You are on page 1of 95

2002 KURIKULUM

SA BATAYANG EDUKASYON
SA LEVEL SEKONDARI

Departmento ng Edukasyon
KAWANIHAN NG EDUKASYONG SEKONDARI
DepEd Complex, Meralco Ave., Pasig City
PANIMULA
Ang handbuk na ito ay naglalayong makapagbigay ng pangkalahatang
pananaw tungkol sa programa ng Filipino sa level sekondari. Magsisilbing gabay
din ito sa pagpapatupad ng kurikulum, sa pagpapabatid ng mga patakaran at
gabay sa mga dapat isagawa at isakatuparan.

Sa madaliang kabatiran at pag-unawa, ang handbuk ay naglalaman ng


mga sumusunod:

- Ang deskripsyon na kung saan tinitiyak ang focus at empasis ng


larangan ng pagkatuto.

- Ang yunit kredit na nagpapakita ng bilang ng yunit na nakalaan sa


larangan ng pagkatuto na nakabatay sa apatnapung (40) minuto bawat
yunit kredit at siyang gagamitin sa pag-eebalweyt ng mga mag-aaral
tungo sa susunod na level.

- Ang laang oras pangklasrum na tumitiyak sa bilang ng minuto o oras


ng pagtuturo na nakalaan sa larangan ng pagkatuto sa bawat araw o
bawat linggo.

- Ang mga inaasahang bunga na naglalahat sa mga pangkalahatang


kasanayan sa pagkatuto na dapat taglayin ng mga mag-aaral
pagkatapos ng bawat taon.

- Ang saklaw at pagkakasunud-sunod ng mga aralin at kontent.

- Ang mga mungkahing istratehiya na kinakailangang gamitin upang


higit na madevelop ang kontent, mapataas ang antas ng kasanayan at
maipakita ang pinagsanib na pagkatuto.

- Ang mga kagamitan na kinabibilangan ng mga inaprubahang gamitin


sa pagtuturo. Kabilang din ang mga kagamitang tutulong sa paglalapat
ng “ information and communication technology” kung kinakailangan.

- Ang batayan ng pagmamarka na tumitiyak kung paano susukatin ang


kinalabasan ng pagkatuto at ang mga tiyak na kakayahan ng mga
mag-aaral na dapat lapatan ng marka.

2
- Ang mga kasanayan sa pagkatuto na tumitiyak sa mga kaalaman,
kasanayan, gawi at mga pagpapahalagang kinakailangang madevelop
at matamo sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

- Ang hulwarang banghay-aralin na nagpapamalas ng proseso ng


makabuluhang pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng paglalapat
ng mga kinakailangang mga kasanayang pangpamumuhay (life skills)
at

kasanayan sa mataas na antas ng pag-iisip (higher order thinking skills),


pagpapakita ng mga pagpoproseso ng mga pagpapahalaga ( valuing
process) at ng iba’t ibang interaktiv na gawaing tutugon sa mga
pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang handbuk ay binuo bilang gabay at hindi upang gawing de-kahon ang
operasyonalisasyon ng kurikulum. Hindi rin ito binuo upang gumawa ng
restriksyon kung papaano ang gagawing pagpapatupad ng kurikulum. Ang
pagpapasya kung papaano higit na mapahuhusay ang level ng pagkatuto ay
nakasalalay pa rin sa mga paaralan, mga punongguro at mga guro. Sila ang
higit na nakaaalam ng tamang direksyong dapat nilang tahakin at kung papaano
nila ito mararating.

3
NILALAMAN

Panimula…………………………………………………………… i

Deskripsyon……………………………………………………….. 1

Yunit Kredit………………………………………………………… 3

Laang Oras Pangklasrum………………………………………… 3

Mga Inaasahang Bunga Bawat Taon…………………………… 3

Saklaw at Pagkakasunud-sunod ng mga Aralin……………….. 4

Mga Mungkahing Istratehiya at Kagamitang Pampagtuturo….. 16

Batayan ng Pagmamarka …………………………………………17

Mga Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto………..18

Mga Hulwarang Banghay-Aralin………………………………. . 58

4
DESKRIPSYON
A. Mga Batayang Konseptwal

Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating
mga paaralang pambansa. Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral
na Patakarang Edukasyong Bilingwal. Una, ituturo ito bilang isang sabjek
pangwika. Ikalawa, upang magamit ang wikang ito bilang wikang
pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang
panturo. Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang
ng kaganapan sa pagkatuto. Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang
isang wikang may sariling kakanayahan upang magamit ito ng efektivo sa
pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino.

Sa konsiderasyon ng pagkatuto at pagtuturo ng Filipino sa level


sekondari, isinaalang-alang din ang mga sumusunod na kaisipan mula sa
mga eksperto.

Ayon kay Otanes ( 2001), sa anuman daw balaking bumuo ng isang


kurikulum pangwika, kinakailangang bigyang focus ang mga mag-aaral na
ang pangunahing layunin ay ang matuto ng wika upang sila ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at
makapagpahalaga sa kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.

Ayon naman kay Espiritu ( 2001), nararapat daw ikonsidera ang mga
umiiral na teorya sa pagkatuto at pagtuturo ng wika sa anumang
pagtatangkang bumuo ng isang kurikulum pangwika. Sa pagtuturo wika sa
sekondari, nararapat daw na malinang ang kognitibo/akademikong
kasanayang pangwika. Maaari din daw ipasok ang pagsusuri ng istruktura ng
gramatika ng wika sa level na ito sapagkat sa panahon daw na ito, may
kakayahan ng maglinaw,magsuri, mag-evalweyt at mag-synthesize ang mga
mag-aaral ng kanilang mga natutuhan.

Sa pagbibigay ng tuon sa mga tiyak na istrukturang gramatikal bilang


bahagi ng pagkatuto ng wika, naging batayan ang mga kaisipan ni Sibayan
(1998). Ayon sa kanya, “ A knowledge of grammatical rules is useful. For
example, a good knowledge of the eight parts of speech is important because
one cannot use the dictionary intelligently as an aid to learning without
knowing the verb or adjective is and their function in a sentence. Properly
taught the basic of grammar rules, the learners will understand and
appreciate the language”.

Sa pamamagitan ng mga kaisipang nabanggit, nabuo ang isang batayang


konseptwal. Bilang isang larangan ng pagkatuto sa level sekondari, ang
pangunahing mithiin ng Filipino ay ang makadevelop ng isang gradweyt na
mabisang komyunikeytor sa Filipino. Upang masabing mabisang
komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga

5
pangangailangang kasanayang makro – ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita
at pakikinig. Bilang isang sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan,
nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng
kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal, gramatikal, sosyo-lingwistik at
istratejik. Sa proseso ng pagkatuto, magiging hanguan ng kaalaman at
kasanayang pangwika ang mga pangnilalaman partikular ay sa Araling
Panlipunan. Nakasandig din ang pagtuturo/pagkatuto ng Filipino sa mga
pampamahalaang target, apat na haligi ng pagkatuto at ang visyon at misyon
ng departamento.

B. Kontent

Bilang isang larangan ng pagkatuto at pantulong na sabjek sa level


sekondari, makikilala ang Filipino bilang FILIPINO SA ISKOLARLING
PAKIKIPAGTALASTASAN.

Sa unang dalawang taon (Una at Ikalawang Taon), ang bibigyan ng focus


ay ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na istrukturang
gramatikal ng Filipino bilang isang wika kasabay sa pagtatamo ng wastong
kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ito, pagsasanibin ang
mga interdisiplinaring paksa at vokabularyong nakapaloob sa iba’t ibang uri
ng texto tulad ng mga textong prosijural, referensyal, jornalistik, literari at
politiko-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t ibang istrukturang gramatikal.

Sa huling dalawang taon (Ikatlo at Ikaapat na Taon), ang focus ay ang


pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa
at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikang ( lokal at rehyunal, nasyunal
at Asyano) nakasalin sa Filipino.

Sa bawat taon, mananatili ang pagbibigay ng tiyak na atensyon sa


paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa
iba’t ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pagtutuunan ng
isang linggong sesyon sa bawat markahan.

Mananatili pa rin ang pagbibigay pansin sa mga tiyak na akda bilang mga
akdang pampanitikan. Sa Unang Taon – Ibong Adarna, Florante at Laura
naman sa Ikalawang Taon , Noli me Tangere sa Ikatlong Taon at El
Filibusterismo sa Ikaapat na Taon. Pagtutuunan ang mga akdang ito ng
dalawang linggong sesyon sa bawat markahan.

Ang bibigyan ng pansin sa apat na taong pag-aaral ng Filipino ay ang


pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.

Hindi nagkaroon ng radikal na pagbabago sa kontent ng Filipino bilang


sabjek sa level sekondari. Nanatili ang pagtuturo ng gramatika ng wika at ng
panitikan. Binigyan lamang ng focus ang maunawang pagbasa sa tulong ng
iba’t ibang uti ng texto upang malinang ang kasanayang lingwistika ng mga

6
mag-aaral. Sa panitikan, tiniyak lamang ang mga batayan at sukatan ng
pagkatuto tulad ng mga tiyak na teorya, pamantayan at simulain.

YUNIT KREDIT/LAANG ORAS PANGKLASRUM:


Basahin ang DepEd Order No. 37, s. 2003, “ Revised Implementing
Guidelines of the 2003 Secondary Education Curriculum Effective School 2003-
2004”

MGA INAASAHANG BUNGA SA BAWAT TAON


Pagkatapos ng Ikaapat na Taon, ang isang gradweyt ay nagtataglay ng
kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng mapanuring
paghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan batay na rin sa mga tanggap
na pamantayan, istandard at teorya ng pamumuna. ( sa tulong ng mga akdang
rehyunal at Asyanong nakasalin sa Filipino)

Pagkatapos ng Ikatlong Taon, ang isang mag-aaral ay dapat na


nagtataglay na ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa
pagsasagawa ng kritikal na pagpapasya upang mabigyang-halaga ang ating
pambansang panitikan batay sa mga umiiral at tiyak na pamantayan, istandard at
teoryang pampanitikan.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Taon, ang isang mag-aaral ay dapat na


nagtataglay na ng kognitivong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa
ng iba’t ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na istrukturang
gramatikal sa isang akademikong pakikipagtalastasan.

Sa pagtatapos ng Unang Taon, ang isang mag-aaral ay nararapat na


nagtataglay na ng sapat na kasanayan at kaalamang magamit nang wasto ang
mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasan
sa tulong ng mapanuring pagbasa ng iba’t ibang uri ng texto.

7
SAKLAW AT PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA ARALIN
SA BAWAT LINGGO ( 10 LINGGO) NG BAWAT MARKAHAN

Unang Taon
Unang Markahan

A. Gramatika at Pagbasa

1. Agham at Kapaligiran
Tekstong Informativ
Panghihiram ng Salita

2. Paglalakbay at Kultura
Tekstog Narativ (Story)
Mga Ponema ng Filipino

3. Pamahalaan at mga Batas


Tekstong Ekspositori
Salitang may diptonggo at klaster

4. Relihiyon at Kasaysayan
Tekstong narativ (Recount)
Pares-Minimal sa Filipino

5. Edukasyon at Kasaysayan
Tekstong Informativ (Report)
Pagbubuo ng salita mula sa punong salita
Paglalapi, pag-uulit, pagtatambal

6. Pakikipagkalakalan at Kabuhayan
Tekstong Informativ (Explanation)
Pangungusap ayon sa layon
Naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad, nangangatwiran

7. Pag-aalsa Laban sa Kolonyalismo


Tekstong Informativ (Description)
Pangungusap ayon sa Balangkas
Payak, tambalan, langkapan, hugnayan

B. Ibong Adarna

8. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna


9. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna
C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing pagsulat ng komposisyon


(Pagsulat ng Talambuhay)

Ikalawang Markahan

A. Gramatika at Pagbasa

1. Heyograpiya at Kabuhayan
Tekstong argumentativ (Persweysiv)
Mga salitang nagpapakilala ng dami o lawak, lokasyon, tiyak o di-tiyak

2. Mamamayan at ang Batas


Tekstong argumentativ (Explanation)
Mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon

3. Kalakalan at Kabuhayan
Tekstong Informativ (Report)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng simbolo, imahe at nga
pahiwatig

4. Himagsikan at Panitikan
Tekstong informativ (Description)
Gamit g mga keywords sa pagpapakilala sa paksa, proposisyon, positiv at
nagativ na palagay

5. Demokrasya at Kalayaan
Tekstong informativ (Description)
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng damdamin, ideya, kaisipan at
mensahe

6. Kalakalan at Istatistiks
Tekstong Informativ (Explanation)
Mga pangungusap mula sa dalawa o higit pang ideya

7. Edukasyon at Kabuhayan
Tekstong narativ (Story)
Makabuluhang pagpapakahulugan sa mga salita/pangungusap

B. Ibong Adarna

8. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna


9. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna

C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing pagsulat ng Komposisyon (Iba’t ibang uri ng liham)
2
Ikatlong Markahan

A. Gramatika at Pagbasa

1. Pagnenegosyo
Tekstong Prosijural
Mga ginagamit na paksa sa pagbubuo ng pangungusap

2. Ekonomiya at Kabuhayan
Tekstong Informativ (Explanations)
Mga ginagamit ng panaguri sa pagbubuo ng pangungusap

3. Turismo at Kultura
Tekstong Informativ (Report)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala/nagpapatibay ng ideya

4. Pakikipagkalakalan
Tekstong Prosijural
Mga salita/pangungusap na nagpapakita ng paglilipat ng ideya sa bagong
ideya/nagwawakas ng ideya

5. Mga Hamon sa Kalayaan


Tekstong Argumentativ (Perweysiv)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng pagkamakatotohanan ng
ideya/pagiging opinyon lamang

6. Mga Karapatang Pantao


Tekstong Informativ (Explanation)
Mga pamaksa/pantulong ng pangungusap

7. Ang EDSA Bilang Kasaysayan


Tekstong Narativ (Story)
Mga pangungusap na nagpapakilala ng paraan ng pagsasalaysay

B. Ibong Adarna

8. Mapanuring Pagbasa sa Ibong Adarna


9. Mapanuring Pagbasa sa Ibong Adarna

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


(Pagsulat ng anekdota)

3
Ikaapat na Markahan

A. Gramatika at Pagbasa

1. Kolonyalismo at Kamalayang Panlipunan


Tekstong Argumentativ (Persweysiv)
Mga pangungusap na nagpapakilala ng sanhi at bunga

2. Ang Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas


Tekstong Informativ (Explanation)
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pakay o motibo

3. Sining at Himagsikan
Tekstong Narativ (Story)
Mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay/di-kasiya-
siyang palagay

4. Kultura at Kabuhayan
Tekstong Argumentativ (Persweysiv)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng magkatulad na
ideya/magkasalungat na ideya

5. Mga Pangulo ng Pilipinas


Tekstong Informativ (Recount)
Mga pagbabagong morpoponemik na nagaganap sa salita

6. Mga Kamalayang Pilipino sa Sining at Agham


Tekstong Informativ (Report)
Mga Modal ng Filipino

7. Relihiyon at Kasaysayan
Tekstong Informativ (Recount)
Mga sangkap ng pangungusap at gamit ng bawat isa (Paksa, panaguri,
pandiwa, kumplemento, pokus)

B. Ibong Adarna

8. Mapanuring Pagbasa ng Ibong Adarna


9. Mapanuring Pagbasa ng Ibong Adarna

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


(Pagsulat ng talaarawan)

4
Ikalawang Taon
Unang Markahan

A. Gramatika at Pagbasa
1. Kalakalan
Tekstong Informativ
Mga salita ayon sa formalidad ng gamit

2. Heyograpiya ng Asya
Tekstong Argumentativ (Persweysiv)
Mga salita ayon sa tindi ng ipinapahayag

3. Turismo at Kabuhayan
Tekstong Narativ (Story)
Gamit ng mga cohesive devices
Anapora at Katapora

4. Ekonomiya at Edukasyon
Tekstong Informativ
Gamit ng mga panandang diskurso

5. Nasyonalismo
Tekstong Argumentativ
Gamit ng mga panandang kohesyong gramatikal

6. Ekonomiya at Globalisasyon
Tekstong Deskriptiv (Technical)
Mga panandang leksikal

7. Nasyonalismo at Kalayaan
Tekstong Narativ
Mga panuring na ginagamit sa modifikasyon ng pangungusap

B. Florante at Laura

8. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit


9. Mapanuring Pagbsa sa Florante at Laura Bilang Awit

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


( Pagsulat ng Balita )

5
Ikalawang Markahan

A. Gramatika at Pagbasa

1. Kapaligiran at Kaunlaran
Tekstong Ekspositori ( Explications)
Mga Pangungusap na Pahiwatig

2. Ekonomiya at Agrikultura
Tekstong Deskriptiv ( Impressionistic )
Mga Pahayag na Interaksyunal

3. Ekonomiya at Tao
Tekstong Narativ ( Textual Interpretation )
Mga Salitang Ginagamit sa Paghihinuha

4. Ekonomiya at Sistemang Pulitikal


Tekstong Argumnetativ ( Persweysiv)
Mga Pangungusap na Nagpapahayag ng Paliwanag/Katwiran

5. Mga Reformang Pang-ekonomiya


Tekstong Argumentative ( Scientific)
Mga pangungusap na Nagpapakilala ng Pagpapaliwanag/Pangangatwiran

6. Sistemang Pulitikal sa Asya


Tekstong Deskriptiv ( technical)
Mga Pangungusap na Nagpapakilala ng Opinyon

7. Mga Bunga ng Kilusang Reformista


Tektong Narativ ( Narration )
Kaganapan/Kumplemento ng Pandiwa

B. Florante at Laura

8. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Isang Awit


9. Mapanuring Pagbasa sa Florante art Laura Bilang isang Awit

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


( Pagsulat ng editoryal )

