You are on page 1of 14

Operation zero backlog: Sanib-pwersang Paglutas sa

Kakapusan ng Silid-aralan
8/1/2013
0 Comments
Pacesetter Vol XLI No. 1 Broadsheet Issue
Nina Mhervin Viray, Carolyn Russel Vitente at Florence Vila
Bilang tugon sa kakulangan ng mga silid-aralan sa lalawigan, pinasinayaan ng Panlalawigang
Pamahalaan ng Bulacan at ng Department of Education (DepEd) ang proyektong Bulacan Zero
Backlog, Mayo 2013.
Sa target na 1,942 na silid-aralan, 350 pa lamang ang naipatayo sa ibat ibang paaralang elementarya at
sekondarya sa lalawigan.
Sa bisa ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng kalihim ng DepEd na si Bro.
Armin Luistro at ng Panlalawigang Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado noong Enero 2012 na sinaksihan
ng 4,000 guro sa Bulacan Capitol Gymnasium, naisakatuparan at patuloy pa ring nagpapatayo ng
mga classroom sa mga mababa at mataas na paaralan kung saan may malaking kakulangan nito.
Nilalaman ng kasunduan ang 50-50 Classroom Fund Sharing Scheme na tig-800 milyon na
hatian ng kagawaran at ng panlalawigang pamahalaan na bubuo sa pondong 1.6 bilyon upang punan ang
bilang ng kakukalangan sa silid-aralan.
Kung mag-a-allot lang ng kapira-piraso, kung aasa lang sa mga regular local building
allocation, hindi matatapos yong mga backlogs na yan kaya naisip na makipag-partner ng local
management at provincial local government ng Bulacan at ng DepEd para magkatulungan na para
mawala na yong backlog in terms of classrooms here in Bulacan, paliwanag ni Marcos dela Cruz ,
DepEd Head ng Bulacan.
Base sa pag-aaral ng DepEd, mahigit 68, 800 ang kulang na mga silid-aralan sa bansa sa
taong 2010, na bumaba sa 32, 127 sa pag-uumpisa ng kasalukuyang taon.
Samantala, mayroong 496 paaralang elementarya at 83 namang sekondarya sa Bulacan, at
tinatayang 80 mag-aaral ang gumagamit sa bawat silid-aralan. Sa pamamagitan ng programa ay
nilalayong ibaba na lamang ang kakulangan sa lalawigan sa 45 na estudyante kada isang silid-aralan.
Mula sa araw ng paglagda ng kasunduan, 18 buwan ang tinayang kakailanganin upang
matapos ang proyekto. Kabilang sa mga eskwelahan na naipagpatayo na ng silid-aralan ang ang sa
Calumpit National High school, San Juan Elemantary School sa Balagtas, Felizardo C. Lipana Memorial
High School at Tabang Elementary School na kapwa sa bayan ng Guiguinto.
Ang paaralan ng Dr. Felipe De Jesus National High School sa bayan ng Plaridel na
napagkalooban ng three-storey classroom building na mayroong siyam na silid na magagamit ng higit
kumulang sa 500 mag-aaral.
So far makakatulong 'yong ginagawa na 'to na three-storey classrooms building kasi pwede
pang mag-add ng additional sections. Kaya nga lang since na ini-split 'yong mga students into the ideal
size which is 45, nagkukulang kami sabuildings sa dami nila [students]. Although may dumarating na,
kulang pa rin, ani Khristian Liwanag, Head Teacher sa nabanggit na eskwelahan.

