You are on page 1of 7

The Heartthrobs

Secret

Daniel Iigo Santiago is a natural charmer, a certified head turner and a heartthrob with no
doubt.

Hay, ang gwapo niya talaga bulong ng mga kababaihan habang naglalakad siya papasok ng
campus. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa isang Daniel Iigo Santiago? His looks is
comparable with the Greek gods. Napaka ganda ng singkit nitong mga mata na tinernuhan pa
ng mahahabang pilik. Napakatangos ng ilong nito, mapupula ang mga labi at nakakatulala ang
mga ngiti lalo na kapag lumabas ang mga malalalim nitong dimples. Napakatangkad din nito at
matikas ang tindig, animoy model kung maglakad. Mas lalo pang naging interesante ang binata
dahil sa misteryoso nitong katauhan.

Napakaswerte ng magiging girlfriend niya no? natatawa na lamang si Clarisse sa mga naririnig
sa paligid. Kung alam lang nila. Sabi niya sa sarili.
Naalala nanaman niya tuloy ang summer na iyon, ang summer na kasama niya ang binata, the
summer when he shared his secret with her.

Flashback
It is very relaxing in here. Napaka ganda ng view at napaka fresh ng hangin. Nakangiting wika
ni Clarrise sa sarili. Nandito siya ngayon sa Mindoro, napagdesisyunan niyang magbakasyon
dito kasama ng pamilya niya, Mindoreo kasi ang mama niya at matagaltagal na rin ng huli
silang umuwi dito kaya miss na miss na niya ang lugar.

Nagtatakbo pa siya sa dalampasigan habang humihiyaw. Nang walang anu anoy natapilok
siya. Napahiyaw siya sa sobrang sakit. Maya maya pay may lalaking lumapit sa kanya. Hindi
niya agad ito namukhaan dahil nakatungo siya.

Are you okey miss? tanong nito.

Unti unti niyang iniangat ang ulo niya. napatulala siya sa nakita. Is she dreaming?
Napakaganda namang panaginip nito.

DanieL?? di niya makapaniwalang tanong. Daniel is her long time crush, lahat naman ata sa
school nila ay crush ito. Nakakunot lamang ang noo ng binata. Unconscious na tumayo siya
upang makumpirma kung totoo ba ang nakikita niya. pero napahiyaw siya sa sakit bago pa siya
makatayo.

Dont move utos sa kanya ng binata, yumuko ito at tinignan ang twisted ankle niya. hindi niya
mapigilang mapangiti dahil napagmamasan niya ng malapitan ang mukha nito. Parang
nawawala na siya sa sarili at hindi niya nararamdaman ang sakit. Ang tanging alam niya lang ay
kaharap niya ngayon ang long time crush niya.

Anong nangyari dito? tanong ng binata.


Hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil masyado siyang distracted sa kagwapuhan nito.
Maya maya pay naramdaman na lamang niyang buhat buhat siya nito.

Saan ka nakatira? tanong nito sa kanya. Wala sa sariling itinuro niya ang bahay bakasyunan
nila sa di kalayuan.

OMG ate bat ka niya buhat buhat? sigaw ng kapatid niya ng mamataan nito ang dalaga na
buhat buhat ng school heartthrob nila. Sino nga ba naman ang hindi magugulat.
She twisted her foot maikling sabi ng binata. Maya maya pay lumabas na rin ang mga
magulang ni Clarisse. Dahil sa pasasalamat ay inimbitahan nila si Daniel na doon na
managhalian.

Alam mo ba kuya Daniel, crush na crush ka niyan ni ate nabulunan si Clarisse dahil sa sinabi
ng kapatid.

Thea!!! eksaherada niyang hiyaw.

Ngunit parang walang narinig ang kapatid niya at patuloy na nagkwento. Sa totoo nga kuya,
punong puno ng litrato mo ang kwarto niya dagdag pa nito habang tumatawa.

Tinignan niya ng masama ang kapatid pero parang baliwala lang dito. Hay naku Daniel, wag
kang magpapaniwala diyan kay Thea!

Nagkibit balikat lamang ang binata.

Maraming salamat po sa tanghalian, napakasarap po ng luto niyo magalang na sabi ni Daniel


kapag kuwan.

