You are on page 1of 8

COUPLES FOR CHRIST

FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE


CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 1: ANG PAG-IBIG NG DIYOS
1. Ang sitwasyon ng ating mundo ngayon.
Malubhang kaguluhan sa lipunan: pag-aawayan, kahirapan, sayang pagpatay, atbp.
Sa personal na antas: kalungkutan, kalumbayan, pagkatakot, atbp.
Ang tao ay gumagawa ng ibat-ibang pagsisikap upang mapag-bago niya ang mundo subalit hindi
nagtatagumpay sapagkat ang lahat ay hindi nababatay sa karunungan ng Diyos.
2. Ang Diyos ay may plano para maialis tayo sa kaguluhan at pagkalito.
Ang Diyos ay interesado sa ating buhay.
Nais ng Diyos na maibalik muli ang ating pagsasamahan at ang malalim na pakikipag-ugnayan sa
Kanya.
3. Kailangan natin ang pananaw ng Diyos.
Tunay si Satanas at siya ang nasa likod ng lahat ng kasamaan sa mundo.
Sa ating lakas lamang, ay hindi natin kayang mapag-tagumpayan ang lahat ng hamon sa ating
kristiyanong buhay.
4. Ang Panginoong Hesu-Kristo ang katugunan.
Si Hesus ang katuparan ng pagmamahal ng Diyos.
Kay Hesus, ang plano ng Diyos para sa panunumbalik natin sa Kanya ay magsisimula nang
mangyari sa ating buhay.
Kailangan lamang nating tanggapin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.
Gabay sa pagtatalakayan
1. Ibahagi sa isat-isa kung paano kayo nakadalo sa Christian Life Seminar at kung ano ang inasahan o
hinahanap natin na maranasan. Magsimula sa maiksing pagpapakilala ng inyong buhay.
2. Ibahagi kung paano kayo nagkaroon ng personal na karanasan ng pag-ibig ng Diyos.
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Isaias 55: 8-9
Araw 5 Efeso 1: 7-10
2 Isaias 48: 17-19
6 Juan 3: 16-18
3 Jeremias 29: 11-14
7 Roma 10: 9-13
4 Juan 15: 4-7
Ang Hamon
Minahal ka ng Diyos ng isang walang hanggang pag-ibig. Ang pinakamataas na pagpapahayag ng pag-ibig na
ito ang nagdala sa Kanyang Anak upang maghirap at mamatay para sa iyo. Bubuksan mo ba ang iyong puso
upang tanggapin ang kabuuan ng Kanyang pag-ibig? Bubuksan mo ba ang iyong isip upang matalos ang
kasaganaan ng plano ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng Christian Life Seminar?

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 2: Ang Kahulugan ng Pagiging Kristiano
1. Nang tanggapin natin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, tayoy naging Kristiano. Dahil sa
dala-dala natin ngayon ang pangalan ni Kristo, kailangang malaman natin kung ano ang kahulugan ng
pagiging Kristiano upang lubos nating maipamuhay ang pagtawag sa atin.
2. Mga maling akala o kulang na paniniwala tungkol sa Kristianidad.
Isa lamang relihiyosong pamamaraan o sistema.
Isa lamang moral na sistema.
Iang panlipunan o makataong sistema.
Makaiwas o pagtakas sa mga katotohanan ng buhay.
3. Ang kakaniyahan ng Kristianidad ay ang pagkaka-isa sa Diyos, na naging posible sa pamamagitan ng
pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Itoy isang ugnayan na sinimulang ng Diyos, dahil as kanyang awa at pag-ibig sa atin.
Sa Kristianidad, tayo ay nagiging bagong nilalang at nakiki-bahagi sa buhay ni Kristo.
Makukuha natin ang kalikasan ng Diyos, ito ay ang pagiging banal.
4. Mga praktikal na kahulugan ng pagiging Kristiano.
Mapapagkatiwalaan natin ang Diyos sapagkat Siya ay ating mapagmahal na Ama.
Maaari na tayong hindi mag-alala sapagkat batid ng Diyos ang aintg mga pangangailangan.
Tayo ay magkakapatid kay Kristo at nakatalaga na pangangalaga sa isat-isa.
Dahil ang buhay sa lupa ay pansamantala lamang, marapat na tingnan natin and mga bagay na
magpapalago sa atin para sa buhay na walang hanggan at hindi para sa buhay dito sa lupa.
Tayo ay magkakaroon ng kapayapaan at kaligayahan kahit na ano pa ang pangyayari.
Gabay sa pagtatalakayan
1. Sino Hesukristo sa iyong personal na buhay?
2. Anong mga maling pagka-akala mo tungkol sa Kristianidad na nasa iyo?
3. Nararanasan mo ba ang mga praktikal na kahulugan o implikasyon ng Kristianidad sa inyong buhay?
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Tito 3: 3-7
Araw 5 Lukas 12: 22-31
2 Galatia 4: 4-7
6 Lukas 11: 9-13
3 Colosas 3: 5-10
7 Roma 8: 28-39
4 Jeremias 29: 11-13
Ang Hamon
Ang Diyos ay mapagmahal na Diyos na nangangalaga sa atin at may plano para sa ating buhay. Patuloy ka bang
magiging bukas na tuklasin ang kabuuan ng planong ito ng Diyos para sa iyo? Magagawa mo ba ito ng may
lubos na pagtitiwala sa Diyos, na handa mong ilagay ang iyong sarili sa Kanyang mga kamay?

