You are on page 1of 5

PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINES

Urdaneta City, Pangasinan


Ikalawang Semestre, Taong Panuruan 2013-2014

URI NG PANANALIKSIK:
Basic Research o Theoretical Research- ito ay pananaliksik na para
lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ito ay nadisenyo upang
madagdagan ang pag-unawa sa mga dating kaalaman ngunit walang
partikular na layong praktikal. (Graziano at Raulin, 2000)
-ito ay pananaliksik para malinang ang mga teorya at prinsipyo.
(Calderon at Gonzales, 1993)
-ito ay ginagamit na pananaliksik sa sikolohikal at sosyolohikal na
aspekto.
Applied Research o Practical Research- ito ay pananaliksik na
magkakaroon ng aplikasyon ng pure research. Tumutulong ito sa
paglutas ng mga mabibigat na isyu o suliranin sa lipunan at maisasaayos
ang mga di-kasiya-siyang kondisyon.
-layunin nitong maisagawa, masubukan, at mabigyan ng ebalwasyon ang
paggamit ng teorya o kaalamang nabuo para sa paglutas ng problema.
(Gay, 1976)
Aksiyong Pananaliksik o Action Research- ito ay pananaliksik na may
mabilisang solusyon ng problema. Hindi naman kinakailangang gamitin
ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanapng solusyon.
-ginagawa ito sa isang maliit lamang na aspekto dahil nais mabigyan ng
agarang solusyon ang kasalukuyang kalagayan o sitwasyon.
Palarawan o Descriptive Research- binibigyang-pansin dito ang mga
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Nilalayon ng
mga datos na ilarawan kung ano ang kasalukuyang nagaagnap sa mga
suliraning kinakaharap ng mga tao sa kanilang paligid.
Eksperimental o Experimental- binibigyang-diin dito ang hinaharap at
kung ano ang mangyayari. Isinagsagawa upang makita ang bisa ng isang
bagay o kaisipang maaaring gamitin sa ating panghinaharap na buhay.
Pangkasaysayan o Historical Research- sinasaklaw nito ang mga
nakalipas na pangyayari. Sinusuri ang pag-unlad, ang dahilan na bagay-

bagay at sanhi at bunga. Inaalam mula sa kasalukuyan, ang mga


nakalipas ng pangyayari upang mailatag nang mga naging dahilan o ugat
nito.
Pag-aaral sa Isang Kaso o Case Study- ito nay isang malawak na pagaaral sa aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o
kaso sa hukuman o kaya ay isang mabigat na suliranin. Kakaunti lamang
ang kasangkot na respondente kung ihahambing sa ibang uri ng
pananaliksik.

Genetic Study- may kaugnayan ito sa agham at kaugaliang pantao dahil


sinusuri ang ugnayan ng genes o pag-unlad ng bisang tao.
Pamamaraang nababatay sa pamantayan o Normative Study- laging
may pinaghaham-bingang batayan o norm sa mga resulta ng
isinasagawang pag-aaral. Sinusuri kung ang datos ay nakahihigit o kayay
hindi napantayan ang pangkalahatang pamantayan.
Hambingang Pamamaraan o Comparative Study- bagamat may
paghahambibng na nagaganap, ang paghahambing sa mga resulta ay
hindi sa isang pamantayan o norm kundi sa iba pang resulta ng
isinasagawang pag-aaral. Kadalasang ginagamitan ng talahanayan ng
paghahambing ng mga datos.
Behavioral Research- may kaugnayan ito sa pag-aaral sa gawi o paguugali ng isang tao. Batay ito sa pag-aaral sa paniniwala na ang layuning
pangkaalaman nito ay nakukuha sa pamamagitan ng maingat at
sistematikong pagsukat at obserbasyon ng mga ginagawa ng mga tao.
Ang layunin nitoy masubukan ang mga batas na maaaring maipaliwanag,
mahulaan o mabigyan ng prediksiyong patungo sa pagkontrol ng gawi.
Phenomenological Research- ito ay pananaliksik batay sa mga tao at
ginagawa nila ayon sa kanilang iniisip. Ang pokus nito ay sa internal,

