You are on page 1of 4

Ang Anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig,

kadalasang tinatakpan ang Daigdig.

I. Anyong Tubig
A.Karagatan(Ocean) -Ang karagatan ay ang
pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig.
Maalat ang tubig nito.

B.Dagat(Sea) - Ang dagat ay malawak na


anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa
karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat
nakadugtong ito sa karagatan.

C. Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig


na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit
na sapa o itaas ng bundok o burol.

D.Look(Lake) - Ang look ay anyong-tubig na


nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito
sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.Ito
ay parte ng isang Golpo.

E. Batis - ilug-ilugan o saluysoy na


patuloy na umaagos.

F.. Golpo(Gulf) - bahagi ito ng dagat.Golpo


ang tawag sa malalaking look.

G. Lawa (Lake)- isang anyong tubig


na napapaligiran ng lupa.Karamihan sa mga lawa sa
daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay
matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag
namang mga panloob na dagat ang mga
malalaking lawa.

H,Bukal - Isang anyong tubig na karaniwang


pinagliliguan tuwing tag-init. Tinatawag rin itong
Hot Springs. Ginagawa itong pangggamot sa
ilang karamdaman at sa rayuma lalo na ng
matatanda.

J. Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay


sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng
dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot
sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.

K. Talon (Falls)- matarik na pagbaba ng tubig


sa isang sapa. Isang halimbawa na dito ay
ang sikat na Maria Christina Falls.

You might also like