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 3: Pagsisisi at Pananampalataya
1. Mahal tayo ng Diyos. Ipinadala Nya ang Kanyang Anak upang ialay ang Kanyang buhay para sa atin.
Sinimulan ng Diyos ang Kanyang relasyon sa atin bilang Ama. Ang tamang pagtugon sa lahat ng ginawa ng
Diyos sa atin ay ang pagsisisi at pananampalataya.
2. Sa wikang Griego ang saliatang pagsisisi ay metanoia na ang kahulugan ay pagbago ng isip.
a. Ito ay pagbabago ng direksyon ng buhay. Ito ay pagbabago ng paraan kung paano natin isinasabuhay
ang ating buhay, alisin ang mga lumang kaisipan at pagpapahalaga at pagtanggap ng mga bago.
b. Sa katiykan, ang pagsisisi ay nangangahulugan ng pagtalikod sa kasalanan, kasamaan, maling
gawain at pamamahala sa sariling pamumuhay.
c. Higit sa lahat, ito ay pagtungo sa buhay na pagiging masunurin sa Diyos at gawin si Hesus na sentro
ng ating buhay.
3. Mga tiyak na mabibigat na kasalanan na dapat itakwil: pagsali sa mga hindi Kristianong relihiyon;
espiritismo at kulto; masamang gawang sekswal; mga mabibigat na krimen (sadyang pagpatay, panghahalay,
atbp.) paglalasing at paggamit ng mga ipinag-babawal na gamot o droga.
4. Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa Mabuting Balita ng kaligtasan kay Hesus.
a. Itoy ang paniniwala kay Hesus bilang ating personal na Tagapagligtas.
5. Mga bunga ng pagsisisi at pananampalataya.
a. Kaligtasan sa kasalanan, kay Satanas at kamatayan.
b. Pagpapatawad at buhay na walang hanggan kasama ang Diyos.
c. Bagong buhay sa Banal na Espiritu.
Gabay sa pagtatalakayan
6. Ibahagi sa isat-isa aling parte ng iyong buhay ang kailangan mong ilagay ng lubos sa Diyos
7. Ibahagi kung saan ka kailangang lumago sa pananampalataya.
8. Nararanasan mo ba ang mga praktikal na kahulugan o implikasyon ng Kristianidad sa inyong buhay?
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Marcos 1: 14-16
2 Galatia 5: 13-21 at 1Corinto 6-: 9-11
3 Epeso 5: 1-10
4 1 Juan 1: 5-10

Araw 5 Lukas 15: 11-24


6 Lukas 11: 9-13
7 Hebreo 11: 1-40

Ang Hamon
2,000 taon na ang nakararaan ng ipinanawagan ni Hesus na magsisi at manampalataya. Ito pa rin ang
panawagan Niya sa atin ngayon. Talikdan ang lahat ng kasalanan at lahat ng hadlang patungo sa Diyos, at
tanggapin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Tanggapin din ang Diyos at ang Kanyang mga
pangako.