sikolohikal na kahulugan bilang gabay sa kanilang gawi na naglalarawan


kung paano ang pag-unawa sa buhay at karanasan.
-ito ay tinatawag dind theory-generated dahil sa paglinang ng teorya.
-tinitingnan dito ang mga nangyayari sa mga penomenon o mga
pangyayaring may kaugnayan sa paligid.
Communication Research- ito ay nakapokus sa pag-iimbestiga sa
limang elemento ng komunikasyon:
a. Control analysis (source)- pinag-aaralan ang mga salik na
nakaaapekto sa pagganap ng tagapagsalita ayon sa kanyang
kredibilidad, kakayahan, pagiging bihasa, pangangailangan at
suliranin.
b. Content analysis (message)- ito ay tungkol sa katangian mensahe,
manipestasyon ng lawak ng paksa, pananaw at gamit ng teksto.
c. Media analysis (channel)- ito yua tungkol naman sa bentahe ng
media at pinansiyal na aspekto
d. Audience analysis (receiver)- ito ay tungkol sa gawi ng mga
tagapakinig , lebel ng mga tagapakinig, interes, at ang tugo na
manggagaling sa kanila.
e. Impact analysis (effect)- ito ay tungkol naman sa kasalukuyang
tungkulin ng media sa komunidad, sistema ng pagbibigay ng
impormasyon, epekto ng telebisyon sa mga bata, motibo ng media,
gamit ng media atbp.

Mga Bahagi ng Sulating Pananaliksik:


1.Fly leaf
2. Pahinang Pamagat
3. Liham Pagkilala at Pagtanggap sa Pananaliksik Bilang
Bahagi ng Kurso
4. Talaan ng Nilalaman
5. Fly leaf
Kabanata 1. Ang Suliranin
a.
Kaligiran ng Pag-aaral
b.
Paglalahad ng Suliranin
b.1 Pangkalahatang Layunin
b.2 Tiyak na Layunin/Katanungan
b.3 Haypotesis
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
Kabanata 2. Metodolohiya sa Pag-aaral
a.
Disenyo ng Pananaliksik
b.
Populasyon
at
Lugar
ng
Pananaliksik
c.
Kasangkapan sa Pangangalap ng
Datos
Kabanata 3. Resulta at Diskusyon ng mga
Mga Hakbang sa
Datos
a.
Paglalahad ng Resulta at Paraan
Pananaliksik:
ng pagsusuri
b.
Pagpapakahulugan sa mga Datos
Kabanata
4.
Buod,
Kongklusyon
at
1.Pumili at maglimita ng
Rekomendasyon
a.
Buod sa Resulta
ng Pag-aaral
paksa
b.
Kongklusyon
2.Magsagawa ng
c.
Rekomendasyon
7. Fly leaf
pansamantalang balangkas
8. Talasanggunian
3.Magtala ng mga
8.1 Aklat
8.2 Di-Nalathalang Tesis o Disertasyon
sanggunian o bibliograpiya
8.3 Magasin
8.4 Elektronikong hanguan 4.Mangalap ng datos
9. Curriculum Vitae

Kabanata 1: Ang

5. Bumuo ng konseptong
papel
6.Gumamit ng
dokumentasyon

Suliranin

Suliranin- ito ang


pinakasentrong
bahagi ng ng pananaliksik. Ito ang pinakaunang prosesong dapat gawin
sa pagsasaliksik.
-isang nararamdamang pangangailangan o isang katanunganng
nangangailangan ng solusyon. Ito ang paglihis sa pagitan ng nalalaman
at ng nais malaman bilang isang mananaliksik.
- tumutukoy ito sa mga sitwasyon kung saan may nakikita kang gap o
mpuwang sa pagitan ng aktuwal at nilaalyong estado.
Estratehiya sa pagkilala ng mga suliranin sa pananaliksik:
a. Magbasa ng kaugnay na literatura
b. Mag-surf sa internet
c. Dumalo sa mga palihan o komperensiya
d. Magtanong sa mga pantas o dalubhasa

e. Makipanayam sa mga gumagawa ng batas, polisiya o tuntunin


f. Magtanong sa mga may karanasan hinggil sa disiplinang
ginagawan ng pananaliksik
Ilang magandang indikasyong maaaring pagmulan ng suliranin:
a. Kung may kakulangan o kawalan ng impormasyon na nagreresulta
ng gap o ugnayan ng ating mga kaalaman;
b. Kung may mga nagkokontrang resulta ng pananaliksik at gustong
masuri kung alin ang mas matimbang sa mga resulta o nais
mapatunayan;
c. Kung katotohananng umiiral at gustong gumawa ng pananaliksik
upang ipaliwanag ito.
Mga Dapat isaalang-alang sa pagpili ng suliranin:
a. Bago o kayay hindi pa naiimbestigahan ang paksa
b. Kung naimbestigahan na ang paksa, maaaring pag-aralan pa
ngunit sa ibang perspektiba, haypotesis, metodo o iba pang paraan
ng pagsusuri mga datos
c. May pagkukunan ng mga datos
d. May mahalagang maidudulot ang mga magiging resulta ng pagaaral ukol sa paksa
e. May kasapatan ng oras o panahon na maitatakda para sa
pananaliksik
f. May pagkukunan ng mga kagamitan
g. May interes sa tatalakaying paksa
h. May praktikalidad ito na maaaring may kaugnayan sa kaalaman,
propesyon, o sa buhay mismo ng mananaliksik
i. May sapat na kaalaman at kakayahan ang mananaliksik upang
matapos ang pag-aaral
Katangian ng Suliranin (Calmorin at Calmorin, 2006):
S- Specific ---------------------- tiyak na nailahad ang mga suliranin
M- Measurable ---------------- madaling masukat sa pamamagitan ng mga
instrumentong
gagamitin sa pananaliksik sa pagkalap ng
mga datos
A - Attainable ----------------- kayang abutin sa pamamagitan ng paggamit
ng mga teknik sa estadistika upang makuha ang tamang resulta
R- Realistic -------------------- makatoohanan ang mga lumabas na resulta at
hindi to dinaya
T- Time-bound --------------- ang pagtatakda ng panahon o timeframe ay
mahalaga sa bawat gawain. Dapat natatantiya ang guguguling oras sa
pagsagawa ng pag-aaral sa napiling paksa o suliranin.

