You are on page 1of 22

LUNGSOD NG PATEROS

Ang Pateros ay isang bayan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kilala ang bayan na ito sa
industriya ng pagpapalaki ng mga bibe at lalo na ang paggawa ng balut, isa Filipinong pagkain
na pinakuluang itlog ng bibe. Napapaligiran ang Pateros ngLungsod ng Pasig sa hilaga, Lungsod
ng Makati sa kanluran, at Lungsod ng Taguig sa timog.
Pinakamaliit na bayan ang Pateros sa mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila
pareho sa populasyon at lawak ng lupain, ngunit ito ang ikalawang makapal ang popuplasyon na
mayroong mga 27 katao sa bawat kilometro kuadrado pagkatapos ng Maynila. Ito rin ang nagiisang bayan sa buong Kalakhang Maynila.

LUNGSOD QUEZON

Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City, pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay
dating kabisera at ang pinakamataonglungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa
ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ngKalakhang Maynila, ang
Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang
dating pangulo ngKomonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang
palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.

Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon,
na ipinangalan din sa dating pangulo.
Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang
ang Batasang Pambansa, ang upuan ngKapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang
mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus
ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman.
Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.
Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa
mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong
kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang
mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.

Lungsod ng Kalookan

Ang Lungsod ng Kalookan (Ingles: Caloocan City) ay isa sa mga lungsod na kasama sa
binubuo ng Kalakhang Maynila saPilipinas. Matatagpuan sa hilaga at katabi ng Maynila, ito ang
pangatlo sa pinakamalaking lungsod sa bansa na may 1,177,604 populasyon.
Sa heograpiya, nahahati ang lungsod sa dalawang saklaw. Matatagpuan ang Katimogang
Caloocan sa hilaga ng Maynila at napapaligiran ng Lungsod ng Malabon at Lungsod ng
Valenzuela sa hilaga, Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang
teritoryo ng Kalakhang Maynila ang Hilagang Kalookan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga
ng Lungsod Quezon, at timog ng Lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.

LUNGSOD NG MAYNILA

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong
lungsod ng Pilipinas at isa sa 17 lungsod at munisipalidad[bayan] na bumubuo ng Kalakhang
Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynilana nasa kanlurang bahagi

ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga
sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong
katao.[1][2]
Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro,[3][4] ay ang pangalawang
pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong
naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon, ang dating punong lungsod ng bansa.
Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.[1]
Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo
mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula
sa Kuala Lumpur. Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng
ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa
mula sa tubig.
Noong kapanahunan ng mga Hispano, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na
pamayanan na pumapalibot sanagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang
orihinal[tunay] na Maynila. Ang Intramuros ay isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na
haligi[tanggulan] sa timog Silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng mga
misyonaryongHeswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga
mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa
katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham.
Ang Maynila ay tinatabihan ng ilang lungsod sa Kalakhang Maynila katulad ng lungsod ng
Navotas at lungsod ng Kalookan sa hilaga, lungsod Quezon sa hilagang-silangan, lungsod ng San
Juan at lungsod ng Mandaluyong sa silangan, lungsod ng Makatisa timog-silangan at lungsod ng
Pasay sa timog.

LUNGSOD NG LAS PIAS

Ang Lungsod ng Las Pias (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa Kalakhang
Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng Lungsod ng Paraaque;
sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa timog ng Munisipalidad ng Imus,
Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran
ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential) ang kalahati ng nasasakupan ng lupain
samantalang pangkalakalan (commercial), industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati.
Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Pias ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal
Margin at Guadalupe Plateau.

LUNGSOD NG MAKATI

Ang Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte ng Kalakhang
Maynila. Ito ay ang sentro ngpananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang Makati
Central Business District o MCBD. Maraming mga maimpluwensiyang mga negosyante tulad ng
pamilyang Ayala ang nakatira dito. Dati itong matatagpuan sa lalawigan ng Rizalngunit inilipat
ito sa Kalakhang Maynila noong 1975. Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa
Pilipinas (Financial Capital of the Philippines).

