You are on page 1of 158

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral

II: Ang Daigdig sa Klasikal at


Transisyonal na Panahon

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-971-9601-67-8
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa
isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral
Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.
Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.
Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis
Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace
Mga Tagasuri: Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.
Pascual, Jeremias E. Arcos
Book Designer: Conrado Viria, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.
Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

DepEd Complex
Office Address: 5
2thnd Floor
Floor Mabini
Dorm G,Building,
PSC Complex
Meralco Avenue,
Pasig City
Philippines
1600Philippines 1600
Meralco
Avenue,
Pasig City,
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

PAUNANG SALITA
Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw
at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang
mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit
mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa
ibat ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa
kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang
ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring
pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,
politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati
naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at
mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal
na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong
Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig.
Halina at maglakbay sa daigdig sa ibat ibang panahon at tuklasin ang mga
gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.

TALAAN NG NILALAMAN

Modyul II Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal


na Panahon
Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 120
Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 120
Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 121

Aralin 1 Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal

na Lipunan sa Europe

Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 130
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 132
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 177

Aralin 2 Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na

Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific


Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 181
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 183
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 221

Aralin 3 Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga


Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe
sa Panahong Medieval
Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 224
Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 227
Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 263
Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 266
Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 269
Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 270

119

MODYUL 2:

ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT


TRANSISYONAL NA PANAHON
Panimula
Change is inevitable. Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat
ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang
pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao lang
ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narating ng mundo ang
kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng
malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman?
Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kasaysayan ng
daigdig sa klasikal at transisyonal na panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng
iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang katanungang ito: Paano nakaimpluwensiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyonal na
Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon
sa daigdig?

Mga Aralin at Sakop ng Modyul


Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:
Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe
Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean
Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece
Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang
klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at
pagbagsak ng Imperyong Roman)
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan

120

Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America


Africa, at mga Pulo sa Pacific
Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America
Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan
sa Africa (Mali at Songhai)
Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng mga pulo sa Pacific
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa pagunlad ng pandaigdigang kamalayan
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval
Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng
Holy Roman Empire
Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval
Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at
lungsod
Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan

Panimulang Pagtataya
Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano
na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi
mo masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na
ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot.
1. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa polis bilang isang lungsodestado?
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saanbinibigyang-diin ang demokrasya.
B.

Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro


sa isang lungsod.
121

C.

May ibat ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa
iba-ibang yunit ng pamahalaan

D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang


polis.
2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang
Rome?
A

Censor at Praetor

C. Patrician at Plebeian

B. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin


3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang
Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla

C. maitim na mga isla

B.

D. maitim ang mga tao sa isla

maliit na mga isla

4. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman.


Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A.

Charlemagne

C.

Clovis

B.

Charles Martel

D.

Pepin the Short

5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing
layunin ng Krusada?
A.

mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano

B.

mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim

C.

mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe

D.

mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko

Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa:

http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

122

6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod


na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa
pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I.

Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging


ligtas ang isla sa mga mananakop

II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa,


at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya
ang Kabihasnang Minoan
A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II, at III
Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan:

7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga


Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring
mabuo batay sa larawan?
A.

Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang


paniniwala sa ibat ibang diyos

B.

Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya

C.

Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa


mga Roman

D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa Astronomiya


noong Panahong Hellenistic
123

Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag:


Our constitution is called a democracy because power is in the hands
not of a minority but of the whole people. When it is a question of
settling private disputes, everyone is equal before the law;...
-PERICLES
Funeral Oration
8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A.

Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya

B.

Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa

C.

Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang


demokrasya

D.

Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa


pamahalaan

Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga kabihasnan sa America:


9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong
Pre-historic?
Mga Kabihasnan sa America

1200-500
BCE

200-700
CE

250-900
CE

900-1100
CE

1200-1521
CE

1300-1525
CE

Olmec

Teotihuacan

Maya

Toltec

Aztec

Inca

A.

Kabihasnang Olmec

B.

Kabihasnang Maya

C.

Kabihasnang Aztec

D. Kabihasnang Inca

124

Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip

Ako ang Hari, pag mamay-ari


ko ang lahat ng lipunan. Subalit
ibinigay ko ang iba sa mga
BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging tapat


sa HARI dahil ibinigay niya sa akin ang ilan
sa kaniyang lupain. Dapat na handa akong
ipaglaban siya at magsanay ng mga
KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa aking
lupain sa aking mga KNIGHT.

Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa akin


ang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtamnan
at paunlarin. Tungkulin kong magbayad ng
buwis at magkaloob sa kanya ng regalo. Hindi
ako maaaring umalis sa lupain na kanyang
nasasakupan nang walang pahintulot ang
KNIGHT.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa comic


strip tungkol sa Piyudalismo?
A.

Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga


nasasakupan

B.

Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan


ay pagmamay-ari ng lupa

C.

Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong


Panahong Medieval

D.

Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong


Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo

125

Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan:

11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor?
A.

Pakikipagkalakalan

B.

Pagsasaka

C.

Paglilingkod sa may-ari ng lupa

D.

Paggawa ng ibat ibang kasangkapan

Para sa bilang 12, suriin ang kasunod na graph:

Bilang ng populasyon sa milyon

45
40
35
30
25
20
15
10
5
0
20

40

60

80

Taon-Common Era (CE)


126

1000

1200

12. Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang


bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph,
sa anong mga taon ito naganap?
A.

1000 at 1500 CE

B.

800 at 1000 CE

C.

800, 1000, at 1500 CE

D.

600, 800, at 1000 CE

13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito?
A.

Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.

B.

Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon


nito.

C.

Nakarating sa ibat ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.

D.

Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.

14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng ibat ibang lungsod-estado na ang


bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
A.

Ibat iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.

B.

Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan


ng Europe na isang mabundok na lugar.

C.

Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming


mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

D. Ibat iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya ibat ibang kabihasnan
ang umusbong dito.
15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang
pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A.

Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome


kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.

B.

Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa


Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.

C.

Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.

D. Wasto ang lahat ng nabanggit.

127

16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali


at Songhai sa pag-unlad nito?
A.

Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka

B.

Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang


produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga
Arab sa Sahara

C.

Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan


at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop

D.

Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na


disyerto ng Sahara

17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo
ng Pacific?
A.

Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay


pagsasaka at pangingisda.

B.

Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.

C.

Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay Animismo.

D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga


lawa o dagat-dagatan.
18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,
kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A.

May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.

B.

Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

C.

Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.

Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.

19. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga


mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon
kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang ipinapahiwatig ng
pahayag?
A.

Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro

B.

Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon

128

C.

Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat


barbaro

D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao


20. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang
Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan
(Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o
sa Papacy?
A.

Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at


kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
Katoliko.

B.

Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno


ng estado ng Vatican.

C.

Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring


tawag hanggang sa kasalukuyan.

D.

Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval.

129

ARALIN 1

PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA


KLASIKAL NA LIPUNAN SA EUROPE
Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta
mula sa ibat ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil
sa ginanap na Olympics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang
paligsahang ito?
Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia- isang
lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng klasikal na kabihasnan
sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.
Sa bahaging ito ng Modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang pangyayari
tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang Greece
at Rome. Masasagot din ang katanungang: Paano nakaimpluwensiya
ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan?

ALAMIN
Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga kabihasnang
nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling ito
ang kasagutan.
GAWAIN 1: Ano ang Gusto Ko?
Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Politiko

Artist

Mangangalakal

Mandirigma

Kababaihan

130

Pilosgio

Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa


Europe noong panahong klasikal. Bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay nang panahong iyon, alin sa sumusunod na
tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit?

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado
noong panahong klasikal? Ipaliwanag.
2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa
mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan
GAWAIN 2: I-R-F Chart
Basahing mabuti ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay isulat sa bahaging initial
ng diagram ang maiisip na sagot.

FINAL
FINAL

REVISED
REVISED

INITIAL
INITIAL

Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng


pandaigdigang kamalayan?

131

BINABATI KITA!
Tiyak na nais mo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga kabihasnan
noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa pagsasagawa ng ibat ibang gawain
sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at masasagot ang
iyong mga tanong tungkol sa paksa.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo
sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari
sa bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa
paghubog ng pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay
tungo sa iyong pagkatuto.
GAWAIN 3: Mapa-Suri
Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito.

Mapa 1.1 Mapa ng Europe

132

Pamprosesong mga Tanong


1.

Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece?

2.

Saang direksyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete?

Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng


Kabihasnang Greek?

