You are on page 1of 2

Ako si Fernando Alimagno, alias Boy Bata, Pilipino, nasa

wastong edad, nakatira sa Barangay Poblacion, Candelaria


Quezon at kasalukuyang Barangay Captain ng nasabng
barangay, matapos kong malaman at maunawaan ang aking mga
karapatan na itinadhana ng ating bagong Saligang Batas ay
kusang loob at malayang nagsasalaysay na:
1. Noong mga huling bahagi ng Disyembre taong 2012, ako ay
sapilitang pinapirma sa tatlong dokumento ni Rodrigo Ordua.
2. Sa mga dokumentong ito ay hindi ko po alam kung ano ang
mga nilalaman at hindi rin po ito naipaliwanag sa akin, ni wala
rin po akong kopya ng mga ito.
3. Noong ika-14 ng Disyempre pinapirma po muli ako ni
Rodrigo Ordua ng isang dokumentong may titulong
Sinumpaang Salaysay, at muli, hindi ko rin po alam ang mga
nilalaman nito at hindi rin po ako nabigyan ng kopya nito.
4. Nang maglaon, nakakuha po ako ng kopya ng nasabing
Sinumpaang Salaysay na minamarkahan bilang Annex A at
ako po ay lubhang nagulat nang mabasa ko ang nilalaman nito
na sa kabuuan ay nagdidiin kay Gobernador Espino bilang
protector ng jueteng sa Pangasinan at nagsasaad na siya ay
tumatanggap ng mga suhol na may kinalaman din sa jueteng sa
lugar na iyon.
5. Akin pong pinasisinungalingan ang nasabing Sinumpaang
Salaysay pagkat ito ay pawang walang katotohanan. Sa abot po
ng aking kaalaman ay hindi hinahayaan ni Gobernador Espino
ang operasyon at ang paglaganap ng jueteng sa Pangasinan.

6. Sa totoo poy sya nga po ang numero unong kalaban ng mga


magjue-jueteng sa lugar na iyon.
7. Lalong hindi po totoo na nakakatanggap po ng pera mula sa
akin si Gobernador Espino para sa kanyang proteksyon, sa
kabilang banda, kay Rodrigo Ordua po ako nagbibigay ng pera
na kalaunan ay nalaman kong ibinubulsa niya lahat at ginagamit
lamang niya ang pangalan ng Gobernador.
8. Inaamin ko pong kilala ko si Gobernador Espino, ngunit hindi
po kami malapit na magkaibigan at lalong hindi po kami
nagkakatransaksyon ukol sa iligal na jueteng. Nakilala ko
lamang po sya bilang Gobernador at isang taong nagseserbisyo
sa publiko at ako, bilang simplemeng mamamayan.
-Kimberly Baltazar

Espejo and Partners


111 Morning Star Building
Central (LIG) Condominiums, Central Ave.
1107 Quezon City, Philippines
(02) 460-9983

You might also like