You are on page 1of 6

JP: Kayo po ay nakikinig pa rin sa DWAL-FM 95.9 Radyo Totoo sa Batangas.

Muli po ay
sumasainyo ang programang Opinyong Legal, kapiling pa rin po ninyo ang inyong mga
katiwala mula sa University of Batangas College of Law. Makakasama po ninyo ngayong
hapon ang inyong lingkod, Katiwalang JP at ang ating Katiwalang Tala. Magandang
hapon, Tala.
Tala: Magandang hapon din naman sa iyo, Katiwalang JP. Magandang hapon sa lahat ng ating
mga taga-pakinig.
JP: Tala, sa hapong ito ay patuloy pa rin nating tatalakayin ang mga batas at isyu na
tumutungkol sa ating mga kapatid na manggagawa. At partikular nga, nais nating
talakayin ngayon ang mga karapatan ng ating mga OFW, lalong-lalo na ang napaka-init
na isyu tungkol sa mga balik-bayan boxes.
Tala: Tama ka dyan Katiwalang JP, talaga ngang napa-kontrobesyal at napapanahon ang isyu
tungkol diyan sa mga balik-bayan boxes na iyan. Nagkalat nga sa mga balita, lalong-lalo
na sa social media ang mga hinaing ng ating mga kababayang OFW tungkol sa
diumanoy pangbubulat-lat at pag-nanakaw ng mga laman ng mga padala ng mga tagaBureau of Customs
JP: Dagdag pa nga sa isyung iyan ay ang di-umanoy pagpapataw ng buwis sa mga laman ng
mga balikbayan boxes na talagang lalong nagpatindi ng galit ng mga OFWs at ng
kanilang mga kamag-anak. Kaya nga ngayon ay tatalakayin natin kung ano ba talaga
ang prosesong dapat daanan ng mga balik-bayan boxes bago sila makarating mula sa
ibang bansa hanggang sa kamay ng mga nangungulilang kamag-anak ng mga OFW
dito sa Pilipinas.
Tala: Bukod diyan ay tatalakayin din natin ang napapabalitang pagpapataw ng 35% na buwis sa
mga remittances ng mgakababayan nating OFW. Pero, Katiwalang JP, sa aking palagay
ay dapat unahin nating talakayin ang tungkol sa pag-papataw ng buwis sa mga padala.
Bali-balita na papatawan ng buwis ang mga laman ng mga balik-bayan boxes at na ang
pasimuno nito ay ang Bureau of Customs.
JP: Siya nga Katiwalang Tala. Una po, mahal naming mga taga-pakining, hindi po totoo ang
balitang itataas ng Customs ang buwis dahil ang pag se-set po ng kung gaanong rate ng
buwis ang babayaran ng may ari ng imported items galing sa ibang bansa ay trabaho ng
Kongreso. Ang trabaho lang po ng Customs ay magkwenta at mangolekta ng buwis.
Tala: Tama ka riyan Katiwalang JP, at nais kong idagdag na sa katotohan nga, lahat ng mga
rates ng buwis ng mga imported items ay ibinababa na ng gobyerno alinsunod sa ating
commitment dito sa tinatawag na ASEAN Integration. Ang talagang gustong gawin ng
mga taga-Customs ay mangolekta ng tamang buwis na siyang nakasaad sa batas. Kasi
nga Katiwalang JP, batay sa pahayag ng Customs, hindi nila nakokolekta ng maayos
ang narararapat ng buwis mula sa mga padala ng ating mga kababayan sa
kadahilanang hindi maayos na naiideklara ng mga nagpapadala kung ano ang mga
laman ng mga balikbayan boxes.