GAWAIN 4: Magbasa at Matuto


Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean.
Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng
Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang
karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang
panig ng mundo.
Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam
na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay
matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging
sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal
ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan
upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging
katangian na nagpayaman sa kanilang kultura.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan
sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na
kabuhayan. Ito rin ang nagbigay-daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa
ibat ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang
kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa ibat ibang larangan
ng pamumuhay sa sandaigdigan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III. EASE Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 8-10

133

Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece.


431 BCE
Nagsimula ang
Peloponnesian
War
499 BCE
Nagsimula ang
Persian War

700 BCE

600 BCE

00 BCE
Umusbong ang
mga lungsod at
estado ng Greece

500 BCE

334 BCE
Pananakop ni
Alexander the
Great

400 BCE

300 BCE

200 BCE

Pigura 1.1 Timeline ng mga


pangyayari sa Kabihasnang
Greece.

460 BCE
Nagsimula ang
Golden Age ng
Athens
404 BCE Tinalo
ng Sparta ang
Athens

Ang mga Minoans


Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa
Crete mga 3100 BCE o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang
Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal
at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo bricks at
may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.
Hindi nagtagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapangyarihang
lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran
ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba
pang mga natural na kalamidad.
134

Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng
Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na
rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean.
Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,
mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga
tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay
di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa
buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 BCE. Nagwakas


ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na
sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang
mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.

Gabay na Tanong
Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?

Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?

Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?

Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?

135

Ang mga Mycenaean


Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na
nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang
Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay
pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na
paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob
dito.Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay nalubos nang masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay
nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang
Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama
sa mga kuwento at alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin
ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon
ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito
ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi
nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng
mga mananalakay.

Mapa
Mapa
1.21.2
Lokasyon
Lokasyon ng
ng Kabihasnang
Kabihasnang
Mycenaea
Mycenaea
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png

136

Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece
at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala,
isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang
tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan
ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong
Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na
tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga ibat ibang
kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Ano-anong impormasyon ang mahahalaw mula a teksto?


1.

______________________ _________________________
________________________________________________

2.

________________________________________________
________________________________________________

3.

________________________________________________
________________________________________________

4.

________________________________________________
________________________________________________

5.

________________________________________________
________________________________________________

Halaw sa Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 10-11

GAWAIN 5: Daloy ng mga Pangyayari


Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean.

137

Minoan

Mycenean

Pamprosesong mga Tanong


1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng Kabihasnang Minoan
at Mycenean?
2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang
Minoan at Mycenean?
3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa
pag-usbong ng Kabihasnang Greek?

138

Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang


isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece.
Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na
Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito.
Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang
tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE
at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan
ng daigdig.
Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan
sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na Kabihasnang Greece.
GAWAIN 6: Magbasa at Matuto
Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito.
Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon.

Ang mga Polis


Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta
ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok
ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng ibat
ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula
ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman
sa pamayanan tulad ng pulisya, politika, at politiko. May malalaki at maliliit
na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000
na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan
ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga
pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o
mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga
Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog
na palasyo at templo kung kayat ito ang naging sentro ng politika at relihiyon
ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o
pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali
na nagbigay-daan sa malayang bilihan at kalakalan.
Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng
pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang
kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado
ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapa139

tang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan,


at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong
sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito,
dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng
mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na
naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga
Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at
Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang
kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis.
Mula sa pakikipagkalakalan sa ibat ibang panig ng daigdig, natutuhan ng
mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling
alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa
ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana
nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila
ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan
ng isang lungsod o estado?
2. Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado?
3. Bakit mahalaga ang pakikipag-kalakalan para sa mga Greek?
Batay sa teksto, isulat ang kahulugan ng sumusunod na salita:

polis -

acropolis -

agora -

140

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma


Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus
na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado,
ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima,
sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga
Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na
lupang sakahan at pangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop
na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang
mga Helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga
helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa
ng mga Helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong
militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging
laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga Helot.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang
mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay
hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang
ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala
na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin
sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis
nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na
makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang
mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa
mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na
ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila
sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga
pag-aalsa ng mga Helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging
matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa
lipunan, ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila
ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay
nasa kampo-militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang
nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

141

Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labo-labo kung makipagdigma
ang mga Greek. Oo ngat sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan,
ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila
ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga
Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na
lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa
kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang
phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na
sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang
mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-es
tado ng Greece
2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas?
3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan?
Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayan Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et al., p. 117

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito


Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang
tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop
sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga
minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat.
Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang
teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang ngayon sa Attica ay sumali sa
kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon
ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao
at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting
pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay
ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating
panahon, sa kasalukuyan.
142

Sa simula, ang Athens ay


pinamunuan ng hari na inihalal
ng asembleya ng mamamayan at
pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya
ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito
ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may
kaya sa lipunan.

Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece


Source: https://encrypted-tbn3.gtastic.com/image?q=tbn:ANd9GcReaw15xp8agCB.TOPpqzMKAPluktN69yhizLwBd569YyKmPzc7kg

Hindi nagtagal, nagnais ng


pagbabago ang mga artisano
at mga mangangalakal. Upang
mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao,
nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay
Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay
ng pagkakapantay-pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang
mga namumuno. Sa gitna ng pagbabagong ito nanatiling hindi kontento ang
mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang
makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais
ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong
594 BCE sa pangunguna ni Solon na mula sa
mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala
din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis
niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at
ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil
sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal
kung saan lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian
ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang
mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon
ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap
at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga
repormang pangkabuhayan upang maisulong ang
dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay
143

Larawan 1.3 Si Pisistratus, isang


mahusay na pinunong Greek
http://en.wikipedia.org/wiki/Cl
eisthenes

ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang


pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing
suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan
nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa
ni Solon, hindi nasiyahan ang mga aristokrata.
Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang
mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang
salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng
pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.
Noong mga 546 BCE, isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamaLarawan 1.3 Si Solon, isang mambabatas na Greek
halaan ng Athens. Bagamat mayaman siya,
http://en.wikipedia.org/wiki/
nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng kaFile:Solon2.jpg
raniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng
malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng
pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig.

Batay sa teksto, ano ang kahulugan ng sumusunod:

tyrant - _________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

arcon - __________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

144

Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens
sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito.
Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa
konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa
ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa Asembleya
ang mga mamamayan may-ari man ng lupa o wala.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes
ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang
isang tao ay nakakuha ng mahigit 6 000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10
taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na
Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag
na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipaton ng sistemang ito, nabigyan
ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa
Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya
sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa
pamamalakad ng kanilang pamahalaan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong
Griyego, p. 15-21

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang isang lungod-estado ng
Greece?
2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig?
3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demokrasya? Patunayan.
Karagdagang babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon nina Mateo et.al., p. 116-117

145

GAWAIN 7: Paghahambing
Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng
Sinaunang Greece.

Sparta

Athens

Pamprosesong mga Tanong


1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan
at Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad
ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas
pipiliing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.

146

GAWAIN 8: Magbasa at Matuto


Bagamat ang Greece ay binubuo ng ibat ibang lungsod-estadong malaya
sa isat isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang
tingin nila sa isat isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin
nila sa mga hindi Greek.
Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga
kalapit na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang kinasangkutan ng Greece.

Ang Banta ng Persia


Hangarin ng Persia na palawakin ang
imperyo nito sa kanluran. Noong 546
BCE, sinalakay ni Cyrus the Great ang
Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy
ni Darius I, ang nagmana ng trono ni
Cyrus the Great, ang hangaring ito.
Noong 499 BCE, sinalakay niya ang
mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit
natalo ang mga kolonyang Greek sa
labanang pandagat sa Miletus noong
494 BCE. Bagamat natalo ang puwersa
ng Athens, nais ni Darius na parusahan
ang lungsod sa ginawang pagtulong
at gawin itong hakbang sa pagsakop a
Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan
ng Athens ang pagpapagawa ng isang
plota o fleet na pandigma.
Ang Digmaang Graeco- Persia (499479 BCE)

Larawan 1.4. Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia


http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif

147

Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 BCE


sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa
Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10,000
puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa
Athens. Noong BCE, isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae,
isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central
Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalim ni
Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes
na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan
at kahusayan ng mga taga-Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw,
dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek
ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas
ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang
Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang
karamihan sa tropa ni Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles
ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko
ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang
lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga
alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta.
Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al.,
pp. 117-118

Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban


sa malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag.