6
Ikatlong Markahan

A. Gramatika at Pagbasa

1. Imperyalismo sa Asya
Tekstong Argumentative ( Persweysiv )
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng aktwal na intensyon

2. Neokolonsyalismo sa Asya
Tekstong Argumentative ( comments)
Pagkilala sa wastong gamit ng mga pangatnig

3. Kulturang Asyano
Tekstong Ekspositori
Mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng paglalagom ng kaisipan

4. Ekonomiyang Asyano
Tekstong Informativ
Pangungusap na nagpapakilala ng pagbibigay ng proposisyon

5. Pagpapahalagang Asyano
Tekstong Narativ
Mga salita/pangungusap na kaugnay ng iba pang salita/pangungusap sa loob
ng pahayag

6. Relihiyong Asyano
Tekstong Narativ
Pagbubuo ng pangungusap mula sa dalawa o higit pang pahayag

7. Asya Bilang Isang Kontinente


Tekstong Deskriptiv
Salita/pangungusap na nagpapakailala ng argumento

B. Florante at Laura

8. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit


9. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikahaing Pagsulat ng Komposisyon


( Pagsulat ng Kathang-buhay )

7
Ikaapat na Markahan

A. Gramatika at Pagbasa
1. Ang Nagbabagong Asya
Tekstong Desktipriv
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagtanggap at pagtanggi

2. Mga Dakilang Asyano


Tekstong Argumentativ
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng alternatibong solusyon

3. Pagbabagong Dulot ng Digmaan


Tekstong Narativ
Mga salita/pangungusap na nagsasaad ng implikasyon

4. Nasyonalismo sa Asya
Tekstong Argumentativ
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagkakatulad

5. Ang Sining sa Asya


Tekstong Ekspositori
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng pagsalungat

6. Kilusang Reformista at Pambansang Kamalayan


Tekstong Narativ (Report)
Wastong gamit ng mga pangngalang-diwa

7. Kultura At Tao
Tekstong Informativ
Mga Pangungusap na pabuod at pasaklaw

B. Florante at Laura

8. Mapanuring pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit


9. Mapanuring pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


(Pagsulat ng sanaysay)

8
Ikatlong Taon

Unang Markahan

A. Mga Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Akdang


Pampanitikan

1. Elemento – Tula
2. Paraan ng Paglalahad – Sanaysay
3. Kombensyon – Dula
4. Istruktura – Nobela
5. Uri – Maikling Kwento
6. Tungkulin – Iskrip ng Dulang Pampelikula
7. Kalikasan – Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela


9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


- Liham-Paanyaya sa Isang Panauhing Tagapanayam

Ikalawang Markahan

A. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan

1. Batay sa Teoryang Imahismo – Tula


2. Batay sa Teoryang Klasisismo – Dula
3. Batay sa Teoryang Klasisismo – Buod ng Nobela
4. Batay sa Teoryang Romantesismo – Tula
5. Batay sa Teoryang Romantesismo – Maikling Kwento
6. Batay sa Teoryang Humanismo – Sanaysay
7. Batay sa Teoryang Esksistensyalismo – Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


- Pagbubuo ng Bibliyograpi

9
Ikatlong Markahan

A. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan

1. Batay sa Teoryang Humanismo – Tula


2. Batay sa Teoryang Formalismo – Tula
3. Batay sa Teoryang Formalismo – Maikling Kwento
4. Batay sa Teoryang Eksistensyalismo - Buod ng Nobela
5. Batay sa Teoryang Eksistensyalismo – Dula
6. Batay sa Teoryang Naturalismo – Maikling Kwento
7. Batay sa Teoryang Dekonstruksyon – Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Isang Komposisyon


- Pagsulat ng Buod ng Isang Binasa

Ikaapat na Markahan

A. Pagbasa at Pagpapahalaga sa Akdang Pampantikan

1. Batay sa mga Arketayp – Buod ng Nobela


2. Batay sa Bayograpikal na Basa – Tula
3. Batay sa Sosyolohikal na Pananaw – Dula
4. Batay sa Pagka-Feminismo – Maikling Kwento
5. Batay sa saykolohikal na Basa – Iskrip ng Pelikula
6. Batay sa Pagdedekonstrak – Sanaysay
7. Batay sa Pagka-markismo – Maiklign Kwento

B. Noli Me Tangere

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


- Pagsulat ng Isang Rebyu

10
Ikaapat na Taon
Unang Markahan

A. Pagbasa at Pagsusuri sa Mga Saling Akdang Rehyunal

1. Maikling Kwentong Cebunao sa Pananaw Humanismo


2. Sanaysay Hiligaynon sa Pananaw Klasisismo
3. Sanaysay Muslim sa Pananaw Formalismo
4. Tulang Bikolano sa Pananaw Imahismo
5. Tulang Kapampangan sa Pananaw Romantesismo
6. Dulang Tagalog sa Pananaw Sosyolohikal
7. Maikling Kwentong Tagalog sa Pananaw Eksistensyalismo

B. El Filibusterismo

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


- Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Liham-Pangangalakal

Ikalawang Markahan

A. Pagbasa at Pagsusuri sa mga Saling Akdang Asyano

1. Sanaysay Indones sa pananaw Dekonstruksyon


2. Feminismo sa Kwentong Thai
3. Eksistensyalismo sa Kwentong Hapon
4. Romantesismo sa Dulang Hapon
5. Realismo sa Kwentong Singapore
6. Imahismo sa Kwentong Malay
7. Naturalismo sa Nobelang Combodian ( buod)

B. El Filibusterismo

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


- Pagsulat ng Isang Suring-Pelikula

11
Ikatlong Markahan

A. Pagbasa at Pagsusuri sa Mga Saling Nobelang Asyano


( angkop na kabanata lamang)

1. Nobelang Thai sa Teoryang Realismo


2. Nobelang Hapon sa Teoryang Romantesismo
3. Nobelang Indones sa Teoryang Naturalismo
4. Nobelang Combodia sa Teoryang Eksistensyalismo
5. Nobelang Hapon sa Teoryang Feminismo
6. Nobelang Singapore sa Teoryang Humanismo
7. Nobelang Thai sa Teoryang Markismo

B. El Filibusterismo

8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuri sa pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10 Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


- Malikhaing Pagsasalin

Ikaapat na Markahan

A. Pagbasa at Pagsusuri sa Nobelang Tagalog


( Angkop na kabanata lamang )

1. Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco sa Pananaw


Realismo
2. Timawa ni Agustin Faabian sa Pananaw Eksistensyalismo
3. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar sa Pananaw Naturalismo
4. Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz sa
Pananaw Romantesismo
5. Titser ni Liwayway Arceo sa Pananaw Humanismo
6. Pusong Walang Pag-ibig ni Roman Reyes sa Pananaw
Sosyolohikal
7. Canal De La Reina ni Liwayweay Arceo sa Kamalayang Panlipunan

B. El Filibusterismo

8. Pagsusuring Pampanitikan Bilang Nobela


9. Pagsusuring pampanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat

10 Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon

12
- Pagsulat ng Tala Mula sa Natipong Tala

MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA AT KAGAMITANG


PAMPAGTUTURO
Sa pagtuturo/pagkatuto ng Filipino bilang isang sabjek pangwika na
magdedevelop sa kahusayan sa maunawang pagbasa at pagkilala sa mga tiyak
na istrukturang gramatikal, gagamitin ang istratehiyang Teaching Grammar
Through Texttypes (TGTT). Sa ganitong lapit ng pagtuturo, ang pagkatuto ng
tiyak na istrukturang gramatikal ng wika ay kasabay sa paglinang nang
maunawaang pagbasa. Ang pag-aaral ng tiyak na istruktura ng wika ay
hahanguin sa mga paksang pangnilalaman sa pagkakataong ito ang binigyan ng
focus ay ang Aralin Panlipunan.

Sa paggamit ng TGTT sa pag-aaral ng istrukturang gramatikal,


mahalagang mabigyan ng pansin ang mga sumusunod:
1. Paglalapit/paglalapat ng texto sa karanasan ng mga mag-aaral
2. Pagsusuring pangnilalaman na nagbibigay tuon sa paksa,
pangunahing kaisipan, mga pantulong na kaisipan, mga
opinyong lumutang, mga paniniwalang inihayag. Kinakailangan
ding makabuo ng pansariling paalagay ang mga mag-aaral
tungkol sa nilalaman ng texto.
3. Pagsusuri sa mga ispesifik na katangian ng texto tulad ng tono (
kilos o galaw, damdamin ), layon ( ano ang nais sabihin ),
paraan ng pagkakasulat ( pagbubuo ng salita, paggamit ng
parirala, pagbubuo ng pangungusap, pagsisimula,
pagpapalawak, pagwawakas, formalidad ng gamit ng salita ),
pananaw, relasyon ng sumulat sa texto, at relasyon ng sumulat
sa mambabasa
4. Pagkilala sa tiyak na uri ng texto ( ekspositori, narativ,
impormativ, deskriptiv, argumentativ, instruksyunal, referensyal,
at prosijural )
5. Pagsusuring Gramatikal ( pagkilala sa mga tiyak na istrukturang
gramatikal na ginamit upang maging mabisa ang pagkakabuo
ng texto) )
6. Evalwasyon.Eksposyur sa katulad pang texto

Sa pag-aaral naman ng panitikan, ang pagtalakay ay magsisimula sa


paglalapit ng akda sa mga tiyak na karanasan ng mga mag-aaral, susundan ng
pagsusuring linggwistika , susundan ng pagsusuring pangnilalaman, pagsusuring
pampanitikan, paglikha at pagpapahalaga.

Sa paglalapit sa akda sa maga mag-aaral, iuugnay ito sa mga dati ng


kaalaman at mga tiyak na karanasan.

13
Susundan naman ito ng pagsusuring panglinggwistika na kung saan ang
pagsusuri ay ibabatay sa mga tiyak na elementong ponemiko tulad ng
sukat/tugma, pag-uulit ng mga salita, pantig, letra , onomatopea. Sa bahagi ring
ito masusuri ang akda batay sa mga ibig sabihin ng salita ( pamimili ng salita,
pahiwatig, kapangyarihan ng salita, pag-aagawan ng kahulugan ng salita,
etimoloji ng salita ). Sa bahagi ring ito maaaring suriin ang akda batay sa
pagkakabuo ng mga pangungusap ( haba,ikli, pag-uulit, pagbabagu-bago ).

Sa pagtalakay naman ng akda sa aspektong pagsusuring pangnilalaman,


susuriin ang akda batay sa mga nais sabihin nito, sa mga tiyak na tradisyunal na
elemento,pagtukoy sa bisa ng akda sa lipunan ( kamalayang panlipunan).

Sa pagsusuring pampanitikan, ang akda ay susuriin batay sa mga tiyak na


teorya, pamanatayan sa pamumuna, katawagang pampanitikan at ugnayan at
pagkakaayos ng mga tiyak na elemento ng akda.

Sa paglikha, ang mga mag-aaral ay aakaying makalikha ng mga tiyan na


genre ng panitikan samantalang sa pagpapahalaga, ang mga mag-aaral naman
ay aakaying mapagsuri ng kanilang sariling gawa at ng gawa ng iba batay sa
mga natutuhang pamantayan.

Sa kabilang banda, ang pagkatuto ng malikhaing pagsulat ng isang


komposisyon ay gagawing isang proseso. May mga tiyak na kasanayang
lilinangin sa bawat araw na ang layon ay makasulat sa huling araw ng pag-aaral.
Ang anumang naisulat ng mga mag-aaral ay ituturing na personal . Ang isinulat
ay daraan ng pagwawastong pansarili at pagwawasto ng iba at proseso ng
revisyon. Susundin ang proseso ng pagsulat, pagbabahaginan, pag-eedit,
revisyon at faynalisasyon. Tinatawag itong processed writing.

Lahat ng mga inaprubahang teksbuk ng departamento ang siyang


magiging pangunahing kagamitan/babasahing gagamitin. Ang mga guro ay
malayang gumamit ng anumang versyon ng iba’t ibang suplementong aklat tulad
ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo basta’t
ito ay aangkop sa kahingian ng pagkatuturo at pagkatuto. Sa mga akdang
pampanitikan, mananatiling batay ang inaprubahang Kanon ng Panitikang
Pilipino na ipamamahagi ng BSE sa bawat dibisyon.

BATAYAN NG PAGMAMARKA

Naririto ang gabay sa pagmamarka sa Filipino bilang isang sabjek at larangan


ng pagkatuto.

MarkahangPagsusulit..……… 25%
Interaksyong Pangklase …… 25%
Pagtataya sa mga Nagawa….. 25%
- Pagsasatao
- Panggagagad

14
- Pagkikipagtalo
- Pangangatwiran
- Dagliang Pagtatalumpati
- Pag-uulat
-Pangkatang talakayan

Pagsulat ng Komposisyon..… 10%


- Nilalaman
- Pamamaraan

Lingguhang Awtput na Pasulat. 15%


100%

15
MGA PANLAHAT AT TIYAK NA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

UNANG TAON
Sa pagtatapos ng bawat markahan, inaasahang malilinang sa bawat mag-
aaral ang mga sumusunod na mga panlahat at tiyak na kasanayang
pampagkatuto:

UNANG MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Napauunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,


pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga diskursong napakinggan.

1.1 Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig


( listening comprehension)
1.1.1 Nabibigyang-halaga ang mga pananalitang narinig batay sa
paraan ng pagpapahayag
1.1.2 Nakikilala ang kaisipang narinig batay sa :
- dami o lawak
- tiyak o di-tiyak
- lokasyon o direksyon
- sanhi o bunga
1.1.3 Natutukoy sa napakinggang diskurso ang mga pahayag na:
- nagpapakilala ng ideya
- nagpapatibay sa ideya
- naglilipat nito sa bagong ideya
- nagwawakas ng isang ideya
1.1.4 Nabibigyang-diin ang mahahalagang punto sa tekstong narinig
1.1.5 Natutukoy ang pagsisimula ang isang usapan sa pamamagitan
ng tuwiran at di-tuwirang pahayag
1.1.6 Natutukoy ang daloy ng pagpapahayag sa diskursong
napakinggan tulad ng kung papaano:
- sumasagot
- nagpapatuloy
- nagpapalutang ng ideya
- nakalalahok sa usapan
1.1.7 Naisasagawa ang isang mabisang pagtatapos sa isang diskurso tulad
ng:
- pag-alis sa isang usapan
- paglalagom sa paksang napag-usapan

16
PAGSASALITA

1. Natatamo ang mga kaalamang pambalarila na makatutulong sa


malinaw at mabisang pakikipagkomunikasyon

1.1 Nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong
alfabeto
1.2 Nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng mga:
- ponemang segmental
- ponemang supra-segmental
1.3 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may diptonggo
at klaster
1.4 Natutukoy at nagagamit nang angkop ang mga pares-minimal
1.5 Nabubuo ang iba’t ibang salita batay sa punong salita sa
pamamagitan ng:
- paglalapi
- pag-uulit
- pagtatambal
1.6 Nakikilala at nakabubuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa
layon
- naglalarawan
- nagsasalaysay
- naglalahad
- nangangatwiran
1.7 Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa tiyak na balangkas
- payak
- tambalan
- hugnayan
- langkapan

2. Naipapakita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon

2.1 Natutukoy ang punto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag


2.2 Naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang
ideya
2.3 Nakabubuo ng mga tiyak na paninindigan kaugnay sa nabasa o
narinig

PAGBASA

1. Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa


kayarian, kahulugan at kaangkupan ng mga salita sa kontekstong
pinaggagamitan

1.1 Napipili ang mga salitang angkop sa tiyak na sitwasyon

17
1.2 Nasasabi ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito
sa pangungusap
1.3 Napipili ang mga salitang ang kahulugan ay ipinahihiwatig ng tunog
nito ( onomatopea)

2. Nalilinang ang pag-unawa sa tekstong binasa

2.1 Nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang


maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

2.2 Natutukoy ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ng isang


alternativ
2.3 Nabubuod ang tekstong binasa batay sa mga pangunahin at
pantulong na kaisipan
2.4 Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa
tekstong binasa

3. Nagagamit ang dating kaalaman sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa teksto

3.1 Napagtutulad at napag-iiba ang mga kaisipang nakapaloob sa


tekstong binasa
3.2 Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga
pansariling karanasang
- aktwal na narasanan
- nasaksihan
- narinig/nabasa

4. Napauunlad ang kasanayan sa pagsusuri at pagbibigay-halaga sa


tekstong binasa

4.1 Natutukoy ang tiyak na uri ng teksto


- desktiptiv
- narativ
- ekspositori
- argumentativ
- informativ
- instruksyunal
4.2 Natutukoy ang tono ng teksto
4.3 Nabibigyang-reaksyon ang layon ng teksto

PAGSULAT

1. Naipakikita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang


panretorika upang pasulat na maipahayag ang sariling damdamin,
opinion, ideya at saloobin

18
1.1 Nababaybay nang wasto ang mga salita batay sa binagong alfabeto
1.2 Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang sangkap sa pagsulat
1.3 Nakabubuo ang wastong balangkas

2. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagsulat

2.1 Nakasusulat ng talambuhay bilang isang pasulat na komunikasyon


2.2 Nababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na
talambuhay
2.3 Nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay
- pansarili
- talambuhay ng ibang tao

IKALAWANG MARKAHAN

PAKIKINIG

1. Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawaang pakikinig sa iba’t


ibang diskurso na ang layon ay makaunawa, makakuha at makapag-
ayos ng mga impormasyon