Samantala, ayon naman sa punong guro na si Eufrocina Dionisio ng Barasoain Memorial


Elementary School (BMES) na nakatanggap ng dalawang silid-aralan para sa mga preparatory students,
sa kabila ng higit pang pangangailangan dito, hindi niya maikakaila na malaking bagay nang maituturing
ang mga bagong silid na ipinagkaloob sa kanila.
Tayo naman kasi, hindi naman decreasing ang population natin
e, increasingtayo. Though hindi pa rin fully makakasapat, nagagawan pa rin naman ng paraan hanggang
sa may dumating uling bagong tulong sa DepEd at pamahalaan,ani Dionisio.
Biglang pagsang-ayon, para kay Kathleen Usi, magulang ng isang preparatory student ng
BMES, ramdam niya ang pagbabago sa solusyon sa problema ng eduksayon ng bansa.
Maganda talaga 'yong projects ngayon ng DepEd at ng gobyerno, mas mabuti na ngayon
kaysa naman noong panahon ni Gloria, hindi talaga malulutas ang lahat ng minsanan pero maayos na rin
'yong kahit paano nagkakaron ng solusyon [yong problema ], ani ni Usi.
Inihayag din ni Liwanag ang ilan pang aspeto na dapat mabigyang pansin bukod sa
kakulangan ng silid, na makatutugon naman sa mga pangangailangan ng curriculum na K to 12 program.
Mga equipments para sa mga ibat-ibang department, halimbawa sa MAPEH kailangan
ng mga sports equipment, sa TLE kailangan naman ng mga laboratories in preparation para doon
sa curriculum [K to 12], sa Science naman equipments with regards to science and technology, sa ibang
areas ganon din, ani ni Liwanag.
Bagamat ang mga kakulangan sa resources na ito ay maaaring makamit sa kanilang
mga requests sa mga non-government organizations ayon na rin kay Liwanag, umaasa sila na
maibibigay rin ito ng kagawaran sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa bagong kurikulum.
Bago simulan ang Bulacan Zero Backlog ay nauna na ring pinasinayaan ang pagtatayo ng mga
silid-aralan sa ilang paaralan upang ihanda ang mga guro at mga estudyanteng mag-aaral sa bagong
K+12 basic curriculum education ng bansa.

Posted by Pher Pasion on Jul 22 2014. Filed under Features, Kabataan, Top
Stories. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You
can leave a response or trackback to this entry - See more at:
http://pinoyweekly.org/new/2014/07/sa-ilalim-ni-aquino-edukasyon-dipara-sa-lahat/#sthash.SVVMoDp5.dpuf
Edukasyon ang isa sa karapatang kailangang tiyakin ng isang estado para sa
mga mamamayan nito, lalo na sa mga bata. Sa Pilipinas, ito ang tinitignan ng
marami para maiahon sa kahirapan ang mga mahihirap.
Itinatadhana ng Saligang Batas na karapatan ng bawat mamamayan ang
edukasyon. Pero di sikreto ang di pagiging abot-kamay ng edukasyon sa
mayorya ng mga mamamayang Pilipino.

Ito ang laman ng iniulat kamakailan ng Salinlahi Alliance for Childrens


Concerns, isang grupo na nagtataguyod ng karapatan ng mga bata, sa Ulat
Bulilit 3, Education for All: A myth or reality? sa Unibersidad ng PilipinasDiliman: Dahil sa mga polisiya ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon
sa gobyerno, lalong di nagiging-abot-kamay sa mahihirap ang edukasyon.
Ganito (pa rin) ba ang paaralan mo?

Siksikan at/o pinaghahati-hating klasrum sa Pres. Corazon Aquino Elementary School. Kuha noong pasukan,
Hunyo 2014. Pher Pasion

Nitong pasukan, muling sinalubong ang mag-aaral at mga guro ng pareparehong problema sa mga eskuwelahan. Sa kabila ito ng ipinagmamalaki ng
administrasyong Aquino na natutugunan na umano ang mga kakulangang ito.
Pebrero pa lamang ng taong ito, natugunan na umano ng Department of
Education (DepEd) ang kakulangan sa klasrums, ayon kay Noynoy Aquino.
Nakapagpatayo umano ang departamento ng 66,813 na mga klasrum na higit
sa target ng gobyerno na 66,800 lamang.
Pero hindi nabago ng datos na ito ang nananatiling kalagayan ng mga magaaral taun-taon, ayon sa Salinlahi mula sa apat na eskwelahan na kanilang
pinuntahan sa Metro Manila para saliksikin ang kalagayan ng mga bata.
Kabilang dito ang Batasan Hills National High School, Pres. Corazon Aquino
Elementary School, Bagong Silang High School, at Tondo National High
School.
Sinabi ng 86 percent na mga estudyante sa Pres. Corazon Aquino
(Elementary School) na hindi raw totoo na 35 per classroom ang
kanilang class size, ani Kharlo Manano, pangkalahatang-kalihim ng Salinlahi.