JP: Hmm. Mahalaga talaga yang mai-deklara ng maayos ang mga lamang mga padala at higit
sa lahat pati na rin kung magkano ang halaga ng mga laman ng kahon.
Tala: Naku, napaka-halaga talaga JP. Ganito kasi sa Customs, meron silang tinatawag na
ASEAN Harmonized Tariff Nomenclature. Ito yung libro na siyang listahan ng kung
anong mga item na posibleng ipadala at kung magkano ang karampatan nyang rate of
duty. Kaya bawat isang uri ng gamit na ipinapadala may kanyang buwis. Hindi sya gaya
ng VAT halimbawa ng Oh, lahat ng bibilhin mo papatawan nating ng 12% tax, sa tax sa
imported items, ibat-iba. Kaya kailangang-kailangang ilista ng maayos ng mga
nagpapadala kung anong laman ng kahon, kasi kapag nga napiling i-random check ng
Customs ang isang padala, tapos may nakita silang gamit na hindi naman kasali sa
listahan ng mga laman, ito ay talagang kukuhanin ng taga-customs dahil ituturing nila
itong smuggled item.
JP: Ah, ganoon pala. Pero Katiwalang Tala, hindi bat ang atin namang mga OFW eh may
tinatawag na exemption from payment of duty.
Tala: Tama ka rin naman Katiwalang JP.
JP: Di ba lahat ng balikbayan box, hanggat ang value ng kanyang laman ay $500 o mas
mababa pa, hindi kailangang magbayad ng buwis ng nagpadala.
Tala: Tama, tama.
JP: Pero po, nais nating ipaalala sa ating mga kababayan na bukod sa value, kailangan din
tandaan na kung magpapadala ng mga gamit, dapat tig-kakaunti lamang o ang
tinatawag ng taga-Customs na not in commercial quantity. Ang pinapayagan lang po,
ayon sa batas ay tig-lalabing dalawang piraso kada uri ng gamit. Halimbawa, 12 na de
lata, 12 na toothpaste, 12 na sabon, 12 na shampoo at 12 na lotion.
Tala: Eh pano Katiwalang JP kapag ang de lata na gusto kong ipadala eh may corned beef,
may meatloaf, tapos may Vienna sausage pa.
JP: Basta tig-12 lang kada uri.
Tala: Pano kung may sweet and spicy flavour, tapos may may smoked barbeque flavour.
JP: Basta tig-12 lang. Pero ito ang iniiwasan ng batas eh, yung mukhang ipagtitinda dito sa
Pilipinas ang mga padala. Kasi dapat konti lang kasi dapat for personal consumption
lamang ng mga pinadalhan.
Tala: At Katiwalang JP, iba ang treatment sa damit. Ito naman eh kada uri dapat eh 3 yards
lang. At isa pa, sa mga electronics at appliances na ipadala sa pamamagitang ng balikbayan boxes ay talagang bawal, mapwera ang nakapangalan na padadalhan eh etong
mismong OFW.
JP: Anong ibig mong sabihin Katiwalang Tala

Tala: Ibig sabihin po nito halimbawa ako eh OFW, nagpadala ako ng appliances, halimbawa
ngayong araw na ito. Pwedeng ang nakapangalan sa kung sino ang pinapadalahan eh
ako din. Mangyayari ito kung ako eh pauwi na rin sa Pilipinas. Kasi syempre, matagal
ang byahe sa barko kesa sa eroplano, at isa pa ang mga barkong sinasakyan ng mga
padala, kung saan-saan pa nadaung yan bago pa makarating dito kaya malimit, nauuna
pang umuwi ang OFW kesa sa pinadala nila.
JP: Eh bakit hindi pa sa eroplano ipasakay para mabilis.
Tala: Malaking kamahalan Katiwalang JP.
JP: Hmm. Katiwalang Tala, nabanggit mo kanina na dapat ang value ng padala eh $ 500 and
below, nalilito lang ako, ano pa itong sinasabing duty free exemption ng OFW kung ang
value ng imported article eh P 10,000
Tala: Eto naman ay pribilehiyo para sa mga OFW na umuuwi mismo dito sa Pilipinas. Kapag
may mga dala kang gamit na ginamit mo din nung nanirahan ka sa abroad, pagdating
mo sa airport, bago ka bumaba ng eroplano ipapadeklara din ng mga taga-Customs
kung anong mga dala-dala mo. Ngayon ang tawag naman dito eh personal and
household effects. Dapat para di ka magbayad ng buwis, 10,000 ang declared value mo.
Kapag lumabis dito, papatawan nang 50% tax yung halagang kalabisan sa 10,000.
Bukod dito, ang mga OFW ay pinapayagan ding magdala ng mga USED appliances.
Pero isang piraso lang kada uri at dapat eh P 10,000 din lang ang value. Yung amount
na labis sa P 10,000 eh papatawan ng karampatang buwis batay sa kung ano talagang
rate of duty nung appliance sa Tariff Code.
JP: Ah ganoon pala. Sana ay naliwanagan din ang ating mga tagapakinig. Sa dako pong ito ay
tayo ay magkakaroon muna ng maikling break. Sa pagbabalik po naming ay tatalakayin
naman natin ang tungkol sa diumanoy buwis na ipapataw sa remittances ng mga OFW
Tala: Kung meron po kayong mga katanungan ay maari po kayong tumawag sa ating hotline sa
723 0911. Muli po kaming magbabalik
BREAK
JP: Ngayon naman po ay tatalakayin natin ang tungkol sa nababalitang pagpapataw ng buwis
sa remittances ng mga OFWs
Tala: Kumakalat din nga Katiwalang JP sa social media sites na papatawan daw ng BIR ang
mga padalang pera ng mga OFW sa kanilang mga pamilya ng halagang 35% ng padala.
JP: Bago pa man tayo lumayo eh ito po ay pinabulaanan ng ng Commissioner ng Bureau of
Internal Revenue na si Commissioner Kim Henares. Wala pong ganitong polisiya o kahit
balak man lang ang ating gobyerno.

