You are on page 1of 5

Bibliography

Edit

Si Genoveva Edroza-Matute ay hindi lamang sikat at premyadong kuwentista. Siya ay isa ring guro
at awtor ng aklat sa Balarilang Tagalog. Nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang
pang-edukasyon.
Siya ay nagturo ng apatnaput anim na taon sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang
Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong
1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining
(Panitikan) noong Pebrero, 1992.
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang
pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti,
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang
Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at
ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 19911992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

ADVERTISEMENT

Mga Buod
Kapatid

Edit

Edit

Nang ang narrator ay nasa tamang edad na, nalaman niya na siya ay mayroong kapatid na lalaki sa
Ama na labingdalawang taong gulang na. Nang malaman niya ito, ang tanging nasabi lamang niya
ay Anong pangalan? at bigla niyang naisip na ang pagtatanong niyang iyon ay walang mababago
sa katotohanang siya ay may kapatid. Sa tuwing makakakita siya ng batang lalaki na may
labingdalawang taong gulang at hanggang balikat niya, pati na rin kung ang kanyang ama ay
nakikita sa ulunan ng hapag-kainan, ang buhay na larawan ng kapatid na kinapopootan ang tanging
naaalala. Nang ang kanyang ama ay biglaang nagkasakit at pumanaw, batid na niyang magkikita
sila ng kanyang kapatid. At nang mangyari iyon, sila ay nagkatitigan ng matagal. Sa pagkakataong

iyon, naisip niya na ang kanyang kapatid ay may karapatan ding magmahal at mahalin na katulad ng
sa kanya sapagkat sila ay parehong naging bahagi ng buhay ng yumaong ama.

Pamumulaklak

Edit

Nang si Nora ay nangupahan sa bahay nina Gloria, sila ay mabilis na nagkahulihan ng loob,
nagkaalaman ng kani-kanilang buhay at nagging malapit sa isat isa. Dito nalaman ni Nora na ang
dahilan ng pagpapakasal ni Gloria kay Mr. Mills ay tulad din ng dahilan ng maraming Pilipino
upang maiahon sa hirap ang pamilya. Isang araw pumunta si Gloria sa silid ni Nora upang sabihin
na nabasa ni Mr. Mills ang sulat ng dating kasintahang si Juancho na nagsasabing nais nitong
makipagbalikan kahit meron na siyang pamilya. Dahil sa sulat na ito, nagpasya si Gloria na
makipagkita kay Juancho para makipagbalikan dito at inihabilin na lang ang matandang si Mr. Mills
kay Nora at Mamaita, na isa ring nangungupahan sa kanilang bahay. Nang malaman ito ni Nora, ito
ay nabigla at hindi napigilan ang sarili na masigawan si Gloria. Ngunit bago dumating si Juancho,
kinausap ni Gloria si Nora at Mamaita at pinakiusapan na sila na ang humarap kay Juancho. Sa
pagdating ni Juancho, sinalubong siya ng dalawa at sinabi ni Mamaita na hindi na doon nakatira si
Gloria. Dito nalaman natin na napagpasyahan ni Gloriang manatili sa piling ni Mr. Mills dahil naging
napakabuti nito sa kanya.

Paglalayag... Sa Puso ng Isang Bata

Edit

Isang araw ay ginunita ng guro ang pinagsamahan niya at ng kanyang mabuting estudyante.
Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang pinakamaliit at pinakapangit sa buong klase na
mayroong kakatuwang punto na nagpapakilalang siya ay taga-ibang lugar. Ngunit sa kabila nito, siya
ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa mga tagalinis, tinutuwid ang
mga upuan at bago umalis ay lumilingon upang magsabi ng Goodbye, teacher! At di nagtagal,
nalaman ng guro na siya ay munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod
upang mamasukan kung kayat napagtanto ng guro na maliban sa itsura, ang mga iyon ay dahilan
din ng kanyang madalas na pag-iisa. Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na
niya ito ng madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa kanya. Doon ay
nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay napagbaligan ang estudyante ng
kanyang init ng ulo at dama niya ang labis na pagkalungkot ng bata. Subalit kahit ganoon ang
nangyari, hindi pa rin nakalimot ang estudyante sa mga ginagawa niya para sa guro sa araw-araw.
At dahil sa ginawang ito ng bata, nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting
estudyante ay kanyang naging guro.

