Professional Documents
Culture Documents
Sa loob ng isang
pamilya, maari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno. Ang mga
magulang ang pamahalaan at ang mga anak ang mga mamamayan.
Ang pamilya ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa
dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o
paninirahan sa isang tirahan. Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang
tumutugon sa maraming pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang
kasapi nito. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak.
I.Pamilya: Ang pinakamaliit pero ang pangunahing institution ng lipunan.
Ang pamilya ay itinuring bilang isang maliit na kumunidad ng buhay at
pagmamahal.
Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae na nagpasiyang
magsama habang buhay.
Ang pamilya ay ang pinakamahalagang yunit ng lipunan.
Ang Pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan
Ang pamilya ang una at hindi mapalitang paaralan ng buhay panlipunan.
May panlipunan at pampolitikal na gaganapin ang pamilya
Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon at paggabay sa
mabuting pagpasya.
05.04.15
Ang pamilya ay ginagabayan ng batas ng pagbibigay na walang kapalit.
Kapag matatag ang isang pamilya, matatag ang isang bansa.
Nagiging matatag ang lipunan kapag matatag ang pamilya dahil an pamilya ang
nagbubuo ng lipunan.
Ang mabuting pakikipagkapwa ay naggagaling sa pamilya.
Nagsasama ang pamilya higit sa lahat ay ang pagdarasal at pagsisimba.
Ang "social life" din ay nagsisimula sa paliya gaya ng pagiging unang makikipagugnayan sa isa't isa.
Kaligayahan ng bawat pamilya ang pagtutulungan sa isa't isa.
Ang maayos na pagsasamahan ng pamilya ang nagtuturo ng mga tao ang mabuting
pakikipagkapwa.
05.18.15
Noong mga mga nagdaang taon ay naging malalim ang pagtalakay tunkol sa sarili
at dumaan ka sa mahabang processo ng pagkilala at pag-unlad sa iyong sarili at
inaasahan ka na lumabas sa iyong sarili at ituon ang iyong pagkatao sa iyong
paligid.Ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang pinakamalapit
mong kapwa...
Ang iyong pamilya. Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang
pilipino, malaking puwang sa isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga
ba ang iyong alam sa saysay sa pamilya at lipunan?
05.18.15
Ang Pamilya ay ang pangunahing institution ng lipunan na nabuo sa pamamagitan
ng pagmamahalan ng isang lalaki at babae, dahil sa kanilang puro at romatikong
pagmamahal-kapwa, nagkanong magsama hangang sa wakas ng kanilang buhay.
Magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon para sa kanilang
magiging anak. Ang pamilya ay pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng
kawanggawa, kabutihang-loob at paggalang o pag-sunod. Maaring patuloy na
magkakaroon ng ebulusyon ang kabuluhan ng pamilya pero mananatili itong isang
likas at pangunahing institution. Ang pamilya ay may misyon na bantayan, ipakita
at ipadama ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na kumunidad ng
buhay at pagmamahal.
ang bawat particular na gawain ng pamilya ay pagpapahayag at pagsasabuhay ng
pangunahing misyong ito. Kung walang pamilya, hindi matatawag na
pamamayanan ng mga tao. Hindi rin ito ganap iiral,ilago at makamit ng mga
miyembro ang kaganapan."Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan
batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) ang ugnayan sa pagitan ng mga
miyembro nito. Halimbawa, nakahandang magsakripisyo ang mga magulang para
sa pag-aaruga ng anak na may kapansanan, papasanin kung kinakailangan para
maihatid siya sa paaralan. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na
matanggap ng anak ang anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya.
Lahat ng ito ay malayang ibinibigay bunsod ng pagmamahal.Dito umusbong ang
pag-unlad ng lipunan. Una rito ang ugnayan at pakikibahagi na dapat umiiral sa
araw-araw na buhay-pamilya.