You are on page 1of 19

RETORIKA

p. 14-16

Pagtiyak sa Kakayahan

Pag-unawa sa Paksa:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong o kahingian upang matiyak ang kaalaman sa Aralin 1.
1. Ano ang relasyon ng wika sa retorika?
Ang wika ay ang ginagamit ng tao upang makipag-komunikasyon sa kanyang kapwa at
ang retorika naman ay ang paraan ng pagbibigay-kabuluhan sa komunikasyong ito.
2. Bakit pangangailangan ang masining at mabisang pagpapahayag sa retorika?
Sa masining na pagpapahayag, nakagagamit ng mga talinhaga, palaisipan at ibat iba
pang uri na nakapanghahalina sa tagapakinig at kaakibat din nito ay ang kabisaan kung
saan itoy malinaw, nauunawaan at makatotohanan.
3. Ano ang kahalagahan ng social truth sa perspektibong retorikal?
Ang social truth ang nagdidikta ng kung ano ang maaari at hindi maaari, ng tama at
mali, ng kasalanan at bawal, maging ng responsibilidad at obligasyon.
4. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod:
a. Retorika sining ng argumento o diskurso. Ito rin ang sining at agham ng pagpapasangayon.
b. Retor ang nagsasalita at nangungumbinsi gamit ang diskurso.
c. Retorisyan ang nag-aanalisa o sumusuri sa kabisaan ng diskurso
d. Teorista ng Retorika nagbibigay-teorya o nag-uugnay ng retorika sa mga teoryang
maaaring makaapekto o nagagawa ng diskursong ito.
5. Sino si Demosthenes? Ilahad ang kanyang naging kontribusyon sa retorika.
Siya ang Father of Oration at isa sa sampung dakilang Attic Orator. Idiniin niya na
delivery ang pinakamahalagang elemento sa retorika at pinatunayang hindi hadlang at
napagtatagumpayan ang karamdaman upang maging isang magaling na retor.

Pagsukat sa Kaalaman:
1. Isa sa midyum ng pakikipagtalastasan na ginagamitan ng retorika ay sa pamamagitan ng WIKA .
Ito rin ang isa sa pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa tao.

2. Tumutukoy ang MASINING na pagpapahayag sa pagtataglay ng kariktan, simbolo, talinhaga, at


kaakit-akit na daloy ng mga salita.
3.

Ang pagiging tama, malinaw, at simple o madaling maunawaang paggamit naman ng mga salita
ay tinutukoy na MABISANG PAGPAPAHAYAG.

4. Ayon kay EDGARDO REYES wala raw hindi nakukuha sa maayos na pag-uusap. Sa maayos, una sa
lahat, dapat ay nagkakaintindihan. At liban kung sa iisang wika ang pag-uusap, magiging isang
Babel.
5-7. RETORIKA ang sining ng argumento o diskurso; ito rin ang sining at agham ng pagpapasangayon. Kung nagsusulat o nagsasalita upang kumumbinsi sa kung anuman ang pinaniniwalaan, ay
maituturing na RETOR. Kung nag-aanalisa at sumusuri naman sa kabisaan ng isang argumento o
diskurso, maituturing na mga RETORISYAN.
8. Bilang mambibigkas o mananalumpati, responsibilidad natin na maipaabot sa ating tagapakinig
ang buong esensya sa paksang ating tinalakay MABISANG PAGPAPAHAYAG.
9. Si DEMOSTHENES ay kinilala bilang The Father of Oration. Sa edead na dalawampu, binigkas
niya ang kanyang unang talumpati upang ipagtanggol at pangatwiranan na dapat niyang makuha
mula sa kanyang mga tagapag-alaga ang mga natitirang pamana mula sa kanyang mga magulang.
10. Ayon kay ARLAN M. CAMBA, Ang pinakamabuting Retorika ay ang magsabi ng totoo.
11. Ang INVENTIO ay ang teknik sa pag-iisip ng mga punto ng pagtalakay sa isang paksa.
12. Tumutukoy naman ang mga SCHEMES sa mga rhetorical devices na bahagi sa masining na
paglalatag at pagdadala sa istruktura ng pangungusap.
13.Ang TROPES ay isa ring rhetorical devices na patungkol naman sa pagbabago at pagpapalit ng
kahulugan o paggamit ng salita. Sakop nito ang pag-aaral ng mga tayutay o figura ng mga salita.
14. Ang KATOTOHANANG PANLIPUNAN o social truth ng miyembro ng partikular na lipunan ang
nagdidikta ng kung ano ang maaari at hindi maaari; ng tama at mali; ng kasalanan at bawal; maging
ng responsibilidad at ng obligasyon. Dito binabatay ang perspektibong retorikal sa pagdulog sa mga
usapin.
15. Kung ang logos ang pamamaraang umaapela sa isip at ang Pathos ay pamamaraang umaapela sa
emosyonal na reaksyon ng mga manonood; ang ETHOS naman ay pamamaraang nagpapakita sa
karakter o rapor (rapport) na taglay ng isang mananalumpati.

p. 38-39

Pag-unawa sa Paksa

Sagutin o tugunan ang sumusunod na mga tanong at kahingian.


