You are on page 1of 13

Gomburza

Mula Wikifilipino
Jump to: galugad , hanapin

Gomburza:
Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre
Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17
Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng
subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872.
Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga
Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil
dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanila.

1
.

Tatlong Pari
Mariano Gomez
Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang
nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay
nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa
Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung
saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa
pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos.
Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never
move without the will of God.”

Jacinto Zamora
Ang susunod na binitay ay si Jacinto Zamora, na ipinanganak noong 14 Agosto
1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa
kanyang imbitasyon na may nakasaad na, “Grand Reunion... our friends are well
provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring
mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa
kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa
baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay
may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.
Jose Burgos
Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling
binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa
siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa
canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral.
Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng
kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang
anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!)

Ang Gomburza ay hindi lamang naging inspirasyon para kay Rizal ngunit pati na rin
kay Bonifacio at sa mga Katipunero.
Sinasabi na kung hindi nangyari ang rebelyon sa Cavite at ang pagkabitay sa
tatlong paring martir, maaaring iba ang tinahak na direksyon ng buhay ni Rizal.
Makikita sa kanyang pag-aalay sa El Filibusterimo, ang epekto ng kamatayan ng
Gomburza sa kanyang kamalayan:


The Church, in refusing to degrade you, has placed in doubt the crime imputed to you; the
Government, in shrouding your cause with mystery and obscurities, creates belief in some error
committed in crucial moments, and the whole Philippines, in venerating your memory and calling
you martyrs, in no way acknowledges your guilt.

As long therefore as your participation in the Cavite uprising is not clearly shown, whether or not
you were patriots, whether or not you nourished sentiments of justice and liberty, I have the right to
dedicate my work to you, as to victims of the evil that I am trying to fight. And while we wait for
Spain to reinstate you and make herself culpable for your death, let these pages serve as belated
wreath of dried leaves laid on you unknown graves: and may your blood be upon the hands of
those who, without sufficient proof, assail your memory!

Graciano Lopez Jaena


Mula Wikifilipino
Jump to: galugad , hanapin

Graciano Lopez-Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ay tinatawag na Prinsipe ng Mananalumpating Tagalog.
Kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, binuo nila ang triumvirate ng
Kilusang Propaganda.
Ipinanganak siya noong 18 Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo at supling nina Placido
Lopez ar Maria Jacob Jaena. Sa gulang na anim, sumailalim siya sa pagtuturo ni
Padre Francisco Jayne ng Colegio Provincial ng Jaro.

1
.

Edukasyon
Noong 1869, siya ay ipinasok ng kanyang ina sa Seminario de San Vicente Ferrer.
Sa pagtatapos niya ang sekondarya, siya ang hinirang na pinakamagaling sa
teolohiya sa kanilang klase. Nadismaya ang kanyang ina nang pinili ni Lopez Jaena
na maging doktor kaysa maging isang pari.
Dahil sa tulong pinansyal mula sa kanyang mga mayayaman na kamag-anak,
lalong-lalo na mula kay Claudio Lopez, isang bise-konsul ng Portugal, si Lopez
Jaena ay nagpunta sa Maynila upang mag-aral ng medisina. Ngunit, siya ay hindi
tinanggap ng Unibersidad ng Santo Tomas dahil sa kulang siya ng kinakailangang
titulo para sa Batsilyer sa Sining. Kaya naman, pumasok siya sa ospital ng San
Juan de Dios bilang isang aprentis. Sa kasamaang-palad, sila ay naging kapos sa
pera kaya naman siya ay bumalik ng Iloilo at isinagawa ang kanyang
pagmemedisina gamit ang konting kaalaman na natutunan niya.

Mga Sinulat
Sa mga panahon na siya ay nanggagamot sa kanyang mga kababayan, nagising
siya sa masamang kondisyon ng kanilang pamayanan. Napagtanto niya ang abuso
na ginagawa ng mga prayle at ng mga sibil at militar. At dahil dito, noong 1874,
isinulat ni Lopez Jaena ang Fray Butod (Big Bellied Friar), na naglalantad ng
kasuwapangan, katamaran, at kalupitan ng mga prayle.
Dahil sa kanyang mga sinulat at pagtuturo, nagalit ang mga otoridad ng Espanyol sa
kanilang probinsiya kaya naman umalis siya ng Iloilo at nagpunta sa Silay, Negros
Occidental kung saan niya naisulat ang La Oceania Española. Pagkatapos ay
lumipad siya papuntang Europa.