Hindi rin daw ito totoo sa Batasan, Bagong Silangan, at Tondo; sapat o sakto
lamang daw ang bilang ng mga estudyante sa mga klasrum. Hinati umano ang
klasrum sa dalawa bilang solusyon para tugunan ang mga kakulangan sa
klasrum. Kaya sisiksikan ang mga bata, naiinitan, at hindi nakakapag-aral
nang mabuti.
Sa sarbey sa mga eskuwelahang nabanggit, nasa 80 porsiyento ng mga magaaral sa Batasan Hills National High School ang nagsasabing hindi
komportable sa kanilang mga klasrum at kulang sa bentilasyon. Nasa 79
porsiyento naman ang sa Tondo National High School, nasa 67 porsiyento
naman sa Bagong Silangan High School, at 49 porsiyento naman sa Pres.
Corazon Aquino Elementary School.
Kapag ang silid-aralan ng isang bata ay hindi conducive for learning, hindi
natin maasahan na maiintindihan ng bata ang itinuturo sa kanya ng teacher,
ayon kay Manano.
Matinding kakulangan
Sa ulat umano ng Management Association of the Philippines Education Task
Force noong 2011, aabot ang kakulangan sa mga klasrum ng tinatayang
94,000 hanggang 124,000 kada taon na may konsiderasyon sa pagdating ng
mga kalamidad at lumalaking populasyon ng estudyante.

Kharlo Manano ng Salinlahi habang tinatalakay ang kalagayan ng mga bata sa mga paaralan sa Metro
Manila. Pher Pasion

Tinatayang aabot sa P72 Bilyon hanggang P99-B ang kakailanganin kada taon
para mapondohan ang pagtatayo ng mga bagong klasrum. Pero sa taong ito,
nasa P7.35-B lamang umano ang inilaan ng Department of Budget and
Management (DBM) para sa pagtatayo ng mga klasrum, ayon sa Salinlahi.
Nakakapagtaka na ganito kaliit na badyet ang inilalaan para sa napakalaking
serbisyo para sa mamamayan. Pero napakalaki naman, halimbawa ang DAP
(Disbursement Acceleration Program) na nasa P170-B ang nakalaan dyan at
si Pangulong Aquino lang ang may kapangyarihan kung saan gagamitin. Pero
sa edukasyon kakarampot ang inilalaan, ayon kay Manano.
Nananatili pa rin umano ang kakulangan sa mga textbook sa Batasan National
High School, Tondo National High School, at Pres. Corazon Aquino Elem.
School. Mas pinalala pa umano ito ng pagpasok ng bagong kurikulum na K to
12 ng administrasyong Aquino.
Sinasabi ng mga estudyante ng hayskul, walang textbook na
ibinigay specifically para doon sa K to 12 program. Ang ginagawa ng mga bata,
yung module na galing sa guro ang kanilang pinapa-photo copy. At yung
gastos ay sasaluhin ng magulang, ayon kay Manano.
Sa mga upuan, sa tatlo sa apat na eskwelahan na nabanggit, sapat umano ang
mga upuan ng mga bata. Pero bagamat nakapagpagawa ng upuan ang DepEd
bilang sagot sa kakulangan, marami sa mga upuan na kanilang napansin ang
sira-sira na. Ang iba, nagdadala ng kanilang sariling upuan, ayon sa Salinlahi.