148

Digmaang Peloponnesian
Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi
maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang
umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan.
Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang
imperyo ang Athens.
Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na
pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta,
Corinth, at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta
at tinawag itong Peloponnesian League.
Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na
naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na
mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng
mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang
lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawingpalad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na
si Pericles, noong 429 BCE.
Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga
mali nilang mga desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan
ng mga Athenian na lumalabag sa paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod
laban sa kanya mismong mga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades
sa Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng pagkakataong pamunuan
ang sandatahang lakas ng Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila
sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong 404 BCE, sumuko ang mga
Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades.
Ang dalawamput pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at
pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay,
pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Greece, pp. 31-32

149

Ano ang epekto sa Greeece ng hidwaan at digmaan sa


pagitan ng mga lungsod-estadao nito? Ipaliwanag.

Karagdagang Babasahin:
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayan Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong Taon
nina Mateo et. al. p. 119

GAWAIN 9: A-K-B Chart


Punan ang diyagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang teksto.
Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece

Aktor (Sino ang


magkalaban?)

Kaganapan (Anoano ang mga


mahahalagang
pangyayari?)

Bunga (Ano ang resulta ng digmaan?)

150

Pamproseng mga Tanong


1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian
sa daigdig?
2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan?
Patunayan.
GAWAIN 10: Magbasa at Matuto
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Ginintuang Panahon ng Athens.

Ginintuang Panahon ng Athens


Noong 461 BCE, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si
Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 BCE.
Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing
pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung
kayat dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong
makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya hindi nagtagal
mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain
ng pamahalaan.
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para
sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi
sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan.
Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng
pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador.
Ayon kay Pericles Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay
nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral
sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbabasa, matematika,
musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin
ang sining, politika, at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang
pag-aaral.

151

Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon


at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa
pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa
sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring
makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang
buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad
na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay
kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang
kagamitang pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang mga gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o
karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.
Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay
na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang
sa ating makabagong panahon.
Ang mga akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika
ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahanga-hanga
ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes,
Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at
Corinthian ay naperpekto nila nang husto.
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo
sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay
Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng
Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias.
Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa
mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus
of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven
Wonders of the Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang
kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra
maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng
Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga

152

isinulat niya ay ang Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek
mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga
kuwento ng guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece.
Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang
Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi
bunga ng mahika.
Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa
larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala
ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig,
ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang
nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang
na tatlo, lima, at pito ay masuwerteng mga numero.
Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro
na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga
tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate sa
mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga
Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin mo
ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong
ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga
kasagutan sa mga katanungang ito.
Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga
tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya
ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan, siya
ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya
ni Socrates ay hindi niya naisulat.
Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala
ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang
uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, Astronomiya, at Pisika
na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang
alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing

153

pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya.


Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga ibat
ibang dula-dulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang
nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics kung saan tinalakay ng
mga mamamayan ang ibat ibang uri ngpamahalaan.
Halaw sa: Araling Panlipunan III, Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego

GAWAIN 11: Talahanayan, Punan Mo


Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens, buuin
ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa ibat ibang larangan.
Larangan

Ambag

Kahalagahan

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon?
2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto
sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.

154

GAWAIN 12: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas
ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece.

Imperyong Macedonian
Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na pagisahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng
kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang
hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang
pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng
magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes
ang Macedonia noong 338 BCE. Madaling tinalo
ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.
Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng
pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsodestado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay
napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.

Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander


the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-detail1.
jpg

Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the


Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa
kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan
niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay
ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang
loob, at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt
at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at Hilagang
India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya,
Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan.
Noong 323 BCE, sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa
hindi matiyak na karamdaman.
Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et.al., p.119-120

155

Gabay na Tanong
1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece?
2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia?
3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa
mundo?

GAWAIN 13: GREECESa Isang Tingin


Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay
sagutin ang tanong sa kahon.

Heograpiya

Politika

Ekonomiya

Sinaunang Kabihasnang Greece

Pilosopiya

Sining at
Arkitektura

Agham at
Teknolohiya

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?