Sa Espanya
Sa tulong ni Koronel Enrique Fajardo, siya ay nakapag-aral ng medisina sa
Unibersidad ng Valencia. Ngunit dahil sa matinding damdamin niya para sa
reporma, siya ay napalayo sa kanyang pag-aaral at napunta sa pagsusulat.
Nag-ambag siya ng mga sulatin sa Los Dos Mundos. Ang iba pang mga pahayagan
na napag-ambagan niya ay ang, El Liberal, El Progreso at Bandera Social ng
Madrid, La Publicidad, El Pueblo Soberano at El Deluvio sa Barcelona. Nagpadala
rin siya ng mga artikulo sa España en Filipinas, Revista del Circulo Hispano Filipino
at Revista Economica de la Camara de Comerio de España sa London.
Itinuring ni Rizal si Lopez Jaena bilang “pinakamahusay na Pilipino na nakilala niya,
at mas nakatataas pa kaysa sa kanya”.
La Solidaridad
Dahil sa pinansyal na suporta ni Pablo Rianzares Bautista, ang unang kopya ng La
Solidaridad ay nailathala noong 15 Pebrero 1889 sa Barcelona, na itinatag ni Lopez
Jaena. Nang lumipat ang kanilang opisina mula Barcelona patungong Madrid, ang
pagiging punong patnugot ay napunta kay Marcelo H. del Pilar.

Iba pang kontribusyon


1. Lolay
2. Balitaw
3. Islas Filipinas: Cantares de Bisayas
4. El latigo Nacional

Namatay si Lopez Jaena noong 20 Enero 1896 sa Barcelona dahil sa tuberkulosis.

Procopio Bonifacio
Mula Wikifilipino
Jump to: galugad , hanapin

Si Procopio C. Bonifacio (1873 – 10 Mayo 1897) ay isang Katipunero na


nakipaglaban sa mga Espanyol. Siya at sina Andres Bonifacio (kaniyang kapatid),
Candido Tirona, Emilio Jacinto at Pio Valenzuela ay ang nagtatag ng Konseho ng
Laong-laan sa Kawit, Cavite. Si Procopio ang namuno sa Tanglaw, na isang sa
dalawang bahagi ng naturang konseho. Kasama ni Procopio ang kaniyang kapatid
na si Andres na pinatay ng mga Tauhan ni Emilio Aguinaldo.
Emilio Aguinaldo
Born: 22-Mar-1869
Birthplace: Kawit, Cavite, Philippines
Died: 6-Feb-1964
Location of death: Manila, Philippines
Cause of death: Heart Failure [1]
Remains: Buried, Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite,
Philippines

Gender: Male
Religion: Roman Catholic
Race or Ethnicity: Multiracial
Sexual orientation: Straight
Occupation: Head of State

Nationality: Philippines
Executive summary: 1st President of the Philippines
[1] Coronary thrombosis.

Father: Carlos Aguinaldo (gobernadorcillo)


Mother: Trinidad Famy
Wife: Hilaria del Rosario (m. 1896, d. 6-Mar-1921, three daughters, two sons)
Daughter: Carmen
Daughter: Cristina
Son: Emilio, Jr.
Daughter: Maria
Son: Miguel
Wife: Dona Maria Agoncillo (m. 14-Jul-1930, d. 1963)

High School: Colegio de San Juan de Letran

President of the Philippines (23-Jan-1899 to 1-Apr-1901)


Katipunan (1895-97)
Exiled to Hong Kong (14-Dec-1897)

Pagtatag ng pamahalaan at Ang konggreso sa Malolos


Dumating si Emilio Aguinaldo sa pilipinas ng punong-puno ng pag-asang hindi na
magtatagal at makamit na ang kalayaan. Kasunod niya'y dumating din ang mga
sandataang binili niya mula sa hongkong.
Noong ika-12 ng hunyo 1898 ipinahayag sa Kawit Cavite ng pagsasaarili ng pilipinas sa
Pangulo ni Emilio Aguinaldo, si Apolinario Mabini ang sumulat ng " True Decaloque " o
sampung kautusan na naging tagapayo ni Aguinaldo. Dahil dito tinatag na siyang utak
ng himagsikan. Noong 23 ang hunyo 1898 ng palitang ni Aguinaldo ng
rebulosyonaryong pamahalaan, ang diktatoryal na pamahalaan. Bilang pangulo ng
pamahalaang ito, tinalaga ni Aguinaldo ang kanyang gabinite noong ika-15 ng hunyo
1898. Sila ay si Baldomero Aguinaldo-kalihim ng pakikipagdigma at pag-gawa ,
Leonardo Ibarra-kalihim ng Inerior, at Mariano Trias - kalihim ng pananalapi.
Nagpulong ang konggreso sa rebulosyong pamahalaan noong iaka-15 ng septembre
1898. Sa simbahan ng Barasoain, Malolos Bulacan. Ang salitang batas ang Malolos ay
binitay sa salitang batas ng Espanya, Pransiya, Belgium, Mehiko, Nicaragua, at iba pang
malayang bansa sa timog Amerika.

