You are on page 1of 3

Transcript of EDITORYAL O PANGULONG TUDLING

Bakit mahalaga ang isang editoryal?


Ang opinyon free yan Ok lang magbigay ka kahit kelan, kahit saan, kahit sa anong paraan basta tandaan mo lang
maging sensitibo ka sa pagbibigay nito. Kung alam mong makakasakit ka try mong itago na lang yan, o kung talagang
di mapigilan ang matabil mong dila, try mo lang na ayusin o pagandahin, yung tipong di ka makakasakit pero
naibigay mo ung gusto mong iparating.
-Bob Ong
Paano mo maaring maipahayag ang iyong opinyon o pananaw?
Kahalagahan ng Editoryal
1. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.
2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro
alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.
3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng
pagbabago.
4. Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman.
5. Hinihiyakat ang mga kinauukulan na kumilos.
6. Minumulat ang mga mata ng mambabasa
PhP 0.00
Lunes, Nobyembre 17, 2014
Vol XLVII, No. 48
Ano nga ba ang editoryal?
Editoryal o Pangulong Tudling
Ano ang gustong gawin ng isang editoryal?
Layunin ng Editoryal
Magpabatid o Magpakahulugan
Manghiyakat
Magbigay-puna
Magbigay-puri
Manlibang
EDITORYAL O PANGULONG TUDLING
Ang editoryal ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu. Ito ang tinig ng
pahayagan,nagbibigay ng kaalaman, nagpapakahulugan, humihikayat, at kung minsa'y lumilibang sa mambabasa.
Ito ay naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol
sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa
Ito ay maaring ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong paksa
Ito rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o institusyon tungkol sa iba't-ibang isyu
kaya matuturing itong politikal sapagkat ang lahatay may opinion.
Pasalita
Pasulat
Karikatura
Ano ang iba't-ibang uri ng editoryal?
Uri ng Editoryal
Pangulong Tudling na Nagpapabatid
Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-diin ang kahalagahan niyon o magbigay linaw ang ilang
kalituhang bunga ng pangyayari.
Halimbawa: Ano ang Nilalaman ng Memorandum?
Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan
Binibigyan katuturan ang mga isyu at pinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ang kanilang
layunin.
Halimbawa: Ano ang Kabutihang Maidudulot ng Pagplaplano ng Pamilya?

Pangulong Tudling na Nakikipagtalo


Ang tanging layunin ay hikayatin ang mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.
Halimbawa: Dapat Magplano ng Pamilya.
Pangulong Tudling na Namumuna
Kapwa iniharap ng sumulat ang mabuti at masasamang katangian ng isang isyu.
Halimbawa: Ang Aborsyon, Dapat Bang Bigyan Ligalisasyon?
Pangulong Tudling na Naghihikayat
Binibigyang-diin nito ay ang mga mabisang panghihikayat.
Halimbawa: Itaguyod and Proyekto ng Punong-Guro.
Pangulong Tudling na Nagpaparangal
Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa.
Halimbawa: Sergio Osmena Sr., Kapurihan ng Cebu
Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw
Ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon.
Halimbawa: Pasko Nanaman
Pangulong Tudling na Panlibang
Sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa'y
sentimental at karaniwang maikli lamang.
Halimbawa: Bagong Teknolohiya
Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano
Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo at hindi nagpapaliwanag.
Pangulong Tudling na Bakasan
Sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba't ibang paaralan
at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan
Halimbawa: Pagtaas ng Matrikula, Wag Pairalin
Ano ang kailangan ko sa isang editoryal?
Paghahanda sa Pagsulat ng Editoryal
Magkaroon ng tiyak at kawili-wiling paksang tatalakayin
Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa tatalakaying paksa
Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying paksa
Paano maaring simulan ang editoryal?
Panimula ng Editoryal
Anekdota
Kasabihan
Sawikain o salawikain
Impormasyon mula sa balitang narinig o nabasa
Isang awtobiyograpiya
Isang tanong
Isang kwento

Isang karanasan
Ano ang iba't-ibang bahagi ng editoryal?
Bahagi ng Editoryal
Panimula
Balitang batayan
Tala o detalye ng paksa
Reaksyon sa balita
*Maikli lamang
Katawan
Naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban o sang-ayon sa paksa.
Kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa
Layunin ng sumulat ng editoryal
Pangwakas o Panapos
Maaring isang pagpapatibay sa mga kuro-kuro,
Mga tagubilin o mga mungkahi sa tinatalakay na isyu.
Ano ngayon ang mga dapat kong gawin?
Mga Palatuntunan sa Editoryal
Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang akitin ang mambabasa.
Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip...
gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula.
gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
gumamit ng magkatulad na kalagayan.
banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalayagan.
Tapusin nang naangkop.
Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
Gawing maikli lamang.
Iwasan ang unang panauhan sa pagsusulat.
Isulat nang payak lamang.
Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng
sariling pagpapasya.
Sunduin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (unity), linaw (charity), pagkakaugnay-ugnay
(coherence), at diin (emphasis).

You might also like