You are on page 1of 3

MABINI SHRINE

Ang Mabini Shrine ay matatagpuan sa Brgy. Talaga sa Tanauan Batangas.


Ang lugar na ito ay itinayo para maipakita ang mga importanteng kaganapan
sa buhay ni Apolinario Mabini. Si Apolinario Mabini ay bayani ng ating bansa.
Tinagurian siyang Dakilang Lumpo dahil kahit nagkaroon siya ng
malubhang sakit hindi ito naging hadlang sa kanya upang ipaglaban ang
kalayaan ng Pilipinas.
Si Mabini ay galing sa mahirap na pamilya lamang. Ang kanyang mga
magulang ay sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Si Mabini ay
pangalawa sa walong magkakapatid.Galing man siya sa mahirap na pamilya,
hindi naging hadlang sa kanya ang pag-aaral. Ang kanyang lolo na isang
guro, ang kanyang naging unang guro. Dahil sa taglay niyang katalinuhan,
inilipat siya sa paaralan ni Simplicio Avelino. Si Mabini ay nagtrabaho bilang
utusan upang maipagpatuloy lamang ang kanyang pag-aaral.
Noong 1881, nakakuha ng scholarship si Mabini sa Colegio de San Juan de
Letran kaya siya ay lumipat ng Maynila. Kahit kulang sa pera, natapos niya
ang kursong Bachelors in Arts and Professor of Latin na may mataas na
karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng
Santo Tomas kung saan nakapagtapos siya ng abogasya. Naipasa niya ang
bar exam noong 1895.

BATTLE OF BINAKAYAN-DALAHICAN

Ang Labanan sa Binakayan at Dalahikan ay ang tinitingnan na ang unang


malakihang panalo ng mga Pilipino laban sa mga Kastila na bahagi ng
Himagsikang Pilipino. Pagkatapos nito naging malaking parte na ng
kasaysayan si Heneral Emilio Aguinaldo. Umabot pa ng apat na buwan ang
mga Kastila para makabawi mula sa malakihang pagkatalo nila rito sa
labanan.
Nagsimula ang himagsikan sa Kabite noong 31 Agusto 1896, at naging isa
ang lalawigan sa walong probinsiya sa Pilipinas na nagdeklara ng kasarinlan
mula sa Espanya. Ang Katipunerong si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdala
ng himagsikan sa lalawigan pagkatapos niyang napatay ang kumandante ng
Guwardiya Sibil sa Kawit pagkatapos ng isang pag-aalsa roon. Napanalunan
rin niya ang labanan sa Imus mahigit dalawang buwan ang nakakaraan bago
nangyari ang labanang ito. Dahil sa tagumpay na ito, napunta kay Emilio ang
posisyon na ang kanyang kapatid na dating si Baldomero Aguinaldo ang
humawak: ang pagiging pinuno ng Magdalo, kung saan siya ang itinuring ng
marami na karapat-dapat nilang pinuno.

DAMBANANG AGUINALDO

Ang Dambanang Aguinaldo ay isang pambansang dambana ng Republika ng


Pilipinas, na tumutukoy sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite. Sa
balkonahe ng bahay inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas
noong 12 Hunyo 1898. Kasabay din nito ang unang pagwagayway ng
watawat ng Pilipinas at pagtugtog ng Lupang Hinirang.

You might also like