You are on page 1of 2

Mga Misyong Pangkalayaan

Kahit na natalo ang mga Pilipino sa kanilang pakikidigma sa mga Americano dahil sa kakulangan ng mga
armas, hindi sila nawalan ng pag-asang makalaya ang bansa sa mga mananakop. Sa pagnanais ng mga
Pilipinong makamtan kaagad ang kasarinlan, naglunsad sila ng mga misyon upang mangampanyaa para
ipagkaloob na ng United States ang kasarinlan ng Pilipinas. Ipinadala sa Washington ang Unang Misyon
para sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, ang Pangulo ng Senado. Hiniling ng misyon na ipagkaloob na ng
United States ang kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi nagtagumpay ang misyon.
Misyong Americano
Noon ika-20 ng Disyembre, 1920, iminungkahi ni Pangulong Wilson ng United States, sa kanyang huling
mensahe sa Kongreso, ang pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas dahil mayroon na itong matatag na
pamahalaan. Sa kasamaang-palad, hindi ito nangyari dahil hindi sang-ayon sa mungkahi ni Wilson ang
sumunod na Pangulo ng United States, si Warren Harding. Ayon sa kanya, hindi raw tumpak ang mga
isinulat ni Gobernador Harrison sa Kongreso.
Nagpadala ng isang misyon na susuri sa tunay na kalagayan ng Pilipinas si Pangulong Harding.
Pinamunuan nina Gobernador-Heneral William C. Forbes at Medyor-Heneral Leonard Wood ang misyon
noong ika-4 ng Mayo, 1921.
Iniulat ng misyong Wood Forbes na hindi pa sapat ang napakaikling panahon upang ipagkaloob sa mga
Pilipino ang hinihingi nilang kalayaan at bumaba raw ang uri ng gawaing pampubliko ng bansa dahil sa
maling pangangasiwa ni Harrison.
Mga Misyong Pilipino
Maraming misyon ang sunud-sunod na ipinadala sa United States upang hilinging ipagkaloob na ang
kasarinlan ng bansa. Noong 1924, ipinadala ang pangalawang misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa
United States. Pinamunuan ito ni Isauro Gabaldon at ipinagpatuloy nina Claro M. Recto at Manuel L.
Quezon ngunit hindi rin ito nagtagumpay. Hindi rin ito sinang-ayunan ng susunod na Pangulo ng United
States na si Pangulong Coolidge. Ang ibang misyon ay ipinadala noong 1925, 1927, 1928, 1930 at 1931.
Bigong lahat ang mga misyong ito dahil nangamba ang mga Americanong mawala ang Pilipinas bilang
mamimili ng kanilang kalakal at hindi na nila magagamit ang estratehikong lugar na ito sa Asia na
magsisilbing depensa para sa kanilang sariling kapakanan.
Misyong Osrox at Quezon
Nagpadalang muli ng misyong pangkasarinlan ang Pilipinas sa United States noong Disyembre 5. 1931.
Ang misyong ito ay pinamumunuan nina Sergio Osmena Sr. at Manuel Roxas. Ito ay tinawag na Misyong
OSROX dahil hinango ang pangalan nito sa apeltido ng dalawang senador na namuno ng misyon.
Naging maganda ang takbo ng mmisyon dahil na rin sa pangyayaring dumami ang mga Americanong
pumapanig na ipagkaloob na ang kasarinlan ng bansang Pilipinas. Naging mahina kasi ang pangangalakal
sa America noong 1929 at bumaba ang halaga ng mga pamilihang salaping puhunan. Sumang-ayon na ang
United States na bigyan na ng kasarinlan ang Pilipinas hindi dahil sa paniniwalang kaya na ng mga Pilipino
ang pagsasarili kundi natatakot sila na magiging pabigat ang Pilipinas sa kanilang pamahalaan. Nais na rin
mawala ang kanilang kakumpitensiya sa mga kalakal na ipinadadala sa United States.
Nagtagumpay ang Misyong Osrox. Pinagtibay ang Batas Hare-Hawes Cutting noong ika-17 ng Enero,
1933.
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Tydings McDuffie
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay nagtatadhana ng sampung taon ng Malasariling Pamahalaan o
Komonwelt sa Pilipinas at pagkatapos ng taning na itoy pagkakalooban ang kasarinlan ng Pilipinas.
Nakatadhana din ang paghihiwalay sa Mindanao upang gawin itong base military, pagtatatag ng taunang
kota ang 50 Pilipinong dayo sa United States sa loob ng 10 taon ng Malasariling Pamahalaan, at ang
pahintulot na makapasok ang mga kalakal ng bansang America sa Pilipinas nang walang bayad na buwis at
pagkalipas lamang ng limang taong ipinagkaloob ang kalayaan ng Pilipinas saka lamang magbabayad ng
buwis ang United States. Ang batas ay binetohan ni Pangulong Herbert Hoover ng Estados Unidos ngunit
muling pinagtibay ng Kongreso kayat nagging batas ito nang maging Pangulo si Franklin Rossevelt.
Hindi naibigan ni Manuel L. Quezon ang iniuwing batas ng Osrox kayat siya ay nagtongo sa United States
upang humingi ng higit na mabubuting probisyon. Kaunti lamang ang mga pagbabagong nilagay sa Batas