Matapos noon ay madalas na ang pagkikita nila ng binata. She didnt know if it is fate or just
pure coincidence pero ilang beses na di inaasahang nagkakasalubong ang landas nila.
Hanggang sa di nila namamalayan na halos silang dalawa na lamang ang magkasama sa
buong summer na iyon.

Hindi niya makakalimutan ang mga bagay na ginawa nilang magkasama. Isipin pa lamang ang
mga iyon ay kinikilig na siya. Tulad na lamang ng pag-akyat nilang dalawa sa bundok,
nakakahingal ang pag-akyat kaya di niya maiwasang mapakapit sa binata. Bawat dikit ng mga
balat nila ay nag-iiwan ng bulta bultaheng kuryente sa kanya. Di niya rin makalimutan ang pagakyat nito sa punong mangga at pagkatapos ay pinagsaluhan nila ang mga bunga na nakuha
nito. Parehas kasi sila ng sawsawang pinagsasawsawan kaya feeling niya ay nag indirect kiss
sila. Tuwing hapon ay magkasama sila sa tabing dagat, magkasabay na pinapanood ang
paglubog ng araw. Madalas rin silang magkasamang maligo sa dagat, doon ay nagsasabuyan
sila ng tubig, naghahabulan at nagkikilitian.

Bakit mo pala naisipang magbakasyon dito? isang hapon ay tanong niya sa binata.

Tumingin ito sa malayo na para bang malalim ang iniisip. Para makalimot . . . para tumakas . . .
para makapag-isip isip wika nito.

Tinignan niya ang binata. Biglang tumamlay ang mukha nito.


Kamusta naman ang lovelife mo? paglilihis niya sa usapan. Pero mukhang nagkamali siya ng
tanong dahil parang ayaw niyang marinig ang sagot. Sa isang buwan na magkasama sila ay di
niya mapigilang mahulog ng lalo sa binata, pinigilan niya, pinilit niyang kalmahin ang puso niya
pero talagang malakas ang kamandag ni Daniel. She fall in love with him and the worst is she
fall harder.
Tumingin sa kanya ang binata. I dont have a girlfriend, if thats what you want to ask sagot
nito sa kanya.

Tila nagdiwang ang puso niya sa narinig. B-bakit naman? kinakabahan niyang tanong.

Tumingin ulit ito sa malayo matagal na hindi sumagot. Akala niya ay hindi na nito tuluyang
sasagutin ang tanong niya nang magsalita ito, Because Im in love with the wrong person
bulong nito.
Tila pinunit ang puso niya sa narinig. Ibig sabihin ay may ibang mahal si Daniel. Ibig sabihin ay
wala na siyang pag-asa dito. B-bakit naman? Diba sa love wala namang boundaries? tanong
niya habang pilit itinatago ang sakit na nararamdaman.

Actually, the boundary of love starts when it is contradicting what is right . . . makahulugan
niyang sabi.

Kumunot ang noo ko What do you mean?

Im in love with my brothers bestfriend! he said.

Lalong kumunot ang noo niya. Ano namang problema doon. Buti sana kung girlfriend siya ng
kuya mo, e bestfriend lang naman? nagtataka niyang tanong sa binata.

Ngumiti si Daniel ng pilit. Makahulugan siyang tumingin sa dalaga.

Namayani ulit ang kuryusidad sa kanya.

So bakit nga hindi pwede?pag-uulit niya.


When he started to talk namilog ang mga mata niya, now she understood him . . . she fully
understood the heartthrobs secret.
***

Naiirita si Daniel sa sarili, hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ang ganito.
Pinagmamasdan niya sa malayo si Clarisse, Masaya ito habang nakikipagkwentuhan sa isang
lalaki. Di niya namalayang naglalakad na pala siya palapit dito. Nakakunot ang noo niyang
hinarap ang dalawa.

Nagulat si Clarisse ng makita niya sa harapan nila si Daniel. Matag tagal niya na ring hindi
nakakausap ang binata, matapos kasi noong nalaman niya ang sekreto nito ay umiwas na ito sa
kanya. Naiintindihan naman niya ito pero hindi niya maiwasang magtampo, meron naman na
silang pinagsamahan kahit papaano.

Nagulat na lamang si Clarisse ng bigla siyang hilahin palayo ni Daniel. Nagprotesta siya pero
hindi siya pinakinggan ng binata.

