga
kalupitang
ito
ay
ang
mga
sumusunod:
Tinutubig
ang
mga
nahuhuling
rebolusyunaryong
Pilipino.
Ang lahat ng bayan na hindi nakikiisa sa mga Amerikano ay kanilang sinunog at pinagsisira.
tuwirang pananakop na iyon. Ang lagi nang biktima ng koloyalismo ay ang maraming bilang ng mga
magsasaka at manggagawa. Dito sumipot ang neo-kolonyalismo, isang antas ng panloloko ng
imperyalismong Amerikano, ngunit siyang pinakamataas. Ang neo-kolonyalismo o ang makabagong
paraan ng pananakop ay isang kilusang kontra- rebolusyunaryo; isang paraan ng paggamot upang
mapigil
ang
paglakas
ng
kilusang
mapagpalaya,
lalo
na
sa
dakong
Asya.
Ang imperyalismo ay siyang balakid kung bakit hindi maaaring makasunod ang isang bansang hindi
maunlad sa daan ng kapitalistang pag-unlad. Dahil sa patuloy na pananatili ng imperyalismo sa
Pilipinas, ang lipunang nabuo at tumibay sa bansa ay isang lipunang malakolonyal at malapyudal.
Ayon sa aklat, ito ang talagang nais na mangyari ng Amerika- na ang balangkas ng kabuhayan ng
Pilipinas ay maging pyudal upang sa habang panahon ay maging tagatustos na lamang ito ng mga
hilaw na kalakal at tagaangkat ng mga yaring produkto. Ang mga burukratang kapitalista, partido
pulitikal ay nagsilbing kasabwat ng mga imperyalista. Lahat ng mga kautusan at batas na kanilang
nililikha at ipinatutupad ay mga batas na ang mga imperyalista at ang kanilang uri lamang ang
siyang
nakikinabang.
Ang pambansang krisis na ito, ayon kay Prudente ay mawawakasan lamang sa pamamagitan ng
pagbuwag sa hindi pantay na kasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na pinagbabatayan ng mga
imperyalistang Amerikano sa Pilipinas. Nararapat din ayon sa may-akda na magkaisa ang mga
manggagawa sa ilalim ng patakarang demokratikong makabayan. Ang pamamahala ng mga
Amerikano sa mga negosyo dito sa Pilipinas ay dapat nang ipasakamay sa mga Pilipino.
At ang pinakaimportante sa lahat, ayon pa kay Prudente ay ang pagbabago sa edukasyon,
kailangan itong sumailalim sa Pilipinasyon upang makatulong sa pagbuwag ng imperyalismo sa
bansa.
Kung may katotohanan o wala ang mga naisulat ni Prudente sa akdang sa Kuko ng Limbas, bilang
mga Pilipino, nararapat lamang na pangalagaan natin ang ating bansa at proteksyunan natin ito sa
mga gawain ng dayuhan na maaaring umagaw uli ng ating kalayaan. Naway matuto tayo sa
nakaraan at iwasan na natin ang paggawa ng mga desisyong magpapahamak sa ating bansa. Ang
Pilipinas ay ating bansa, ito ay para sa atin at tayo bilang mga Pilipino ay para sa kanya. Sa ano
mang ginagawa, isipin natin ang ikabubuti nito sapagkat ang Pilipinas lamang ang nagbubukod
tanging Inang Bayan natin.
Deity - Tumutukoy sa motibong panrelihiyon sa pagpapalawak ng Estados Unidos. Partikular ito na tumutukoy sa
hangarin ng pamunuan ng ibat-ibang sekta ng relihiyong Protestantismo.
Dollar Pangunahing motibo sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Ang pagsusulong nito nga mga interes pang-ekonomiko sa Silangan lalo na sa bansang Tsina.
Batas Sedisyon Itinatag ng Philippine Commission noong 1901. Pagbabawal sa panghihikayat at lahat ng uri ng
pagkilos na magsusulong sa kalayaan ng Pilipinas.
Batas sa Panunulisan pagbabawal sa pagsapi sa anumang pangkat na gumagamit ng armas laban sa mga
Amerikano. Kamatayan ang parusa sa sinumang lalabag.
Batas Bandila pagbabawal sa pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa anumang pamamaraan.
El Renacimiento ang pahayagang pinaglathalaan ng isang editoryal na pinamagatang Aves de Rapina o Ibong
Mandaragit.
Aves de Rapina tahasang bumabatikos sa gawain ng ilang Amerikanong opisyal at negosyante.
Martin Ocampo may-ari ng pahayagang El Renacimiento.
Teodoro Kalaw patnugot ng pahayagang El Renacimiento.
Macario Sakay tagapagtatag ng Republika ng Katagalugan at nahatulang bitayin sa harap ng publiko dahil sa
paglabag sa Batas sa Panunulisan.
Pamahalaang Militar
2.
Pamahalaang Sibil
3.
Pamahalaang Commonwealth
Benevolent Assimilation ipinatupad ni Pangulong William McKinley noong Disyembre 21, 1898-ipinalalabas ng
mga Amerikanong silay nagtungo sa Pilipinas upang iangat ang buhay ng mga Pilipino at hindi para sakupin ang
mga ito.