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 4: Ang Kristianong Modelo: Pagmamahal ng Diyos
1. Nais ng Diyos na ang pagmamahal sa Kanya ang gawin nating modelo. Kaya ginawa Niya itong kautusan
na pinakamataas at una sa lahat.
2. Mahalin natin ang Diyos ng buong puso.
a. Hindi isang damdamin na madaling magbago, kundi isang pagtatalaga/pangako, isang kapasiyahan
na magmahal.
b. Tayo ay dapat na lubos na nakatalaga sa Diyos, na unahin Siya sa lahat.
c. Kailangan tayo ay magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos, at maglaan ng regular na oras sa
Kanya as panalangin at as Bibliya.
3. Mahalin natin ang Diyos ng buong kaisipan.
a. Tayo ay maglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng ating isipan.
b. Panatilihin nating malinis at banal ang ating isipan.
c. Gagamitin natin ang ating isipan nang naaayon sa mga katotohanang itinuro ng Diyos at hindi
naaayon sa pamamaraan ng mundo.
d. Maging abala ang ating isipan sa mga bagay na maka-Diyos.
e. Pangalagaan at ipagsanggalang ang ating isipan sa mga hindi banal na impluwensya.
4. Mahalin natin ang Diyos ng buong lakas.
a. Ibigay natin sa Diyos ang lahat ng ating mga mapagkukunan panahon, salapi, kalakasan, mga
biyaya, kakayahan, ari-arian.
5. Mahalin natin ang Diyos ng buong kaluluwa.
6. Si Hesus ang ating modelo sa pagmamahal sa Diyos.
a. Pagtatalaga sa pagsasakatuparan ng misyon.
b. Naging masunurin hanggang kamatayan.
c. Hindi nagbabago ang paghahanap sa kalooban ng Diyos.
Gabay sa pagtatalakayan
7. Paano ko minahal ang Diyos sa konkretong paraan?
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Mateo 22: 36-38 at Marcos 12: 28-30
2 Juan 14: 21-24
3 Roma 12: 1-2
4 Mateo 7: 1-5

Araw 5 Malakias 3: 7-10


6 1Timoteo 6: 7-14
7 Juan 4: 34

Ang Hamon
Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi malabo at imposible na akala ninyo. Ito ay pagsasama ng tiyak, praktikal na
aksyon, desisyon at pangako. Magagawa mo bang ang pagmamahal sa Diyos ang una at pinakamataas na
hangarin? Nakahanda ka bang gawin si Hesus na modelo ng iyong buhay?

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 5: Pagmamahal sa Kapwa
1. Ang pagmamahal sa kapwa, at ang pagmamahal sa Diyos ang bumubuo sa sentro ng ating Kristianong
pamumuhay.
2. Ang pagmamahal ay hindi lamang positibong damdamin, hindi lamang pagtugon ng oo, hindi may
pagtatanggol, hindi nagmamapuri ng sarili, hindi nagmamanipula.
3. Ang Kristianong pagmamahal ay:
a. Kaugnay ng pagtupad sa mga utos ng Diyos.
b. Mapagpakasakit ng sarili na pagmamahal.
c. Nakatalaga sa paglilingkod sa iba.
4. Ang ating kapwa ay ang kahit na sinoman na nangangailangan ng ating tulong.
5. Mga katangian ng Kristianong pagmamahal sa 1Corinto 13: 4-7.
a. Gamitin ang ako kapalit ng salitang pag-ibig
Gabay sa pagtatalakayan
6. Paano nabago ang pangunawa mo sa pag-big batay sa kahulugan ng nakasaad sa Biblia?
7. Paano ka nagmahal ng iyong kapwa? O paano mo nakaligtaang magmahal sa iyong pang-araw-araw ng
buhay?
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Mateo 22: 37-40 at Marcos 12: 28-34
2 Juan 13: 1-5, 12-15, 34-35
3 Juan 15: 9-17
4 1Corinto 13: 1-13

