You are on page 1of 8

Pangalan: John Timothy G.

Kho

Seksyon: 9 Molave

SURING PELIKULA/TELESERYE

I. Mga Batayang Impormasyon


a. Pamagat: Ilustrado
b. Direktor: King Mark Baco
c. Prodyuser: Jason Bernard Santos
d. Mga Pangunahing Artista

Alden Richards
Kylie Padilla
Max Collins
Solenn Heusaff
Polo Ravales
Lito Legaspi
Jaclyn Jose

e. Rating mula sa MTRCB: Parental Guidance

II. Buod
Isinilang sa Calamba, Laguna, si Jose Rizal ay anak nina Don Francisco at Donya Lolay.
Simula pa ng pagkabata, kinakitaan ng katalinuhan at kahusayan sa sining at pagsalita sa
harap ng madla si Rizal. Nakilala niya si Leonor Rivera, ang kanyang pinakaiibig at sila ay
naging magkasintahan. Siya ay nag-aral at nagtapos sa Unibersidad de Santo Tomas bago
pumunta sa Espanya. Sa Espanya, nagtapos siya ng kursong medisina at naglathala ng
kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere. Siya ay sumama sa kapwa niyang ilustrado at sila
ang mga matatalino at mahuhusay na estudyanteng may adhikaing magkaroon ng reporma sa
pamahalaan. Siya ay umuwi ng Pilipinas upang gamutin ang kanyang ina na may problema sa
mata at upang mapakasalan si Leonor Rivera ngunit hindi sila pinayagang magkita pang muli.
Naputol ang kanilang komunikasyon at sa halip, napakasal si Leonor kay Charles Kipping, isang
inhinyerong Ingles. Pagkarinig ng balita ni Rizal, na nasa Espanya muli pagkatapos maging
mainit siya sa mga mata ng prayle sa Pilipinas, siya ay nanlumo at pinaghinaan ng loob. Ngunit
sa tulong ng kapwa niyang ilustrado ay nagawa niya ang El Filibusterismo, na sa tulong ni Don
Valentin ay nailimbag itong nobela. Bago umuwi si Rizal ay pumunta siya sa Hong Kong, kung
saan nakipagkita siya sa kanyang pamilya, at sa huli napagdesisyunan niyang umuwi na sa
Pilipinas. Pagkarating niya sa Pilipinas, siya ay ipinakulong at ipinabaril sa Luneta.

III. Banghay ng Kuwento


1. May pagbabalik-tanaw ba ang pelikula? Naging madali ba o mahirap ang daloy ng kuwento?
- Ang palabas ay naglagay ng mga pagbabalik-tanaw na nagpaliwanag ng emosyon ng tauhang
tinutukoy nito. Naging mahirap ang daly ng kuwento dahil sa kada susunod na eksena ay mas
kapana-panabik ang mga pangyayari.
2. Anu-anong tunggalian ang nakita sa serye/pelikula?

- Nagkaroon ng mga tunggalian sa pagitang ng mga Pilipino at ni Padre Amado, ang mga
pagmamalupit ng mga guwardiya sibil sa mga Pilipino, ang kahirapan at kakulangan sa pera ng
mga ilustrado, ang pagpataw ng mataas na buwis at ang mga magsasakang mahihirap; at ang
pagsiklab ng rebolusyon laban sa mga Kastila.
3. Naging malabo, mabagal, o mabilis ba ang takbo o daloy ng pelikula/serye?
- Sa una ay tama lang at naging malinaw ang mga pangyayari, ngunit sa dulo ay binilisan nila
ang takbo at maraming eksena ang nawala tulad na lamang ng buhay ni Rizal sa Dapitan.
4. May pangyayari bang nabago mula sa simula hanggang huli ang pelikula/teleserye?
- Ang pagiging tahimik at walang-imik ng mga Pilipino sa mga pang-aalipusta ng mga kastila ay
napalitan sa huli ng pag-aalsa at sa hangarin ng mga itong lumaya.
5. Naging maayos ba ang kinalabasan ng pelikula/teleserye?
- Oo, naipakita ng teleserye kung paanong nagamit ni Rizal ang kanyang katalinuhan upang
mabago ang sistema sa mapayapang paraan.
6. Ano ang mensahe nito? Ano ang namutawi sa iyong isipan matapos mapanood ito?
- Ang mensahe nito ay ang kaalaman ay makakatulong upang maintindihan natin ang ating
buhay at ito ang maaring magpaangat sa ating buhay.