Macario Sakay

Macario Sakay

Si Macario Sakay ay Pilipinong Heneral noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Siya


ang tumutol sa pamamalakad ng Estados Unidos sa Pilipinas kahit na ipinahayag na ng Estados
Unidos na tapos na ang digmaan noong 1902.

Si Heneral Macario Sacay ay isang orihinal na miyembro ng Katipunan. Nakipaglaban siya sa


mga Kastila kasama ni Andres Bonifacio sa Rebolusyong Filipino noong 1896. Ipinagpatuloy
niya ang pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa mga Amerikano. Nang
malapit na matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano, nadakip siya ng Hukbong Pamayapa ng
Pilipinas at ikinulong.
Nang sumuko ang pinakahuling Heneral na Pilipinong lumaban sa digmaan na si Heneral Miguel
Malvar noong Abril 1902, opisyal na ibinalita ng noo'y Pangulo ng Estados Unidos na si
Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong Hulyo 4,
1902. Si Heneral Macario Sakay at iba pang mga ikinulong ay binigyan ng amnestiya at
pinalaya.

Subalit noong Nobyembre 12, 1902 nagpasa ng batas ang Komisyong Pilipinas (Philippine
Commission) ng Kautusan Laban sa Pagiging Tulisan (Bandolerism Act) kung saan lahat ng
lumalaban o tinatawag na insurhensiya at mga nahuling nakikipagdigma ay kailangan litisin sa
hukuman bilang mga bandido, ladrones at magnanakaw. Hindi ito sinang-ayunan ni Heneral
Macario Sakay at siya ay nagdeklara ng sariling manipesto at idineklara ang kanyang sarili
bilang Pangulo ng Katagalugan (the Tagalog Republic) bilang pagsasalungat sa pananakop ng
Estados Unidos sa Pilipinas.

Hindi kinilala ng gobyernong Amerikano ang republikang itinatag ni Heneral Macario Sakay at
sa pamamagitan ng Kautusan Laban sa Pagiging Tulisan, itinuring siyang insurhensiya. Iniatas
ang pagdakip kay Sakay sa Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at Iskawt ng Pilipinas. Nagkaroon
ng malalaking laban sa pagitan ng mga sundalo ng pamahalaan at mga mapagpalayang
mandrigma na kasama ni Heneral Macario Sakay sa Timog Katagalugan na umabot ng halos
isang taon.

Noong Hulyo 14, 1906, sumuko si Heneral Macario Sacay matapos makatanggap ng sulat sa
Gobernador-Heneral ng hukbong Amerikano na nangangakong siya ay bibigyan ng amnestiya at
ang kanyang mga kasama kapalit ng kanilang pagsuko. Ngunit makalipas ang tatlong araw, si
Heneral Macario Sakay ay hinuli at ikinulong at hinatulan na isang tulisan o bandido. Pinatay si
Heneral Macario Sakay sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagbibigti noong
Setyembre 13, 1907.

Miguel Malvar
Mula Wikifilipino
Jump to: galugad , hanapin
Si Heneral Miguel Malvar ay isang heneral na namuno sa sandatahang hukbo ng
Pilipinas noong panahon nang pananakop ng mga Amerikano at sa panahong
pinatapon si Heneral Emilio Aguinaldo sa Hong Kong. Siya ay tinaguriang kahuli-
hulihang heneral na sumuko sa hukbo ng mga Amerikano.

Talambuhay
Ipinanganak si Malvar noong ika-27 ng Setyembre, taong 1865 sa Santo Tomas,
Batangas. Ang kanyang ama ay si Maximo Malvar, isang mayamang magsasaka ng
palay at tubo, at ang kanyang ina ay si Tiburcia Carpio. Ang tagumpay ng kanyang
ama sa pagsasaka ang nagdulot kay Malvar kasama ng kanyang mga kapatid na
magkaroon ng edukasyon. Dahil sa edukasyong ito, umunlad din si Malvar,
nakapag-asawa at nabiyayaan ng anak.