Araw 5 1Juan 2: 7-11


6 1Juan 3: 16-18
7 1Juan 4: 7-21

Ang Hamon
Ipinakita ni Hesus ang daan tungo sa tunay na Kristianong pagmamahal sa pamamagitan ng parabula ng
Mabuting Samaritano, sa paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad at higit sa lahat sa pagkamatay Niya sa
krus para sa atin. Handa ka bang mahalin ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal ni Hesus sa iyo?

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 6: Buhay sa Espiritu Santo
1. Halos ang Kristianidad ngayon ay mahina at kulang sa lakas at pagka-mabisa.
a. Ang tunay na Kritianong pamumuhay ay hindi lamang pagkakaroon ng lakas ng pan-taong naisin,
kundi bagong puso, bagong buhay mula sa Diyos.
b. Gusto ng Diyos na lahat ng tao ay magkaroon ng ganitong bagong buhay.
c. Ang bagong buhay sa Banal na Espiritu ay maaaring makamit ng lahat ng tumatanggap kay Hesus
bilang Panginoon at Tagapagligtas.
2. Ano ang kahulugan ng pagtanggap sa Banal na Espiritu.
a. Ito ang naranasan ng mga unang disipulo noong araw ng Pentecosts.
b. Mararanasan din natin ang katulad na lakas at regalo ng Espiritu na naranasan ng mga unang
Kristiano.
c. Kailangan lang nating tanggapin ang pangako ng Diyos. Hingin natin sa ating Ama na ibigay as atin
ang Banal na Espiritu.
d. Hindi ito ang una nating pagtanggap sa Banal na Espiritu, tinanggap na natin ito sa binyag.
Manapay ang mararanasan natin ay ang lubos na pagpapalaya ng lakas ng Banal na Espiritu sa
ating buhay.
3. Mga hadlang sa pagtanggap ng biyaya/regalo ng Diyos: walang pagsisising saloobin, pagkakaroon ng
pakiramdam na hindi karapat-dapat, takot, pag-aalinlangan, pagkamataas, pagiging mapamili.
4. Paano ihahanda ang sarili para sa susunod na sesyon.
a. Magkaroon ng isahang pakikipagtagpo sa iyong facilitator sa loob ng linggong darating.
b. Pag-isipan at ipagdasalang Pagtatalaga ng Sarili kay Kristo na dadasalin ng lahat sa susunod na
sesyon.
c. Maging handa sa maaaring magawa ni Satanas. Tawagin ang pangalan ni Hesus.
Gabay sa pagtatalakayan
Ibahagi ang inyong karanasan sa Espiritu ng Diyos sa inyong buhay.
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Ezekiel 36: 25-27
2 Jeremias 31: 31-34
3 Joel 3: 1-5
4 Juan 14: 23-26

Araw 5 Lukas 11: 9-13


6 Gawa 1: 8, 2: 1-12
7 1Corinto 12: 1-11

Ang Hamon
Tinatawag tayo ng Diyos na makapamuhay tayo ng may kabanalan at lakas na espirituwal. Dahil dito,
pinangakuan tayo ng Diyos ng Espiritu Santo. Tatanggapin mo ba si Hesus bilang iyong Panginoon at
Tagapagligtas? Hihilingin mo ba na punuin at puspusin ng Banal na Espiritu ang iyong buhay?