Maaaring paghanguan ng paksa para sa pananaliksik:


a. Larangang kinabibilangan
b. Pakikipag-ugnayang akademiko
c. Pagbabasa
d. Mga kasalukuyang kalagayan o sitwasyon sa isang
propesyon/larangan
e. Mga limbag o di-limbag na pag-aaral/pananaliksik
f. Sariling karanasan
g. Mga teorya
h. Mga natapos na pananaliksik
i. Mga problemang praktikal
j. Mga dyornal, aklat, tesis, disertasyon, mass media
k. Mga pagbabago sa larangan ng teknolohiya
l. Kaibigan o propesor
m. Ordinaryong pagpupulong, pakikipag-usap o diyalogo sa
pamamagitan ng pakikinig
Haypotesis- ito ay pansamantalang paliwanag para sa mga tiyak na gawi
o kaasalan, mga bagay na hindi pangkaraniwan o mga pangyayaring
naganap o magaganap. (Gay, 1976)
-isang intelihenteng hula sa maaaring kalalabasan ng sagot sa
pananaliksik.
-isang maaaring subuking pahayag tungkol sa potensiyal na ugnayan mg
dalawa o mahigit pang baryabol. (McGuigan, 1978)
Tungkulin ng Haypotesis:
1.Kinokondisyon nito ang kaisipan sa simula pa lamang ng pag-aaral.
2.Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng imbestigasyon.
3.Nakatutulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa presentasyon,
pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na pag-aaralan.
Uri ng Haypotesis
1.Walang Bisang Haypotesis (Null hypothesis)- ipinapalagay na
walang pagkakaiba, walang relasyon, walang pagkakaugnay. Ang null
ay nangangahulugang hindi nakikita o hindi totoo.
2.Alternatibong Hypothesis (Alternative Hypothesis)- kadalassang
batay sa teorya at kabaligtaran ito ng walang bisang haypotesis.
Halimbawa:
Pamagat: Integrasyon ng Computer Technology sa Pagtuturo ng Filipino ni Marilyn Brioso
Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na itona siyasatin ang integrasyon ng computer technology sa pagtutturo ng


Filipino sa mga pribadong unibersidad sa Lungsod Baguio, Unang Semestre ng Panuruang Taon 2009-2010.
(Pangkalahatang Layunin)
Nais tugunan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tiyak na suliranin: (Mga tiyak na Layunin)
1.Ano ang antas ng kakayahan ng mga guro ng Filipino sa paggamit ngmga sumusunod na piling
computer application program?
a. Word processor
b. Electronic spreadsheet
c. Presentation software
d. Publisher
e. Web browser
f. Electronic encyclopedia
***
Paglalahad ng Haypotesis
May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga guro ng Filipino sa paggamit ng mga
piling compueter application program ayon sa mga sumusunod na salik ng unibersidad, antas ng edukasyong
natamo, at bilang ng taon sa pagtuturo.
***
May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng integrasiyon ng computer technology sa pagtuturo ng
Filipino ayon sa mga sumusunod na salik ng unibersidad, antas ng edukasyong natamo, at bilang ng taon sa
pagtuturo.