IV. Tauhan
1. Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan.
a. Jose Rizal: isang manunulat na nagbukas ng isipan ng mga Pilipino sa kanyang mga akda.
b. Leonor Rivera: ang unang pag-ibig ni Jose Rizal
c. Nellie Boustead: ang nag-akit kay Jose Rizal sa ibang bansa pagkatapos masawi sa pag-ibig
ni Rizal.
d. Donya Lolay: ina ni Jose Rizal
e. Padre Amado: ang prayleng may galit sa pamilyang Mercado
f. Conchita Monteverde: ang umaangkin sa lupain ng pamilyang Mercado.

2. Makatotohanan ba ang pagganap ng tauhan?


- Ang iba ay oo at iba ay hindi.
3. Paano pinalutang ang karakter ng pangunahing tauhan?
- Sa pagbibigay pokus sa kanyang naitulong at mga ginawa para sa kanyang pamilya at sa
bayan.
4. Sinong artista ang mahusay ang pagkakaganap? Ipaliwanag.
- Si Lito Legaspi bilang Padre Amado ay nagpakita ng kahusayan dahil kanyang naipakita ang
pagiging sakim at makasarili ng mga Kastila.

V. Kaligiran at Eksena
1. Sa anong panahon o lugar nangyari ang kwento sa pelikula/teleserye?
- Panahon ng Kastila, sa Pilipinas
2. Makatotohanan ba ang mga eksena at hindi halatang ginanap sa iisang lugar o studio
lamang?
- Oo
3. Naging makatotohanan ba ang mga bagay na ginamit tulad ng bahay, mga pagkain, damit,
sapatos, at iba pa ayon sa takbo ng kuwento?
- Oo
4. Anu-ano ang iyong napunang mga bagay na maganda o maayos at di maganda o di maayos
ang pagkakagawa? Ipaliwanag.
- Ang mga bagay na maganda ay ang mga eksena sa ibang bansa at ang mga di-maganda ay
ang mga eksenang inedit lamang sa kompyuter dahil ang mga eksenang ito ay hindi
makatotohanan at mapapansin kaagad na hindi totoo.

VI. Audio-Visual Effects


Bigyang reaskyon ang mga sumusunod:
1. Tunog: ang tunog ay malinaw at ang bawat salita ay malinaw ang pagkakabigkas.
2. Sinematograpiya: nasa katamtaman lamang at ang ibang eksena ay hindi maayos.
3. Visual effects o camera tricks: malinaw ngunit may mga parting magulo.

VII. Konklusyon at Rekomendasyon:


1. Maganda ba ang pelikula/teleserye? Oo o Hindi, at bakit?
Oo, dahil ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa ating nakaraan at pinag-iibayo nito ang
ating damdaming makabayan.
2. Napanatili ba nito ang mga interes ng mga manonood?
Hindi masyado, dahil hindi lahat ng manonood ay may interes sa mga gantong paksa.
3. Mairerekomenda mo ba ito sa ibang estudyanteng tulad mo? Bakit?
Oo, dahil ito ay nakapagdaragdag ng kaalaman tungkol sa ating bayani at pwede itong
magsilbing modelo upang ating gayahin.