Hare-Hawes-Cutting. Ito ay inilagay sa pangalan nina Senador Tydings at Kinatawang McDuffie. Ang
Batas Tydings McDuffie ay halos katulad sa probisyong gagawing base military ay pinalitan ng
pagkakaroon ng base para sa hukbong pandagat at fuel station ang Mindanao.
Para maihanda ang bansa ay gagawin ito: 1) ang pagtatatag ng Malasariling Pamahalaan sa Pilipinas na
tatagal ng sampung taon; 2) ang pagkakaroon ng kumbensyong maghahanda ng saligang-batas 3) ang
pagkakaroon ng plebesitong magpapatibay sa saligang-batas; 4) ang paghahalal ng mga mamumuno sa
Malasariling Pamahalaan; at 5) ang pagtatakda ng araw ng pagpapahayag sa Kasarinlan ng Pilipinas sa ika4 ng Hulyo na kasunod ng huling taon ng 24 ng Marso, 1934, nilagdaan ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng United States ang Batas Tydings McDuffie.
Kumbensiyong Konstitusyonal
Alinsunod sa Batas Tydings McDuffie, nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado sa Kumbensyon sa Maynila
para sa paghahanda ng Saligang-Batas noong ika 10 ng Hulyo, 1934. Dalawang daat dalawang delegado
ang nahalal na bubuo sa Kumbensyon. Nahalal na Pangulo ng Kumbensyon si Claro M. Recto. Ilang
buwang pinag-usapan at pinagtalunan ang mga tadhana ng Saligang-Batas. Pinagtibay ito noong ika-8 ng
Pebrero, 1935.
Ang Saligang Batas ng 1935
Ang mga sumusunod ang mahahalagang itinatadhana ng Saligang Batas ng 1935.
1. Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may magkakapantay na kapangyarihan, ang ehekutibo, ang
lehislatibo at ang hudisyal.
2. Ang Pangulo at ang pangalawang pangulo ay halal ng bayan. Maglilingkod sila sa loob ng anim na
taon at hindi na maihahalal uli.
3. Ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas ay nasa Asamblea na bubuuin ng 98 kagawad na
ihahalal ng mga mamamayang may karapatang bumoto at manunungkulan sa loob ng talong taon.
4. Ang kapangyarihang hudisyal o panghukuman ay nasa Kataas-taasang Hukuman at iba pang
hukuman;
5. Ang pagkakaroon ng talaan ng mga karapatan ng mga mamamayan tulad ng kalayaan sa
pagsulat, paglalathala, pagsasalita, pagsamba sa anumang relihiyon at iba pa.
Noong ika-14 ng Mayo, 1935, pinagtibay ang nasabing Saligang Batas sa pamamagitan ng isang Plebesito.