LUNGSOD NG MALABON

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang


Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, tinatayang 353, 337 ang populasyon
nito noong 2010. Ito ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na lungsod at isa ito sa
may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong kabuuang lawak na 19.76
kilometro kwadrado.
Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na tinaguriang CAMANAVA.
Binubuo ang CAMANAVA ngLungsod ng CAloocan, MAlabon, NAvotas, at Lungsod ng
VAlenzuela. Napapaligiran ang Malabon ng Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran,
at Valenzuela sa hilaga. Nasa hilagang-kanluran naman ng hangganan nito ang Obando, isang
bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Kasaysayan
Ayon sa haka-haka, galing sa salitang maraming labong ang salitang Malabon. Unang tinawag
na bayan ng Tambobong, binuo ang Malabon bilang Visita ng Tondo ng mga Agustino noong
May 21, 1559 at nanatili sa pamamahala ng Lalawigan ng Tondo mula 1627 hanggang 1688

LUNGSOD NG MANDALUYONG

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng


ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang lungsod ng San
Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at ang Lungsod ng
Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng
Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa
Pilipinas".

Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila. Kabilang sa


maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas, isa sa mga
pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng Pasig ang
natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-tanggapan ng Asian
Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking
korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang SM Megamall, isa sa pinakamalaking shopping
mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center
matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle
Greenhills, isang tanyag na mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyong ng MRT sa bulebard
ng Shaw na itinuturing din isang mall, maliban na pagiging estayson, ay nagdurugtong ng tatlo
pang mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).
Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa
pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay
mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for Mental Health (Pambansang
Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong
ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan laganap ang kahirapan.

LUNGSOD NG MARIKINA

Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina), kilala
bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa Pilipinas, ay isang lungsod at bayan na bumubuo sa
Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dati itong punong lalawigan ng Maynilanoong ipinahayag ang
Kalayaan ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon, sa silangang hangganan ng Kalakhang
Maynila, napapaligaran ang Marikina ng Lungsod Quezon sa kanluran, Lungsod ng
Pasig at Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolosa silangan, ang kabisera ng lalawigan
ng Rizal, at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din. Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula
sa Lungsod ng Maynila.
Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong
Rehiyon sa Pilipinas, at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng Kalakhang Maynila. Bahagi rin
ito ng Metro Luzon Urban Beltway (Daanang-sinturon ng Mala-lungsod na Kalakhang Luzon).
Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng Gitnang Luzon, Timog Katagalugan o Calabarzon
at ang Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa
Pilipinas.
Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang Kapital ng
Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang pinakamalaking pares
ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of
Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala
din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa katunayan,
sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan kapag may
mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy).
Kakambal na lungsod ng Marikina ang Brampton, Ontario sa Canada.

LUNGSOD NG MUNTINLUPA

Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas, mahigitkumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga lungsod
ng Taguig, Paraaque at Las Pias sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman
ng Bacoor, Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang lawa ng bay sa silangan. Hinahati
ng South Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.
Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid Prison,
ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na taong
nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng Muntinlupa
o Munti ang salitang bilangguan.
Nagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga ng mga paring
Agustino noong 1601. May tatlong panig ang pinagmulan ng pangalang Muntinlupa bagama't
walang nakakatiyak kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng talaan o kasulatan tungkol dito.
May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa manipis na luwad na matatagpuan sa pook.
Mayroon namang iba na nanatiling may kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang
"Monte", bundok sa wikang Kastila, ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay
bulubunduking lupa. Mayroon din nagsasabing nagsimula ang pangalan dahil "Monte Sa Lupa"
ang sagot ng mga naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar
sa pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.

NAVOTAS

Ang Navotas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Sinasakop ng bayan ang
isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng Maynila. Nasa
diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng Malabon, at timog
ng Obando, Bulacan.
Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang
karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa
Look ng Maynila.
Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA.
Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Kalookan, Malabon, at Valenzuela.
Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito pagkati ng dagat, at
ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil sa mga proyekto na inumpisahan ng parehong
lokal at pambansang pamahalaan. Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang sa mga
suliranin na sinusubukang lutasin ng pamahalaan. Kilala ang Navotas sa kanyang
mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas". Nasa Navotas ang
pinakamalaki at pinakamakabagong pwerto sa pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa buong
mundo.
Tinatag ang Navotas noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging lungsod
noong Hulyo 24, 2006 sa bisa ng isang plebisito Republic Act 9387, na inaprubahan
noong Marso 10, 2007 sa bisa ng Artikulo 6, Sek. 27.1 ng Saligang Batas ng Pilipinas.

