You are on page 1of 2

PYESA NG MASINING NA PAGKUKWENTO

PARA SA ELEMENTARYA

Ang Leon at ang Daga

Isang araw, natutulog ang mabagsik na Leon. Isang daga ang naparaan at
siyay naamoy ng leon kayat itoy nagising. Bigla itong hinuli ang daga.
Nagmakaawa sa leon ang daga.
Maawa ka sa akin! Huwag mo akong kainin! Sa liit kong itoy hindi ka
mabubusog. Pakawalan mo na ako. Balang araw ay makagaganti rin ako sa
iyo.
Sa liit mong iyan, paano ka makakatulong sa akin? sagot na patanong ni
Leon.
Hindi ko alam. Pero nasisiguro ko, makakatulong ako sa iyo, sagot ni Daga.
Magpasalamat ka at kakakain ko lang. Sige, makakaalis ka na, sabi ni Leon.
Maraming salamat, sabi ni Daga na nagmamadaling umalis.
Minsan, habang naglalakad sa gubat si Leon, hindi nya napansin ang isang
bitag. Nakita na lamang niya ang sarili sa loob ng isang lambat.
Tulungan niyo ako! sigaw ni Leon.
Nakita ni Usa ang nangyari kay Leon. Lumapit ito.
Tulungan mo ako, kaibigan, pakiusap ni Leon kay Usa.
Pakakawalan kita, pagkatapos ay kakainin mo rin ako. Ayoko! sagot ni Usa
sabay alis.
Hindi malaman ni Leon ang gagawin. Paikut-ikot siya, nagpipilit na
makawala. Isang Unggoy ang naparaan.
Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako, sambit ni Leon kay Unggoy.
Ano? Pakakawalan kita? Kahapon lang ay hinabol mo ako para kainin. Tapos
ngayon, tutulungan kita?
Hindi, ayoko! sagot ni Unggoy. At nagpatuloy ito sa paglakad.
Siya naming pagdating ni Daga.
Tutulungan kita, kaibigan, ang sabi ng daga kay Leon
Paano mo ako matutulungan? Napakaliit mo, Pagalit na sagot ni Leon.
Hindi na sumagot ang daga. Sinimulan nyang ngatngatin ang lambat
hanggang makagawa siya ng butas na daraanan ni Leon.
Sa wakas, nakalabas din si Leon. Anong tuwa niya!

Maliit ka nga pero malaki ang nagawa mo. Salamat, kaibigan. Makakaganti
rin ako sa iyo. Sabi ni Leon.
Huwag mo nang alalahanin iyon. May utang na loob din ako sa iyo. Sagot
ni Daga.

You might also like