Gng, Ma. Lirio S. Cruz


(Guro sa Filipino 2014)
Episode 1

Makikita sa una na may grupo ng preso na nagbabalak tumakas. Sa Calamba


naman, nagbibigay ng serm
on si Padre Amado at inaatake ng sermon ang mga
indio. Isang araw ay nanganak si Donya Lolay at ito ay si Jose Rizal. Isang araw,
ginarote ang mga paring GomBurZa. Ikinuwento ni Paciano sa kanyang mga
magulang ang kalupitan ng mga prayle. Binalaan ng kanyang magulang na ang
ganitong pag-iisip ni Paciano ay maaring magdulot ng problema sa kanilang
pamilya. Isang araw, nakuwento ni Donya Lolay kay Rizal ang mga higante sa
bundok, at sa kagustuhan Makita ang mga ito ay pumunta si Rizal sa bundok.
Episode 2
Gabi na ngunit si Rizal ay hindi pa rin nakikita. Huminging paumanhin si
Donya Lolay sa pagtataas ng boses kay Lina dahil sa kakulangan sa pag-aalaga sa
kanyang anak. Dumating si Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Paciano na
nakakita sa kanya sa gubat. Sa panahon ng Pasko nagpasyang pumunta ang
pamilya Mercado sa bahay ni Don Jose. Pinilit naman ni Paciano na kumanta si Rizal
para sa isang presentasyon ngunit ayaw nito pumayag. Sa pagsasaya sa bahay ni
don Jose ay sinimulan na ang presentasyon ng pagkanta. Naunang kumanta si
Venchito, ang anak ni Conchita na sinundan ni Rizal ung san siya ay pinagtawanan
dahil wala sa tono ang kanyang pagkanta. Tinanong naman ni Lina kung nagging
maayos ba ang pagkanta ni Rizal at inalo ang bata sa pagbigay nito sa kanya ng
laruan, Kalaunan ay nag-aral sa Bian si Rizal.
Episode 3
Nakipag-away si Venchito kay Rizal. Buti na lamang at nasaway sila ng
kanilang guro. Bilang bata, si Rizal ay may angking kagalingan sa sining. Pagkauwi
niya, tinanong siya ng kanyang nanay sa kanyang nagging unang araw sa paaralan
at nakita na may sugat siya at inalo niya ito. Dumating naman si Don Jose at
tinuruang sumuntok si Rizal. Sa bahay nina Don Jose ay nag-away na naman sila ng
kanyang asawa na si Donya Teodora. Bumalik na si Rizal para sa kanyang susunod
na klase. Hinuli naman ng mga guwardiya sibil si Lolay dahil pinaratangan ito ni
Teodora na lalasunin siya ni Lolay.
Episode 4
Binisita ng pamilyang Mercado si Lolay sa kulungan. Iniharap naman sa
hukuman si Lolay. Sinabi ni Paciano na pinatatagal nila ang kaso sa hukuman upang
mapatagal ang pagkakakulong ni Lolay. Hinatulan din ng hukuman sa dulo ng 2
taong pagkakabilanggo si Lolay sa Sta. Cruz. Pinaglakad si Lolay mula sa Calamba
hanggang Sta. Cruz. Sa kanyang pag-aaral sa Ateneo ay nagpakita siya ng
katalinuhan at kahusayan sa sining. Nagpresenta naman ng sayaw si Josefa sa
harap ng Gobernador-heneral, at dahil natuwa ang gobernador heneral sa kanyang
pagsayaw ay pinalaya nito si Donya Lolay.
Episode 5
Isang araw, ang binatang si Rizal ay lumalangoy sa lawa. Kumain sila, at
pagkatapos ay kinausap sila ng kanilang magulang. Sinabi ni Lolay na hindi
maganda ang kaalaman dahil ito ay nagdudulot ng kapahamakan. Sa Intramuros
naman ay nakitang saglit ni Rizal si Leonor ngunit sila ay hindi pa magkakilala.
Binigyan ng kanyang kuya Paciano si Rizal ng pera upang mabuhay sa Maynila at
hinatid ito sa bahay na kanyang titirhan. Lumaon nakilala ni Rizal si Leonor Rivera.
Episode 6