1. Ano ang naging tungkulin ng retorika sa Panahong Klasikal?
Ang tungkulin ng retorika ay ginagamit pampolitikal at kasangkapan sa paggawa ng mga
polisiya at pagtalakay ng mga isyung pampolitika.
2. Paano nagkaiba ang retorika ni Aristotle at ng mga sophists?
Gumagamit ang sophists ng mga matatalinhaga at mabubulaklak na salita habang si Aristotle
ay mas binibigyang-pansin ang mensahe o ang ethos, logos, at pathos ng retor.
3. Bakit naging mahalaga ang retorika kay St. Augustine?
Ginamit ni St. Augustine ang retorika sa panrelihiyon na paraan sa homiletics o sa
pagpapahayag ng mga salita ng Diyos.
4. Ibuod ang kasaysayan ng retorika sa daigdig.
Sa klasikal na panahon, nagkaroon ng hindi pagkakasundoa ang mga sophist at si Aristotle sa
pinangingibabaw sa retorika. Sa panahon ng Medieval, mas binigyang-pansin ang lohika
hanggang sa Muling Pagbangon (Renaissance) ay muling umangat ang retorika hanggang sa
itoy sumigla. Maraming retor ang nakilala hanggang sa modernong panahon, kasabay ang
kanilang mga artikulo, teorya o libro tungkol sa retorika.

Pagsukat sa Kaalaman
Tukuyin ang konseptong hinihingi ng pahayag. Isulat sa bukod na papel ang sagot.
1. Siya ang may-akda ng Gorgias at nagging guro ni Aristotle. Isa sa hinahanap ay ang pagtatamo ng
katotohanang pantay at para sa lahat. Tinawag niya itong absolute truth. PLATO
2. Sila ang mga retor na kilala sa paggamit ng mabubulaklak n apananalitang tumatagos sa
damdamin ng tagapakinig. Estilo rin nila ang paggamit ng enthymeme. SOPHISTS
3. Ito ang katawagang Romano sa general audience o ang publiko, ang mga tagapakinig na
itinuturing na walang muwang at babatay lamang sa magiging pagpapasya ng mga lider ng
bayan. AD POPULUM

4. Siya ay isang media artist at pamoso sa kanyang sulat na The Medium is the Message. Ang
akda ay naghahayag sa kanyang kaisipan na higit diumanong mahalaga na hanapin ang
kaalaman kaysa ang magpaliwanag ng kaalaman. MARSHALL MCLUHAN
5. Siya ay isang protestante na tumuligsa at nagbigay-ng bagong pananwa sa retorika. Sa
paghamon na kanyang ginawa, inilahad niya na mas marapat pahalagahan ang pagtuturo sa
katotohanan kaysa sa Retorika. PETRUS RAMUS
6. Ang panahong ay kakikitaan ng pag-angat ng bernakular na retorika. Ang mga akda ay nasulat sa
Wikang Ingles kaysa sa klasikong mga wika (Griyego at Romano). KALAGITNAAN NG 16TH
CENTURY
7. Ito ang pinakamaimpluwensyang paaralan sa retorika noong 1800 na ang puno ng
Departamento ng Retorika at ang Belles Lettres ay ang pari ng presibitaryo na si Hugh Bair.
UNIVERSITY OF EDINBURGH
8. Siya ang maysabing, a true rhetorician is a good man skilled at speaking. QUINTILLIAN
9. Ang artikulong ito ay nagbigay ng pinakamaalam na sarvey ng Renaissance humanism na
tumutukoy sa pag-aaral ng lohika at dialektika noong panahong medieval. HUMANISM
10. Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Inilaan niya ang kanyang panahon sa pagaanalisa ng mga praktikal na pagreresolba ng mga argumento sa mga isyung moral. STEPHEN
TOULMIN

p.44-45

Pag-unawa sa Paksa

Sagutin ang sumusunod na mga tanong at kahingian upang matiyak ang pagkaunawa sa aralin.
1. Paano ipinakikita ng mga akdang Pilipino ang kasiningan ng mga pagpapahayag.
Nakita ang mga akdang Pilipino sa mga kasabihan, tanaga at diona dalit noong katutubong
panahon na may ganap nang mga paksa at ganap na ayos ng mga salita. Nagkaroon din ng
paggamit sa rhetorical devices na lalong nagpasining sa bawat pagpapahayag.
2. Sinu-sino ang mga maituturing na Pilipinong retorisyan?
Maituturing na Pilipinong retorisyan ang mga pari na gumawa ng mga diksyonaryo sa ibat
ibang wika, si Balagtas na gumamit ng rhetorical devices sa kanyang mga akda, si Jose Rizal,
Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, at Virgilio Almario.

