You are on page 1of 4

Adrian E.

Cristobal
Si Adrian E. Cristobal (19322007) ay Filipinong manunulat at intelektuwal ng kaniyang panahon, at
nagsilbing peryodista, editor, pabliser, at opisyal ng pamahalaan.
Nag-aral siya sa University of the East (UE) ngunit hindi nakatapos ng pormal na edukasyon. Gayunman,
masigasig na nag-aral siyang mag-isa at tumaas ang tungkulin mulang pagiging peryodista at kolumnista
hanggang editor at pabliser sa The Manila Times, Sunday Times Magazine, Saturday Mirror
Magazine, Philippine Graphic, Evening News, Manila Chronicle, Midweek, at Philippine Daily Inquirer.
Ang kaniyang pagiging manunulat ay humatak sa kaniyang upang mahirang siyang ganap na propesor sa
UP Asian Center (19751980) at maging kasapi ng UP Board of Regents (19821986). Tinanggap niya
pagkaraan ang mga titulong doktoradong pandangal mula sa UE at Polytechnic University of the
Philippines (PUP). Naging ikalawang tagapangulo siya sa lupon ng mga direktor ng UP Philippine Center
for Advanced Studies (PCAS, 19751980) at nagbigay ng mga lektura bilang propesor sa Philippine
College of Commerce (na PUP ngayon), Lyceum of the Philippines, at UP Diliman.

Sinulat ni Cristobal ang Filipino First: An Approach to Economic Policy, na naging padron ng
patakarang pang-ekonomiya ni Pang. Carlos P. Garcia; ang premyadong El Filibusterismo na iskrip sa
pelikula na idinirehe ni Gerardo de Leon na naging pambansang alagad ng sining; Occassional
Prose; The Tragedy of the Revolution; at ang The Trial. Si Cristobal ang sumulat, kung hindi man
bumuo, ng ilang aklat ni dating Pang. Ferdinand E. Marcos. Napakarami rin niyang isinulat na mga
sanaysay sa pahayagan at nagbigay ng matatalisik na panayam sa loob at labas ng bansa, at ang
karamihan doon ay may kaugnayan sa panitikan, kasaysayan, at politika. Nakilala si Cristobal mulang UP
hanggang maging bisitang propesor sa University of Paris (Sorbonne), University of Cambridge,
University of Oxford, at University of California, Berkeley.

Humakot ng mga parangal si Cristobal, at ilan dito ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
91960, 1963); Editorial Prize of National Press Club-ESSO Journalism Awards; Most Distinguished
Alumnus and Outstanding Jubilarian Award mula sa Arellano High School (1974); Outstading Award sa
pagdiriwang ng Diamond Jubilee ng National Public Schools (1975); SEAWrite Award mula sa Hari ng
Thailand (1982); National Book Award mula sa Manila Critics Circle (1984, 1993, 1998); Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas mula sa UMPIL (1990); Outstanding Quezonian Award for Literature
(1995); at Outstanding Resident of the City of Manila Award for Political Writing (1996).

Itinuring si Cristobal na maestro sa pagsulat ng satira at bukod-tanging kritiko na napagagaan ang


paliwanag para sa karaniwang mambabasa. Ayon sa editoryal ng The Manila Times, si Adrian ay
"dalubhasa sa satira at parikala (irony), at sumulat ng mga sanaysay at opinyong naglalarawan ng
kakatwa sa mga tao at panahon." Samantala, ang National Press Club naman ay nagsaad na si Cristobal
ay "tao na may dakila't matalim na pag-iisip" na gumanap man ng iba't ibang tungkulin ay nananatiling
manunulat ang pinakaubod.

About
Isang premyadong manunulat si ROGELIO L. ORDOEZ kuwentistat
nobelista, makatat peryodista Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at
maikling kuwento, Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa
pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal
National Centennial Commission sa sanaysay at Gawad Alejandro G. Abadilla
bilang malikhaing manunulat at militanteng peryodista. Pinarangalan din
siya ng probinsiya ng Cavite bilang Progresibong Caviteo sa larangan ng
panitikan, at ng mismong bayan niya ng Imus bilang natatanging taga-Imus
sa literatura.
Noong Hunyo 25, 2011, ginawaran siya ng KM64 Poetry Collective ng titulong MAKATA NG
BAYAN dahil sa kanyang panulaang masugid na nagsusulong sa mga adhikain at
pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo na yaong nakararaming isinadlak ng hari-hariang
iilan sa mga imburnal at pusali ng lipunan. Sa pagdiriwang ng Poesia 2011, pinarangalan
siya ng Pamantasang De La Salle (Dasmarinas) sa kanyang natatanging ambag sa
pagpapalago ng kamalayang panlipunan at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa
malalim na pagsusuri sa kalagayang pambansa at kinikilala ang kanyang kontribusyon sa
panulaan at panitikan bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas
na lipunan. Sa paggunita sa ika-107 taong anibersaryo ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas, ginawaran siya noong Set. 30, 2011 ng plake ng karangalang namumukod at
bantog na manunulat na, sa pamamagitan ng kanyang prolipikong panulat, ay patuloy na
nagbibigay-dangal sa Unibersidad at, bilang nobelista at makata, natanghal ang kanyang
sarili na isa sa pangunahing tagapag-ambag sa ikayayaman ng Literatura ng Pilipinas.
Noong Setyembre 29, 2012, sa ika-30 anibersaryo ng ACT (Alliance of Concerned Teachers),
dahil sa kanyang natatanging ambag sa kilusang guro at sa sambayanan, pinarangalan
siyat ginawaran ng titulong GURO NG BAYAN. Pinarangalan din siya ng CONTEND
(Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy) sa isang
seremonyang idinaos sa Masscom Auditorium ng Unibersidad ng Pilipinas noong Setyembre
27, 2013 bilang MAKABAYANG GURO.
Dati siyang kagawad ng PILIPINO FREE PRESS, kapatid na magasin noon ng PHILIPPINES
FREE PRESS. Naging kagawad din siya ng ASIA-PHILIPPINES LEADER sa ilalim ng