Nagpakilala na si Rizal at Leonor Rivera sa isat isa. Isang araw ay


inimbitahan nilang kumanta si Rizal ngunit dahil sa ala-ala niya mula pagkabata,
siya ay nahimatay. Ikinuwento niya sa kanyang pamilya si Leonor. Isang gabi,
kumanta sa harap ng bahay ni Leonor si Rizal ngunit maya-maya ay tumula na
lamang ito. Pinatuloy ni Leonor si Rizal sa kanilang bahay at sila ay nakapag-usap.
Episode 7
Isang gabi, hindi napansin ni Rizal nang guwardiya sibili kung kayat siya ay
nabugbog. Pumunta siya sa bahay nila Leonor ngunitr pagkaraan ay umalis na.
Pagkabalik niya sa kanilang bahay, siya at ang kanyang pamilya ay kumakain at
napansin ni Rizal na lumalabo na ang paningin ng kanyang ina. Kanyang
napagdesisyunan na mas magsikap pa sa pag-aaral upang magamot ang kanyang
ina. Sa pulong ng mga estudyante ay pinipilit siyang isama ngunit si Rizal ay hindi
pumayag. Habang siya ay naglililok sa isang silid ay binisita siya ni Leonor at nakita
ang kanyang guhit na larawan ni Leonor. Nung umalis na si Leonor, nakita ni Rizal si
Eduardo na pinipilit siyang magsumamo sa Gobernador Heneral dahil siya ay
nabugbog ng guwardiya sibil. Ngunit hindi sila pinayagang pumasok at itinaboy sila
ng mga guwardiya.
Episode 8
Namasyal sila Rizal at Leonor sa baybaying dagat. Isang araw, nakipagusap si
Paciano sa kanyang mga tiyuhin na nag-aalok sa kanya na mag-aral sa Europa,
ngunit sinabi ni Paciano na mas karapat-dapat na mag-aral si Rizal dahil ito ay
magaling sa maraming larangan at matataas ang marka. Isang araw ay nagkita
muli si Rizal at Leonor at sila ay namasyal muli. Isang araw, sinabi ni Paciano na si
Rizal ay mag-aaral sa Europa.
Episode 9
Pinuntahan ni Rizal si Leonor sa simbahan at nagpaalam bago siya umuwi sa
Calamba. Umuwi siya sa Calmba at nagpaalam bago magpatuloy upang kunin ang
kanyang pasaporte papuntang Europa. Nagpabigay siya ng liham kay Paciano para
sa kanyang magulang at isa pang liham para kay Leonor. Umiyak si Leonor sa
pagkakabasa ng liham mula kay Rizal. Sumakay si Rizal sa barkong Salvadora at
dumaong ang barko sa Marseilles, France.
Episode 10
Dumating na si Rizal sa Espanya at pagkatapos pumunta sa kanyang kuwaro
ay gumawa ito ng liham para sa kanyang pamilya at kay Leonor. Ikinukuwento niya
ang hirap ng mga kursong kanyang pinag-aaralan sa Europa. Isang araw ay
tinamaan si Tiya Lina ng cholera atr namatay, ngunit tumanggi si Padre Amado na
bendisyunan ito sapagkat siya ay Indio. Napag-alaman ito ni Rizal sa Espanya.
Kalaunan si Rizal ay pinakilala din sa iba pang ilustrado sa Espanya.
Episode 11
Sa kanyang buhay sa Espanya ay nakita niya si Benchito, ang kanyang
kaaway mula pagkabata. Habang nakikinig sa isang demonstrasyon, pumasok ang
mga pulis at pinaghuhuli ang mga estudyanteng nakikinig roon. Nakilala niya si
Consuelo, anak ng dating alkalde sa Maynilla. Nakakuha siya ng padalang pera mula
sa kanyang kuya Paciano at nakatanggap rin siya ng liham at minatamis na santol.
Sa sakahan naman nila Paciano ay dumating si Padre Amado at ginawang 30
porsyento ang buwis at dahil ditto ay nagalit si Paciano. Sa isang pagsasama ay