3. Ibuod ang kasaysayan ng retorika sa Pilipinas.


Noong katutubong panahon pa lamang, may kasanayan na sa retorika ang mga Pilipino at
makikita ito sa kanilang mga sinaunang isinulat. Nang dumating ang mga Kastila,
nangibabaw ang wikang katutubo kung kayat maraming nailathalang diksyonaryo at naging
tanyag si Balagtas. Sa Panahon ng Amerikano, nagkaroon ng paglilinaw sa retorika; Sa
Panahon ng Hapon, naging gintong panahon ito ng Tagalog ngunit naging malamya ang
retorika. Sa kasalukuyan ay maraming naisasagawang aklat at patuloy ang pag-aaral ng
retorika.

Pagsukat sa Kaalaman
Kumpletuhin ang bawat pahayag.
1. Isa sa mga sagisag na sumusuri sa tamang gamit ng salita ay si VIRGILIO ALMARIO. Siya ang
pumansin sa mga edukador na mala-siyokoy ang paggamit ng salita na ayon sa kanya ay maling
pagsasalin, tila pinaghalong Espanyol at Ingles.
2. Sa gintong panahong ito, ang PANAHON NG HAPON nakilala ang tanaga ang haiku.
3. Si JOSE CORAZON DE JESUS ang pinakaunang Hari ng Balagtasan.
4. Si FRANCISCO BALAGTAS ay nakilala sa paggamit ng rhetorical devices tulad ng tayutay. Siya ang
may-akda ng Florante at Laura.
5. Si JOSE RIZAL ay gumawa rin ng pagsusuri ukol sa pagtula ng mga Pilipino. Pinamagatan niya
itong Arte Metrica del Tagalog na binasa niya sa Sociedad Etnografica sa Berlin noong 1887.
6. Nang dumating ang mga KASTILA sa Pilipinas nangibabaw ang mga wikang katutubo.

7-10. Ang pagtataglay ng kasiningan sa pagpapahayag ng mga Pilipino noong panahon bago
dumating ag mga Kastila ay makikita sa mga kasabihan, KASABIHAN, TANAGA, at DIONA dalit.

p.74-76

Pag-unawa sa Paksa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at tugunan ang mga kahingian.


1. Bigyang kahulugan o deskripsyon ang mga sumusunod:
a. Disiplina- systematic instruction given to disciples to train them as students in a craft or
trade, or any other activity which they are supposed to perform, or to follow a particular
code of conduct or order, ayon sa Wikipedia.
b. Ad Herrenium- o Rhetorica ad Herrenium; may kinikilalang tatlong katangian ng estilo:
panuri (taste), artistikong komposisyon at pagtatangi (distinction).
c. Birtwal na Karanasan- Ito ay binubuo upang palawakin at ihulma ang karanasan ng
mambabasa sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng isang karansang kahit hindi man
nila aktuwal na nadama ay nakagagawa sila ng sariling representasyon nito.
d. Mnemonic device- inobatibo o malikhaing paraan ng pagmememorya na napatunayang
epektibo higit noong unang panahon.

2. Bakit sinasabi na ang Retorika ay :


a. Mapanghikayat- ang retorika ay nanghihikayat dahil layunin nitong magpabago ng
paniniwala at magpasimula ng aksyon. Kung mahihikayat ang mga tagpakinig, masusunod
nila ang layunin ng retor at maaapktuhan o mababago ang kanilang paniniwala.
b. Lumilikha ng birtwal na karanasan- sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng malawak na
imahinasyon ang tao sa mga bagay na hindi nila nakikita, nahahawakan o nararanasan
ngunit naiisip nilang naroon sila sa sandaling iyon o nailalagay nila ang kanilang sarili kung
kayat epektibong nakukuha ang kanilang emosyon at kaisipan.
c. Simbolikal- binubuo ang retorika ng mga simbolo tulad ng mga letra, imahe at pagkumpas
na nakapagpaparating ng ideya sa mga makakakita nito o nakadaragdag sa kaisipang nais
ipabatid ng retor.