LUNGSOD NG PARAAQUE

Ang Lungsod ng Paraaque, o mas kilala bilang Paraaque, ay isa sa mga bayan at lungsod na
bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay naliligiran sa hilaga ng Lungsod ng Pasay,
ng Lungsod ng Taguig sa hilagang-silangan, Lungsod ng Muntinlupa sa timog-silangan, Lungsod
ng Las Pias sa timog-kanluran, at ng Look ng Maynila sa kanluran.

Pagiging Lungsod
Ang Lungsod ng Paraaque ay ang ika-11 na lungsod sa kalakhang Maynila (sumunod sa
Lungsod ng Las Pinas noong 1997), at hinirang bilang urbanisadong lungsod ni
dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 15 Pebrero 1998.

LUNGSOD NG PASAY

Ang Pasay ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito
ng Maynila sa hilaga, Lungsod ng Makatisa hilagang-silangan, Lungsod ng Taguig sa silangan
at Lungsod ng Paraaque sa timog.
Sa Kasalukuyan, nasa lungsod ng Pasay ang gusali ng Senado, ang Paliparang Pandaigdig ng
Ninoy Aquino, at ang SM Mall of Asia.
Isa sa mga orihinal na apat na lungsod ng Kalakhang Maynila ang Pasay. Hinggil sa pagiging
malapit nito sa Maynila, naging mabilis na lugar na urbano noong Panahon ng mga
Amerikano sa Pilipinas.

LUNGSOD NG PASIG

Ang Lungsod ng Pasig (Ingles: Pasig City) ay isa sa mga lungsod. na bumubuo sa Kalakhang
Maynila sa Pilipinas. Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang
Maynila. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, ang Pasig ay
napapaligiran sa kanluran ng Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Mandaluyong; sa hilaga
ng Lungsod ng Marikina; sa timog ng Lungsod ng Makati, bayan ng Pateros, at Lungsod ng
Taguig; at sa silangan ng Lungsod ng Antipolo, bayan ng Cainta at Taytay ng lalawigan ng Rizal.
Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-unti na itong nagiging
isang lumalagong pangkalakalan(commercial) na lugar. Dahil nga dating kabisera ng Rizal, ang
dating pamahalaang lalawigan ng Rizal ay makikita rito, sa dulo ng Shaw Boulevard.
Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga
pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang lungsod ng Pasig ay isa sa tatlong
munisipalidad na itinalaga ng diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas
(bilang Katoliko Romano diyosesis ng Pasig).
.
Ang sagisag ng Lungsod

Ang babae ay kumakatawan sa Mutya ng Pasig, ang idealismo ng pagkaperpekto sa lahat


ng aspeto na ehemplo ng katapatan, tapat na kalooban at kagandahan ng Lungsod ng Pasig.

Ang katawan ng tubig sa magkabilang panig ng babae ay mungkahi ng Ilog Pasig na


nagkokonekta sa dalawang anyong tubig, Lawa ng Laguna at Manila Bay pareho
inilalarawan sa pamamagitan ng alon. Ang Pasig ay nagmula sa isang salitang Hindu na ang
kahulugan ay isang anyong tubig na nagkokonekta ng dalawang anyong tubig.

Sa ibabang kaliwang bahagi ay ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga


pinakalumang edipisyo sa lungsod. Ito rin ang kinaluluklukan ng mga Diyosesis ng Pasig.

Sa ibabang kanang bahagi ay ang nagpapahiwatig ng kasaganaan at pag-unlad ng


lungsod.

LUNGSOD NG SAN JUAN

Ang Lungsod ng San Juan ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating
kabilang ito sa lalawigan ng Rizalhanggang opisyal na naging kabilang sa Kalakhang Maynila.
Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila. Mas
maliit lamang ang Pateros. Ang opisyal na mahabang pangalan ng San Juan ay Lungsod ng San
Juan del Monte. Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan, isang Filipinong
organisasyong rebolusyonaryo, at ngKastila.
Matatagpuan ang San Juan sa gitna ng Kalakhang Maynila. Napapaligiran ito ng Lungsod
Quezon sa hilaga at silangan,Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at lungsod ng Maynila sa
kanluran. Ilang lamang sa mga interesadong lugar sa San Juan ang Dambana ng Pinaglabanan, na
tinatakda ang unang labanan ng Katipunan, ang Greenhills Shopping Center, ang isa sa mga
tanyag na pamilihan sa Kalakhang Maynila, lalo na ang mga elektronikang kagamitan, at
ang Xavier School, isang tanyag na panay-lalaking hayskul sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan
din dito ang prestiyosong panay-babaeng Filipino-Intsik na paaralan ang Immaculate Conception
Academy-Greenhills.
Sikat ang San Juan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron, si San Juan
Bautista. Nagdidiwang ang mga taga doon sa pamamagitan ng pagbabasa ng tubig kahit sino sa
lansangan (katulad ng ginagawa sa pag-bautismo).
Dating nagsilbi si dating Pangulo Joseph Estrada bilang punong bayan sa San Juan, na
sinasabing ng ilan na siya ang malawakang nagpasulong ng bayan.
Noong Hunyo 16, 2007, niratipika ang pagpapalit ng bayan na sa pagiging mataas na
urbanisadong lungsod, ayonsa saRepublic Act. Bilang 9388 (Isang Act na nagpapalit bayan ng
San Juan na maging Mataas na Urbanisadong Lungsod upang kilalanin bilang Lungsod ng San
Juan.) [1]