pinakita ni Rizal ang kanyang talento sa pagtutula. Pagkatapos nito ay nakausap


niyang muli si Consuelo.
Episode 12
Nakita ni Benchito sina Consuelo at Rizal na magkausap at sinabi niya it kay
Eduardo na nagpagalit dito. Pinagalitan naman ng ina ni Leonor si Leonor dahil
naniniwala pa itong babalik si Rizal para sa kanya. Umiyak si Leonor dahil sa tindi
ng kalungkutang nararamdaman niya. Sa sobrang galit ni Eduardo ay sinuntok niya
si Rizal, ngunit sinabi ni Rizal na lalayuan niya si Consuelo. Samantalay nagalit si
Rizal sa kanyang kapwa ilustrado dahil sila ay nagpapakasaya lamang. Dumating
naman sina Padre Amado at Conchitasa bahay nila at nnagpapabayad na ng buwis.
Buti na lamang at nabayaran ito ng sapat ni Paciano at umalis na sila. Sumulat ng
liham si Rizal para sa kanyang ina nagsasaad ng kanyang kondisyon. Sumulat
pabalik ang kanyang ina na sinusuportahan ang kanyang anak. Ang pamilya naman
ni Rizal ay patuloy na naghahanap ng iba pang mapagkukunan ng pera upang
mabuhay ang kanilang mga sarili. Sinabi naman ni Rizal na kailangan niya ng
layuan si Consuelo upang hindi masira ang kanyang pakikipagkaibigan kay Eduardo,
at naipangako niya na ang kanyang pag-ibig sa ibang tao. Nagpaalam na si Rizal
kay Consuelo. Inanyahan naman siya sa piging nina Juan Luna at Felix Hidalgo dahil
sa kanilang pagkakapanalo sa isang kompetisyon sa sining.
Episode 13
Sinabi naman ni Paterno na si Rizal na lamang ang magbibigay ng talumpati.
Nagbigay si Rizal ng talumpati at pinalakpakan siya ng mga tao. Inanyahan naman
siyang ibahagi ang kalagayan tungkol sa Pilipinasw na kanya naming ikinatuwa.
Lumabas ang pangalan ni Rizal sa diyaryo at nakita ni Leonor, na siyang nagpasabik
at nagpaasa rito. Nagalit ang kanyang ama dahil sa kanyang pagbabatikos.
Nagmungkahi naman si Rizal na gumawa ng nobela na magsasaad ng kalagayan ng
Pilipinas. Si Rizal naman ay tinanggap na bilang doktor sa mata. Isinaad niya na nais
niyang magpatayo ng klinika sa Pilipinas upang makatulong sa kanyang mga
kababayan. Sinimulan na niyang gawin ang kanyang nobelang Noli Me Tangere.
Nagsimula ng magkasakit si Rizal dahil na rin sa kakulangan niya ng pera.
Ipinalimbag naman ni Maximo Viola ang nobela ni Rizal.
Episode 14
Dumating sa Pilipinas ang nobela ni Rizal. Nabasa ito ng kanyang pamilya at
iba pang magsasaka. Ipinabasa ng galit na Conchita kay Padre Amado ang Noli Me
Tangere at sinabing pinapatamaan ng libro ay si Padre Amado. Napag-alaman
naman ni Rizal na tuluyan ng nabulag ang kanyang ina at kanyang napagpasyahang
umuwi sa Pilipinas. Nakita na ni Rizal ang kanyang ina at sinabi niyang gagamutin
niya ang kanyang ina. Inoperahan niya ang kanyang ina. Napag-alaman naman ni
Leonor na nasa Pilipinas na si Rizal. Nakakita na ang kanyang ina at tinulungan niya
ang iba pa niyang kababayan. Nagkita na rin si Leonor at Rizal at binigyan ni Rizal si
Leonor ng singsing. Ngunit siya ay nanaginip lamang. Pinagbawalan naman ng
kanyang magulang si Leonor na makipagkita kay Rizal. Umiyak sa sobrang
kalungkutan si Leonor. Kinausap naman ng gobernador heneral si Rizal ast sinabing
babasahin niya ang nobela at sasabihin kung ito ba ay masama o hindi.
Episode 15
Sinunog ng mga magsasaka ang mga kopya ng nobela dahil sinabing ang
sinumang mahuhulihan na may pagmamay-ari sa nobela ay siyang huhulihin at
kakamkaman ng ari-arian. Binalak ni Rizal na pakasalan si Leonor ngunit pinigilan