Ito ang bahay ng isang NPA. Sinulat ng militar sa isang bahay ng katutubo sa Lianga, Surigao del Sur noong
2009. KR Guda/PW File Photo

Pag-atake sa mga alternatibong paaralan


Dahil sa ilang dekada nang problema sa sektor ng edukasyon gaya ng
kakulangan sa mga guro, libro, klasrum, at maging mga paaralan, umusbong
ang alternatibong mga paaralan sa ibat ibang bahagi ng bansa. Itinatayo ang
mga ito ng relihiyosong mga grupo, gayundin ng mga organisasyon ng mga
mamamayan lalo na sa kanayunan.
Pero sa suri ng Childrens Rehabilitation Center (CRC), nagiging target ang
naturang mga paaralan ng militar, sa kanilang giyera kontra-insurhensiya.
Mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2014, may naitala tayong kaso na 52
na attack on schools and/or use of public places such as barangay halls,
health centers, and places of worship, ayon kay Jacquiline Ruiz, executive
director ng CRC.
Nasa 5,165 na indibiduwal ang apektado at 2,722 bata ang direktang apektado
sa kaso ng pag-atake na ito, sa datos ng CRC.
Kabilang sa mga kaso ng paglabag na kanilang naitala ang pagbansag umanno
sa alternatibong mga paaralan na pinatatakbo umano ng New Peoples Army
(NPA) o ang armadong puwersa ng Communist Party of the Philippines.
Gayundin, binabansagang NPA o tagasuporta ng NPA ang mga guro nito na
naglalagay sa kanila sa posibleng kapahamakan.

Mga batang bakwit sa Surigao del Sur dahil sa militarisasyon. KR Guda/PW File Photo

Ang Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood and


Development (Alcadev) na itinayo noong 2004 na nagtuturo ng antas
sekondarya sa mga lugar ng Surigao Norte, Surigao Sur, Agusan Norte, at
Agusan Sur, ang kabilang sa mga naitalang eskwelahan na inaatake.
Itinatayo umano ang eskuwelahan ng Alcadev para hindi na bumaba pa ng
bundok ang mga katutubong kabataan na gustong makapag-aral. Nakatuon
din ang naturang eskuwelahan sa pagpapaunlad ng pang-ekonomiyang
gawain ng komunidad dahil agrikulturang paaralan din ang Alcadev.
Bilang resulta ng militarisasyon, maraming klase ang nasuspindeng sa mga
paaralang ito. Maraming mga guro at mga mag-aaral ang sumailalim umano
sa interegasyon ng mga militar sa lugar. Sinusurbeylans din umano ang mga
guro sa mga paaralang ito.
Mula 2005 (isang taon mulang nang itayo ang Alcadev) hanggang 2007,
walang patlang umano ang military deployment sa mga lugar na ito na
nagresulta sa malawakang evacuation at paglabag sa karapatang pantao.
Halos taun-taon lumilikas ang mga tao buong komunidad ang lumilikas.
Nasa mahigit isang libong katao ang lumilikas dahil sa deployment (ng
militar) sa kanilang lugar (lugar ng mga Lumad sa Mindanao), ayon kay Ruiz.
Noong 2009, nagtuluy-tuloy umano ang panghaharas na ginagawa ng mga
militar sa lugar na ito hanggang sa binansagang ilegal ang Alcadev dahil wala
umanong accreditation ang nasabing eskwelahan mula sa DepEd at isa
umanong communist front ang nasabing eskuwelahan.
(Basahin ang ulat ng PW hinggil sa pagbakwit ng mga katutubo sa Surigao
del Sur. Tunghayan din ang photo essay hinggil dito.)