Tala: Tama, at nakikiusap po ang BIR na huwag ng magpakalat ng ganitong mga balita
sapagkat diumano ay ginagatungan lamang ng mga ganitong pahayag ang galit ng ating
mga kababayan
JP: Sa atin pong mga tagapakinig, siguro po ay nagtataka po ang ilan sa inyo kung bakit
minsan eh kulang na yung dumadating ng pera kumpara sa abiso ng inyong mga
kamag-anak. Ang kaltas pong nawawala ay marahil binabawas ng bangko bilang
kabayaran para sa bank charges. Ito po yung halagang nagsisilbing service charge para
sa pag-gamit sa bangko bilang padalahan.
Tala: Pero kung papansinin natin, siguro may ilang magsasabi na, Bakit parang ang daya
naman? Bakit hindi magbabayad ng income tax ang mga OFW eh sila nga itong mga
malalaki ang sweldo sa ibang bansa?
JP: Alam mo Katiwalang Tala, sa totoo nyan ang atin mga kababayan ay nagbabayad naman ng
buwis doon sa bansang kanilang pinagta-trabahuhan. Kaya sila hindi na sinisingilan ng
buwis dito ay dahil kung sakaling sila ay sisingilan, magkakaroon ng tinatawag na
double taxation at ito ay labag sa batas.
Tala: Tama naman nga. Kasi kaawa-awa naman sila kung sila ay mado-doblehan ng
pagbabayad ng buwis. Para tuloy wala na silang ipinagtrabaho kundi ang gobyerno
JP: Kaya nga, para tuloy masasayang lamang ang pag-alis nila sa bansa kung ang sweldo
naman nila ay di naman lamang nila matitikman.
Tala: Ngayon naman po ay dadako tayo sa mga katanungan ng ating mga tagapakinig.
JP: Una pong katanungan:
Hindi ga po dapat ay dun pa lang sa pinanggalingang bansa ay na-inspect na agad ang
mga padala para hindi na kung kailang dumating ay saka bubulatlatin ng mga taga Customs?
Tala:
-

Nais ko pong ipaliwanag na ang ganito kung paano ang ginagawa sa ating mga
padala. Ganito po kasi yan, halimbawa si OFW A ay may padala, mayroon syang
isang balikbayan box. Ito ay ipapadala nya gamit ang isang freight forwarder.
Halimbawa nito yang FedEx, yang DHL, ganyan. Ngayon, lahat ng mga
ipinapadalang balikbayan boxes, pinagsasama-sama yan nitong mga freight
forwarder, ikino-consolidate ang tawag. At lahat sila ay isinasakay dito sa mga
tinatwag na container, yung mga hila-hila ng mga truck. Itong mga container na ito
ang isinasakay sa barko kasi hindi pwedeng isakay isa-isa at hiwa-hiwalay ang mga
balik-bayan boxes kasi mababasa sila.
Pagdating po ngayon ng barko sa Pilipinas, kailangang idaan sila sa Customs para
kolektahan ng buwis, kung sila ay dapat kolektahan, pero kung exempted naman
talaga, makakalabas din sila ng pier na di nagbabayad ng buwis. Ngayong po, sa
proseso ng pagpapalabas mula sa pier, idinadaan po ang mga container sa X-ray

machines. Kapag may nakitang kakaiba pagdaan sa x-ray, dun lamang po bubuksan
ang container at lahat ng lamang mga balikbayan boxes, 100% nung isang container
na may findings ay kailangang buksan.
Kaya po, hanggang wala namang nakikitang kahina-hinala sa container, di naman
yan bubuksan ng Customs.
Ang problema lang kapag minamalas na nakasuno ng padala mo ang mga
ipagbabawal na articles. Talagang mapepending sa Customs ang padala at may
posibilidad pang samsamin ang mga laman.
Kaya po, kahit maayos ang inspeksyon ng isang balik-bayan box bago isakay sa
container, kung may masasamang report ang Customs pagdating dito, eexaminin pa
din po iyan.
JP: Pangalawa pong katanungan:
Ako po ay may ipinadalang balik-bayan box, ilang buwan na po ang nakakaraan, hindi
pa rin dumadating. Saan ako pwedeng mag-habol? Nakauwi na akot lahat dito sa Pilipinas,
sabi ko sa mga anak ko ipina-una ko na ang pasalubong ay ang nangyari ay nauna pa akong
makarating.
-