Pagsukat sa Kaalaman
Piliin ang titik ng tamang sagot na tutugon upang mabuo ang pahayag.
1. Tumutukoy ito sa isang bagay na hindi tunay at ibinubunga ng imahinasyon.
a. Retorika
b. Kaisipan

c. Birtuwal
d. Kongkreto

2. Ito ay binubuo upang palawakin at ihulma ang karanasan ng mambabasa sa pamamagitan ng


paghahatid sa kanila ng isang karansang kahit hindi man nila aktuwal na nadama ay nakagagawa
sila ng sariling representasyon nito.

a .Birtuwal na Karanasan
b. Akdang Pampanitikan

c. Birtuwal
d. Kongkreto

3. Ang uri ng Retorika na ginagamit upang purihin o sisihin ang isang tao o minsan ay maaaring
grupo.
a. Demonstratibong Retorika
b. Lehislatibong Retorika

c. Deliberatibong Retorika
d. Mapanghikayat na Retorika

4. Maliban sa pagiging maringal at payak, ito rin ay isa antas ng estilo ng retorika.
a. Balbal
b. Pampanitikan

c. Deliberatibong Retorika
d. Mapanghikayat na Retorika

5. Ito ay sumasakop sa estruktura ng talumpati. Ang isang talumpati, upang maging epektibo ay
nangangailangan ng organisadong balangkas upang maiwasan ang pagkakagulo at hindi
pagkakaunawaan.
a. Pagsasaayos
b. Paghahatid

c. Memorya
d. Imbensyon

6. Ang estilong ito ay gumagamit ng mga gayak o maadornong salita at itinatampok nito ang
maayos na pagkakalagay ng mga salita sa isang pangungusap. Ito rin ay may kasamang mga nayo
ng salita o (figures of speech) o (figures of thought).
a. Marangal
b. Maringal

c. Maayos
d. Mapanghikayat

7. Sila ang maysabi na ang mga tao ay hindi nag-aantay sa mga katotohanan na ibabahagi sa kanila
ng mga tagpagsalitang katotohanan at kaalaman. Sa halip ay kikilos ayon sa napagkasunduan at
naaayon sa kung ano ang tingin nilay makakapagpabuti ng kanilang kalagayan.
a. Luaites at Condit
b. Fonacier at Santos

c. Santiago at Tiongco
d. Aristotle at Plato

8. Bahagi nito ang retorika o tatlong orihinal na malalayang sining na itinuturo sa mga unibersidad
kabilang ang lohika at gramatika.
a. 3Rs
b. 3M

c. Trivium
d. Lyceum

9. Isa ito sa mga kanon ng retorika na mula sa salitang Griyego na nangangahulugang pag-arte.
a. Hypokrisis
b. Acto na nangangahulugang kilos

c . Pronuncio na nangangahulugang pagkilos


d. Birtuwal

10. Bukod kay Aristotle, sinasabi rin niya na ang Retorika ay isang Arte sibiko.
a. Cicero
b. Quintilian

p.91-95

c. Plato
d. Isocrates

Pagtiyak sa Kakayahan

Pag-unawa sa Paksa
Sagutin ang mga sumusunod:
A. Ano ang ugnayan ng gramatika at retorika?
Ang retorika ay ang proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wastong pananalita sa
pagpapahayag ng mensahe habang ang gramatika naman ay may kinalaman sa function at
relation ng mga salita sa loob ng pangungusap.
B. Bakit nagkakaroon ng code switching sa pagpapahayag?
Nagkakaroon ng code switching dahil naipagsasama ang dalawang magkaibang lenggwahe
na higit na mas nauunawaan at nakakasanayan ng tao sa pakikipag-usap. May mga
terminolohiya rin kasing nakasanayang sabihin sa ibang lenggwahe kayat naihahalo sa isa
pang wika.
C. Ano-ano ang mga antas ng salita na mahalaga sa mabisang pagpapahayag?
Ang pormal at di-pormal na mga salita. Ang pormal ay ang mga pambansa at pamapanitikan
na antas at sa hindi pormal naman ay ang mga lalawiganin, balbal, at kolokyal.
D. Pumili ng tatlong gabay sa pagpapalawak ng kaalaman sa paggamit ng salita at ipaliwanag ito.
Pagsasalita ng wasto tungkol sa ibat ibang kalagayan sa buhay- sa pagsasalita ay nararapat
ikonsidera ang antas ng pamumuhay ng tagapakinig kung kayat mayroon nga ibat ibang
antas ng salita upang maiangkop sa ibat ibang kalagayan ng tao.
Pagsasalaysay ng mga karanasan- sa pamamagitan ng simpleng pagkukwento ng nangyari
sa iyo ngayong araw ay nalalaman mo na ang mga nararapat at hindi nararapat na mga
salitang dapat gamitin. Kadalasan ay nagsisimula tayo sa ating mga madalas kasama.
Pagpapahayag ng kuro-kuro at diwa-hindi lamang nito nailalabas ang iyong paraan ng pagaanalisa at galing sa pakikisangkot kundi ang galing sa paggamit ng mga salita sa paghayag.