Tinuro ng isang katutubong guro sa alternative school sa Talaingod, Davao del Sur ang sinulat ng mga militar
sa kanilang paaralan na nag-aakusa sa mga guro na miyembro raw ng NPA. Tulad ng naganap sa mga
paaralan ng Alcadev noong 2009 at sumunod na mga taon, kinampuhan din ng militar ang alternative schools
sa Talaingod nitong Mayo 2014. KR Guda

Eskuwelahang katutubo, tinatarget


Kabilang din sa mga eskuwelahang inaatake ang Blaan Literacy School and
Learning Center at Salugpungan Ta Tanu Igkanogon Community Learning
Center sa Talaingod, Davao Del Norte.
Nitong Mayo 2014, bumaba din sa kabundukan ng Talaingod ang mga guro at
mga kawani dahil sa panghaharas umano ng militar. Isang araw na lakaran
ang kakailanganin para marating o lisanin ang lugar. Dumulog sila sa lokal na
gobyerno para humingi ng tulong ang mga guro. Natigil ng limang buwan ang
operasyon ng eskuwelahan ng mga katutubo.
At 190 students ang naapektuhan. Hindi naka-graduate ang mga bata nang
taong yan (2010) dahil hindi na sila nakabalik sa kanilang lugar, ani Ruiz.

Agosto 2011 nang magkaroon ng kampanya para makabalik ang mga


estudyante. Doon din naganap ang kauna-unahang recognition day sa Blaan.
Taong 2013 nang itayo ang Salugpungan Ta Tanu Igkanogon Community
Learning Center Panansalan Annex. Pero nasa ilalim umano ito ng paniniktik
ng militar. Marso 4, 10, at 11, nang iharas umano ng militar ang mga guro at
estudyante at pinaratangang tumutulong daw sa NPA. Marso 27 nang may
dukutin guro dito.
Nagpapatuloy ang seryeng ito at hindi siya bago. Dire-diretso siya, hindi siya
tumitigil. Walang patlang na inaatake o mini-militarize ang mga eskuwelahan
na itinayo para bigyan ng serbisyo sa mga bata sa mga komunidad na malayo
at hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan, ayon kay Ruiz.
Maging sa mga day care center mismo ng pamahalaan sa Maguindanao,
Ilocos-Cordillera at Samar, pareho rin umano at walang pinag-iiba ang
nararanasang militarisasyon.
Disyembre 2013 nang maglabas ang DepEd ng Memorandum No. 221 na
nagbibigay pahintulot sa Armed Forces of the Philippines na ipagpatuloy ang
mga aktibidad na ito sa mga eskuwelahan.
Further violation ito sa mga estudyante, mga guro, at siyempre sa buong
komunidad. Sa kabuuan, hindi papabor ang DepEd Memo 221 para sa
kagalingan na mabigyan sa karapatan sa edukasyon ang mga bata, sabi pa ni
Ruiz.
Nakapagtala ng mga epekto ng militarisasyon ang CRC, kabilang ang trauma,
takot sa mga militar, pagtigil sa araw-araw na gawain sa komunidad,
pagbabago sa pagtulog, at pagkatanggal sa kanilang komunidad ang mga bata
na nakakaapekto ng matindi sa kanilang kultura.
Nanatiling bingi at bulag ang administrasyong Aquino sa mga ipinakita
nating datos. May mga kaso at nagpapatuloy ang mga kasong ito. Patuloy na
ginagawa ng AFP ang mga violations na ito, paliwanag pa ni Ruiz.
K to 12, di para sa bansa
Sa kabila ng matagal at matinding krisis sa sektor ng edukasyon, binago
naman ng administrasyong Aquino ang kurikulum sa batayang edukasyon sa
pagpasok ng K-to-12 na nagdagdag ng dalawang taon.

Ayon kay Alex Legaspi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), mula 1945
Ipagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinag-usapan sa Bretton
Woods Conference ang rekonstruksiyon ng mga imprastrakturang napinsala
ng digmaan kasama ang edukasyon. Ito ang dahilan kung bakit nag-iiba ang
sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Alex Legaspi ng Alliance of Concerned Teachers habang ipinaliliwanag ang kanyang nakalap na datos tungkol
sa K to 12. Pher Pasion