Pilipinisasyon pagbibigay karapatan sa mga Pilipinong pamunuan ang sariling bansa.
Batas Cooper o Philippine Bill of 1902 nagtatadhana sa pagtatatag ng isang Pambansang Asamblea na bubuuin
ng mga Pilipino na hahawak ng mga posisyon, sa isang kondisyon at ito ang pagtitigil sa mga pag-aalsa laban sa
pamunuang Amerikano sa bansa.
Francis B. Harrison naging gobernador heneral ng Pilipinas noong 1913 at nagpalit ng uri ng pamahalaang umiiral
sa Pilipinas mula sa pagiging Pamahalaang Amerikano na katulong ang mga Pilipino tungo sa pagiging
Pamahalaang Pilipino katulong ang mga Amerikano.
Batas Jones sa pamamagitan ng batas na ito ay naitatag ang Senado na pinamumunuan na ng mga Pilipino.
Naging kwalipikasyon sa pagboto noong panahon ng mga Amerikano
1.
2.
3.
May ari-ariang lupain na nagkakahalaga ng 500 piso o nagbabayad ng taunang buwis na umaabot ng
tatlumpung piso.
4.
Payne Aldrich Tariff (1909) nagtatadhana na ang mga Amerikano ay maaaring magpasok ng mga kalakal
sa pamilihan ng Pilipinas nang walang limitasyon. Taliwas sa naging karapatan ng Pilipinas na magpasok ng mga
kalakal sa EU na may kota o limitasyon particular na sa mga pagunahin nitong produkto.
2.
Underwood Simmons Act (1913) pagtatanggal sa kota o limitasyon na ipinataw ng mga Amerikano sa
mga produktong Pilipino. Subalit ang mga Pilipino ay hindi maaaring makapagluwas ng mga yaring produkto o
manufactured goods. Layunin nitong hadlangan ang Pilipinas na magsimula ng industriyalisasyon.
(Lihim na layunin ng mga Amerikano nag awing isang bansang agricultural ang Pilipinas upang maging tagabili
lamang ng mga niyaring kalakal ng mga pagawaan at industriya ng Estados Unidos)
3. Land Registration Act o Torrens Title Act itinadhana na ang sinumang nagmamay-ari ng lupa ay dapat
iparehistro ang kanilang lupain at kumuha ng titulong tinatawag na Torrens Title.
4. Homstead Act pinayagan ang sinumang magsasaka na makabili ng lupang publiko.
5. Friar Lands Act ang mga magsasaka ay maaaring bumili ng lupa sa pamahalaan mula sa mga lupaing nabili
nito sa mga ordeng relihiyoso.
6. Rice Tenancy Act nagtatadhana ng pantay na hatian (50-50) sa pagitan ng nagmamay-ari ng lupa at ng
magsasaka.
Dahil sa tuluyang pagsandal ng ekonomiya ng Pilipinas sa ekonomiya ng EU, tuluyang nalimitahan ang kakayahan ng
Pilipinas na lumikha ng sarili niyang gawang produkto. Resulta nito maraming maliliit na industriya sa Pilipinas ang
nalugi sanhi ng patuloy na pagpasok ng mga produktong Amerikano sa bansa.
Ito rin ang naging punto kung kailan ang mga Pilipino ay tuluyan nang nahilig sa mga stateside products.
Pag-iksi ng mga damit tulad ng bestida na datiy mahahabang saya sa panahon ng mga Espanyol.
Pagsusuot ng mga lalaking Pilipino ng mga Amerikano at kurbata samantalang mga sapatos na may takong
naman sa mga babae.
Pagkatuto ng mga Pilipino ng ibat-ibang sayaw sa saliw ng blues, jazz, cakewalk, charlestone, rock and roll,
foxtrot, at boogie.
Naging popular ang mga awiting opera at mga pangkat musikal na banda at rondalla.
Rondalla Ideal pinakatanyag na rondalla sa panahon ng mga Amerikano.
Guillermo Tolentino lumikha ng Bonifacio Monument sa Kalookan at Oblation na naging sagisag ng Unibersidad
ng Pilipinas.
Paghiram sa mga salitang Amerikano gaya ng titser, hayskul, dyip, bulakbol, basketbol, bistek, telepono, tren
at iba pa.
Maging ang pagbabago sa pagpapangalan tulad ng Mary, Peter at Joseph.
Pensionados tawag sa mga Pilipinong pinag-aral ng Estados sa kanilang bansa nang walang bayad. Sa
pagbabalik ng mga ito sila ay namuno sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan kabilang ang pagiging guro sa mga
pampublikong paaralan.
Unibersidad ng Pilipinas itinatag noong 1908
Centro Escolar University itinatag noong 1907
National University itinatag noong 1900
Siliman University itinatag noong 1901
*Ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng mga Amerikano ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga
Pilipino ng kaisipang kolonyal higit na pagpapahalaga sa kaisipan, produkto, at mga bagay na gawang dayuhan lalo
na ang nagmula sa Estados Unidos.
Pagdating ng mga bagong uri ng sasakyan tulad ng trak at kotse mula sa dating paggamit ng kalesa at
karwahe. (1903 pagdating ng unang kotse sa Pilipinas)