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 7: Pagtanggap sa Lakas ng Espiritu Santo
1. Ipinangako ng Diyos ang Banal na Espiritu sa lahat ng Kanyang mga nilalang. Sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu matatamo natin ang isang bagong kalikasan, lakas espirituwal at lakas para makapaglingkod.
2. Si Hesus ang nagbibinyag sa Banal na Espiritu. Tayo ay bumabaling sa Kanya at tumatanggap ng bagong
buhay sa Banal na Espiritu buhat sa Kanya.
3. Inihahandog ng Diyoa sa atin ang ibat-ibang mga regalo. Isa sa mga regalong ito ay ang pagsasalita sa
ibat-ibang wika (gift of tongues).
a. Ang tongues ay isang regalo ng pagpupuri.
b. Upang matanggap ang regalong ito, kailangan lamang naisin natin ito, hingin ng may pagtitiwala at
makipag-tulungan sa udyok ng Espiritu sa pagsasalita nito.
4. Kailangang alagaan natin ang bagong buhay at ang mga regalo ng Diyos.
a. Huwag ninyong pabayaang agawin ni Satanas sa inyo ang mag regalo.
b. Huwag asahan na mawawala ang lahat ng suliranin kaagad, pero marami ay mawawala na.
c. Maging tapat sa oras ng pananalangin araw-araw.
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 Galacia 5: 16-25
2 Romano 8: 5-13
3 1Corinto 14: 1-5
4 1Corinto 3: 16-17

Araw 5 2Corinto 4: 16-5: 5


6 Efeso 6: 18
7 Mateo 25: 14-23

Ang Hamon
Inangkin mo na ang pangako ni Kristo ang Banal na Espiritu sa lahat ng humihingi. Ikaw ay nabautismuhan na
sa Banal na Espiritu at tinanggap na ninyo ang bagong buhay galing sa Panginoon. Ikaw ay isa ng bagong
nilalang: wala na ang dating pagkatao, siyaa bago na (2Corinto 5: 17). Nagkaroon ka na ng bagong buhay na
may pananampalataya. Itatalaga mo ba ang iyong sarili ng lubos kay Hesukristo at lumago sa buhay sa Espiritu
Santo?

COUPLES FOR CHRIST


FOUNDATION FOR FAMILY AND LIFE
CHRISTIAN LIFE SEMINAR
Participants Handout
Sesyon Bilang 8: Paglago sa Espiritu Santo
1. Ang bautismo o pagtanggap sa Banal na Espiritu ay simula pa lamang. Kinakailangan ngayon na tayo ay
lumago sa bagong buhay sa Espiritu.
2. May limang (5) mahahalagang kasangkapan upang lumago.
i.
Panalangin. Ang pangunahing paraan upang maitatag at mapanatili ang isang malalim mapagmahal na
personal na relasyon sa Diyos.
b. Marapat na maging tapat. Manalangin araw-araw.
c. Marapat na may patnubay ng Banal na Espiritu.
d. Marapat na nakasentro sa relasyon kay Hesus.
Pwedeng gumamit ng ibang paraan katulad ng Banal na Rosaryo.
b) Pag-aaral.
e. Ang Bibliya. Magbasa araw-araw.
f. Mga espirituwal na babasahin (mga libro, magasin, mga lathalain, atbp.)
g. Mga pagtutuo at pangangaral.
c) Paglilingkod.
h. Sa pamamaraan kung paano tayo nabubuhay. Paghahangad ng katapatan at kabanalan.
i. Paglilingkod as ating kapwa-tao.
j. Paggawa ng ating kapanagutan as buhay.
k. Pagbibigay saksi as ating pananampalataya kay Hesus.
l. Pagbibigay ng ating oras, talino at yaman.
d) Pakikisalamuha.
e) Mga sakramento (para sa mga Katoliko).
Gabay sa Pagtatalakayan
Aling kasangkapan para lumago bilang Kristiano ang hindi mo pa nagagamit sa iyong buhay?
Pang araw-araw na Panalangin mula sa Biblia
Araw 1 1Pedro 1: 13-16
2 Mateo 6: 5-13
3 Mateo 18: 19-20
4 Hebreo 4: 12-13

Araw 5 Mateo 20: 25-28


6 Santiago 2: 14-17
7 1Corinto 12: 12-27

Ang Hamon
Ang panawagan ng Diyos sa bawat Kristiano ay lumago sa kabanalan. Hanggang ngayon, tayo ay binibigyan ng
Diyos ng mga kasangkapan para lumago. Kinasasabikan mo ba na magamit ang mga kasangkapang ito at
nagsusumikap ka bang maging banal sapagkat ang Diyos ay banal?

You might also like