pamamatnugot ni Nick Joaquin at naging kolumnista din ng TEMPO at DIARIO UNO. Dati
siyang Editor-in-Chief ng PINOY WEEKLY at kasalukuyang kasangguning pampatnugutan
nito (editorial consultant). Isa siya sa limang awtor ng MGA AGOS SA DISYERTO, kalipunan
ng piling maiikling kuwento sa Filipino, gayundin ng mga nobelang LIMANG SUWAIL at
APOY SA MADALING-ARAW. Ilan sa kanyang mga obra ang napabilang sa ibat ibang
antolohiya tulad ng PARNASONG TAGALOG ni Alejandro G. Abadilla, BANTAYOG (Philippine
Normal University), NATIONALIST LITERATURE at LIKHAAN (University of the Philippines),
READINGS IN CONTEMPORARY BILINGUAL LITERATURE (Ateneo de Manila University),
HIYAS (aklat-aralin noon sa pampublikong mataas na paaralan), SUBVERSO ng ACT
(Alliance of Concerned Teachers), KILATES (UP), at iba pa. Isinalin sa Ingles ang maikling
kuwento niyang SI ANTO at iniantolohiya sa STORIES FROM SOUTHEAST ASIA (Malaysia)
bilang isa sa pinakamahuhusay na kuwento sa loob ng 30 taon sa naturang rehiyon, ayon
kay Muhammad Haji Salleh, editor ng naturang antolohiya.
Noong 1998, isinaaklat ng Unibersidad ng Pilipinas ang SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK?
(ilan niyang mga tula, kuwento, artikulo at dula). Sa panahon ni dating Presidente Joseph
Estrada, isinaaklat naman ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang kanyang
mga kolum (PLUMA AT PAPEL) na nalathala sa DIARIO UNO. Ipinalimbag din bilang isang
aklat noong 2007 ng Prometheus Publishing Corp. ang kanyang mga kolum at editoryal
(PLUMA AT PAPEL Sa Panahon ni Gloria) na pawang nalathala naman sa PINOY WEEKLY.
Isinama rin ang ilan niyang mga tula sa antolohiyang IPUIPO SA PIGING (2010). At noong
Marso 15, 2011, inilunsad ang aklat ng kanyang mga tula ang HIJO Y HIJA DE PUTA.
Noong Nobiyembre 2013, isinama ang tula niyang ALAY SA BAYANING MANDIRIGMA sa
antolohiyang SALITA NG SANDATA (Bonifacios Legacies to the Peoples Struggle),
gayundin ang tulang MAITA (KA DOLOR) GOMEZ sa antolohiyang MAITA, REMEMBERING KA
DOLOR. Nitong nagdaang Oktubre, 2014, inilunsad naman ng Sentro ng Malikhaing Pagsulat
ng PUP ang bago niyang antolohiya ng mga tulang may kaukulang bersiyon sa Ingles: SA
PAMUMULAKLAK NG MGA TALAHIB (THE TALAHIBS BLOOMING).

Naging hurado rin siya sa ibat ibang timpalak pampanitikan at tagapanayam


din sa ilang seminar sa literatura at pagsulat. Nagtapos siya ng B.S.C.E.
(Inhinyeriya Sibil) at MA (Mass Communication). Kasalukuyan siyang
propesor sa Graduate School ng PUP at nagtuturo rin sa kolehiyo nito ng
malikhaing pagsulat, tula at panulaang filipino, pulitika ng wika, Rizal,

panitikan at kasaysayan ng Pilipinas, at kontemporaryong mga suliraning


panlipunan. (Para sa karagdagang datos, maaaring sumangguni sa Wikipedia
at maaaring dalawin ang kanyang website
https://plumaatpapel.wordpress.com para sa iba pa niyang mga akda.
Maaari rin siyang padalhan ng e-mail saordzroger924@gmail.com)

You might also like