siya ng kanyang nanay. Dumating naman ang kanyang tatay na naghihikahos


bagkus ay napigilan si Rizal na pumunta kay Leonor. Lingid sa kaalaman ni Rizal,
ipinagkakasundo ng kasal si Leonor kay Charles Kipping, isang inhinyerong Ingles.
Habang nakaratay ang kanyang ama, pinilit nito si Rizal na huwag pakasalan si
Leonor. Silay ay nagsusulatan, ngunit lihim na nakita ng ina ni Leonor na
tumatanggap si Leonor ng sulat mula kay Rizal. Nag-usap sina Padre Amado at
Conchita na mapupunta ang mga lupain ng pamilya ni Rizal kay Conchita kapag sila
ay napaalis na ni Padre Amado. Kinausap naman ng ina ni Leonor ang mensahero
upang ibigay sa kanya ang mga sulat ni Leonor at Rizal sa isat isa. Nagpaalam
naman si Rizal sa kanyang pamilya dahil sa panganib na dala ng kanyang presensya
sa Calamba. Sa kanyang pagbabalik sa Espanya ay binalak niyang gumawa ng
panibagong nobela na may paksang rebolusyon. Nagtaka naman sina Leonor at
Rizal kung bakit wala pa silang natatanggap na liham mula sa isat isa.
Nakatanggap naman ng rosas si Leonor mula kay Charles Kipping. Nakipaglaban na
may siya ng fencing kay Antonio Luna at kalaunan ay kay Nellie.
Episode 16
Nagkakilala sila Rizal at Nellie. Si Leonor naman ay wala pa rin siyang gusto
kay Charles Kipping. Pinipilit man ng kapwa niyang ilustrado si Rizal kay Nellie,
sinabi nitong may nagmamay-ari ng kanyang puso. Nag-usap ulit sina Conchita at
Padre Amado at napag-usapan nila ang pagpupulong ng magsasaka. Bumalik
naman si Benchito sa Pilipinas. Pinag-usapan nila kung paano nila mapapalayas ang
mga Mercado sa kanilang lupain.
Ipinagtapat ni Kipping ang kanyang
nararamdaman para kay Leonor. Pumayag si Leonor na ikasal kay Charles Kipping.
Ang balitang ito ay umabot kay Rizal sa Espanya na nagdulot ng matinding
kasawian para dito. Isang gabi ay nakita ni Leonor ang mga sulat ni Rizal para sa
kanya na itinago ng kanyang nanay. Bago ikasal si Leonor ay nagbigay ito ng 3
kondisyon sa kanyang nanay. Samantala ay sobrang sawi si Rizal sa Espanya at
halos mabaliw na sa kanyang kondisyon.
Episode 17
Naging malala ang kondisyon ni Rizal at siya ay binisita ng kapwa niyang
ilustrado at siya ay tinutulungan nilang iayos ang kondisyon ni Rizal. Isang
tanghalian, dinakip ng mga guwardiya sibil si Paciano at inakusahan ito ng pagiging
filibustero at ipinatapon ito sa Mindoro. Sinunog ng mga Kastila ang mga bahay sa
lupain ng mga Dominikano. Dumating ang balita kay Rizal sa Espanya. Nagdiwang
sina Benchito at Conchita dahil makukuha na nila ang mga lupain. Nagkita muli sina
Rizal at Nellie sa Espanya. Habang si Rizal ay nasa Espanya ay nakipagrelasyon ito
kay Nellie. Ang mag-iina naman ay hiningan ng sedula at hinuli sila dahil nalamang
gumagamit ng alias ang ina. Nag-away si Antonio at Rizal dahil kay Nellie at buti na
lamang ay napigilan. Kalaunan, napagdesisyunan ni Rizal na pakasalan si Nellie.