Pag bago ang pangulo, bago ang kurikulum. Ano man ang ipangalan nila
dyan, ang kurikulum ay galing lagi sa ibang bansa. Laging imported yan,
paliwanag ni Legaspi.
Binabago umano nila ngayon ang kurikulum dahil hindi umaabot sa target
ang Pilipinas sa achievement dahil sa resulta natin sa achievement test natin
ay laging mababa sa Agham, English, at Matematika, ayon kay Legaspi.
Ayon naman sa Trends in International Mathematics and Science Study,
sinasabi na palaging huli di umano ang Pilipinas sa ranking. Noong 2003, sa
25 bansang kasali, pang-23 ang Pilipinas sa Science at Mathematics. Taong
2008, sa 10 bansang kasali, ika-10 o pinakamababa ang Pilipinas
sa ranking sa Mathematics.
Kung hindi tayo kulelat, tayo ang susunod sa kulelat, ayon kay Legaspi.
Wala sa kamay ng maralita
Idinadahilan ng gobyerno sa pagpasa ng K-to-12 na Pilipinas na lamang
umano ang hindi o naiiwan na hindi nagpapalit ng kurikulum.

Pero kahit na nagdagdag ng taon, wala umano silang binago sa core ng


kurikulum na tinuturo ngayon. Mas pinaigting umano ang bokasyonal na mga
kurso para ihanda ang mga bata sa maagang pagtatrabaho. Kitang-kita natin
kung sino ang makikinabang sa ating mga estudyante. Nakikita din natin ang
sabwatan ng mga nasa ahensiya ng gobyerno, ayon kay Legaspi.
Sa 2016, inaasahang maaapektuhan ang 85,000 guro sa kolehiyo dahil
mawawalan ang mga ito ng mga estudyante.
Yan ba ang magbibigay ng trabaho, eh ang laki-laki nang ididisplace mong manpower para lamang ma-accommodate ang K-to-12?
tanong ni Legaspi.
Isa sa mga problema ang pagtuturo ng mga guro ng walang course
outline dahil sa pagmamadali na ipatupad ang K-to-12. Hanggang ngayon,
wala pa umanong modules na binibigay sa kanila para magamit partikular sa
Grade 9. Mismong mga guro pa ang siyang kinakailangang gumastos at magdownload mula sa website ng DepEd.
Gulung-gulo pati yung usapin ng paggamit ng mother tongue. Eh yung
ginagamit na libro ay English. Kaya yung teacher, pagkatapos magtrabaho
buong maghapon, ita-translate pa nila sa Ilocano, (halimbawa) kung Ilocano
ang mga estudyante nya. At hindi libre yun. Teacher pa ang gagastos,
paliwanag pa ni Legaspi.
Kulang sa guro
Bago ang pasukan, naglabas ng memorandum ang DepEd na nagsasabing
hindi na dapat kumuha pa muli ng kontraktuwal na mga guro. Nasa 30,000
guro umano ang apektado nito sa buong bansa, ayon sa ACT.
Napag-alaman ng grupo na kailangan ng 132, 483 guro para sa 2012-2013
para maabot ang isang guro kada 30 estudyante sa isang klase o 1:30 ratio.
Pero nasa 31,000 lamang ang idinagdag na guro, batay sa datos hanggang
nitong Mayo 2014.
Samantala, sa mga eskuwelahan, problema pa rin ang kalinisan; kulang na
kulang ng malinis na palikuran para sa mga bata at guro. Maging ang mga
kawani na nagtitiyak ng kalinisan sa loob ng paaralan, tinatanggalan din ng
trabaho dahil sa rationalization na ginagawa ng gobyerno.
Gusto lang ng DepEd na magtipid. Kung savings lang ang pag-uusapan, bakit
kinuha ang savings at ginawang DAP? Pinarusahan (ng administrasyon) ang

mga bata at teacher. Sila na ang pinaglilinis. Sila na ang pinag-guguwardiya,


ayon kay Legaspi.
Maging ang pagigigng computer-based o nakaayon sa technolohiya na
pagtuturo na nais ng programang K-to-12 ay di pa rin maayos na
pagpapatupad. Nananatili pa rin kasing atrasado ang pagtuturo sa Pilipinas,
lalo na sa mga liblib na lugar.
Gumagamit pa rin tayo ng chalk. Gumagamit pa rin tayo ng MP3 at MP4, o
Manila Paper 1,2, 3, at Manila Paper 4, ayon kay Legaspi.