1.1 Natutukoy ang mga ideya sa mga detalyeng nasa tekstong narinig
1.2 Natutukoy ang angkop na punto sa isang teksto na may:
- koordinasyon ng magkakaugnay na impormasyon
- maayos na pagkakasunud-sunod ng mga
nagsasalungatang ideya
1.3 Nabubuood ang teksto batay sa mga mahahalagang punto
1.4 Napaiikli ang diskursong napakinggan sa:
- pagbabawas ng paulit-ulit na impormasyon
- pagbabawas ng mga walang kaugnayang impormasyon
1.5 Naisasaayos ang mga narinig na impormasyon sa pamamagitan ng
retorikal na tungkulin tulad ng:
- definisyon
- klasifikasyon
- deskripsyon ng proseso
1.6 Naisasagawa ang pagtatala ng narinig na impormasyon
- sa parehong istilo ( paraphrasing)
- sa naiibang istilo

PAGSASALITA

1. Natatamo ang kaalamang pambalarila na makatutulong sa mabisa at


mahusay na pakikipagtalastasan

1.1 Natutukoy at nagagamit nang wasto sa pagpapahayag ang mga


saltang nagpapahayag ng:

19
- dami o lawak
- tiyak o di-tiyak
- lokasyon o direksyon
1.2 Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salita/pahayag na
nagpapahiwatig ng:
- simbolo
- imahe
- pahiwatig
1.3 Natutukoy ang mga keywords na nagpapakilala ng:
- paksa
- isang proposisyon
- positiv na pahayag
- negativ na pahayag
1.4 Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapahayag ng:
- damdamin
- ideya
- kaisipan
- mensahe
1.5 Nakabubuo ng mga pahayag mula sa dalawa at higit pang ideya
1.6 Naisasagawa ng mayaman at malikhaing paglinang ng talasalitaan

2. Naipapakita ang kahusayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon

2.1 Nakabubuo ng definisyon ng mga salita at konsepto


2.2 Nakabubuo ng mga angkop na tanong bilang paglilinaw sa mga
mensaheng ibinibigay/tinatanggap
2.3 Naisasalaysay nang buong linaw ang mga kaalamang narinig/nabasa
2.4 Napipili ang angkop na ekspresyon/pananalita sa pagpapahayag ng
sariling puna

PAGBASA

1. Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa


kayarian, kahulugan at kaangkupan ng ga salita sa kontekstong
pinaggagamitan

1.1 Nakikilala ang mga salitang may bahagyang pagkakaiba kahit na ang
mga ito ay magkakatulad sa kahulugan
1.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga salita ayon sa:
- denotasyon
- konotasyon
1.3 Napag-uuri-uri ang mga salita ayon sa:
- mga salitang kaugnay sa pandama
- mga salitang kaugnay ng damdamin
- mga salitang may pagkakaugnayan

20
2. Nalilinang ang pag-unawa sa nilalaman ng tekstong binasa

2.1 Natutukoy at naipaliliwanag ang paksa ng teksto sa tulong ng:


- pamagat
- pangunahing kaisipan
- simula
- wakas

2.2 Napipili ang mga positiv na opinyon sa loob ng teksto


2.3 Natutukoy ang mga negativ na opinyon sa loob ng teksto
2.4 Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga opinyong inilahad sa
teksto

3. Nagagamit ang dating kaalaman sa pagpapakahulugan sa teksto

3.1 Nakapaghihinuha sa mga opinyong binanggit sa teksto


3.2 Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay-solusyon sa mga
suliranin
3.3 Naiuugnay ang pinakamalapit na pansariling karanasan sa mga
karanasang inilahad sa teksto
3.4 Nakabubuo ng katwiran sa :
- pagkamakatotohanan ng teksto
- pagkadi-makatotohanan ng teksto

4. Napauunlad ang kasanayan sa pagsusuri at pagbibigay-halaga sa


tekstong binasa

4.1 Nasusuri ang teksto batay sa tiyak na uri nito


4.2 Nasusuri ang tekstong binasa batay sa :
- istilo sa pagbubuo ng mga salita
- istilo sa pagbubuo ng mga pangungusap

PAGSULAT

1. Naipamamalas ang pagkamasining sa pasulat na paraan

1.1 Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang talata


1.2 Nabibigyang-halaga ang paggamit ng wastong bantas sa pagsulat
1.3 Naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat
- sa pagsisimula
- sa pagpapalawak
- sa pagwawakas

2. Nalilinang ang pagkamalikhain sa pagsulat ng:


- iba’t ibang uri ng liham

21
IKATLONG MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Naipamamalas ang kasanayan sa maunawang pakikinig kaugnay sa


pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at mabisang pagpapahayag ng
damdamin

1.1 Natutukoy ang angkop na hangganan ng mga salita ( word


boundaries) sa mga napakinggang pangungusap
1.2 Nakikilala ang mahahalagang salita (key words) na nagpapahayag
ng paksa at proposisyon
1.3 Natutukoy ang mga panandang ginamit sa napakinggang diskurso

2. Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig sa iba’t


iabng diskurso na may layuning transaksyunal ( binibigyang halaga
ang impormasyon)

2.1 Natutukoy sa diskursong napakinggan kung may sapat na kaalaman


ang nagsasalita
2.2 Natutukoy kung ang isang napakinggang proposisyon ay matibay o
hindi
2.3 Nasusuri ang level ng kahalagahan ng impormasyong narinig
2.4 Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang diskurso
- mahahalagang puntos
- paglilinaw sa paksa
- paglilnaw sa ideya

PAGSASALITA

1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na magagamit sa


pagsasakatuparan efektiv na pakikipagtalastasan

1.1 Natutukoy ang mga bahagi ng panalita na ginagamit sa pagbubuo ng


paksa ng pangungusap
1.2 Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng panalita na ginagamit sa
pagbubuo ng panaguri ng pangungusap
1.3 Natutukoy at nakabubuo ng mga salita/pangungusap na:
- nagpapakilala ng ideya
- nagpapatibay ng isang ideya
1.4 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/pangungusap na:
- naglilipat ng isang ideya sa bagong ideya
- nagwawakas ng ideya
1.5 Natutukoy at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na:
- nagpapakilala ng pagkamakatotohanan ng ideya
- nagpapakilala ng pagiging opinyon lamang
1.6 Nakabubuo ng mga pamaksa at pantulong na pangungusap

22
1.7 Natutukoy at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakilala ng
paraan ng pagsasalaysay

2. Naipakikita ang efektiv na paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon

2.1 Naipahahayag ang mga panukala o proposisyon


2.2 Nabibigyang-reaksyon ang mga panukala o proposisyon
2.3 Naiwawasto nang maayos ang mga maling pananaw na narinig
2.4 Nakapagpapahayag ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay
2.5 Nakabubuo ng hinuha sa mga impormasyong narinig

PAGBASA

1 Napalalawak ang talasalitaan asa pamamagitan ng pagkilala sa


kahulugan, kayarian at sitwasyong pinaggagamitan ng mga salita
at idyom

1.1 Nakikilala ang mga salitang:


- magkasingkahulugan
- magkasalungat
- magkasingtunog ngunit magkaiba ang kahulugan
1.2 Natutukoy ang mga salitang may higit sa isang kahulugan
1.3 Nasasabi ang kahulugan gn matatalinghagang salita at mga idyom

2. Napapaunlad ang mga kasanayan asa pag-unawa sa mga ideya sa


tekstong binasa

2.1 Napipili ang mga mahahalagang detalye batay sa layon o nais sabihin
ng teksto
2.2 Nabibigyang-puna ang mga ideya/kaisipang nakapaloob sa teksto
2.3 Naipaliliwanag ang mga impormasyong ipinahahayag ng dayagram,
grap, tsart, semantic, map at mga kauri nito.

3. Napauunlad ang kakayahang magpakahulugan sa tekstong binasa

3.1 Naiuugnay ang paksa/kaisipang nakalahad sa teksto sa mga


pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon
3.2 Naibibigay ang wastong hinuha sa:
- pangyayari
- kaalaman
- pakay o motiv
- layon ng may-akda

4. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri at pagpapahalaga sa


tekstong binasa

23
4.1 Naibabahagi ang sariling pananaw sa katangian ng teksto ayon sa:
- kaangkupan sa lipunan
- pagkamakatotohanan
- pagkakapani-paniwala
- pagiging kasiya-siya

PAGSULAT

1. Naipakikita ang pagkamalikhain at masining sa pasulat na


komunikasyon

1.1 Nagagamit ang sariling istilo sa pagbubuo ng:


- magandang simula
- maayos na pagpapalawak
- makabuluhang wakas
1.2 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat batay sa:
- nilalaman
- sangkap

2. Nalilinang ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagsulat


anekdota

- sariling anekdota
- anekdota ng ibang tao

IKAAPAT NA MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Naipamamalas ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig


kaugnay sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at mabisang
pagpapahayag ng damdamin

1.1 Naisasagawa ang angkop na pag-uulit ng mga pahayag na narinig


1.2 Naisasagawa ang pagtukoy sa ibang paraan ng diskursong
napakinggan
1.3 Natutukoy sa mga pahayag ang narinig ang :
- nagpapayo
- nagbababala
- nanghihikayat
- argumento
1.4 Natutukoy sa mga pahayag na narinig ang nagsasaaad ng
magandang intensyon ng nagsasalita

24
2. Naisasagawa ang mga kasanayan sa pakikinig sa iba’t ibang
diskurso na may layuning transaksyunal.

2.1. Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa


iba pang anyo ( transkoding)
2.2 Nakabubuo ng ugnayan sa mga bahagi ng tekstong napakinggan sa
pamamagitan ng kayariang kohensyon
- anapora/katapora bilang pagpapatungkol
- paghahambing
- ellipsis
2.4 Naibibigay ang kahulugan ng konsepto ayon sa :
- dami o lawak
- tiyak o di-tiyak
- sanhi o bunga

- panahon
- kondisyon at kontrast
2.5 Natutukoy ang maaaring kalabasan ng pangyayaring narinig

PAGSASALITA

1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong tungo sa


efektiv na komunikasyon

1.1 Nakikilala ang mga salita/ pahayag na nagsasaad ng sanhi at bunga


1.2 Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motivo
1.3 Nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng:
- kasiya-siyang palagay
- di-kasiya-siyang palagay
1.4 Natutukoy at nakagagamit ng mga pangungusap/pahayag na
nagpapakilala ng:
- pagkakatulad ng ideya
- pagsasalungatan ng ideya
1.5 Nakikilala ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemik na nagaganap
sa isang salita
1.6 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang iba’t ibang modal ng Filipino
1.7 Nakikilala ang iba’t ibang sangkap ng pangungusap at natutukoy ang
gamit ng bawat isa
- paksa
- panaguri
- pandiwa
- kumplemento ng pandiwa
- pokus ng pandiwa

2. Naipapakita ang efektiv na paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon
25
2.1 Nagagamit ang angkop na pananalita sa panghihikayat
2.2 Nabibigyang-dahilan/ katwiran ang kilos ng kapwa
2.3 Nailalahad sa maayos na hakbang ang pagsasagawa ng isang
proseso
2.4 Naipagtatanggol, nasusuportahan, nakasasalungat sa isang
proposisyon, aksyon at panukala

PAGBASA

1. Napalalawak ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa


kahulugan, kayarian at sitwasyong pinaggagamitan ng mga salita at
idyom

1.1 Nakikilala ang iba’t ibang pagpapangkat ng salita ayon sa punong


salita
1.2 Nakikilala ang salita ayon sa sitwasyong pinaggagamitan
1.3 Napipili ang mga salita sa pangungusap na nagbibigay- pahiwatig sa
kahulugan ng mahirap na salita

2. Napapaunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa sa mga ideya sa


tekstong binasa

2.1 Nakikilala ang pangunahing puntos sa isang pahayag asa


pamamagitan ng:
- paraan ng paglalahad
- pangwakas na pagbibigay-diin
- paksang pangungusap sa mga pahayag na pabuod
- paksang pangungusap sa mga pahayag na pasaklaw
2.2 Napipili at nalalagom ang mga impormasyong nakapaloob sa binasa
ayon sa sariling pagpapakahulugan
2.3 Natutukoy ang mga detalye na tumutukoy / sumusuporta sa
pangunahing ideya

3. Napauunlad ang kakayahang magpakahulugan sa binasang teksto

3.1 Nabibigyang-impresyon ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa


pamamagitan ng:
- pagpili ng lohikal na wakas
- pagbubuo ng sariling wakas
- pagbabago ng wakas

4. Nalilinang ang kasanayan sa pagsusuri at pagpapahalaga sa


tekstong binasa

4.1 Naihahambing ang mga kaisipang inilahad sa teksto sa:


- pamantayang pansarili
- pamantayang galling sa ibang tao

26
- sinasabi ng ibang tekstong nabasa

PAGSULAT

1. Naipapakita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng sariling talaarawan

1.1 Nakabubuuo ng lohikal na pagsasalaysay ng mga tiyak na pangyayari


1.2 Nagagamit ang kaalaman sa pagbubuo ng talaarawan
- format
- nilalaman
- pamantayan sa pagsulat
- paraan

KOMPETENSING LILINANGIN SA PAGSUSURI NG IBONG DARNA


( May laang dalawang linggo sa bawat markahan )

UNANG MARKAHAN

1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian at


pamantayan

1.1 Nakapaglalahad ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagiging


makatotohanan/di-makatotohanan batay sa:
- paglalarawan ng tauhan
- paglalahad ng mga pangyayari
- paksang tinalakay
- kapaligirang binigyang-buhay
- mga paniniwalang inilahad
1.2 Nakapagsasagawa ng pag-aanalisang kritikal sa tulong ng mga tiyak
na bahaging nagpapakita ng:
- sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari
- sanhi at bunga kaugnay ng kinahinatnan
- pagiging emosyunal ng tauhan
- nagpapakita ng pakay at motibo ng bawat tauhan
1.3 Nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging
nagpapakita ng:
- pag-uugali ng tao ( masama o mabuti)
- kinahinatnan ng mga tauhan
- pakikipagsapalaran ng mga tauhan

27
IKALAWANG MARKAHAN

1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian at


pamantayan

1.1 Nakapipili ng mga tiyak na bahagi na nagpapakita ng kasiya-siyang:


- tauhan
- sitwasyon
- pangyayari
- tagpuan
- usaapan
1.2 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng:
- magkakatulad na ideya
- magkasalungat na ideya
- magkatulad na opinyon
- magkasalungat na opinyon
- magkatulad na paniniwala
- magkasalungat na paniniwala

1.3 Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging


nagpapatunay ng:
- panlipunang pananaw
- pangkultural na pananaw
- panrelihiyong pananaw
1.4 Napahahalagahan ang akda batay sa mga inilalahad na:
- tradisyong katutubo
- tradisyong pambansa
- tradisyong pandaigdigan

IKATLONG MARKAHAN

1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa tiyak na katangian at


pamantayan

1.1 Nakapagbibigay ng pansariling paghuhusga sa akda batay sa:


- posibilidad ng mga pangyayari
- di-posibilidad ng mga pangyayari
1.2 Natutukoy ang iba’t ibang pagpapahalagang Pilipinong lumutang sa
akda
1.3 Nakabubuo ng desisyon hinggil sa pagkamalapit sa realidad ng akda
1.4 Natutukoy at naiuugnay sa aktwal na pangyayari sa kasalukuyan ang
mga kamalayang panlipunang inilahad sa akda

IKAAPAT NA MARKAHAN

1. Nasusuri ang akda batay sa iba’t ibang pananaw pampanitikan.

28
1.2 Nabibigyang-pansin sa tulong ng mga tiyak na bahagi ang pagka-
klasisismo ng akda
1.3 Napatutunayan sa tulong ng mga tiyak na bahagi ang pagka-
humanistik ng akda
1.4 Nakabubuo ng mga tiyak na imahe sa tulong ng mga tiyak na bahagi
1.5 Nakabubuo ng pangangatwiran sa pagka-romantesis ng akda batay
na rin sa mga tiyak na bahagi nito
1.6 Nakapagpapatunay sa tulong ng mga tiyak na bahagi na ang akda ay
sumunod sa pananaw naturalistik sa panitikan

29
IKALAWANG TAON
Inaasahan na sa pagtatapos ng bawat markahan, malilinang sa mga mag-aaral
ang mga sumusunod na kompetensi

UNANG MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Naisasagawa ang proseso ng pakikinig na bottom-up ( ginagamit ang


mga narinig na input leksikal at gramatikal bilang hanguan ng mga
impormasyon tungkol sa kahulugan ng mensahe )

1.1 Nakikilala ang ayos ng pangungusap na nagpapaiba sa istilo ng


pagpapahayag
1.2 Nakikilala ang mga sequence marker ( pananda ng pagkakasunud-
sunod)
1.3 Nakikilala ang mga salita/pahayag na familyar at di-familyar
1.4 Natutukoy ang mga positiv at negativ na pahayag
1.5 Nakikilala ang mga makahulugang pagkakasunud-sunod ng mga
pangungusap sa pagbuo ng diskurso

2. Naisasagawa ang pakikinig na may magamit ang wika sa


komunikasyong sosyal ( interaksyunal)

2.1 Nakikilala ang mga angkop na pahayag na nararapat gamitin sa


pagsasagawa ng komunikasyong interaksyunal
2.2 Nasasabi kung ang pakikipagtalastasan ay angkop sa tiyak na
sitwasyon
2.3 Nakikilala ang layon o intensyon ng nagsasalita
2.4 Natutukoy sa napakinggang pahayag ang kontradiksyon, di-sapat na
impormasyon at iba pang pagpapakahulugan ng nagsasalita

3. Naisasagawa ang proseso maunawang pakikinig na transaksyunal


( pagkuha ng impormasyon o mensahe)