Pagsukat sa Kaalaman:
A. Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa isang sagutang-papel.
1. Ito ang proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wasto, malinaw at mabisa at kaaya-ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan ng mga nakikinig o
nagbabasa. RETORIKA
2. Tumutukoy ito sa tungkulin (function) ng mga salita at ang ugnayan (relation) sa loob ng
pangungusap. GRAMATIKA
3. Paggamit ng magkakaibang wika sa loob ng isang pahayg na madalas nangyayari sa pasalitang
pahayag. CODE SWITCHING
4. Bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa bahaging pinag-uusapan o binigyang-tuon. PAKSA
5. Ang bahagi ng pangungusap nagbibigay-kaalaman o impormasyon tungkol sa pinag-usapan.
PANAGURI
B. Suriin ang pahayag sa bawat bilang kung anong uri ng ayos ng pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang K kung ito ay nasa karaniwang ayos at DK naman kung nasa Di-karaniwang ayos.
1. May paparating na bagyo sa bansa. K
2. Si Sir ay mahusay magtalumpati. DK
3. Ang tunay na kaibigan ay laging maaasahan. DK
4. Maging doktor ang pangarap niya. K
5. Ang puno ng mangga ni Aling Rosa ay hitik sa bunga. DK
C. Suriin kung anong uri ng tayutay ang pahayag. Isulat sa sagutanf papel ang sagot.
1. Ang tingin ng paruparo sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.
PAGHAHALINTULAD o ANALOHIYA
2. Maamong tupa kung siyay makausap. METAPORA
3. Kumakaway sa akin ang dahon ng talahib. PAGTATAO o PERSONIPIKASYON
4. Ang pananampalataya ay ating kaligtasan. METONOMIYA
5. Ang katamaran ng tao ay nagbibigay daan sa kaunlaran ng daigdig. PARADOX
6. Ang buhay ng taoy parang gulong. SIMILE
7. Bumaha ng luha sa akanyang kwarto. EKSAHERASYON
8. Nakita kong kumindat ang bituin. PERSONIPIKASYON
9. Ang ganda ng kanyang mga binti. Sakang naman. SARCASM
10. O, pag-ibig kalian ka pamamasid? RHETORICAL QUESTION

LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig na ideya ng mga pahayag. Piliin ang titki ng iyong sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Proseso ng maayos at maingat ang pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya-ayang pananalita
sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan ng mga nakikinig o nagbabasa.
a. Gramatika
b. Wika

c. retorika
d.estilo

2. Pagpili ng mga salita upang maging wasto, malinaw ang mensaheng nais ipaabot ng
nagpapahayag na may kinalaman sa tungkulin (function) at ugnayan (relation) sa loob ng
pangungusap.
a. Gramatika
b. Wika

c. retorika
d.estilo

3. Ang paggamit ng magkakaibang wika saa loob ng isang pahayag na madalas nangyayari sa
pasalitang pagpapahayag.
a. Taglish
b. Code switching

c. jargon
d. Pagpapalit-tawag

4. Antas ng estilo na ginagamit sa pagbibigay panuto sa mga tagapakinig.


a. Payak
b. Mababa

c. midyal
d.mataas

5. Antas ng estilo na ginagamit sa pagpapakilos ng mga tagapakinig.


a. Payak
b. Mababa

c. midyal
d.mataas

6. Antas ng estilo na ginagamit sa pagpapakilos ng mga tagapakinig.

a. Payak
b. Mababa

c. Midyal
d.Mataas

7. Ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip.


a. Quintillian
b. Ricahard Eberhart

c. Lord Chesterfiield
d. Gore Vidal

8. Ang estilo ay pagpapakilala sa totoo mong pagkatao, sa gusto mong ipahayag at hindi
nababahala sa kalalabasan.
a. Quintillian

c. Lord Chesterfield

b. Richard Eberhart

d. Gore Vidal

9. Ang estilo ay karakter. Ito ay katangian ng damdamin ng isang tao na inihahayag.


a. Quintillian
b. Spinoza
10.

c. Richard Nordquist
d. Gore Vidal

Salita na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.


a. Pormal
b. Impormal

c. Pambansa
d. Pampanitikan

II. Panuto: Piliin sa mga sumusunod ang salitang siyokoy.


1.
2.
3.
4.
5.

A. dayalogo
A. Aspekto
A. Kontemporaryo
A. Prayoridad
A. Estudyante

B. diyalogo
B. Aspeto
B. Kontemporanyo
B. Priyoridad
B. Istudyante

III. Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig na tayutay ng mga pahayag.