LUNGSOD NG TAGUIG

Ang Taguig ay isang lungsod na sakop ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating komunidad
ng palaisdaan sa pampang ngLaguna de Bay ngunit ngayon, isa na itong mahalagang pamahayan
(residential) at industriyal na arabal ng Maynila. Lalong umunlad ang lungsod pagkatapos ng
konstruksiyon ng lansangang C-5 at pagkuha ng Bonifacio Global City.
Matatagpuan ang Taguig sa kanlurang pampang ng Laguna de Bay at pinapaligiran
ng Muntinlupa sa timog, Paraaque sa timog-kanluran, Pasay sa kanluran, at sa hilaga naman
ang Makati, Pateros at Pasig.
Kasaysayan
Bago dumating ang mga Espanyol, Ang Taguig ay isang bahagi ng Kaharian ng Tondo na
pinamumunuan ni Rajah Soliman. Mayroong din mga ebidensiya na ang mga Intsik ay namalagi
sa lugar na yaon na nasiwalat kamakailan-lamang sa pagkakahukay sa mga iba't-ibang mga
artifacts tulad ng baso, tasa, mga plato at iba pang mga kagamitan, na mayroong mga karakter na
Intsik. Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa dinastiyang Ming sa Tsina.
Ang Taguig ang isa sa mga pinakaunang kilalang teritoryo kung saan lumaganap
ang kristiyanismo nang masupil nang mgaEspanyol ang isla ng Luzon sa pamamagitan ng
paglalayag ni Legazpi noong 1571. Sa pagitan ng mga taon ng 1582 at 1583, ang Taguig ay isang
encomienda ng Tondo an pinamamahalaan ng isang Alcalde Mayor, Captain Vergara. Taong
1587 nang ang Taguig ay itinatag bilang isang hiwalay na "pueblo" (bayan) ng
dating lalawigan ng Maynila. Si Juan Basi ang Kapitan mula 1587 hanggang 1588. Ayon sa mga
tala, ang Taguig ay dating may siyam (9) na mga baryo; Bagumbayan, Bambang, Hagonoy,
Palingon, Sta. Ana, Tipas, Tuktukan, Ususan, at Wawa. Nakita sa tala na ang Tipas ay naghain na
nang pagnanais na maging isang independyenteng bayan ngunit ay tinanggihan ng
pamahalaang Espanyol.

LUNGSOD NG VALENZUELA

Ang lungsod ng Valenzuela ay isa 17 na mgalungsod at munisipalidad na binubuo


ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May tinatayang halos mga 500,000 mga residente ang
lungsod at pangunahing industriyal at pamahayan (residential) na suburb ng Lungsod ng
Maynila. Dumadaan angNorth Luzon Expressway sa lungsod at palabas ng Kalakhang Maynila
patungong lalawigan ngBulacan.
May lawak na 46 kilometro kuadrado ang Lungsod ng Valenzuela. Napapaligiran ito ng Lungsod
Quezon at hilagang Lungsod ng Kalookan sa silangan, Lungsod ng Malabon
katimugang Lungsod ng Kalookan sa timog, Obando sa Bulacan sa kanluran, at Meycauayan,
sa Bulacan din, sa hilaga.

PROYEKTO
SA
ARALING
PANLIPUNAN

Mga Kasaysayan ng
Bawat Lungsod ng NCR

Ipinasa ni:

Jumel Dela Pea


Gr. III-2
Ipinasa kay:
Maam Rosalyn