Mga Tauhan
Kapatid

Edit

Edit

Narrator - Siya ang may sama ng loob dahil sa nalaman niyang siya ay mayroong kapatid sa labas.
Ama - Ang kawalan ng katapatan niya sa asawa ay nagbunga ng isang supling.
Kapatid - Siya ang taong labis na kinamumuhian ng narrator sapagkat siya ay itinuturing na
katunggali ng kapatid sa pagmamahal ng kanilang Ama

Pamumulaklak

Edit

Gloria - Siya ay isang Pilipinang taga-Loakan, Baguio na nagTNT sa Oakland bago maging
tagamakinilya ng napang-asawa.
'Nora' - Siya ay tagaTondo at namasukan sa isang bangko sa Los Angeles na di naglaon ay
napaipat sa Oakland. Siya ay nangupahan sa bahay na tinitirhan nina Gloria.
'Mr. Peter Mills' - Siya ang Amerikanong pinagtrabahuhan ni Gloria at nagging asawa nito.
'Juancho' - Siya ang dating nobyo ni Gloria na nais makipagbalikan.
'Mamaita' - Siya ay isa pang nangungupahan sa tinitirhan nina Gloria at Mr. Mills

Paglalayag... Sa Puso ng Isang Bata

Edit

'Estudyante' - Siya ang pangit at maitim na estudyante na palaging nag-iisa. Ngunit kahit ganito ang
kanyang itsura, siya ay naging isang mabuting estudyantge at talaga namang may napakabuting
puso
'Guro' - Siya ang patuloy na gumugunita sa kanilang pinagsamahan ng mabuting estudyante kahit
na matagal na panahon na ang lumipas

Mga Tema at Paksa

Edit

Kapatid

Edit

Tawag ng laman
Hindi man natin alam ang nangyari kung bakit nagawa ng ama ang pagtataksil sa ina ng narrator,
mayroon isang tiyak na bagay sa nangyari. Ito ay ang pagtawag ng laman sa ama na maaaring hindi
naibigay ng asawa.
Pagmamahal sa pamilya
Dito sa kwentong ito makikita nating kahit ano mang galit o poot ang nadarama natin para sa kahit
na sinong kapamilya natin, mangingibabaw pa rin ang pagmamahal natin sa bawat miyembro ng
ating pamilya tulad ng ginawa ng narrator na pagpapatawad sa ama at pagtanggap sa kapatid.

Pamumulaklak

Edit

Tunay na pagmamahal
Ang pagmamahalan ni Juancho at Gloria ay hindi nawala kahit na matagal na silang hindi nagkita at
kahit na may asawa na si Gloria at si Juancho naman ay may pamilya na. Dito makikita natin na ang
tunay na pagmamahalan ay hindi nahahadlangan ng kahit na sino o kahit na ano.
Pagmamahal sa pamilya
Likas na rin sa ating mga Pilipino ang labis na pagpapahalaga at pagmamahal sa ating pamilya. Dito
sa kwento, makikita natin kung paanong isinakripisyo ni Gloria ang kanyang pagmamahal upang
maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.
Utang na loob
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagtanaw ng utang na loob at dito sa kwento, nakita nating kung
paano tinanaw ni Gloria ang utang na loob sa asawa. Kahit na mahal pa rin ang dating kasintahan,
pinili pa rin niyang manatili kay Mr. Mills sapagkat naging napakabuti nito sa kanya.

Paglalayag...Sa Puso ng Isang Bata


Racist

Edit

Kahit na hindi masyadong inilahad sa kwento ang pagiging racist ng mga tao, ito ay labis pa ring
lumitaw sa aking isipan habang aking binabasa. Ito ay dahil sinabi naman dito na isang dahilan ng
palaging pagiisa ng bata ay ang kanyang pangit na itsura.
Pagmamahal sa mga importanteng tao
Makikita natin sa kwento na kahit labis na nasaktan ang bata ay ipinakita pa rin niya ang kalakihan
ng kanyang puso sa ginawa niyang pagpapatawad sa taong nagpahalaga rin sa kanya nang labis

You might also like