Episode 18
Sa kanilang daan papuntang hukuman kasama ang guwardiya sibil ay pagod
na pagod na sa kakalakad si Donya Lolay. Samantala, hindi pumayag ang nanay ni
Nellie na pakasalan nito ay si Rizal. Sinabi ni Nellie na marahil ito sa relihiyon ni
Rizal, at sinabi niyang magpalit ng relihiyon si Rizal ngunit hindi pumayag si Rizal.
Nagalit si Nellie at umalis na si Rizal sa kanilang bahay. Pumunta siya sa panibagong
bahay, at humingi rin ng pera sa kapwa ilustrado para sa kanyang bagong nobela.
Pumayag naman ang naglilimbag na bayaran ni Rizal ng paunti-unti ang para sa
kanyang nobela. Sinisingil naman ng may-ari ng paupahan sina Rizal at Jose dahil

hindi pa sila nagbabayad. Nakatanggap naman sila ng sulat mula kay Valentin na
naglalaman ng pera para sa pagpapalimbag ng nobela ni Rizal. Natapos na ang
nobela ni Rizal na may pamagat na El Filibusterismo. Samantala, ilang araw na
masama ang pakiramdam ni Leonor at nagsusuka. Natuwa si Kipping sa balita. Sa
Hong Kong naman ay nagpagawa ng bagong klinika sa Rizal. Sa Pasko ay nagkitakita si Rizal at ang kanyang pamilya.
Episode 19
Nag-usap-usap ang pamilya at sinabi ng ama ni Rizal na susuportahan nila ito
sa kanyang ipinaglalaban. Nagalit si Padre Amado dahil nabalitaan na niya na
gumawa ulit ito ng panibagong nobela. Naging marahas sa kanyang pamamahala si
Benchito sa kanilang lupain. Ipinaalam din ni Paciano ang pagkakaroon ng
maraming kilusan sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Napagpasyahan ni Rizal na
umuwi sa Pilipinas upang mapatunayan na hindi siya puro salita lamang.Pagdating
sa Maynila ay nakita niya ang kanyang kapatid at kanyang pamangkin. Galit na galit
si Padre Amado dahil wala pa rin ginagawa kay Rizal. Napag-alaman naman ni
Leonor na nasa Pilipinas na si Rizal. Binalak naman nina Padre Amado na ilagay ang
mga polyetos ng mga erehe upang magmukhang kasama si Rizal sa kilusan.
Episode 20
Umalis si Isidra upang pagbantaan si Rizal sa mga plano ni Padre Amado.
Ngunit nahuli si Isidra ni Padre Amado at sinabi ito kay Benchito. Pinaglalatigo ni
Benchito si Isidra. Nagkita rin si Andres Bonifacio at Si Jose Rizal. Si Leonor naman
ay nanganak na, ngunit ito ay namatay pagkatapos. Nadiskubre ng awtoridad ang
mga polyetos at ipinakulong si Rizal. Nagsisimula na rin ang kilusang ginawa ni
Andres Bonifacio. Nalaman ni Rizal ang pagkamatay ni Leonor sa kulungan.
Nagsimula na ang rebolusyon ni Andres Bonifacio at pinunit na nila ang kanilang
mga sedula. Pinatay na rin si Padre Amado. Sinunod nilang patayin si Benchito.
Sinunog nila ng buhay si Conchita sa gitna ng gubat. Sa huli, pinatay ng mga Kastila
si Rizal.

You might also like