Kabanata 2. Metodolohiya sa Pag-aaral


A. Disenyo ng Pananaliksik- tinatalakay ang ginamit na paraan ng
manaanliksik sa pagsasagawa ng sulatin. Kasamang inilalahad sa
bahaging ito ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan
ng pananaliksik.
B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik- naglalaman ito ng tiyak
na bilang ng kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at hangganan
ng paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na panahong sakop ng
pag-aaral.
Mga katanungang dapat sagutin:
Sino ang kasangkot sa pag-aaral?
Ilan ang kasangkot?
Paano sila pipiliin?
Sample- tawag sa kumakatawan sa kabuuang populasyon o ang pagkuha
ng bahagi mula sa isang malaking populasyon.
Uri ng Sampling:
1.Probability Sampling
Random Sampling
Systematic Sampling
Stratified sampling
Cluster Sampling

Multi-stage Sampling
2.Non-Probability Sampling
Purposive sampling
Convenience Sampling
Quota Sampling
Snowball Sampling
C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos- inilalahad sa bahaging
ito ng mananliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongollekta
ng datos na kinakailangan o ginamit upang matugunan ang mga
suliraning ipinahayag sa pag-aaral.
Talatanungan (Questionnaire)- ginagamit ng mananaliksik kung
saan ay isinusulat ang mga tanong at pinasasagutan ang sa mga
respondante. Ito ang pinakamadaling paraan sa pagkalap ng datos.
Pakikipanayam (Interview)- ito ay maisasagawa kung posible
ang interaksiyong personal.
Obserbasyon (Observation)- ito ay pagmamasid o pagmamalas
sa sitwasyong pinag-aaralan. Ito ay maaaring gamitin sa
mgadeskriptib o eksperimental na imbestigasyon pero hindi sa
historikal na pag-aaral.
Kabanata 3. Resulta at Diskusyon ng mga Datos- napakahalaga ng
bahaging ito dahil dito matatagpuan ang pagsusuri at analisis ng mga
datosna nakalap. Dito matatagpuan ang pagbusisi sa lahat ng mga datos
na nakalap upang masagot ang suliranin sa pananaliksik. Ito rin ang
pinakamahabang bahagi sa sulating pananaliksik.
P- Presentasyon
A- Analisis
I-Interpretasyon
A. Paglalahad ng Resulta at Paraan ng Pagsusuri- ipinipresenta
sa bahaging ito ang ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral upang
mabigyan ng impormasyon ang mambabasa sa kung ano ang
ginagawa mo. Sa pag-aanalisa naman, bibigyang-pansin ang ang
mga pinakamahalagang natuklasan o resulta. Hindi mo lang basta
inuulit kung ano ang makikita sa nailahad na talahanayan, grap o
iba pang uri ng ginamit na presentasyon, kundi dapat masuri mo

ang kahulugan o ipinapahiwatig ng mga bilang o grap sa


presentasyon.
Paraan sa Paglalahad ng Resulta at diskusyon:
1. Paraang Tabyular/ Patalahanayan- angkop gamitin sa mga
datos na ginagamitan ng estadistika o bilang. Ginagamit ito sa
mga datos na kailangan ng tallying
kaya tinatawag ding
talligram.
2. Paraang Grapikal- nagpapakita ito ng paghahambing o
pagbabago ng mgadatos na naipapahayag sa isang epektibo at
kapaki-paniwalang paraan.
Halimbawa: Bar graph, Line graph, Pictograph, Pie graph, atbp.
3. Paraang Tekstuwal- ginagamit ito upang ipaliwanag ang
nilalaman ng talahanayan, grapiko o iba pang pagpapaliwanag
sa figyur. Inilalahad dito ang mga puspusan o malalimang
pagsusuri sa mga datos o kung hindi naman ay pagpapaliwanag
sa mga pahayag.
B. Pagpapakahulugan sa mga Datos- kailangan dito ang malalim
na pagpapakahulugan sa mga naging resulta ng pag-aaral at ang
mga dahilan kung bakit ganoon ang kinalabasan ng datos.
Kabanata 4. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon
A. Buod sa Resulta ng Pag-aaral
B. Kongklusyon
C. Rekomendasyon
Sanggunian: Lartec, J. et. al (2011). Instruksiyong Modyular sa
Pananaliksik. Anvil Publishing House, Inc., Mandaluyong City, Philippines

Paksang saklaw ng Ikatlong Panahunang Pagsusulit (SEMIFINAL):


Kabanata 1-4 ng pananaliksik
Uri ng Pananaliksik
Uri ng Sampling

Pormat sa Sulating Pananaliksik:


Font size- 11
Font style- Garamond
Margin- 1 inch
Spacing- 2.0
Bond paper (size)- short
Plastic folder
COLOR:
BLUE (BSIT-IA)
VIOLET (BSIT-1B)
WHITE (AET-2)
ORANGE (BSEE/BSEE)
RED (AIT-IA)
YELLOW (AIT-IB)
GREEN (BSCS-1)
Tandaan:
MARSO 10, 2014- takdang-araw sa pagpasa ng proyekto

You might also like