Bilang Sundalo
Sa kalagitnaan ng taong 1890 ay sumiklab ang rebolusyon. Bumuo at namuno si
Malvar sa isang hukbo kasama ng lider ng rebolusyon na si Emilio Aguinaldo.
Ngunit dahil hinarap ang hukbo ng isang makapangyarihang sandatahang lakas,
napilitan ang mga katipunero na pirmahan ang kasunduan sa Biak-na-Bato, kung
saan sumuko sila kapalit sa halagang 800,000 piso at pagpapatapon ni Aguinaldo
sa Hong Kong noong 1897.
Noong 1898, sumiklab ang digmaang Spanish-American. Hiningi ni Admiral George
Dewey ang tulong ni Aguinaldo at ng mga rebolusyonaryo upang tulungan sila sa
“Philippine Campaign”. Nagsimulang muli ang rebolusyon. Matagumpay na pinalaya
si Malvar sa kamay ng mga Espanyol, kasama ng kanyang Batangas Brigade, ang
Tayabas noong Hunyo 15, 1898 matapos ang dalawang buwang pakikipaglaban.
Hindi nagtagal ay natalo ang mga Espanyol. Ngunit ang tagumpay laban sa mga
Espanyol ay sadyang napakabilis lamang sapagkat noong ika-4 ng Pebrero taong
1899, sumiklab muli ang digmaang Filipino-Amerikano at namunong muli si Malvar
sa pakikipaglaban sa bagong kaaway.
Sa pakikipagtunggali laban sa mga Amerikano, lumiit ang tsansa ng tagumpay ng
tropa ni Malvar at hindi nagtagal, naghiwa-hiwalay sila sa isang hukbong gerilya.
Ang pagbabago ng taktikang ito ay hindi naging matagumpay kumpara noong
digmaan laban sa mga Espanyol. Nagapi si Aguinaldo, na siyang nagbunsod kay
Malvar na pamahalaan ang lahat ng puwersyang rebolusyon. Sa bagong
pamumuno, sinimulan ni Malvar ang bagong taktika ng pag-atake sa mga bayang
sinasakop ng mga Amerikano.
Nagtagumpay sila sa paraang ito ngunit dumating si J. Franklin Bell. Inagaw nito
ang Batangas sa pamamagitan ng “scorched earth tactics” na siyang nagbunga ng
mabigat na pasanin para sa mga gerilya at maging sa mamamayan. Nakita ni
Malvar ang posibleng kahahantungan ng mga Pilipinong walang kinalaman kung
ipagpapatuloy pa ang digmaan. Nagdesisyon siya kasama ng buong hukbo na
sumuko sa mga Amerikano.
Namatay siya noong Oktubre 13, 1911 at tinaguriang ang huling Pilipinong heneral
na sumuko sa hukbong Amerikano.

Bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas


Noong ika -2 ng Enero, taong 2008, naghain si Rep. Rodolfo Valencia ng Oriental
Mindoro ng Panukalang Batas Blg. 2594, upang ideklara si Miguel Malvar bilang
pangalawang pangulo ng Pilipinas. Sinasabi niyang nagkakamali ang mga
manunulat ng kasaysayan ng Pilipinas sa pagsasabing si Manuel L. Quezon ang
pangalawang pangulo ng republika na namuno matapos kay Heneral Emilio
Aguinaldo.
Ayon sa kanya, nararapat na ideklara si Miguel Malvar bilang pangalawang pangulo
sapagkat siya ang namuno ng rebolusyong gobyerno matapos magapi noong ika-23
ng Marso, 1901 at maipatapon sa Hong Kong si Heneral Emilio Aguinaldo

born Jan. 26, 1880, Little Rock, Ark., U.S. — died April 5, 1964, Washington, D.C.) U.S.
general. Son of Gen. Arthur MacArthur (1845 – 1912), he graduated from West Point, of which
he became superintendent (1919 – 22). He rose through the ranks to become general and army
chief of staff (1930 – 35). In 1932 he commanded the troops that evicted the Bonus Army. In
1937 he took over command of the Philippine military. At the outbreak of World War II he was
recalled to active duty; he led the combined Philippine-U.S. forces in the Philippines until it was
overrun by the Japanese (1942). From Australia, he commanded U.S. forces in the South Pacific
and directed the recapture of strategic islands, returning as promised ("I shall return") to liberate
the Philippines in 1944. Promoted to general of the army, he received Japan's surrender on Sept.
2, 1945. As Allied commander of the postwar occupation of Japan (1945 – 51), he directed the
restoration of the country's economy and the drafting of a democratic constitution. As
commander of UN forces in the Korean War in 1950, he stemmed the advance of North Korean
troops. His request for authority to bomb China was rejected by Pres. Harry Truman; when
MacArthur made the dispute public, Truman relieved him of his command, for insubordination.
He returned to the U.S. to a hero's welcome, though many deplored his egotism. He was twice
(1948, 1952) seriously considered for the Republican Party nomination for president

You might also like