Para po ma-trace ninyo kung nasaan na ang inyong padala, pwede nyong i-check
ang website ng inyong forwarder, muli po, ito yung inyong pinagpadalahan. Para
magamit ninyo ang serbisyo ng electronic tracking, may mga kakailanganin kayong
detalye ng inyong pagpapadala, kalimitan po eh dun nyo yun makikita sa resibong
ibinibigay sa taong nagpadala.
Isa pa po, maaari din ninyong ma-check kung ano nang status ng inyong padala sa
Customs sa pamamagitan ng website ng Bureau of Customs. Ang kailangan lamang
pong impormasyon ay ang inyong Bill of Lading Number. Muli po, itong Bill of Lading
ay dun din nanggagaling sa inyong forwarder

Tala: Para po sa huling katanungan


Hindi po ba parang napakababa naman ng exemption na binigay ng batas para sa mga
OFWs. Saan na lang nakarating ang $ 500 o P 10,000
-

Sa totoo lang po, itong isyung ito ay napansin na din naman ng ating mga
mambabatas, at maging ng Customs. Ang batas po tungkol dito sa ngayon ay
nasulat pa noong 1974 at 1990. Syempre nagkaroon na ng inflation, bumaba ang
palitan ng piso sa dolyar kaya talagang napakaliit na kung tutuusin ng exemption

JP: Tama ka dyan Katiwalang Tala, sa ngayon, dahil nga sa matinding atensyon ukol sa usaping
ito ilang mambabatas na natin ang nagpanukalang itaas ang exemption. Kabilang na jan
si Senator Ralph Recto. Ang proposal nya ay gawing $ 2,000 dollars na ang ma-exempt
sa padala. Samantalang eto namang si Senator Sonny Angara ay gusto namang

maitaas yung P 10,000 exemption para sa mga bagaheng dala-dala ng mga OFW
hanggang P 150,000.
Tala: Sana nga ay mai-push itong mga panukalang ito Katiwalang JP, bilang pagbibigay pugay
na din natin sa mga kababayan nating lumalayo para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kaya lamang, hiling ko lang eh sana kasabay ng pagtaas ng exemption ay maitaas din
ng Customs ang antas ng security measures nila sa mga pier. Kasi di malayong
magpatuloy pa rin ang mga pang-aabuso ng masasamang loob sa pag-gamit nitong
mga balik-bayan boxes para sa mga modus operandi nila sa pag-smuggle ng mga
kontrabando gaya ng mga bigas, asukal, baril, bomba, illegal drugs, mga fake na gamot,
double dead na karne at kung ano-ano pa.
JP: Sya nga Katiwalang Tala, sana nga itong mga proyektong kagaya nito na di maiiwasang
makasakit sa maliliit na mamamayan ay magbunga naman ng maganda para sa
kabutihan ng karamihan. Sana ang pag-iistrikto ng Customs at maging ng BIR sa mga
padala ng ating mga OFW ay magawa din nila sa pag-iistrikto duon sa mga big fish ika
nga, mga malalaking smugglers at mga haragang tax evaders.
Siguro ay magandang tapusin na natin ngayon ang ating talakayan para sa hapon na
ito. Sana po ay nakatulong kaming masagot ang inyong mga katanungan.
Tala: Bago kami tuluyang mamaalam, inaanyayahan po namin kayong lumahok sa Run for the
Bar marathon ng UB College of Law na gaganapin sa October 5, 2015. Ang starting
point po ng nasabing marathon ay sa UB Lipa Campus, 5 am. Ang mga tickets po ay
nagkakahalaga ng P 350 para sa 3K, P 400 para sa 5K, at P 450 para sa 10K.
Kung kayo po ay interesado mangyari lang pong tumawag sa 723 1446 loc. 107
Muli po, ito ang Opinyong Legal, at ito ang inyong Katiwalang Crystal, hanggang sa muli
po ninyong pakikinig.
JP: Sumainyo pong muli ang himpilan ng katotohanan, DWAL-FM 95.9 Radyo Totoo sa
Batangas, ito po muli ang inyong Katiwalang JP. Magandang hapon po sa ating lahat

You might also like