3.1 Natutukoy ang mga tiyak na detalye sa isang diskurso


3.2 Nakukuha ang batayang impormasyon sa diskursong napakinggan
3.3 Natutukoy ang pangunahing ideya sa diskursong narinig
3.4 Nakikilala o naisasagawa ang layon o intensyon sa isang diskurso:
- pakikiusap
- pagpapayo
- pag-uutos
- pagsunod sa ipinagagawa

30
PAGSASALITA

1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong sa


pagtatamo ng efektiv na pasalitang komunikasyon

1.1 Nakikilala ang salita/ pangungusap ayon sa formalidad ng


pagkakagamit
1.2 Nakabubuo ng salita ayon sa tindi ng pagpapahayag
1.3 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga cohesive devices na:
- anaphora
- katapora
1.4 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang iba’t ibang panandang
diskurso
1.5 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga panandang kohesyong
gramatikal
1.6 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga panandang leksikal at
sintaktik
1.7 Natutukoy ang mga pamuring na ginagamit sa modifikasyon ng
pangungusap

2. Naipapamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino tungo sa


efektiv na pasalitang komunikasyon

2.1 Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan at pag-aatubili


2.2 Nasasabi nang maayos ang pagsang-ayon o di-pagsang-ayon sa mga
pangangatwirang narinig o nabasa
2.3 Nakapagbibigay ng mga panuto sa pagsasagawa ng isang bagay
nang buong linaw
2.4 Nakapagpapahayag nang buong linaw ng mga tagubilin
2.5 Nakukuha ang kailangang impormasyon sa pamamagitan ng
pasalitang sarvey

PAGBASA

1. Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa


kahulugan ng salita o idyom

1.1 Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagtataglay ng


di-lantad na kahulugan
1.2 natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ang kahulugan
ay nakapaloob sa pagitan ng mga salita
1.3 Nabibigyang-kahulugan ang mga piling parirala/pahayag batay sa
konteksto ngpagkakagamit nito
1.4 Nabibigyang-hinuha ang kahulugang maaaring ipinahihiwatig ng
pamagat

2. Nalilinang ang kakayahang umunawa sa teksto


31
2.1 Natutukoy kung ang teksto ay :
- isang desktiptiv
- isang narativ
- isang ekspositori
- isang informative
- isang argumentativ
2.2 Natutukoy at nailalarawan sa imaheng viswal ang mga kaisipan o
ideyang nakapaloob sa teksto
2.3 Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto
2.4 Nakikilala ang tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na
bahagi

3. Napauunlad ang kahusayang magpakahulugan sa nabasang teksto

3.1 Naibibigay ang reaksyon sa nabasa batay sa datihan ng mga


kaalaman tungkol dito
3.2 Naibibigay ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa
- paksa
- tema
- tono
- layon
- paraan ng paggamit ng mga salita

PAGSULAT

1. Naipakikita ang mayamang imahinasyon sa pagsulat ng isang tiyak


na uri ng paglalahad

1.1 Naisusulat ang wastong pag-uugnayan ng mga salita, parirala, sugnay


at pangungusap
1.2 Napag-uugnay-ugnay sa isang maaayos na pagkakasunud-sunod ng
mga makabuluhang pangungusap sa pagbubuo ng talataan sa isang
balita.
1.3 Nakapagsusuri ng mga tiyak na halimbawa ng balita at nakabubuo ng
pasulat na reaksyon

2. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang balita

2.1 Nagagamit ang mga tiyak na pamantayan sa pagsulat ng balita


2.2 Nakasusulat batay sa tiyak na uri
2.3 Nakasusulat ng isang balita batay sa isang orihinal na balita

32
IKALAWANG MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Napauunlad ang kahusayan sa/ at naisasagawa ang proseso ng


pakikinig mula sa mensaheng narinig at mga datihan ng alam na
impormasyon ( top-down process )

1.1 Natutukoy ang layon at saklaw ng narinig


1.2 Nakukuha ang mahahalagang detalye sa narinig
1.3 Nahihinuha ang pamaksang-diwa ang diskursong narinig
1.4 Natutukoy ang kalalabasan ng mga pangyayari sa narinig na usapan
1.5 Nahihinuha ang sanhi at bunga ng napakinggan
1.6 Nahihinuha ang kahalagahan ng isang panukala

2. Naisasagawa ang proseso ng maunawaang pakikinig na may


layuning interaksyunal

2.1 Natutukoy ang mga panawag-hudyat na ginagamit ng nagsasalita


upang:
- magpatuloy
- huminto nang bahagya
- tumigil at magwakas
2.2 Natutukoy ang layon at intensyong ipinahahayag ng nagsasalita
2.3 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita
tungkol sa paksang tinatalakay

PAGSASALITA

1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong upang


maisagawa ang efektiv na pasalitang komunikasyon

1.1 Natutukoy ang mga pahayag/pangungusap na nagpapakilala ng


pahiwatig
1.2 Nakikilala ang mga pahayag na ang layon ay interaksyunal
1.3 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga salitang nagpapahiwatig
na paghihinuha
1.4 Napipili at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng:
- pagpapaliwanag
- pangangatwiran
1.5 Napipili at nakabubuo ng mga salita o lipon ng mga salita na
nagpapakilala ng:
- pagpapaliwanag
- pangangatwiran
1.6 Napipili ang mga pangungusap/pahayag na tumutukoy sa pagbibigay-
kahulugan at pag-iisa-isa

33
1.7 Natutukoy ang mga salita na ginagamit sa pagkuha ng mga
impormasyon

2. Naipamamalas ang kasanayan sa efektiv na paggamit ng Filipino sa


pasalitang komunikasyon

2.1 Naipaliliwanag nang maayos ang damdamin tungkol sa paksang


pinag-usapan
2.2 Nailalahad nang buong husay ang mga tiyak na ideya at konseptong
narinig/nabasa
2.3 Nailalahad nang maayos ang pansariling pangangatwiran, dahilan at
saloobin
2.4 Nagagamit nang wasto ang angkop na istratehiya sa:
- pagbubukas ng isang usapan
- pagsasaaayos ng kahinaan sa pagsasalita
- pagpapanatili ng usapan
- pagtatapos ng usapan

PAGBASA

1. Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa


kahulugang taglay ng salita

1.1 Naipaliliwanag ang kahulugan ng matatalinghagang salita at mga


idyom
1.2 Nakalilikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at
pinagsama
1.3 Natutukoy ang kahulugan ng salita:
- magkasingkahulugan
- magkasalungat na kahulugan
- magkahawig na kahulugan

2. Nalilinang ang kakayahang umunawa sa tekstong binasa batay sa


mga tiyak na katangian

2.1 Napapangkat ang mga magkakatulad na ideya at kaisipan


2.2 Napagsasama-sama ang mga magkakasalangutang ideya at
kaisipang nakapaloob sa binasa
2.3 Napapangkat ang mga ideya upang makabuo ng isang mabuting
balangkas ng binasa
2.4 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa
binasa

3. Napauunlad ang kahusayang magpakahulugan sa binasa

3.1 Nakabubuo ng hinuha batay sa:


- mga pangyayari
34
- dating kaalamang kaugnay sa binasa
3.2 Natutukoy ang posibleng layon ng may-akda sa paglalahad ng mga
kaaalaman

4. Nalilinang ang kasanayang maging mapanuri sa mga kaisipan,


ideya, kaalamang inilahad sa teksto

4.1 Nakapaghahambing o nakapag-uuri-uri ng mga ideya o kaisipang


nakasaad sa binasa
4.2 Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa :
- sarili
- sa kapaligiran
- sa ibang tao
4.3 Nasusuri ang teksto batay sa paraan ng pagkakasulat
- istilo sa pagbubuo ng salita
- istilo sa pagbubuo ng mga pangungusap

PAGSULAT

1. Natatamo ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa paraang


pasulat

1.1 Nagagamit nang wasto ang panuntunan sa pagbabaybay ng salita


batay sa binagong alfabeto
1.2 Nakasusulat ng sariling reaksyon at saloobin batay sa iasng tiyak na
paksa
1.3 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat
- format
- nilalaman
- kawastuang gramatikal

2. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang editorial

2.1 Nakikilala ang iba’t ibang uri ng editorial


2.2 Nagagamit nang wasto ang mga tiyak na istrukturang gramatikal sa
paglalahad ng pansariling opinion
2.3 Nakakapag-iiba-iba ng uri ng editorial batay sa mga tiyak na katangian
nito

35
IKATLONG MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Napauunlad ang kasanayan sa at/ o naisasagawa ang proseso ng


pakikinig mula sa mensaheng narinig ( top-down process) at mga
datihan ng alam

1.1 Naibibigay ang pansariling damdamin o saloobin ng nagsasalita


1.2 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita
1.3 Nabubuo ang isang proposisyon mula sa impormasyong narinig
1.4 Nakapagbubuod sa tulong ng mga narinig na mahahalagang
kaalaman

2. Naisasagawa nang mahusay ang proseso ng pakikinig na may pag-


unawa mula sa taglay na leksikal at gramatikal na kakayahan sa
pagkuha ng mensahe ( bottom-up process)

2.1 Natutukoy ang kahulugan at gamit ng mga di-familyar na salita sa


pamamagitan ng:
- paglalapi
- paggamit ng hudyat na kontekstwal
2.2 Nakikilala ang ugnayan sa pangungusap sa pamamagitan ng:
- modifikasyon
- negasyon
- modal
-
3. Napauunlad ang kasanayan sa maunawang pakikinig na may
layuning transaksyunal

3.1 Natutukoy ang pangunahing punto at mahahalagang detalye sa


narinig
3.2 Nakukuha ang iba’t ibang tala mula sa narinig sa pamamagitan ng:
- ugnayang pamaksa
- pagsasalin sa pagsipi
- pagsulat kung ano ang narinig
- ugnayang sunuran ( pagkakasunud-sunod o antasan)
- pagbibigay-diin o empasis
- revisyon, pagsisingit, pagbubura

PAGSASALITA

1. Natatamo ang kaalamang gramatikal na makatutulong tungo sa


efektiv na komunikasyon

36
1.1 Natutukoy at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakilala sa
aktwal na intensyon
1.2 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/ pangungusap na
nagpapakilala ng paghahatid ng mensahe
1.3 Napipili ang mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng
paglalagom
1.4 Natutukoy ang mga pangungusap/ pahayag na nagpapakilala ng
pagbibigay proposisyon
1.5 Napipili ang mga salita/ pangungusap na kaugnay ng iba pang
salita/pangungusap na nakapaloob sa isang pahayag
1.6 Nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nabuo mula sa isa
o higit pang pangungusap
1.7 Natutukoy at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng
argumento

2. Naipamamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon

2.1 Natutukoy ang aktwal na intensyon/layon ng nagsasalita batay sa tono


ng pagsasalita
2.2 Naipapahayag ang damdamin at nais na mensahe sa pamamagitan
ng hulwarang intonasyon
2.3 Nabubuo ang pagpapasya ayon sa mga patunay at katwirang inilahad
2.4 Nailalahad ang mga patunay na makaiimpluwensya sa pagbubuo ng
desisyon
2.5 Naisasagawa ang paglilinaw bago bumuo ng desisyon

PAGBASA

1. Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng iba’t ibang paraan ng


pagbibigay-kahulugan sa salita

1.1 Naisasama ang isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng
ibang kahulugan ( collocation)
1.2 Nakikilala ang pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinapahayag ( clining )
1.3 Naisasagawa ang iba’t ibang paraang ginagamit sa
pagpapakahulugan sa salita tulad ng:
- pag-uugnay sa sariling karanasan
- ayon sa sitwasyong pinaggagamitan
- sa pamamagitan ng pahiwatig na tono

2. Napauunlad ang kakayahang mging mapanuri sa tekstong binasa

1.1 Nakikilala ang mga panadang diskurso ( discourse marker) na


nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng teksto:
- panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod
37
- panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng
diskurso
- panandang naghuhudyat sa pananaw na ginamit ng
may-akda
1.2 Natutukoy ang ginamit na paraan sa pagbubuo ng talata
- istilo sa panimula
- istilo sa pagpapalawak
- istilo sa pagwawakas
1.3 Nasusuri ang paraan ng pagkakagamit ng salita ayon sa:
- pagiging formal
- pagiging do-formal
1.4 Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakahulugang napapaloob sa teksto:
- konseptwal
- proposisyonal
- kontekstwal
- pragmatic

PAGSULAT

1. Natatamo ang mga kasanayan sa efektivong paggamit ng Filipino sa


pasulat na komunikasyon

1.1 Naipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng magkakaugnay na


kaisipan
1.2 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na
komunikasyon:
- wastong baybay
- wastong bantas
- wastong istruktura
- kawastuang gramatika;
1.3 Nakabubuo ng maayos na balangkas

2. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pasulat na komunikasyon

1.1 Nakasusulat ng isang kathambuhay batay sa mga tiyak na katangian


nito
- batay sa tiyak na format
- batay sa kawastuang pangnilalaman

38
IKAAPAT NA MARKAHAN
PAKIKINIG

1. Naisasagawa ang mahusay na proseso ng maunawaang pakikinig


mula sa taglay na leksikal at gramatikal na kakayahan sa pagkuha ng
mensahe
( bottom-up process)

1.1 Natutukoy ang ugnayan ng mga bahagi ng teksto sa pamamagitan ng


mga panandang kohesyong leksikal:
- pag-uulit
- kasingkahulugan
- antitesis
- aposisyon
1.2 Natutukoy ang ugnayan sa mga bahagi ng teksto sa pamamagitan ng
mga panandang kohesyong gramatikal:
- pagpapatungkol ( anapora/katapora)
- hambingan
- pagpapalit
- ellipsis
- pag-uugnay

2. Napauunlad ang kasanayan sa maunawaang pakikinig tungo sa


komunikasyong transaksyunal

2.1 Nakukuha ang mahahalagang punto sa napakinggan upang magamit


sa pagbubuod
2.2 Naisasaayos ang mga impormasyong napakinggan batay sa antas
nito
2.3 Naililipat sa isang dayagrama ng mga impormasyong napakinggan
2.4 Nabibigyang-kahulugan ang napakinggan sa pamamagitan ng
paglilipat nito sa grap
2.5 Nabubuo ang grid- pang-impormasyon kaugnay ng tekstong
napakinggan

PAGSASALITA

1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na magagamit sa efektiv na


pasalitang komunikasyon

1.1 Natutukoy ang mga salita/ pangungusap na naghuhudyat ng opinion


1.2 Napipili at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala
ng alternativ na solusyon
1.3 Nakikilala at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na
nagpapahayag ng implikasyon

39
1.4 Natutukoy at nakabubuo ng mga salita/pangungusap na
nagpapahayag ng pagkakatulad ng ideya
1.5 Nakikilala at nakabubuo ng mga salita/pangungusap na
nagpapahayag ng pagsasalungatan ng ideya
1.6 Natutukoy at nakagagamit nang wasto ng mga pangungusap na:
-nagpapahayag ng patanggi
- nagpapahayag ng pagtanggap
1.7 Nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na:
- pabuod
- pasaklaw

2. Naipakikita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino tungo sa efektiv


na pasalitang komunikasyon

2.1 Naipaliliwanag ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa


pagsasagawa ng isang gawain
2.2 Naihahatid ang mensahe sa tuwiran at di-tuwirang paraan
2.3 Naipahahayag nang maayosa ng matinding reaksyon sa mga bagay
na di nagugustuhan
2.4 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinion at saloobin
2.5 Nakabubuo ng mga:
- pasubali
- proposisyon

PAGBASA

1. Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng iba’t ibang paraan ng


pagbibigay-kahulugan sa salita

1.1 Nabubuo ang bagong salita mula sa ibinigay na salitang-ugat sa


pamamagitan gn paglalapi, pag-uulit at pagtatambal batay sa
kahulugang nakasaad
1.2 Napapangkat ang mga salita ayon sa formalidad ng pagkakagamit
1.3 Nakikilala ang mga salitang kaugnay ng isang salita o paksang ideya

2. Napauunlad ang kakayahang maging mapanuri sa tekstong binasa

2.1 Natutukoy ang mga gamit na pang-ugnay ( cohesive devices) sa pag-


unawa sa binasa:
- anaphora
- katapora
2.2 Napipili ang mga salita sa teksto na:
- iisa ang kahulugan
- maraming kahulugan
- magkasalungat ang kahulugan
2.3 Nasusuri ang paraan ng pagkakasulat ng teksto batay sa:
- kinakausap at nagsasalita
40
- relasyon ng teksto at sa sumulat
- relasyon ng teksto sa mambabasa
2.4 Naibibigay ang opinion sa dapat na maging wakas ng teksto
2.5 Naipahahayag ang katwiran sa napiling opsyon sa mga alternativ na
solusyon sa suliraning inilahad sa teksto
2.6 Napipili ang mga bahagi ng tekstong may tuwirang kaugnayan sa
realidad
2.7 Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto:
- batay sa paksa
- batay sa layon
- batay sa tono
- batay sa pananaw
- batay sa paraan ng pagkakasulat
- pagbubuo ng salita
- pagbubuo ng pangungusap
- pagtatalata

PAGSULAT

1. Naipamamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino pasulat na


komunikasyon

1.1 Nakapag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang impormasyon sa


pagbubuo ng talata
1.2 Nagagamit ang kaalamang gramatikal tungo sa wastong pagsulat
1.3 Napahahalagahan nang wasto ang iba’t ibang sangkap sa efektiv na
pagsulat tulad ng:
- kaisahan
- kapayakan
- kawastuan ng kontent
- kawastuang gramatikal
1.4 Naipapahayag ang pansariling opinion, damdamin, saloobin sa
pasulat na paraan
1.5 Nabibigyang-halaga ang kaayusang teknikal sa pagsulat tulad ng:
- pagpapahalaga sa tamang bantas
- pagpapahalaga sa tamang istruktura
- pagpapahalaga sa maayos na pagsulat
- pagpapahalaga sa wastong baybay

2. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang salaysay

2.1 Nakapipili ng isang napapanahong paksa


2.2 Nakabubuo ng maayos na pagbabalangkas
2.3 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon
2.4 Nakapagpapangkat-pangkat ng mga magkakaugnay na ideya at
impormasyon

41
2.5 Nabibigyang-halaga ang pagbubuo ng isang kaakit-akit na
pagsisimula
2.6 Nakabubuo ng isang di-inaasahang pagwawakas
2.7 Naipamamalas ang kahusayan sa pagpapalawak ng kaisipan

HANAY NG MGA KOMPETENSING LILINANGIN SA PAGSUSURI NG


FLORANTE AT LAURA( may laang dalawang lingo bawat markahan)

UNANG MARKAHAN

1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian nito

1.1 Nasusuri ang akda batay sa pagkakabuo nito.


- pagsunod sa bahagi bilang awit
- pagsunod sa banghay ng isang awit
- pagsunod sa istruktura ng awit
1.2 Nakapagpapahayag ng pansariling pananaw tungkol sa pagkakabuo
ng akda alinsunod sa tatlong bahagi ng isang awit
1.3 Nakapagbabahagi sa klase ng pagsang-ayon at pagsalungat sa mga
ideyang may kinalaman sa mga bahagi ng awit bilang akdang
pampanitikan
1.4 Nasusuri ang banghay batay sa:
- kaugnayan sa sariling karanasan
- mga suliranin at solusyon
- sariling paglalagom
- sariling interpretasyon

IKALAWANG MARKAHAN
1. Napahahalagahan ang akdang pampanitikan batay sa mga dati ng
kaalaman

1.1 Nasusuri ang mga tiyak na kabanata sa pamamagitan ng:


- pagbibigay ng opinion sa mga pangyayaring inilahad
- pag-uugnay sa mga pangyayari sa aktwal na karanasan
- pag-uugnay sa mga pangyayari sa mga karanasan ng
iba
- pagbibigay solusyon sa mga suliraning inilahad
- pag-uugnay ng suliranin sa aktwal na suliranin
1.2 Nakabubuo ng lagom ng kabanatang binasa sa tulong ng mga
kaugnay na karanasan
1.3 Naiuugnay ang akda sa mga tiyak na karanasan ng sumulat

42
IKATLONG MARKAHAN
1. Napahahalagahan ang akda batay sa mga tiyak na detalye

1.1 Nakabubuo ng pansariling konklusyon sa kabisaan ng ginawang


wakas
1.2 Naibibigay ang mga punong kaisipan sa bawat kabanata sa tulong ng
pamagat
1.3 Nakapag-uuri-uri ng mga ideya/kaisipang inilahad sa akda
- panlipunan
- pampamilya
- pampamahalaan
- pansimbahan
1.4 napahahalagah ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ng may-
akda
- dayalog
- monolog
- tuwirang pagsasalaysay

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw
pampanitikan

1.1 Naihahanay ang mga tiyk na pangyayari sa akda sa mga aktwal na


pangyayari sa kasaysayan ng bansa
1.2 Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda
1.3 Nasusuri ang akda sa romantesismong pagtingin
1.4 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa pananaw klasisismo
1.5 Nasusuri ang pagka-naturalistik ng akda
1.6 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na nagpapatunay ng
humanistikong karakter ng akda
1.7 Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi

43
IKATLONG TAON
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring
pagbasa/pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan

1.1 Pagsusuring Panglingwistika

1.1.1 Nasusuri ang mga elementong ponemiko sa akda bilang


sangkap sa mabisang pagkakabuo

1.1.1.a Natutukoy ang istruktura ng sukat at tugma


1.1.1.b Nakikilala ang bisa ng pag-uulit-ulit ng mga salita,
pantig o letra sa kabuuan at kasiningan ng akda
1.1.1.c Natutukoy ang mga salitang ipinakikilala ng tunog nito
1.1.1.d Nasasabi ang bisa ng ginawang pamimli ng salita sa
pagbubuo ng akda
1.1.1.e Natutukoy ang kahalagahan ng pagbibigay-tuon sa
kapangyarihan ng salita sa kasiningan ng akda
1.1.1.f Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga
salitang may likas na pinagmulan ( etimoloji)
1.1.1.g Nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig o
konotasyon
1.1.1.h Nakikilala at naipaliliwanag ang mga bahaging
nagpapakita ng mga salitang nag-aagawan ng
kahulugan
1.1.1.i Naibibigay ang sariling puna hinggil sa pagkakabuo ng
mga pangungusap batay sa:
- ikli o haba
- pag-uulit
- pagbabagu-bago ng istilo

1.2 Pagsusuring Pangnilalaman

1.2.1 Nasusuri ang akda batay sa mga nais sabihin nito sa:
- sarili
- sa ibang tao
- sa isang indibividwal
- sa kalahatan
1.2.2 Nabibigyang-reaksyon ang pagkakabuo ng akda batay sa mga
kaisipan/ideya tungkol sa:
- tauhan
- pangyayari
- paksa
- tema
- pananaw
1.2.3 Nakapag-uugnay ng mga tiyak na karanasan sa akda sa:
- pansariling karanasan

44
- karanasan ng ibang tao na nabatid
- karanasan ng ibang tao na nasaksihan
1.2.4 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng
kahinaang aystetik
1.2.5 Napipili ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng
kalakasang aystetik nito.
1.2.6 Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda batay sa:
- kaisipang inilahad
- pangyayaring inisa-isa
- ideyang lumutang
- opinyong nangibabaw
- paniniwalang pinanindigan
- argumentong inilahad
- pagpapahalagang moral
- pagkamakatotohanan
- kalayuan sa realidad

1.3. Pagsusuring Pampanitikan

1.3.1 Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng


panitikan sa pagsusuri sa akda
- local na kasaysayan
- pambansang kasaysayan
- pandaigdigang kasaysayan
1.3.2 Nasusuri ang kabisaan ng akda batay sa:
- pagkakaugnay-ugnay ng iba’t ibang
elemento
- paraan ng pagkakalahad ( pananaw)
- tiyak na uri nito
- layon/ nais sabihin
- relasyon sa sumulat
- relasyon sa mambabasa
- implikasyon sa kamalayang panlipunan
- implikasyon sa kamalayan ng tao
1.3.3 Nailalapat ang iba’t ibang pananaw alinsunod sa tiyak na
teoryang pampanitikan

1.3.3.A Nasusuri ang akda sa pagka-klasisismo nito

A1. Nabibigyang-halaga ang kaayusan ng banghay:


- pagsisimula
- pagpapalawak
- pagwawakas
A2. Natutukoy ang kaugnayan ng simula sa wakas ng
akda
A3. Nabibigyang-puna ang lohikal na paglalalahad ng
mga pangyayari

45
A4. Nasusuri ang pagka-marangal ng mga tauhan
batay sa:
- kilos
- pananalita
- paniniwala
- pagpapahatid ng kaisipan
A5. Naipapahayag ang bisang pandamdaming
natamo sa akda
A6. Natutukoy ang mga bagong kaalamang natutuhan
sa pagbasa ng akda ( bisang pangkaisipan)
A7. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng pagiging
maayos sa kasiningan ng akda

1.3.3 B. Nailalapat ang mga kaalaman hango sa teoryang


romantesismo sa pagbasa/pag-unawa sa akda

B1. Nakabubuo ng patunay ng kawalan ng


istruktural na banghay:
- paggamit ng flashback
- paggamit ng daloy ng kamalayan
- pagwasak sa istruktura ng banghay
B.2 Napipili at nakapagbibigay ng patunay tungkol
sa mga bahaging nagpapakita ng:
- pagtakas sa katotohanan
- mga di-kapani-paniwalang pangyayari
- heroismo
- pantasya
B.3 Naiisa-isa ang mga damdaming nakapaloob
sa akda na :
- ipinahihiwatig ng salita
- ipinahihiwatig ng parirala
- ipinahihiwatig ng pangungusap
- ipinahihiwatig ng isang talata

1.3.3.C. Nabibigyang-halaga ang akda sa pagka-


humanismo nito

C1. Naiisa-isa ang mga tiyak na bahagi na


nagbibigay- halaga sa kagalingan ng tao
C2. Natutukoy ang mga pahayag na patungkol sa :
- kagandahan ng pag-uugali ng tao
- kabutihan ng gawi ng tao
- kagandahang ginagawa ng isang tao
- magandang aral na napulot sa tao
- pagpaparangal sa isang tao

1.3.3.D. Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa imahismo


sa pagbasa sa akda
46
D.1 Nakabubuo ng mga tiyak na matulaing imahe
batay sa:
- isang salita
- isang taludtod
- isang saknong
- kabuuan ng akda
- pamagat ng akda
D.2 Natutukoy ang bisang pandamdamin at
pangkaisipang nakapaloob sa akda
D.3. Nakalilikha ng pasariling matulaing imahe batay
sa akda

1.3.3.E Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na


pamantayan ayon sa pananaw naturalismo sa
panitikan

E.1 Naiisa-isa ang mga bahagi ng akda na


nagpapakita ng pagiging emosyunal ng tao
E.2 Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya hinggil sa
efekto ng paggamit ng kapaligirang masukal,
marumi at kasuklam-suklam sa kasiningan ng
akda
E.3 Naiisa-isa ang mga bahaging nagpapakita ng
mga kasuklam-suklam na pangyayari

1.3.3.F Nailalapat ang kaalaman sa teoryang realismo sa


pagsusuri sa akda

F.1 Naiisa-isa ang mga katotohanang inilahad sa


akda
F.2 Napipili ang mga bahaging nagpapakita ng
pagkamakatotohanan ng:
- tauhan
- pangyayari
- tagpuan
- kapaligiran
- paksa at tema
F.3 Nabibigyang-reaksyon ang paraan ng
pagsasalaysay ng may-akda
F.4 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na
nagpapatunay ng pagkakaroon ng
transpormasyon ng tauhan batay sa:
- pisikal
o emosyon
o intelektwal
o ispiritwal
- saykolohikal
47
1.3.3.G. Nasusuri ang akda batay sa pananaw formalismo

G.1 Napahahalagahan ang akda batay sa tiyak na


elemento nito
G.2. Nabibigyang-kahulugan ang mga
matatalinghagang salitang inamit sa akda
G.3 Natutukoy ang bisa ng mga tayutay at idyom sa
kasiningan ng akda

1.3.3.H. Naisasagawa ang pagdedekonstrak sa akdang


binasa

H.1 Naiisa-isa ang mga nais sabihin ng akda


H.2 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa
mga dati ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng
tao
H.3 Nakabubuo ng pansariling kahihinatnan ng tauhan
sa akda
H.4 Nakabubuo ng pansariling pagwawakas
H.5Naiisa-isa/ naipaliliwanag ang mga kamalayang
panlipunang inilahad sa teksto

1.3.3.I. Nailalapat ang pananaw eksistensyalismo sa


pagsusuri sa akda

I.1 Nabibigyan ng reaksyon ang mga tauhan batay


sa:
- kalakasan ng paninindigan
- pagbubuo ng desisyon
- kapangyarihang pansarili
- pagtanggap sa kinahinatnan / kahihinatnan
- paniniwala sa sarili
I.2 Napipili ang mga bahagi ng akda na nagpapakita
ng pagiging makapangyarihan ng tao batay sa
kanyang:
- kilos
- gawi
- ugali
- paniniwala
- paninindigan

2. Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng iba’t ibang genre


ng panitikan

2.1 Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang elemento sa


paglikha ng tula:
- may sukat at tugma
- malayang taludturan
48
2.2 Naisasagawa ang malikhaing pagsulat ng sanaysay batay sa tiyak na
uri nito
- formal
- di-formal
2.3 Nailalapat ang mga kaalaman sa uri ng maikling kwento sa pagsulat
ng isang tiyak na halimbawa
- makabanghay
- pangkatutubong-kulay
- pangkaisipan
- pangkapaligiran
- pantauhan

2.4 Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa kumbensyon ng dula sa


pagbubuo ng isang bahagi
- aside
- soliloquy
- monolog

PAGTUTURO NG KOMPOSISYON

UNANG MARKAHAN

1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng


isang liham-paanyaya para sa isang panauhing tagapanayam

1.1 Nagagamit nang wasto ang mga mahahalagang sangkap sa pagsulat


nang wastong liham-paanyaya sa isang panauhing tagapanayam
1.2 Nagagamit ang angkop na kaalamang gramatikal sa pagsulat
1.3 Nakapagbibigay-reaksyon sa mga piling halimbawa bilang gabay sa
pagsulat
1.4 Napahahalagahan ang paggamit ng mga salitang batay sa bagong
alfabeto
1.5 Nailalapat ang pansariling istilo sa pagsulat

IKALAWANG MARKAHAN

1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman sa pagbubuo ng bibliyograpi

1.1 Nakapagsusuri ng mga tiyak na halimbawa


1.2 Nagagamit ang kaalaman tungkol sa wastong format
1.3 Nakabubuo ng bibliyograpi batay sa kaayusan
1.4 Nakasusunod sa mga tiyak na modelo
1.5 Nakapaghahanay-hanaya ng mga mahahalagang at magkakaugnay
impormasyon

49
2. Nakasusulat ng tiyak na halimbawa batay sa mga tiyak na
pamantayan sa pagsulat:
- wastong baybay ng salita batay sa bagong alfabeto
- wastong bantas
- gamit ng malaki at maliit na letra
- kalinawan
- kaisahan

IKATLONG MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng
buod ng isang akdang binasa

1.1 Nakabubuo ng tamang balangkas


1.2 Napipili ang mga mahahalagang detalye at impormasyon
1.3 Nasusunod ang mahahalagang hakbang sa pagbubuod
1.4 Napupuna ang ilang mga tiyak na halimbawang modelo
1.5 Nakapaghahambing ng isinulat sa isang tiyak na modelo]

2. Nakasusulat ng isang buod ng akdang binasa na may:

- kawastuang gramatikal
- tamang format
- lohikal na pagbubuo
- malinaw na presentasyon ng mga kaalaman
- katapatan sa binubuod

IKAAPAT NA MARKAHAN
1.Naipapamalas ang kahusayan sa pagsulat ng isang rebyu sa tulong ng
mga tiyak na kaalaman at pamantayan

1.1 Nakapagbibigay ng mga angkop na observasyon tungkol sa nabasa o


napanood
1.2 Nakapagbabahagi ng mga reservasyon tungkol sa gagawing
paghuhusga sa nabasa o napanood
1.3 Nagagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagbubuo ng rebyu
1.4 Nakapagbibigay-puna sa isang tiyak na modelo

2.Nakasusulat ng isang rebyu na nagsasaalang-alang sa :

-wastong format
- paraan ng presentasyon
- kawastuang gramatikal

50
HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA KOMPETENSI
SA PAGSUSURI SA NOLI ME TANGERE ( para sa dalawang
linggong sesyon bawat markahan)

UNANG MARKAHAN
1. Napauunlad at napayayaman ang karanasan sa pamamagitan ng
akda upang makapagpalawak ng kaisipan at pananaw sa buhay

1.1 Nasusuri ang akda batay sa isang tiyak na bahagi ng kasaysayan ng


bansa/daigdig
1.2 Naihahanay ang akda sa mga tiyak na isyung panlipunan batay sa
ispesifik na panahon
1.3 Nasusuri ang akda batay sa mga umiiral na pilosopiyang pandaigdig
1.4 Nasusuri ang akda batay sa kaugnayan nito sa karanasan ng sumulat
1.5 Nasusuri ang akda batay sa istilo ng istruktura tulad ng:
- pagsunod sa anda ng epiko
- pakikipagkapwa-teksto
- pagpapaliguy-ligoy
- paggamit ng dalawahang oposisyon
- pagkapanitikan

IKALAWANG MARKAHAN
1. Nalilinang ang kahusayang maging mapanuri sa akdang binasa

1.1 Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa magkakaugnay at lohikong


pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
1.1.1 Nabibigyang-puna ang kabanata bilang siyang simula ng
banghay
- pagpapakilala sa mga pangunahing tauhan
- paghahanda sa mambabasa tungkol sa napipintong suliranin
1.1.2 Nasusuri ang tiyak na kabanata bilang bahagi na
nagpapahayag ng tumitinding galaw
- maiigting na pangyayari na may kinalaman sa pangunahing
tauhan
1.1.3 Nabibigyang-puna ang tiyak na kabanata na tumutukoy sa
kasukdulan tungo sa kakalasan ng nobela
- pagkilala sa pinakamaigting na bahagi
1.1.4 Nabibigyang-puna ang bahaging nagpapahiwatig ng wakas ng
nobela
- naging resolusyon sa mga suliranin

51
2. Nasusuri ang akda batay sa masining na paglalarawang pantauhan

2.1 Nabibigyang-puna ang pagkamakatotohanan ng tauhan batay sa :


- kilos
- paniniwala
- saloobin
- pilosofiya
- gawi
- paninindigan

IKATLONG MARKAHAN
1. Napahahalagahan akda batay sa mga tiyak na pamantayang
pampanitikan

1.1 Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya batay:


- efektivong paggamit ng tunggalian
- efektivong paggamit ng matatalinghagang kaisipan
- efektivong paggamit ng mga tayutay
- efektivong paggamit ng mga simbolo

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga tiyak na teoryang pampanitikan sa pagsusuri sa
akda

