You are on page 1of 14

Mga Etnolinggwistiko Sa

Luzon

Mga Pangkat Etniko sa


Luzon

Tagbanua
Naninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying
dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa
pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at
pangangaso.
Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga
Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa
pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang
manggas at makukulay na paldang patadyong ang
kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot
lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng
Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.

Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan.
Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang
buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.
May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang
isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na
Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan,
pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng
mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging
panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito
sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng
nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan.
Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila
nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

Ifugao

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa


salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong
kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ariarian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng
maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad
ng kasal o libing, masagana ang handaan.
May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang
kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding
diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.
Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa
pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko
sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa.
Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang
Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang
lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo
sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao,
Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang
pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi
basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang
mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing
ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng
Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.

Kalinga
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang
bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na
pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa
kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong
katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal
ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring
magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang
Kalinga.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa
ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang
pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang
pakikidigma sa isa't isa. lawit ang

Ilonggo
Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang
Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng
Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din
silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng
pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito.
Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay
ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo,
usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela,
kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa
kapatagan.
Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot.
Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng
mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.

Kankanai

Ang mga Kankanai ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa


bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May maraming pangkat
ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa ibat ibang
bahagi ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at
malalapit na probinsya, samantalang ang iba manam ay matatagpuan
sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province at mga probinsyang
malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito
ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa
kanilang kultura at paniniwala.
Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey.
Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing
pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at
pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng
aso at lambat.
Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at
ang mga matatanda ang may malaking impluwensya sa lipunan.
Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang
pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang
inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

You might also like