You are on page 1of 5

Mga Sulliranin na dinadanas ng mga Estudyanteng Inhinyero Sibil

Sa Unibersidad ng Negros Occidental Recoletos


Taong 2013:2014

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Asignaturang Filipino


ng Unibersidad ng Neg. Occ. Recoletos Bacolod City

Iniharap kay:
Mr. Patchito Moreno

Mula sa Sangay ng Enhenyero Sibil

Iniharap nina:
Sean Karlo Amparado
Jin Paolo Dayot

February 27, 2015

INTRODUKSYON

Seryoso sa Edukasyon. Ito ang sigaw ng mag-aaral sa ating henerasyon. Lahat tayo ay
gustong mag-aral ng walang sagabal. Sa ating henerasyon ngayon masasabi nating kahit saan na
lang ang temptasyon mapa sa bahay man o sa paaralan. Sa panahong ngayon kung saan ang
bansa ay nasa oras ng pagprogreso nadadagdagan naman ang mga sagabal sa pag-aaral tulad ng
mga bisyo, kompyuter, mga clubs at iba pa. Dahil sa mga sagabal na ito mas nadadagdagan pa
ang mga estudyanteng drop out kung saan ang mga magulang sa ay ang lumalabas na kawawa.

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay ipaliwanag ang bawat isang


sagabal/suliranin na nagdudulot ng masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyanteng
inhinyero sibil ng Unibersidad ng Negros Occidental Recoletos taong 2013-2014.
Impormasyon na galing mismo sa mga mag-aaral ng Inhinyero Sibil na aming nakuha mula sa
ginawang survey. Bawat isa ay may ibat ibang opinion sa tanong na aming binagay sa sarbey,
ibig sabihin ay bawat isa sa kanila ay mga sariling bagay na nagdudulot ng sagabal sa kanilang
pag-aaral. Ito ay nais naming ipaliwanag sa aming ginawang pamanahong papel.

Paglalahad ng Suliranin
Ang mga sumusunod na tanong ay sisikaping tugunin n gaming pananaliksik na ito:

Ano ang mga bagay na nagpapahirap sa nasabing kurso?


Paano ito nalagpasan at nagpagtagumpayan?
Ano ang mga bagay na nagging sagabal sa inyong pag-aaral na maaring

nagging sanhi ng kahirapan ng nasabing kurso?


Ano ang mapapayo niyo upang matulungan ang mga estudyanteng kasing
kurso ninyo?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mabababang taon na kumukuha ng inhinyero sibil
sapagkat pinapakita sa pag-aaral na ito ang mga suliranin na dinadanas ng isang kasing kurso na
mga estudyante at kung paano nila nalulutas ito. Makakatulong ito sa mga estudyanteng
nakakaranas ng pare-parehong suliranin tulad sa aming pananaliksik. Makakatulong din ito sa
mga guro o administrator dahil sa pamamagitan ng mga impormasyon at ginawang pananaliksik
ay maiintindihan o mauunawaan nila ang mga mag-aaral na dumadaan sa mga problema .

Depinisyon ng mga Termino

Para maunawaan ng lubos ang aming pananaliksik, binigyan namin ng kahulugan ang
mga terminong ginamit.

Inhinyero Sibil - ay isang disiplina ng inhinyerong prupesyunal na humaharap sa


pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na
kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga

kanal, mga prinsa, at mga gusali.


Surveying/Pagtilingin - iyon sangay ng inilapat matematika na itinuturo ng
sining ng pagtukoy ng lugar ng anumang bahagi ng kalatagan ng earth, ang haba

at mga direksyon ng bounding mga linya, ang ayos ng ibabaw, atbp.


Calculus - Isang paraan ng pag-compute anumang proseso ng pagdadahilan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo anumang branch ng matematika na

maaaring magsama ng pagkalkula Barycentric calculus.


Haydrolika - Iyon sangay ng agham, o ng engineering, na itinuturing ng mga

likido sa paggalaw, lalo na ng tubig, ang pagkilos nito sa mga ilog at kanal.
Temptasyon/Tukso - Isang bagay na kaakit-akit, tempting o seductive isang

pang-akit o enticement.
Infrastructure/Imprastraktura - Ang isang nakapailalim na base o pundasyon
lalo na para sa isang organisasyon o ng system ang mga pangunahing kagamitan
sa, mga serbisyo at mga pag-install na kinakailangan para sa paggana ng isang
komunidad o lipunan

Saklaw ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa ibat ibang suliranin na sumasagabal sa pag-aaral
ng mga 5th year na mag-aaral sa Unibersidad ng Negros Occidental Recoletos. May kabuuan na

20 respondent ang binigyan ng mga parehong katanungan at ito ay ipinasagot sa mga mag-aaral
ng inhinyero sibil.

You might also like