1.1 Nasusuri ang akda batay sa pagka-klasisismo nito sa tulong ng mga


bahaging nagpapahayag ng:
- katotohanan
- kagandahan
- kabutihan
1.2 Nasusuri ang akda batay sa pananaw naturalismo sa tulong ng mga
bahaging nagpapakita ng:
- kapaligirang karumal-dumal
- pangyayaring kasuklam-suklam
- paglalabanan ng tao para mabuhay
1.3 Nasusuri ang akda batay sa pananaw realismo sa tulong ng mga
bahaging nagsasaad ng:
- makatotohanang kaisipan
- pagbabago ng tauhan
- makatotohanang pangyayari
1.4 Nasusuri ang akda batay sa pananaw feminismo sa tulong ng mga
bahaging nagpapakita ng mga pangyayaring may kinalaman sa mga
tauhang babae

52
1.5 Nasusuri ang akda batay sa pananaw eksistensyalismo sa tulong gn
mga bahaging kinakakitaan ng:
- pagkamakapangyarihan ng tao sa kanyang sarili
- pananagutan ng tao sa kanyang pagpapasya
- kalayaan ng taong mag-isip

53
IKAAPAT NA TAON
1. Nagagamit na batayan sa mapanuring pagbasa ng akdang
pampanitikan ang iba’t ibang pamantayan at batayang kaalaman

1.1 Pagsusuring Panglinggwistika

1.1.1 Napahahalagahan ang pagkakabuo ng akda batay sa paggamit


ng mga salita

A. Nasasabi ang bisa sa akda ng pamimili ng salita


B. Nabibigyang-katwiran ang kahalagahan ng pagkilala sa
kapangyarihan ng salita sa akda
C. Nabibigyang-puna ang pagkakagamit ng mga salitang may
likas na kahulugan ( etimoloji)
D. Natutukoy ang bisa ng paggamit ng mga salitang tago ang
kahulugan
E. Nakikilala ang kasiningan ng paggamit ng mga salitang nag-
aagawan ng kahulugan

1.1.2 Naibibigay ang puna hinggil sa pagkakabuo ng mga


pangungusap:

A. Paggamit ng mahahaba at maiikling pangungusap


B. Pag-uulit ng mga pangungusap
C. Pagbabagu-bago ng istilo sa pagbubuo ng mga
pangungusap

1.2 Pagsusuring Pangnilalaman

1.2.1 Natutukoy ang mga bahaging nagpapahayag ng:


- mga talinghaga
- mga larawang-diwa
- mga pagpapatungkol
1.2.2 Nasusuri ang akda batay sa istruktura ng banghay nito ayon sa:
- makabuluhang simula
- maigting na tumitinding galaw
- kasukdulan
- di-inaasahang wakas
1.2.3 Nailalahad ang bisa ng mga kaisipang inilahad sa akda batay sa
refleksyon nito sa:
- pamayanan
- pambansang kaligiran
- lipunan
- pambansang kamalayan
1.2.4 Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:
- pagkakatulad ng mga tauhan

54
- pagkakatulad ng mga pangyayari
- pagkakatulad ng mensahe
- pagkakatulad ng paksa
- pagkakatulad ng tema
- pagkakatulad ng istruktura
1.2.5 Nasusuri ang akda batay sa mga bahaging :
- nagtuturo
- nagpapaliwanag
- nangangaral
- nagbibigay-aliw

1.3 Pagsusuring Pampanitikan

1.3.1 Naiuugnay ang mga kaalaman tungkol sa kasaysayan ng bansa


sa tiyak na akda:
- panrehiyon
- pambansa
- pandaigdig
1.3.2 Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na batayang kaalaman
tulad ng:
- kumbensyon sa dula
- istruktura sa nobela
- tungkulin sa sanaysay
- elemento sa tula
- uri sa maikling kwento

1.3.3 Nailalapat ang mga kaalaman sa iba’t ibang pananaw


pampanitikan sa mapanuring pagbasa ng akda

A. Nasusuri ang akda batay sa mga kaisipang hango sa


teoryang klasisismo

A.1 Naiisa-isa ang mga bahaging nagpapakita ng tiyakang


kaugnayan ng mga tauhan sa pwersa ng kalikasan
A.2 Napipili ang mga kaisipan at pahayag na nagpapakita ng
kadakilaan ng Diyos at nasasabi ang efekto nito sa tao
A.3 Napipili ang mga tiyak na bahaging nagpapakita ng
kabutihan, kagandahan at katotohanan
A.4 Nasusuri ang akda batay sa pagka-universal ng paksa

B. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa akda sa


tulong ng mga kaalamang hango sa teoryang
romantesismo

B.1 Nailalahad ang paninindigan sa bisa ng pagkakagamit


ng kalikasan at kapaligiran sa pagkamasining ng akda
B.2 Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga payak
na salita sa kasiningan ng akda
55
B.3 Nakabubuo ng kritikal na paghuhusga sa kapayakan ng
mga tauhan at sa efekto nito sa kasiningan ng akda

C. Napahahalagahan ang pagka-humanismo ng akdang


binasa

C.1 Nabibigyang-reaksyon ang mga magagandang kaisipan


at paniniwala tungkol sa tao
C.2 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi ng akda na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
C.3 Napipili ang mga tiyak na bahagi na tumutukoy sa
kagalingan ng isang tao
C.4 Nasusuri ang akda batay sa magagandang saloobin at
damdaming inilahad ng mga tauhan

D. Nababasa ang akda sa tulong ng mga pamantayang


naturalistic

D.1 Nakapagbibigay-patunay na ang buhay ay tila isang


mabangis na lungsod at walang awing kagubatan
D.2 Nabibigyang-puna ang pakikipagsapalaran ng tao na
binibigyang-diin sa akda
D.3. Nasusuri ang umiiral na efekto ng kapaligiran sa
pakikipagsapalaran ng tao

E. Napupuna ang pagka-realismo ng akda

E.1 Nabibigyan ng reaksyon ang tuwirang kaugnayan ng


kapaligiran sa pagbabago ng tauhan
E.2 Nasusuri ang mga kaisipang nagpapakita ng pakikipag-
ugnayan ng tauhan sa kanyang kapwa at lipunan
E.3 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa umiiral
na katutubong tradisyong pampanitikan
E.4 Nakapagpapatunay na ang mga mga pangyayari sa
akda ay angkop sa tunay na buhay

F. Napahahalagahan ang akda sa tulong ng mga


kaalamang batay sa teoryang formalismo

F.1 Nabibigyan ng reaksyon ang kagandahan/kahinaan ng


akda batay sa:
- istruktura
- pagkakabuo
F.2 Nasusuri ang bisa ng pag-uugnay-ugnay ng mga
elemento ng akda sa kasiningan nito
F.3 Naihahambing ang akda sa isa pang katulad na genre
batay sa tiyak na elemento

56
G. Nakapag-dedekonstrak sa akda batay sa mga tiyak na
pamantayan

G.1 Nabibigyang-kahulugan ang mga nais sabihin ng akda


batay sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan
G.2 Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig
ng impluwensya ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa at sa kinahinatnan nito
G.3 Nasusuri ang akda batay sa kaangkupan ng lengwahe
sa atmospera
G.4 Nabibigyang-puna ang bisa ng diskursong ginamit sa
kasiningan ng akda

H. Nasusuri ang akda batay sa pananaw eksistensyalismo

H.1 Nabibigyan ng puna ang istilong ginamit ng may-akda


sa pagsasalaysay
H.2 Natutukoy ang mga bahaging nagpapamalas ng
malayang kaisipan ng tauhan/may-akda

HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA


KOMPETENSI SA PAGTUTURO NG KOMPOSISYON

UNANG MARKAHAN
1.Nailalapat ang mga batayang kaalaman at mga tiyak na pamantayan sa
pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham-pangangalakal

1.1 Nakikilala ang iba’t ibang uri ng liham-pangangalakal


1.2 Nakapagbibigay-reaksyon sa isang tiyak na modelo
1.3 Nagagamit ang sariling istilo sa pagsulat
1.4 Nailalapat nang angkop ang mga tiyak na elemento sa pagsulat
1.5 Nabibigyang-halaga ang mga tiyak na sangkap sa pagsulat tulad ng:
- wastong baybay
- wastong gamit ng bantas
- kawastuan sa kontent
- kawastuang gramatikal

IKALAWANG MARKAHAN

1. Nagagamit sa pagsulat ng isng suring-pelikula ang mga dati at


bagong kaalaman tungkol sa mga tiyak na batayan

57
1.1 Nababatid ang mga tiyak na impormasyong kinakailangan sa pagsulat
1.2 Nabibigyang-puna ang isang tiyak na modelo
1.3 Nakapagbabahagi ng pansariling raksyon tungkol sa :
- reservasyon sa pagsulat
- limitasyon ng kaalaman sa pagsulat
- kahandaan sa pagsulat
- di-kahandaan sa pagsulat
1.4 Naisasagawa ang pagsulat ng isang suring-pelikula sa tulong ng
kaalaman sa:
- wastong format
- wastong paraan
- wastong bahagi
- wastong nilalaman
- wastong gamit ng istruktura ng wika
- wastong paggamit ng mga bantas
- wastong baybay

IKATLONG MARKAHAN
1. Nakapagsasagawa ng pagsasalin sa tulong ng mga tiyak na
pamantayan

1.1 Nababatid ang mga pangunahing batayang simulain sa pagsasalin


1.2 Nabibigyang-puna ang mga pilosopiyang kaugnay sa pagsasalin

1.3 Nabibigyang-puna ang mga tiyak na modelo


1.4 Nasusunod nang wasto ang mga hakbang at paraan sa pagsasalin
1.5 Nabibigyang-pansin ang kawastuang gramatikal sa pagsasalin

IKAAPAT NA MARKAHAN

1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman sa pagsulat ng mga natipong


tala

1.1 Nababatid at nagagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagtitipon


ng tala
1.2 Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang kagamitang pinagkukunan ng
tala
1.3 Nakikilala ang mga talang may kabuluhan at walang kabuluhan
1.4 Naipamamalas ang kahusayan sa pag-uuri-uri ng mga tala
1.5 Naipakikita ang kasanayan sa apagpapangkat-pangkat at
pagsasaaayos ng mga tala ayon sa level nito
1.6 Nakapagsusuri ng isang tiyak na modelo
1.7 Nakasusulat ng maayos na presentasyon ng mga natipong tala batay
sa:

58
- pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya
- wastong format
- wastong presentasyon
- wastong sangkap
- wastong nilalaman
- kawastuang gramatikal

HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA KOMPETENSI


SA PAGSUSURI NG EL FILIBUSTERISMO ( may laang dalawang
lingo bawat markahan)

UNANG MARKAHAN
1. Nailalapat at napahahalagahan ang mga kasanayan at kaalamang
pampanitikan sa pagsasagawa ng isng masining na pagsusuri

1.1 Nabibigyang-reaksyon ang resentasyong lohikal ng akda

1.1.1 Nabibigyang-puna ang simula ng akda sa tulong ng


kagandahan ng simula
- nagpapakilala sa tauhan
- naghahanda sa mga mambabasa sa napipintong
suliranin

1.1.2 Nabibigyang-reaksyon ang istilo sa pagpapatindi ng galaw sa


tulong ng mga maiigting na bahagi
1.1.3 Nasusuri ang bahaging nagpapakita ng kasukdulan at
kakalasan ng kwento
1.1.4 Nabibigyang-reaksyon ang istilo sa pagwawakas
1.1.5 Nakikita ang kaugnayan ng simula sa wakas

1.2 Nasusuri ang pagkapanitikan ng akda sa pagpapahalaga sa


paggamit ng mga simbolo

1.2.1 Napipili ang mga tiyak na bahaging nagpapakita ng iba’t ibang


simbolo
1.2.2 Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga simbolo sa
kasiningan ng akda
1.2.3 Natutukoy ang bisa ng pagkakagamit ng mga simbolo
1.2.4 Nabibigyang-puna ang paghahanay ng mga simbolo sa mga
tiyak na kabanata

59
IKALAWANG MARKAHAN
1. Nailalapat at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at
pamantayan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri

1.1 Nasusuri ang akda batay sa paraan ng paglalarawang-tauhan


1.1.1 Nakikilala ang mga makatotohanang tauhan batay sa :
- kilos
- gawi
- pananalita
- paniniwala
- mga opinyong inilahad
- kinahinatnan
1.1.2 Nakapagpapatunay ng pagkadi-makatotohanan ng tauhan
batay sa:
- kilos
- pananalita
- gawi
- paniniwala
- mga opinyong inilahad
- kinahinatnan
1.2.3 Nabibigyang-reaksyon ang ugnayan ng mga tauhan sa :
- bawat isa
- sa lipunan

IKATLONG MARKAHAN

1. Napahahalagahan at nagagamit ang mga batayang kaalaman at mga


pamantayan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri

1.1 Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian nito

1.1.1 Natutukoy at nabibigyang-patunay ang ginamit na tunggalian


1.1.2 Nabibigyang-reaksyon ng istilo ng may-akda sa paraan ng
presentasyon batay sa:
- pagkapanitikan ng akda
- pakikipagkapwa-teksto ng akda
- paggamit ng makatotohanang tauhan
- paglalahad ng mga karunungan

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nagagamit at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at
pamantayan sa pagsasagawa ng masining na pagsusuri

60
1.1 Nailalapat ang mga kaalaman sa iba’t ibang teoryang
pampanitikan sa pagsusuri

1.1.1 Nakapagpapatunay sa tulong ng mga bahagi sa pagka-


klasisismo ng akda
1.1.2 Nasusuri ang akda batay sa pananaw romantesismo
1.1.3 Naihahanay ang pananaw realismo sa pagsusuri sa akda
1.1.4 Napatutunayan sa tulong ng ilang bahagi ang pagka-feminismo
ng akda
1.1.5 Nagagmit ang ilang pananaw eksistensyalismo sa pagbasa sa
akda
1.1.6 Napahahalagahan ang akda sa pananaw naturalismo

MGA HULWARANG BANGHAY-ARALIN


Ang pagkakaroon ng mga hulwarang banghay-aralin ay isang gabay sa
pagtatamo ng iisang mithiin- ang lubos na maisakatuparan ang efektivong
proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Sa mga halimbawang banghay taglay ang mga
provisyong nagpapakita ng iba’t ibang gawaing lilinang sa life skills, sa higher
order thinking skills, multiple intelligence at aakay sa mga mag-aaral tungo
sa pagtatamo ng cooperative learning.

Unang Taon
Gramatika at Pagbasa
1 Linggong Sesyon

I. ANG PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa : Pamahalaan at Batas
Pamagat ng Teksto : Batas Militar sa Pilipinas
Uri ng Teksto : Tekstong Persweysiv
Kagamitan : Isinateyp na Talumpati/
Sanaysay
Gamit ng Wika : Paghahambing/Pagkokontrast
Istruktura ng Wika : Mga Keywords
Kasanayang Istratejik : Pagkuha ng Tala
Kasanayang Pampag-iisip : Pagsang-ayon/Pagsalungat
Halagang Pangkatauhan : Pagsasabi ng sariling opinyon at
paniniwala nang buong pagtitiwala sa
sarili

61
II. MGA INAASAHANG BUNGA ( sa bawat araw)

A. Nakabubuo ng hinuha sa paksa batay sa pamagat at nailalapat ang


mga tiyak na karanasan at kaalaman tungkol dito
B. Naipapahayag nang buong linaw ang mga paniniwala at opinyong
nakapaloob sa tekstong narinig/nabasa at nakabubuo ng sariling
paniniwala/opinyon nang buong pagtitiwala sa sarili
C. Natutukoy ang tono at layon ng teksto at nakikilala ang tiyak na uri nito
D. Natutukoy ang mga keywords na ginamit sa teksto at nakabubuo ng
paghuhusga batay sa kabisaan nito sa pagkakasulat ng teksto
E. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang tekstong
tinalakay

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Unang Araw

1. Mga Panimulang Gawain

a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng mga larawang


may kinalaman sa paksa. Pabubuuin ang bawat pangkat ng mga
kaisipang posibleng nakapaloob sa larawan sa tulong ng mga
sumusunod na gabay na tanong.

- Anu-anong mga kaisipan ang maaari ninyong mabuo


mula sa larawan?

- Bakit ganoong kaisipan ang inyong nabuo?

a.1 Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat


a.2 Pagbabahagi ng lider ng bawat pangkat sa klase ng nabuong
kaisipan
a.3 Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig. Naniniwala ba o
hindi? Bakit?

b. Paglalahad. Pagbibigay ng pansin sa nakapaskel na pamagat ng


tekstong babasahin. ANG BATAS MILITAR SA PILIPINAS. Muli,
pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang bawat pangkat sa tulong ng
mga sumusunod na tanong.

- Ano ang isinasaad ng pamagat?

- Magbigay ng mga taglay ng kaalaman tungkol sa


pagkakaroon ng batas militar sa Pilipinas at paano
nalaman
.
- Mag-ugnay ng pansariling karanasan na maaaring may
kauganyan sa pagkakaroon ng batas militar sa Pilipinas
62
- Magbahagi ng karanasan ng ibang tao na may
kaugnayan sa pagkakaroon ng batas militar sa Pilipinas
na narinig o nabasa

c. Pagbubuo ng sintesis ng mga napag-usapan. ( igagayd ng guro


ang klase na makabuo ng sisntesis)

2. Pagtalakay sa Aralin

Ikalawang Araw

a. Pagpaparinig sa isinateyp na talumpati. Habang nakikinig, ipababasa


din ng guro ang sipi ng talumpati. Papipiliin ang mga mag-aaral ng
mga salita o parirala o pangungusap na hindi maunawaan.

b. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi


maunawaan batay na rin sa pagkakagamit nito sa teksto.

c. Pagpapalalim ng Kaalaman. Papangkatin ang mga mag-aaral sa walo.