Ang tatlong tagapagsalita sa ginanap na Ulat Bulilit 3 sa pangunguna ng Salinlahi, Childrens Rehabilitation
Center, at Alliance of Concerned Teachers sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Pher Pasion

Pinopondohang pribadong eskuwelahan


Dahil sa kakulangan ng pondo para sa edukasyon, nagsusumiksik ang mga
estudyante sa kulang na mga silid-aralan at paaralan, habang hirap naman
ang mga guro sa pampublikong mga paaralan na makaagapay sa maraming
estudyante.

Ang solusyon daw ng gobyerno: Government Assistance for Students and


Teachers in Private Education (Gastpe), na napatupad sa bisa ng Republic Act
No. 8545. Sa esensiya, popondohan ng gobyerno ang mga mag-aaral para pagaralin sa pribadong mga eskuwelahan. Taun-taon, palaki ng palaki ang
pondong inilalaan dito:
Government Assistance for Students and Teachers in Private Education
Year

Amount

Number of
Beneficiaries

2013

7.8 billion

800,000

2012

6.3 billion

759,429

2011

3.61 billion

697,708

2010

3.5 billion

690,588

2009

3 billion

665,128

1996

354.57 million

210,630

1986

5 million

No data

Source: Alliance of Concerned Teachers


Ginagamit umano ang sistema ng voucher sa mga estudyante para matiyak
ang pagpapatuloy ng programang K-to-12 na hindi kayang maaccommodate ng publikong mga paaralan. Pribadong mga eskuwelahan ang
papalit sa serbisyong dapat ibinibigay ng public schools.
Babalik sa pribado ang ganansiya. Sila (halimbawa) ang maghahanda para
sa senior high school. Hindi kayang i-accommodate ng general education
high school yan kasi wala siyang pasilidad, ayon kay Legaspi.
Ito umano ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa ang pribadong mga paaralan
sa taas-badyet na para sa Gastpe.

Maging sa tertiary education o kolehiyo, tumatagos ang K-to-12: Inanunsiyo


ngayong taon ng Commission on Higher Education na tatanggalin sa kolehiyo
ang Wikang Filipino sa kurikulum. Ayon sa mga kritiko ng naturang desisyon

ng CHED, malaking dagok ito sa pangangalaga ng makabayang diwa sa hanay


ng mga estudyante sa kolehiyo.
Samantala, patuloy din ang paghihikayat ng gobyerno sa state universities
and colleges (SUCs) na magpatupad ng income-generating schemesbahagi
ng penomenon ng komersalisasyon ng edukasyon. Mismong si Aquino ang
nagsabi na layon ng administrasyon niya na bawasan ang pondo ng SUCs para
maitulak ang mga ito na kumuha ng kanilang sariling pondo.
Ano ang nangyari? Magma-manage ka ng commercial education? Hindi na
tuloy alam kung ano ang uunahin, kung ang negosyo ba o edukasyon, sabi pa
ni Legaspi.
Sa kabuuan, sinasabi ng mga kritiko na hindi programang K-to-12 ang sasalba
sa naghihingalong kalagayan ng edukasyon sa bansa. Bagkus, sa pagpipilit na
maipatupad ito, lalo lamang pinahihirapan ang mga mag-aaral, guro, at
mamamayan. Samantala, tinutugunan ng mga programang ito ng
administrasyon ang interes ng mga negosyante (lokal o dayuhan) para
pagkunan ng murang lakas-paggawa.
Lalong nagiging malayo ang edukasyon sa kamay ng mahihirap na mga
mamamayan sa bansa.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=30415

- See more at: http://pinoyweekly.org/new/2014/07/sa-ilalim-ni-aquinoedukasyon-di-para-sa-lahat/#sthash.SVVMoDp5.dpuf

You might also like