1. Umuulan ng dolyar sa tahanan ng mga Corona.
a. Pagpapaintindi
b. Pagmamalabis

c. Pagtutulad
d. Pagwawangis

2. Ang paghahamok ng hari at ng kawal ay tulad ng paglalaban nina David at Goliath.


a. Pagtutulad
b. Pagwawangis

c.paghahalintulad
d. Pagtatao

3. Ngumiti ang langit sa pagdating ni Sir.


a. Pagtutulad
b. Pagwawangis

c. paghahalintulad
d. Pagtatao

4. Mapulang makopa ang pisngi ni Yumi.


a. Pagtutulad
b. Pagwawangis

c.paghahalintulad
d. Pagtatao

5. Ang pag-ibig ay parang pulot. Panghabambuhay ang tamis.


a. Pagtutulad
b. Pagwawangis

c. paghahalintulad
d. pagtatao

p. 108

Pagsukat sa Kaalaman

A. Tukuyin ang taong nagpapahayag ng mga ideya sa bawat bilang.


1. Binigyang kahulugan niya nag retorika bilang sining ng pagpapahayag ng naiisip mula sa isang tao
patungo sa iba, at ang pag-aangkop ng wikang gamit sa pangyayari at panahon. SISTER MIRIAM JOSEPH
2. Ayon sa kanya kinakailangang malinaw ang pag-iisip ng isang manunulat upang magkaroon ng estilo
ang kanyang isinusulat, at kung may magsusulat sa kagalang-galang na estilo, dapat maging kagalanggalang muna ang kanyang pagkatao. JOHANN WOLFGANG VON GOETHE
3. Ang estilo ayon sa kanya ay kasuotan ng kanyang naiisip. LORD CHESTERFIELD
4. The most durable in writing is style RICHARD NORDQUIST
5. Ang estilo ay pagkilala sa totoo mong pagkatao, sa gusto mong ipahayag at hindi nababahala sa
kalalabasan. GORE VIDAL

B. Ibigay ang hinihinging ideya.


1. Pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag na nakabatay sa estilo ng pagpapahayag.
KAHULUGANG KONOTATIBO
2. Ito ay hindi matatagpuan saanman na katangiang taglay ng pinagugnay na pananalita at ideya, bait at
kilos, sining at moralidad, pagtataya at pagtitilad, at ng iba pang elemento ng pagkilos. DEKORUM
3. Ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginagamit sa pakikipaagtalastasan.
KAHULUGANG KONTEKSTWAL
4. Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula, musikavo pelikula na hindi
hayagang ipinababatid ng mga naagpapahayag. KAHULUGANG SUBSTEKSTWAL
5. Ito ay kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng diskurso na naiuugnay sa
diskurso ng iba. KAHULUGANG INTERTEKSTWAL

p. 117-118

Pag-unawa sa Paksa

A. Ipaliwanag ang gampanin ng retorika at diskurso sa pagpapahayag?

Ang retorika at ang diskurso ay isang mahalagang salik sa pagpapahayag upang


makahikayat o makumbinsi ang kinakausap o ang tagapakinig. Sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon ng pagkakaunawaan kahit gamitan pa ng masining na uri ng
pagpapahayag. Tinitignan din nito ang antas ng tagapakinig bago magsimula sa pahayag.

B. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pasulat ang pasalitang diskurso ?

Sa pasalitang diskursong panlipunan nag pagtanaw sa kontekstong ay sa presensya ng


tagapakanig. Hindi malay sa paggamit ng wika ngunit gumagamit ng tunog o ponema.
Isinasaalang-alang ang social settings dito. Ito ay likas o natututuhan sa prosesong
natural. Samantalang sa pasulat na diskurso, indibidwal ang konteksto sa pagtanaw sa
mambabasa. May malay sa paggamit ng wika, isinasaalang-alang ang audience at
gumagamit ng grapema o mga simbolo. Kung susuriin mas mahirap ang paggamit ng
pasulat na diskurso dahil ito ay natatala, maaaring mapansin agad ang pagkakamali hindi
kagaya ng pasalitang diskurso.

C. Magbigay ng halimbawa ng mga sitwasyong pandiskurso na kakikitaan ng mga tinalakay na teorya sa


diskurso?

Sa teoryang speech act. Hindi binibigyang-tuon ang teknikalidad sa pagsasalita, bagkus


ang pagganap ng tagpaghatid o tagatanggap batay sa kanilang gampanin at kulturang
umiiral.

Tagapaghatid: May gusto ka ba sa kaniya?


Tagatanggap: Magkaibigan lang kami at mayroon na siyang kasintahan.
Tagapaghatid: Gwapo ba siya?
Tagatanggap: Mabait at matalino.