Magkakaroon ng bahaginan batay sa mga sumusunod.

Pangkat 1 at 2: Papipiliin ng mga opinyong nakalahad sa teksto na


sa palagay ay katanggap-tanggap. Bakit?
Pangkat 3 at 4: Papipiliin ng mga opinyong nakapaloob sa teksto
na sa palagay ay hindi katanggap-tanggap.
Bakit?

Pangkat 5 at 6: Papipiliin ng mga paniniwalang inilahad sa teksto


na sa palagay ay katanggap-tanggap. Bakit?
Pangkat 7 at 8: Papipiliin ng mga paniniwalang nakapaloob sa
teksto na sa palagay ay di-katanggap-tanggap.
Bakit?

d. Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangkatang talakayan.

e. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan. “ Anong pangkalahatang


kaisipan ang maaari nating mabuo sa nagapan na talakayan?”

- Opinyong dapat paniwalaan ng klase


- Opinyong di-dapat paniwalaan ng klase
- Paniniwalang dapat tanggapin ng klase
- Paniniwalang di-dapat tanggapin ng klase

Ikatlong Araw

a. Pagpapabasa ng isang kaugnay na balita. Mula sa balita ay


magbibigay ng input ang guro tungkol sa tono at layon ng isang teksto.
63
b. Papangkating muli sa walo ang klase. Iparirinig ang talumpati.
Ipasusuri ang talumpati ayon sa tono at layon.

Gabay na Tanong: Anong damdamin ang naghahari sa talumpati?


Patunayan ng tiyak na bahagi.

Anu-ano ang mga katotohanang inilahad ng


teksto? Patunayan sa tulong ng mga tiyak na
bahagi.

Naiparating ba ito sa inyo nang malinaw? Bakit?

Bakit tinawag na persweysiv na teksto ang


tinalakay na talumpati. Magbigay ng mga
patunay.

c. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.

d. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa isang tekstong


persweysiv.

e. Pagbubuo ng sintesis

Ikaapat na Araw

a. Pagbibigay ng guro ng kailangang input upang makilala ang tinatawag na


keywords

b. Muling pagpapabasa sa teksto ng talumpati.

c. Pagsusuri sa mga keywords na ginamit sa teksto. Pangkatang ang gagawing


pagsusuri.

Pangkat 1: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng paksa


Pangkat 2: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng proposisyon
Pangkat 3: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng positibong
opinyon
Pangkat 4: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng negatibong
opinyon
Pangkat 5: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng positibong
paniniwala
Pangkat 6: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng negatibong
paniniwala

d. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong.

64
1. Epektibo bang nagamit ang mga keywords upang mailahad nang
malinaw ang mga tiyak na impormasyon? Patunayan.

2. Mahalaga ba ang kaalaman sa paggamit ng mga keywords sa


pagbubuo ng isang tekstong persweysiv? Patunayan

e. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang pinag-usapan.

Ikalimang Araw

a. Pagpapabasa ng isa pang halimbawa ng tekstong persweysiv.

b. Pagsusuri sa binasang teksto batay sa mga tiyak na katangian.

- mga positibong opinyon


- mga negatibong opinyon
- mga positibong paniniwala
- mga negatibong paniniwala
- ang tono ng teksto
- ang layon ng teksto

c. Pagsusuri sa binasang teksto batay sa mga keywords na ginamit


upang maipahayag ang mga sumusunod.

- proposisyon
- positibong opinyon
- negatibong opinyon
- posistibong paniniwala
- negatibong paniniwala
- paksa ng teksto

d. Pagpapasulat ng isang tekstong persweysiv sa tulong ng isang tiyak


na larawan at pamagat. Bago sumulat, pabubuuin muna ng guro ng
angkop na mga keywords ang mga mag-aaral.

e. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.

f. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa araling tinalakay. “


kaugnayan ng mga angkop na keywords sa pagsulat ng isang tekstong
persweysiv”

65
Ikalawang Taon
Gramatika at Pagbasa
1 Linggong Sesyon

I. ANG PAKSA/ MGA KASANAYAN/ MGA KAGAMITAN


Paksa : Kultura at Tao
Pamagat ng Teksto : Evolusyong Kultural ng Tao
Uri ng Teksto : Informativ
Gamit ng Wika : Pagbibigay ng Informasyon
Istruktura ng Wika : Pabuod at Pasaklaw na Pangungusap
Kasanayang Pampag-
Iisip : Mapanuring Paglalahad
Halagang Pangkatauhan : Pagpapahalaga sa Kultura ng Tao

II. MGA INAASAHANG BUNGA ( sa bawat araw )

A. Nakabubuo ng hinuha sa tulong ng pamagat


B. Naipahahayag nang buong linaw ang mga kaalamang nakapaloob sa
tekstong narinig/binasa at nakabubuo ng pansariling paniniwala/
opinyon ng may buong pagtitiwala sa sarili
C. Natutukoy ang paraan ng pagkakasulat ng teksto at nakikilala ang
tiyak na uri nito
D. Nakikilala ang mga pangungusap na pabuod at pasaklaw at nakikilala
ang kabisaan nito sa pagkakasulat ng teksto
E. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang tekstong
tinalakay

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Unang Araw

1. Mga Panimulang Gawain

a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng ilang larawang


may kaugnayan sa paksa ng tekstong tatalakayin. Pabubuuin ang
bawat pangkat ng mga tiyak na kaisipang nakapaloob sa mga
napiling larawan. Ang pagtatalakayan sa pangkat ay ibabatay sa
mga sumusunod na gabay na tanong.

Gabay na Tanong: Anu-anong mga pangunahing kaisipan ang


maaaring mahango sa larawan?

Ipaliwanag ang kaugnayan ng nabuong


kaisipan sa larawan

66
a.1 Pagbabahaginan sa bawat pangkat
a.2 Pagbabahagi ng lider ng pangkat sa klase
a.3 Pagkuha ng feedback mula sa ibang mag-aaral
a.4 Pagbubuo ng sintesis

b. Paglalahad. Pagbibigay-pansin sa pamagat ng tekstong


ipababasa. EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO.

b.1 Pangkatang-Gawain.

Pagpapakahulugan sa Pamagat

Pagbubuo ng kaisipang batay sa pamagat

Pag-uugnay ng mga tiyak na karanasan bilang mag-


aaral sa isinasaad ng pamagat

Pag-uugnay sa mga karanasang nabatid tungkol sa


isinasaad ng pamagat ( nabasa o narinig)

b.2 Pagbabahaginan sa pangkat


b.3 Pagbabahagi ng lider ng pangkat sa klase
b.4 Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral
b.5 Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan

2. Pagtalakay sa Aralin

Ikalawang Araw

a. Pag-uugnay ng larawan sa mga punong salita ng pamagat ng


tekstong babasahin.

EVOLUSYON KU LTURA

TAO

b. Pangkatang pagpapabasa sa teksto. Ipasusuri ang tekstong


binasa batay sa mga sumusunod.

Pangkat 1 at 2: Mga kaalamang inisa-isa sa teksto na may


kinalaman sa pamagat nito.
Pangkat 3 at 4: Mga pangunahin at pantulong na kaisipang
inilahad sa teksto
Pangkat 5 at 6: Mga positiv at negativ na kaalamang inisa-isa
sa teksto

C. Pagbabahaginan sa pangkat.

67
D. Pagbabahagi ng lider ng pangkat sa buong klase.

E. Pagkuha ng iba pang feedback

F. Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay.

Ikatlong Araw

a. Pagpapabasa ng isa pang kauring teksto.

b. Pagsusuri sa binasa batay sa mga kaalamang inihanay

c. Pagbibigay ng guro ng kinakailangang input tungkol sa paraan ng


pagkakasulat ng isang teksto.

- Paraan ng pagtatalata
- Paraan ng pagbubuo ng salita
- Paraan ng paggamit ng salita
- Paraan ng pagbubuo ng mga pangungusap

d. Muling pagpapabasa sa tekstong lunsaran. Ipasusuri ang tekstong


binasa batay sa paraan ng pagkakasulat nito. Pangkatang
pagsusuri.

Pangkat 1 : Paraan ng pagtatalata. ( Paano sinimulan,


pinalawak at winakasan ang teksto)
Pangkat 2: Paraan ng pagbubuo ng pangungusap ( Anong
uri ng pangungusap ang kalimitang ginamit?)
Pangkat 3: Paraan ng pagkakagamit ng salita. ( Formal ba
o di- formal?)
Pangkat 4: Paraan ng pagbubuo ng salita ( Anong uri ng
salita batay sa kayarian ang kalimitang
ginamit/)
Pangkat 5: Pagbubuo ng hinuha kung bakit informativ ang
binasang teksto.

e. Pagbabahaginan sa pangkat

f. Pagbabahagi ng lider ng pangkat ng napag-usapan

g. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral

h. Pabibigay ng guro ng faynal input tungkol sa isang tekstong


informativ

68
Ikaapat na Araw

a. Pagbibigay ng guro ng panimulang input upang makilala ng mga


mag-aaral ang mga pangungusap na pabuod at pasaklaw.

b. Muling pagpapabasa sa tekstong lunsaran. Ipasusuri ang teksto


batay sa mga ginamit na pangungusap na masasabing:

- pangungusap na pasaklaw
- pangungusap na pabuod

c. Pagbabahaginan ng reaksyon tungkol sa pagkilala sa mga tiyak na


katangian ng mga pangungusap na pabuod at pasaklaw.

- Paano nagkaiba ang dalawa?

d. Muling pagpapabasa sa tekstong lunsaran. Pabubuuin ang bawat


pangkat ng magkatulad at salungatang opinyon tungkol sa
kabisaan ng pagkakagamit ng mga pangungusap na pabuod at
pasaklaw sa pagsulat ng isang tekstong informativ.

- Naging mabisa ba ang manunulat sa pagkakagamit niya ng


mga pangungusap na pasaklaw? Bakit?

- Naging mabisa ba ang manunulat sa pagkakagamit niya ng


mga pangungusap na pabuod? Patunayan.

d.1 Pagbabahaginan sa pangkat


d.2 Pagbabahagi sa klase
d.3 Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral

e. Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay.

IV. EVALWASYON

Ikalimang Araw

a. Pagpapabasa ng isa pang tekstong informativ. ( PALAKASAN SA


ASYA)

b. Pagsusuri sa tekstong binasa batay sa tiyak na katangian nito.

- mga kaalamang inihanay


- paraan ng pagkakasulat
- uri

b. Pagsusuri sa binasang teksto batay sa mga pangungusap na ginamit.


69
- mga bahaging nagpapakita ng mga pangungusap na pabuod
- mga bahaging nagpapakita ng mga pangungusap na pasakllaw

c. Pagpapasulat ng isang tekstong informativ batay sa paksang tinalakay.


Pagbibigayin muna ng mga halimbawa ng pangungusap na pabuod at
pasaklaw ang mga mag-aaral. Ipagagamit ito sa talataang isusulat.

d. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.

e. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig na mag-aaral

f. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa araling tinalakay. “ Ang


mga pangungusap na pabuod at pasaklaw sa pagsulat ng isang
tekstong informativ”.

Tekstong Lunsaran

EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO

Natagpuan mo na ba ang iyong sarili sa isang sitwasyon kung saan


kailangan kang humanap para sa iyong sarili ng pagkain, bahay at iba pang
pangangailangan? Ano ang inyong gagawin upang mabuhay? Marhil ay iisip ka
ng solusyon batay sa mga bagay na mapagkukunan na nasa iyong kamay at
gagamit ka ng mga paraan na tinatawag na trial ang error upang makalabas sa
sitwasyong iyon. Kung ikaw ay sang Boy Scout, gagamit ka ng mga paraan na
iyong natutuhan upang mabuhay. Marahil ay mapatutunayan mo sa iyong sarili
na ang iyong buhay ay mababatay sa mga ideya na iyong natutuhan, sa mga
paniniwala na palagi mong isinasagawa, sa mga pag-uugali na iyong nalinang at
sa mga teknolohiya na iyong ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Ang
kabanatang ito ay tatalakay sa proseso kung paano nilikha at pinaunlad ng tao
ang kanyang kultura.

Ang Batayan ng Kultura

Ang tao ay sumasailalim sa mga pagbabago upang makontrol ang


kanyang sarili at ang kanyang kapaligiran. Nagkaroon siya ng tuwid na
pagkakatayo upang makakilos ng malaya at magamit na mabuti ang kanyang
mata. Sa pamamagitan din ng pagkakatayong ito, nagamit niya ang kanyang
mga kamay upang makahawak ng mga bagay-bagay at makagawa ng mga
kasangkapan at sandata. Ang pagkakaroon niya ng higit na malaking utak ay
bunga ng mga pagbabago sa istruktura ng kanyang panga na bunga naman ng
pagbabago sa kanyang pagkain. Ang pagkakalagay ng kanyang ulo sa itaas ng
kanyang gulugod ay nagbigay ng puwang para sa kanyang sisidlan ng boses sa
lalamunan. Ang mga pagbabago sa sistemang pang-reproduktibo ng babae ay
nagbigay-daan sa pagbabagong-anyo ng sekswalidad ng tao. Ang mahabang

70
panahon ng kasanggulan ay nangahulugan lamang na ito ay dapat umasa sa
kalinga ng nakatatanda. Tunay na ang pag-uugali ng tao ay nakasalalay sa pag-
aagpang at pagbabagay; hindi kailanman sa likas na simbuyo. Ang tao ay
natututong sumuri at tumugon sa kanyang nakikita, naririnig at nararamdaman.

Ang Pagsibol ng Kultura

Ang pagkakaiba-iba ng kulturang Asyano ay napakalawak at sadyang


napakahirap at sadyang napakahirap pag-aralan. Subukin natin na unawain ito
sa pamamagitan ng pagsilip sa mga payak na bahagdan ng pag-unlad ng
kulturang Asyano. Sa loob ng unang kalahating milyong taon, ang pagbabago
ay napakabagal.

Ang katawagang kultura ay ibinibigay sa pamamaraan ng pamumuhay ng


isang pangkat kung saan ang mga kasapi ay natatagpuan sa isang teritoryo,
responsible sa bawat isa at may pagkakakilanlan. Ang kultura ay binubuo ng
mga sumusunod:

1. solusyon sa mga suliranin ng pamumuhay;


2. kaisipan at pagpapahalaga sa humuhubog sa mga patakaran ng
pag-uugali (relihiyon, “folkways”, “mores”, di materyal na kultura) ; at
3. kasangkapan at iba pang bagay na gawa ng tao o materyal na
kultura.

Ang mga tao ay nagiging tunay na kasapi ng isang lipunan kung ang mga
ito ay natuto nang iangkop ang kanilang sarili sa kultura ng lipunang kanilang
ginagalawan.

Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay ang tao sa
mundo at bibigyan ito ng kahulugan. Ang tao ay umiinog sa isang panlipunang
kapaligiran, ang kalikasan ng tao ay hindi kailanman maihihiwalay sa kultura at
magkakaroon ng maraming kalikasang pantao tulad din ng pagkakaroon ng
maraming kultura. Ang pag-unlad ng kultura ay nababatay higit sa lahat sa
kakayahan ng tao na makipagtulungan kaysa makipag-away.

Ang pagsusuri ng kulturang Asyano ay nagiging masalimuot dahil sa mga


sumusunod:

1. ang pagsasalin ng kultura sa pagitan ng mga kultura;


2. ang mabagal na pag-unlad ng ilang kultura;
3. ang pagpapalit ng makaluma tungo sa makabagong kultura; at
4. ang pagsasanib ng mga katangian na malaya sa kabuuan.

71
Tekstong Pang-evalwasyon

PALAKASAN SA ASYA

Ang laro ay nauna pa sa sibilisasyon bagaman bihira ang nasusulat na


batayan. Maaaring makilala ang isang kabihasnan batay sa mga laro. Ang
palakasan at paglalaro ay bahagi ng kasaysayang panlipunan dahil sa
karamihan sa mga sinaunang laro ay ginagawa sa mga pagtitipon. Bahagi rin ito
sa mga seremonyang pangrelihiyon. Ang mga sinaunang tao ay naglalaro ng
knuckle bones at board games na ginagamitan ng tunog ng kabibe o bato o
kahoy bilang musika.

Ang tunay na katunayan ng mga laro at palakasan ay natagpuan sa


kabihasang Sumeria noong 3000 hanggang 1500 BC. Mula sa epikong
Gilgamesh , mababasa ang tungkol sa mga sinaunang laro. “ Sila ay
nagsusunggaban tulad ng mga toro. Ang mga kabayong pangkarwahe ay higit
na dapat gamitin sa mga karera at walang laban ang nasa ilalim ng pamatok.

Ang pangingisda at pamamangka ay karaniwang aliwan. Ang pangangaso


ay libangan ng mga mayayaman. Ang paggamit ng paglangoy sa digmaan ay
karaniwan sa mga Hettite. Ang kulturang pisikal ay bahagi ng paghahanda sa
digmaan at programang pangkalusugan.

Sa sinaunang Israel ang takbuhan at pangingisda ang karaniwang larong


pampalakasan. Ang mga persyano ay mahusay mangabayo at may laro silang
tulad ng

polo. Samantala, ang mga sinaunang taga-Ehipto ay naglalaro ng hayop,


juggling, club throwing, bola, buno, acrobatic at gymnastic.

Sa kasalukuyan, ang palakasan ay bahagi ng programa ng edukasyon at


kalusugan. Ang mga paaralan at mga opisina ay may programa para sa
kalusugang pisikal. Ang mga matatanda sa Tsina ay may regular na ehersisyo
na kung tawagin ay tai chi chuan samantalang ang mga kabataan ay mahilig sa
martial arts.