Daniel . . .

What?? iritado nitong sabi.

Ano bang problema mo?

Tumingin ito sa kanya ng masama. Lalo siyang nainis sa inaasta ng binata.

Bahala ka nga diyan! wika niya at nagdabog na tumalikod. Pero bago pa siya makahakbang
ay nahawakan na ni Daniel ang braso niya.

Ano ba kasing problema mo?

Im jealous! malakas nitong sabi.

Napatulala siya sa narinig. Now she understands the situation. Sorry, I didnt know na type mo
pala yung lalaki . . . hindi niya natapos ang sasabihin ng kabigin siya ni Daniel and the next
thing she knew is she is experiencing the most magical moment in her life. Para siyang

lumulutang sa ulap ng maglapat ang labi nila. Mas nakadagdag pa sa magic ang napaka bilis
na tibok ng puso niya.

Pero maya maya pay nagising siya sa katotohanan. Ano bang nangyayari? Daniel Eigo is
gay!!!! Alam niya yun, galing misyo iyon sa bibig ng binata pero bakit ngayon ay pumapayag
siyang magpahalik dito? At ang mas hindi niya maintindihan ay bakit siya hinahalikan nito.

Marahan niya itong itinulak.

Nakita niya rin ang pagkagulat sa mukha ng binata, tila narealize nito ang ginawa. Sorry . . .
sabi nito.

Bakas sa mga mata niya ang pagtataka. Alam ko naguguluhan ka, kahit ako hindi ko alam
kung bakit ganito ang nararamdaman ko. i dont know how, but this gay is inlove with you..
Mahal kita Clarisse. Isang buwan kitang iniwasan, alam mo ba kung bakit? Kasi hindi ko
maipaliwanag ang nararamdaman ko. Namimiss kita lagi, lagi kitang naiisip. Parang nababaliw
ako kapag may lumalapit sayong lalaki. At para akong tangang araw araw kang sinusundan ng
di mo alam. Takot akong sa nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan. Takot kong umamin sa
sarili ko kasi alam kong hindi fair sayo. Natatakot ako kasi mahal kita at hindi normal yun sa
isang katulad ko Takot ako kasi baka masaktan lang kita dahil sa pagkatao ko? Pero alam mo
kong saan ako mas natatakot? Takot na takot ako kasi ngayon ko lang ito naramdaman, higit ito
sa pagmamahal ko sa bestfriend ng kuya ko, higit ito sa pagmamahal ko sa kahit kanino. And I
know that at this moment my heart is yours, just yours. Bahagya siyang napatigil. Tinitigan niya
ang dalaga ng mga ilang segundo. But I know how wonderful you are, and I know Im not
worthy for you. napatulala ang dalaga dahil sa sinabi niya. Hindi siya makapagsalita.

Sorry for messing with you, I just need to say it, mababaliw na kasi ako kung hindi ko pa ito
masasabi sa iyo. Dont worry, after this hindi na kita guguluhin sabi niya sabay talikod.

Pero bago pa makalayo ang binata ay binato siya ni Clarisse ng sapatos nito. Napalingon siya
sa pinanggalingan ng sapatos at nakita niya ang busangot na mukha ng dalaga.

Pagkatapos mo akong halikan, ganun na lang? tanong nito.

Sorry . . . nakayuko niyang sabi.


Napairap si Clarisse. Mahal din kita! nagulat ang binata sa narinig. Kumislap ang mga mata
niya sa saya ngunit agad din iyong naglaho. Ayaw niyang makulong si Clarisse sa isang
relasyon na pagsisisihan nito. Oo ngat nagmahal siya ng babae pero hindi mababago nun ang
katotohanan na hindi siya straight. Paano kung masaktan niya lang si Clarisse. Makakaya niya
bang idamay sa magulong mundo niya ang dalaga para sa sarili niyang kasiyahan?

Nabasa naman ng dalaga ang reaksyon ng binata. Lumapit siya dito at ipinulupot ang mga
kamay niya sa leeg nito. Once again their lips met. tanggap kita bulong niya sa binata. Basta
wag ka lang manlalaki ha biro niya dito.

Ngumiti naman ang binata at itinaas ang kaliwang kamay. Promise and they sealed the
promise with a kiss.