Pagsukat sa Kaalaman:
1. Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa lahat ng modalidad at konteksto
na maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon. DISKURSO
2. Panlipunan ang konteksto na likas na natututunan sa isang prosesong natural at ginagamitaan
ng tunog o ponema . PASALITANG DISKURSO
3. Nagpasimula ng teoryang speech act noong 1962. JANE L. AUSTIN
4. Akto na tumutukoy sa pagsasabi ng pahayag na may angking kahulugan sa tradisyonal nitong
kalagayan. LOCUTIONARY ACT
5. Akto na may tiyak na puwersa tulad ng pag-uutos, pagbabala, pagpapabatid at iba pa.
ILLOCUTIONARY ACT

6. Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-ibang mga wika na makikita sa tono o punto sa
pagsasalita, intonasyon at kahulugan ng mga salita. TEORYANG VARATIONALIST
7. Nagpasimula ng teoryang ethnography of communication. DELL HYMES
8. Kakayahan ng isang katutubong tagapagsalita na magamit ang wika sa isang totoong sitwasyong
pangdiskurso. COMMUNICATIVE COMPETENCE
9. Kakayahan ng isang ideyal na tagapagsalita o tagapakinig upang makalikha ng pangungusap na
angkop at wasto ang gramatika. LINGUISTIC COMPETENCE
10. Maituturing na sangay ng lingguwistika nakatuon ang pag-aaral kung paanong lumilikha at
nauunawaan ang pahayag sa isang kongkretong sitwasyon ng pag-uusap. PRAGMATIKS

p.133-137

Pagsukat sa Kaalaman

Ibigay ang hinihinging ideya sa bawat bilang .


1. Uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon at isip ng mambabasa o tagapakinig
ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay o hayop at pangyayari. PAGLALARAWAN
2. Ibinibigay ng paglalarawang ito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa nakikita o
nasaksihan ng nakararami. PANGKARANIWANG PAGLALARAWAN
3. Paglalarawan na binibigyang kulay ang inilalarawan upang higit na maging kaaya-aya ang
paglalarawan. MASINING NA PAGLALARAWAN
4. Isang paraan ng pagpapahayag upang pag-ugnayin ang mga mahahalagang pangyayaring
naganap tulad ng mga karanasang di malilimutan, kwento o kasaysayan ng mahahalagang tao.
PAGSASALAYSAY
5. Diskurso nanaglalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at timbangin ang mga kaisipan at
impormasyon batay sa mga kaisipang nakapaloob. PAGLALAHAD
6. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na inaatake o hinahamak sa personalidad ng tao at
hindi sa paksa o isyung pinagtatalunan. ARGUMENTUM AD HOMINEM
7. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan ang tunay na diskurso ng argumento.
ARGUMENTUM AD MISERICORDIAM
8. Ginagamit ng kapangyarihan o awtoridad ang isang kaargumentong tao kung saan gagamitin ang
kapangyarihan upang ilihis ang tunay na argument o impluwensyo. ARGUMENTUM AD
BACULUM
9. Itinuturing na tama ang argument dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinyon o emosyon ng
mga tao. ARGUMENTUM AD POPULUM
10. Ang palasing ito ay pinagpapalagay na hindi totoo nag anumang hindi napapatunayan at totoo
ang hindi napapasinungalingan. ARGUMENTUM AD IGNORANTIAM

LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig na ideya ng mga pahayag. Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat sa
sulatang papel.
1. Wikang pinag-uagatan ng salitang discursus na tumutukoy sa diskurso.
a. Griyego
b. Latin

c. Pranses
d. Aleman

2. Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa lahat ng modalidad at konteksto


na maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon.
a. Wika
b. estilo

c. retorika
d. Diskurso

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng pasulat na diskurso?


a.
b.
c.
d.

May malay sa paggamit ng wika?


Likas o natututunan sa prosesong natural
Gumagamit ng grapema
Isinasaalang-alang ang audience

4. Kahulugan ng salitang pragmaticos na mula sa wikang Griyego.


a. Praktikal
b. Awtomatik

c. teoretikal
d. Lingguwistik

5. T eorya sa diskurso na pinasimulan ni Jane L. Austin


a. Varationist
b. Pragmatics

c. Speech act
d. Ethnography of Communication

6. Maituturing na sangay ng lingguwistika na nakatuon ang pag-aaral kng paanong lumilikha at


nauunawaan ang pahayag sa isang kongkretong sitwasyon ng pag-uusap.
a. Varationist
b. Pragmatics

c. Speech Act
d. Ethnography of Communication

7. Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba ng mga wika na makikita sa tono o punto sa
pagsasalita, intonasyon at kahulugan ng mga salita.