Sa Hapon, ang sumo wrestling ang isa sa sinaunang laro. Sa Malaysia,


ang soccer at karera ang pinakapopular na laro.

72
Ikatlong Taon
Panunuring Pampanitikan
1 Linggong Sesyon

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa :Paraan ng Paglalahad
Tatalakaying Genre :Sanaysay
Halimbawang Teksto :Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto
Mga Kagamitan :larawan ng mga simbolo, isinateyp na
sanaysay
Kasanayang Pampanitikan :Pagkilala sa akda batay sa paraan ng
paglalahad
Kasanayang Pampag-iisip :Pagsang-ayon/Pagsalungat
Halagang Pangkatauhan :Paggalang sa damdamin ng iba

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapaglalahad ng mga pansariling karanasang kaugnay sa mga


karanasang nakapaloob sa akda.

B. Mga layuning pampagtalakay

B.1 Pagsusuring Panlingwistika

ƒ Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga piling pahayag na


ginamit sa akda.

B.2 Pagsusuring Pangnilalaman

ƒ Nakapag-uugnay ng mga karanasang nakapaloob sa akda sa mga


pansarili at karanasan ng iba.

B.3 Pagsusuring Pampanitikan

ƒ Nasusuri ang sanaysay batay sa paraan ng paglalahad

C. Nasasabi ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akda

D. Nakasusulat ng isang magandang simula, matalinong eksplorasyon at


makabuluhang wakas ng isang sanaysay

73
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Unang Araw

1. Mga Panimulang Gawain

1.1 Pagganyak

1.1.1 Pagpapakita ng iba’t ibang simbolo. Pag-iinterpret ng isang


simbolo batay sa nais ipahiwatig nito.

1.1.2 Pagpaparinig ng awit na Ugoy ng Duyan. Pagpapaugnay sa


awit at sa isa sa mga simbolo.

1.2 Paglalahad

a. Pagpapakahulugan sa pamagat ng texto. Ang Pag-ibig (


pangkatan)

Pangkat 1 at 2 : Pag-iinterpret sa drowing


Pangkat 3 at 4 : Pag-iinterpret sa mga pahayag
Pangkat 5 at 6 : Pag-iinterpret sa isang awit

b. Pagbabahaginan sa klase ng nabuong interpretasyon


c. .Pagpaparinig sa nakateyp na sanaysay. Habang nakikinig ay
ipababasa rin nang tahimik ang sipi ng sanaysay.
d. Pangkatang gawain.

Pangkat 1 at 2 :Pagpili ng mga tiyak na karanasang


inilahad sa sanaysay
Pangangatwiran kung bakit pinili.
Pangkat 3 at 4 : Pagpili ng mga karanasan sa texto
na kaugnay ng sariling karanasan

Pangkat 5 at 6 : Pagpili ng mga karanasan sa texto


na nangyayari sa kapaligiran at aktwal
na buhay. Pagpapatunay

2. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon

3. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan

Ikalawang Araw

Pagtalakay sa Paksa (Pangkatang Gawain)

1. Muling pagpapabasa/pagpaparinig sa nakateyp na sanaysay.

74
2. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika

- Pagpapapili ng mga piling talinghaga sa akda


- Pagpapaliwanag sa mga talinghaga
- Pagpapatotoo sa mga talinghaga sa tulong ng mga
halimbawang sitwasyon/kalagayan o karanasan na
maaring sarili o sa iba.

Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman

- Pag-iisa-isa ng mga kaalamang nais iparating sa


mambabasa
-makatotohanan
-di-makatotohanan
- kapani-paniwala
- di-kapani-paniwala

Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan

Pagsusuri sa paraan ng paglalahad ng sanaysay


batay sa:

-paraan ng pagsisimula
- paraan ng pagpapalawak
- paraan ng pagwawakas
- fomalidad ng salita

C. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon

D. Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay sa tulong ng mga


kaugnay na larawan.

IV. EVALWASYON
Ikatlong Araw

1. Papangungusap na pagbubuod ng texto.

2. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot

75
Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga
sumusunod na kaisipan, ideya at opinyong inilahad
sa akda.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay


hindi magtatagal, at kara-karang mapapawi sa
balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at
pagkakaisa.

Ang kasakiman at katampalasanan ay nag-


aanyo ring pag-ibig kung minsan.

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibubunga


kundi tunay ligaya at kaginhawahan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan


ng pag-ibig at binubulag ng hamak na
pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang
ninanasa kundi ang ganitong kalagayan.

Ipalalagay na may tapat na nais at tatawaging


marurunong ang mabuting magparaan upang
magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na
hangal yaong marunong dumamay sa
kapighaatian at pagkaapi ng kanyang mga
kapatid.

Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng . Paghahambing

Pagpapabasa ng sanaysay na Ang Dapat Mabatid ng mga


Tagalog. Pagsasagawa ng paghahambing sa tinatalakay na
texto. Paano nagkakatulad ang dalawang akda?

Pangkat 5 at 6: Pagpapakita ng Pagtataya

76
Pagbabahaginan tungkol sa naging epekto ng sanaysay sa
sarili.

ƒ -mga pagbabagong pangkaisipan matapos mabasa ang


sanaysay
ƒ -mga pagbabagong pandamdamin matapos mabasa
ang sanaysay

2. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon.

3. Pagbuo ng sintesis ng napag-usapan

V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

Ikaapat na Araw
3. Pasusulatin ng maikling sanaysay ang mga mag-aaral batay
sa tiyak na pamantayan:

3.1 dalawang talata lamang


3.2 ang bawat talata ay may tig-10 magkakaugnay na
pangungusap
3.3 formal ang paglalahad ng mga kaisipang, ideya,
opinion at pangyayari

4. Pagpapabasa ng ilang simula

5. Pagbibigay – puna ng guro sa ilang narinig.

6. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing -bahay

1. Muling pagbasa/pagpaparinig sa sanaysay. Habang


nakikinig/nagbabasa,papipiliin ng guro ang mga mag-aaral ng mga
parirala, salita o pahayag na maaring gamitin sa pagsulat ng
sanaysay.

2. Paglalahad ng mga piniling parirala at pangungusap. Ipapapaliwanag


ang kahulugan nito at ang dahilan kung bakit pinili.

3. Pagpapabasa ng simula at wakas ng textong tinalakay. Pagbibigay


ng kritik tungkol sa kabisaan at kahinaan ng dalawa

4. Pagbibigay ng guro ng input ng mabuting simula at makabuluhang


wakas

77
5. Pagpapasulat batay sa mga sumusunod na pamantaya

- 3 talataan
- 5 pangungusap bawat talata
- may kaakit-akit na simula
- malawak na eksplorasyon
- makabuluhang wakas
- formal ang uri ng wika

6. Pagpapabasa ng ilang napasimulan

7. Pagkuha ng feedback mula sa nakinig

8. Pagbibigay ng guro ng feedback sa narinig

9. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

Ikalimang Araw
Pagpapahalaga sa isinulat

1. Muling pagpaparinig/pagpapabasa sa sanaysay. Habang nakikinig ay


ipababasa nang tahimik ang isinulat na sanaysay.

2. Pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang mga mag-aaral kung ano ang


nadama habang isinusulat ang akda? Bakit?

3. Papipiliin ng guro ang mga mag-aaral ng isang kamag-aral.


Pagpapalitan ng isinulat ang dalawa at bibigyan ito ng puna.

4. Pagbabahagiin ang ilang mag-aaral tungkol sa naging palitan ng puna.

5. Pagbibigay-reaksyon ng guro.

6. Pagbibigay ng guro ng huling input tungkol sa paraan ng paglalahad


sa sanaysay.

78
VI. TAKDANG –GAWAIN ( KUNG KAILANGAN LAMANG)

Tekstong Babasahin

ANG PAG-IBIG
(Emilio Jacinto)

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na


gaya ng pag-ibig.

Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang


Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-
ibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig.
Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang
tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-
karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa,
at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at
tinangay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa


mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan.

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig


kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na
kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging
tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga
bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng


matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak
na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging
dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang


mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili
lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino
ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang
matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo
ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa
kanyang kahinaan.

Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran


hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang

79
ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating
buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin
kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at


kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at
ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat
hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t
bulaang karangalan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na


pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang


magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng
matuwid.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng


hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang
ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan,
pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan.
Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung
mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang
kahinaan at karupukan.

Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at


kabuhayan, at kung nagkakaisa na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay
nagiging maaagang pasanin, at ang munting ligaya’y matimyas na nalalasap.
Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi
nakadarama ng tunay na pag-ibig.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at


mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo
kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina’t mga kapatid?
Hindi, pagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampu
ng buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba.

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang


tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay
ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili


ang magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawaging
marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at
ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng
kanyang mga kapatid.
80
Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa
inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang
muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan
ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

Tekstong Gagamitin sa Paghahambing

ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG


(Andres Bonifacio)
“ITONG KATAGALUGAN na pinamamahalaan ng unang panahon ng
ating tunay na mga kababayan iyaong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito –
ang mga Kastila ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawahan.
Kasundo niya ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ang mga taga Hapon, sila’y
kabilihan at kapalitan ng mga kalakal. Malabis ang pagyabong ng lahat ng
pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t
matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na
nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na di umano, tayo’y aakayin sa lalung
kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala
ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man
sila’y ipinailalim sa talagang kaugalian ng mga Tagalog na sinaksihan at
pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa
na kumuha ng kaunting dugo sa kanilang mga ugat, at yao’y inihalu’t ininom nila
kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian.
Ito’y isang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na
pinakakatawan ng hari sa Espanya.

Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong daang taon


mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating
pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayuk-dukan;
iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na
ayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa
mga Intsik at taga-Holanda ng nagbalang umagaw sa kanila nitong katagalugan.

Ngayon sa lahat ng ito’y ano sa mga ginawa nating paggugol ang


nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating
pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating
paggugugol! Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at
mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan
ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak asal, pinilit na sinira
ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling
pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating
Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit na gabahid na lingap, ang
nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na
anak at, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas

81
sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karaka-rakang
nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.

Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan;


ngayong lagi nang ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na
daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo’t
mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na
Kastila; ngayon tayo’y

malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina na nakitil na buhay ng anak sa


panangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad
ng isang kumukulong tingga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating
pusong nagdaramdam; ngayon lalu’t lalo tayong nabibiliran ng tanikala ng
pagkaalipin, tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katwiran na sumisikat sa
Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan
ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ating mga
mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng
katwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong
kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang
tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala at
nang tayo’y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating
Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan;


panahon ng dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may
puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon ng dapat simulan ang
pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing
na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga
Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat
kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumuntuntong tayo at nabibingit sa
malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng kaaway.

Kaya! Oh mga kababayan! Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang


igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na
magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.

82
Ikaapat na Taon
Panunuring Pampanitikan
1 Linggong Sesyon

I. PAKSA/MGA KASANAY/MGA KAGAMITAN


Paksa : Pagbasa/Pagsusuri sa Novelang
Asyano sa
Teoryang Eksistensyalismo
Tatalakaying Genre : Novelang Cambonian
Halimbawang Teksto : Mabuhay ka, Anak ko ( bahagi)
ni Pin Yathay
salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mga Kagamitan : globo mapa, larawan, sipi ng texto
Kasanayang Pampanitikan : Pagkilalang pantauhan batay sa sa
teoryang eksistensyalismo
Kasanayang Pampag-iisip : Pagsasa-ayos/Pagsalungat sa saloobin
ng tauhan
Halagang Pangkatauhan :Pagpapakita ng katatagan at matibay na
paninindigan sa mabibigat na pagsubok
ng buhay

II.MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A .Naisasalaysay ang mga narinig o nabasang mga karanasang may relasyon


sa mga pangyayaring nasa novela

B Mga layuning pampagtalakay

B.1 Pagsusuring Panglingwistika

Napipili ang mga salitang maaring iugnay sa isang pangunahing salita

B.2 Pagsusuring Pangnilalaman

Nasusuri ang tauhan batay sa kanyang


kilos,paniniwala,gawi,paninindigan.

B.3 Pagsusuring Pampanitikan

Nabibigyang – puna ang mga saloobin/mithiin ng pangunahing tauhan


gamit ang teoryang eksistesyalismo

C. Naipaliliwanag ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akda.

D. Nakasusulat ng isang sanaysay na may kaugnay sa paksa novelang tinalakay

83
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Unang Araw

2. Mga Panimulang Gawain

2.1 Pagganyak ( pangkatang gawain )

Pangkat 1 at 2 : Pagtalakay sa isang balitang may


kinalaman sa digmaan sa Combodia
Pangkat 3 at 4 : Paggamit ng globo upang maipakita ang
kinalalagyan ng Cambodia
Pangkat 5 at 6 : Pagbibigay ng mga dati ng kaalaman
tungkol sa bansang Cambodia

1.1A. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa pangkat

1.1B. Pagkuha ng iba pang feedback mula sa mga nakinig

1.1C. Pagbibigay ng guro ng feedback tungkol sa talakay

2.2 Paglalahad

1. Pagbibigay ng hinuha tungkol sa pamagat. Mabuhay Ka, Anak


Ko.

- tungkol saan kaya?


- ano ang nais sabihin?

2. Pagbubuo ng interpretasyon ng pamagat

- isang drowing
- isang awit
- isang talataan
- isang skit

3. Pagbabahagi ng inihandang gawain

4. Pagbubuod ng texto batay sa mga sumusunod:

PIN YATHAY

CAMBODIA

84
KHMER ROUGE

5. Pagbabahaginan bilang pagpapalalim sa ginawang pagbubuod

6. Pagbibigay ng sintesis

Ikalawang Araw

Pagtalakay sa Paksa (Pangkatang Gawain)

1. Pakikinig ng nakateyp na buod ng texto

2. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika

b.1.1 Pagtukoy sa mga salitang may kaugnayan sa


pangunahing salita

Sihanouk

Rebolusyonaryo Concentration Camp

CAMBODIA

Machine gun KHMER ROUGE

Lon Nol

Pangkat 3 at 4: Pagsusuring Nilalaman

-Pagpapakita ng mga eksena (Isasakilos) sa buhay


ni Pin Yathay kaugnay ng mga krisis na kanyang
pinagdaan noong digmaan sa Cambodia.

-Pagsusuri sa tauhan batay sa kanyang kilos,


paniniwala, gawi, paninindigan.

85
Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan

- Paglalarawan sa pangunahing tauhan batay sa

-pakikipagsapalaran
-pagdedesisyon
-kalagayan sa lipunan

- Paniniwala/Di paniniwala ng pangunahing tauhan

3. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa pangkat.

4. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig

5. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback

6. Pagbubuo ng sintesis

Pagbubuo sa pangungusap upang magbigay ng isang


kaisipan

a. nabatid kong …………


b.napatunayan kong ……
c.ikinalulungkot ko ang…
d.kinatuwa ko ang……..
e. naniniwala akong…..

IV. EVALWASYON

Ikatlong Araw

1. Muling pagpaparinig ng nakateyp na buod ng texto

2. Pangkatang pagsusuri

Pangkat 1 at 2: Pagpapakita ng Pakikisangkot

Pag-uugnay ng mga karanasan sa akda sa aktwal


na karanasan o sa iba

- Pagkukwento sa mga pinagdaanang hirap ng


mga mahal sa buhay noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

- Mabibigat na krisi na nararanasan at


napagtagumpayan

86
Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng Paghahambing

Pag-uugnay sa texto sa iba pang textong binasa

- kasaysayan
- tauhan

Pangkat 5 at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya

Pagbuo ng salawikain batay sa efekto ng akda


sa mambabasa.

- pangkaalaman
- pandamdamin

V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

Ikaapat na Araw
Paglikha

1. Muling pagpapabasa sa buod ng novela

2. Pagpapadrowing sa masasamang ibinubunga ng digmaan (isahang


gawain at ilalagay sa coupon bond)

3. Pagdidisplay sa pisara ng mga drowing na ginawa ng mga mag-aaral

4. Pagbibigay-reaksyon sa mga larawang iginuhit

5. Pagbubuo ng mga parirala o pangungusap na may kaugnayan sa


textong binasa

6. Pangangatwiran sa kaugnayan nito sa texto

7. Pagpapaliwanag ng guro sa magiging gawain ng mga mag-aaral

8. Pagpapasulat sa mga mag-aaral ng isang sanaysay tungkol sa


paksang: Ang Pinapangarap kong Daigdig batay sa mga sumusunod
na pamantayan:

8.1 3 talataan
8.2 5 pangungusap baw3at atalata
8.3 ginagamit ang mga nabuong pangungusap
8.4 may magandang simula
8.5 malawak ang eksplorasyon
8.6 masining na pagwawakas

87
8.7 formal ang uri ng wika

9. Pagpapabasa sa ilang napasimulan

10. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig

11. Pagbibigay ng feedback ng guro

12. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay

Ikalimang Araw
Pagpapahalaga sa Isinulat

1. Magpaparinig ng musika tungkol sa digmaan. Habang nakikinig,


ipababasa ang isinulat na sanaysay.

2. Pagbibigayin ng reaksyon ang mga mag-aaral sa naramdaman


habang :
- sumusulat
- binabasa ang isinulat

3. Papipiliin ng kapareha ang mag-aaral. Ipababasa sa kapareha ang


isinulat. Magbibigay-kapwa ng reaksyon.

4. Pagbabahagi sa klase ng naging usapan ng magkapareha

5. Pagbibigay-reaksyon ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod:


- istilo ng pagsulat
- nilalaman

6. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback sa gawain

7. Pagbibigay ng guro ng huling input tungkol sa paksang tinalakay

VI. TAKDANG GAWAIN

A. Pagtitipon ng mga kliping tungkol sa Cambodia..

88

You might also like