a. Varationist
c. Pragmatics

c. Speech Act
d. Ethnography of Communication

8. Teoryang pinasimulan ni Dell Hymes.


a. Varationist
d. Pragmatics

c. Speech Act
d. Ethnography of Communication

9. Pagsasabi ng pahayag na may angking kahulugan sa tradisyonal nitong kalagaayaan.


a. Locutionary Act
b. Perlocutionary Act

c. Illocutionary Act
d. Speech Act

10. Anyo ng pahayag na naglalayong manghikayat, pagpapatotoo, humadlang o manlinlang.


a. Locutionary Act
b. Perlocutionary Act

c. Illocutionary Act
d. Speech Act

11. May tiyak na puwersa tulad ng pag-uutos, pagbabala, pagpapabaatid at iba pa.
a. Locutionary Act
b. Perlocutionary Act

c. Illocutionary Act
d. Speech Act

12. Pangunahing elemento ng retorika na patutunguhan ng mensahe na dapat isaaalang-alang sa


paglinang ng ideya.
a. Paksa
b. Layunin

c. Audience
d. Komunidad

13. Ito ang naagtatakda ng hangganan at landas na tutunguhin ng isang ideya.


a. Paksa
b. Layunin

c. Audience
d. Komunidad

14. Hindi magiging mahusay na pinuno ng bansa ang politikong katulad ni Z at kung kaya huwag
natin siyang iboboto sapagkat isa siyang bakla.
a.
b.
c.
d.

Argumentum ad hominem
Argumentum ad misericordiam
Argumentum ad baculum
Argumentum ad ignorantiam

15. Dahil wala namang sumasaksi kung kaya si Ginoong B ay ipawawalang sala. At dahil wala ngang
saksi na magpapatunay, sila ay walang kasalanan sa nasabing krimen.
a.
b.
c.
d.

Argumentum ad hominem
Argumentum ad misericordiam
Argumentum ad baculum
Argumentum ad ignorantiam

16. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran upang pagtakpan ang tunay na diskurso ng argument.
a.
b.
c.
d.

Argumentum ad hominem
Argumentum ad misericordiam
Argumentum ad baculum
Argumentum ad ignorantiam

17. Ginagamitan ng kapangyarihan o awtoridad ang isang kaargumentong tao.


a.
b.
c.
d.

Argumentum ad hominem
Argumentum ad misericordiam
Argumentum ad baculum
Argumentum ad ignorantiam

18. Ang wika ang kasangkapan sa komunikasyon.


a.
b.
c.
d.

Problema at Solusyon
Sanhi at Bunga
Paghahambing at Pagkokontrast
Pagbibigay Kahulugan

19. Madalas siyang magpuyat tuwing gabi kaya palagi siyang huli sa pang-umagang klase.
a.
b.
c.
d.

Problema at Solusyon
Sanhi at Bunga
Paghahambing at Pagkokontrast
Pagbibigay Kahulugan

20. Malaki na ang epekto sa tao ng pagkaasira ng kalikasan. Hindi pa huli ang lahat basta maging
responsableng mamamayan at matutong pangalagaan ang ating kapaligiran.
a. Problema at Solusyon
b. Sanhi at Bunga
c. Paghahambing at Pagkokontrast
d. Pagbibigay Kahulugan

p. 147

Pag-unawa sa Paksa

A. Ano ang pinakamahalagang isaalang-alang bago magsulat ng akda o komposisyon? Bakit?

Magsagawa ng panimulang pananaliksik. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng


kaalaman ukol sa iyong paksa. Ang akda ay magiging malaman at informatib. Masasabi mo na ang iyong
opinyon na may basehan at sa pamamagitan ng iyong mga nasaliksik, maaari ka ring makapagpabago ng
paniniwala dahil ang mambabasa ay mas naniniwala sa isang akdang may datos at basehan.

B. Habang sumusulat, ano ang dapat matiyak upang maging maayos ang sariling akda?

Mahalaga habang sumusulat ang tiyak na tesis na nagsasaalang-alang ng Layunin, Tono,


at Estilo na iyong gagamitin. Ang limitasyon din ng sasaklawin ng paksa ay mahalaga dahil ito ay
magsisilbing gabay habang ginagawa mo ang iyong akda.

C. Kailangan ba ang rebisyon? Ipaliwanag.

Oo, mahalaga ang rebisyon dahil sa pamamagitan nito, nasusuri natin ang ating akda,
nakikita at nababago ang pagkakamali tulad ng gramatika, ispeling at bantas at maaari pa tayong
makadagdag ng ideya o makabawas ng hindi kinakailangan upang masigurado na maayos ang ating
akda.

You might also like