156

Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak


na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang
Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang
Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring the glory that was Greece
makikilala ang Rome sa taguring the grandeur that was Rome. Ano kaya
ang kahulugan nito? Halinat iyong tuklasin.
Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit itong
gabay sa mga susunod na pagtalakay.
300 CE Naging
Emperador ng
Imperyo ng
Constantine
202 BCE
Natalo ng
mga Roman si
Hannibal

750 BCE

500 BCE

509 BCE
Itinatag ang
Roman Republic

250 BCE

1 CE

264 BCE
Sumiklab ang
Punic War

450 BCE
Naging pundasyon
ng batas ng mga
Romans ang Twelve
Tables

180 BCE
Nagtapos ang Pax
Romana

27 BCE
Nagsimula ang
Pax Romana sa
pamumuno ni
Augustus

45 BCE
Naging diktador ng
Rome si Julius Caesar

Figure 1.1 Timeline ng mga


pangyayari sa Kabihasnang
Greece.

157

500 AD

250 BCE

476 CE
Nagtapos ang
Imperyong
Romano sa
Kanluran

284 CE
Hinati ni Diocletian ang
Imperyong Roman

GAWAIN 14: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Rome. Ang Italy
ay isang bansang matatagpuan sa Kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula
na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng
maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan
ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas
ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong
ang dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na naguugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean
Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan
ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome

Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag


na lungsod?

158

Ang Simula ng Rome

Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng


ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na
nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang
nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat
sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang
pamayanan sa Latium Plain.

Ang kambal ay sinagip at inaruga


ng isang babaing lobo. Nang lumaki
ang dalawa at nalaman ang kanilang
pinagmulan, inangkin nila ang trono
at itinatag ang Rome sa pampang ng
Tiber River noong 753 BCE.

http://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/6/6a/Shewolf_suckles_Romulus_and_
Remus.jpg

2
Ayon sa isang matandang alamat
ang Rome ay itinatag ng kambal na
sina Romulus at Remus. Habang
mga sanggol pa lamang, inilagay sila
sa isang basket at ipinaanod sa Tiber
River ng kanilang amain sa takot na
angkinin ng kambal ang kaniyang
trono.

Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan,


ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila
ay magagaling sa sining, musika, at sayaw.
Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal,
at kalakalan. Tinuruan nila ang mga Roman sa
pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga
aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma,
pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p. 126-127

Paano nagsimula ang Rome?

159

Ang Roman Republic


Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo
ng Republika, isang pamahalaang walang hari.
Noong 509 BCE, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy
sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula
509 hanggang 31 BCE.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay
may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng
mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang
pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa
ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga
maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador, at
ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng
Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan
ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 92.

Batay sa binasang teksto, ilarawan ang sumusunod na bahagi ng


Roman Republic.
konsul _____________________________________________________
___________________________________________________________
diktador- __________________________________________________
patrician-___________________________________________________
___________________________________________________________

plebeian- __________________________________________________
___________________________________________________________

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon
nina Mateo et al., pahina 127

160

Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician


Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong
494 BCE upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong
Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila
nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng
mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak
sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga
naging alipin nang dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian
ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang
ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang
tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang
Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng
higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 BCE, dahil sa mabisang
kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga batas sa 12 lapidang tanso at inilagay
sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12 Tables ang kauna-unahang
nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan
nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng
karapatang makapag-asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging kasapi
ng senado.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 92

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga


plebeian?
Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon
na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang
kanilang karapatan. Ipaliwanag
Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng
mga karaniwang tao? Patunayan.

Para sa karagdagang kaalaman basahin ang Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina
Mateo et al., p. 127-128

161

Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome


Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunudsunod na digmaan mula pa noong 490 BCE. Nasakop ang mga Latino, mga
Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine, at Samnite.
Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece
sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy
noong 280 BCE. Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng
Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit
ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Roman. Bagamat
nagtagumpay si Haring Pyrrhus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung
kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric
Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 BCE sa Beneventum,
Italy. Roman ang naging reyna ng peninsula ng Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo
ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib
ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na
teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa
hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan
ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang
teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng
Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga
Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito ang mga Carthagenian.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. p. 93

Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa


paglaganap ng kapangyarihan ng Rome.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,
Ikatlong Taon nina Mateo etal., pahina 128.

162

Digmaang Punic
2

3
Nasubok ang kapangyarihan ng Rome
at Carthage sa tatlong Digmaang
Punic- salitang Latin na nagmula sa
pangalang Phoenicia. Sa digmaang
ito napagpasyahan kung sino ang
mamumuno sa Mediterranean.

Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang


pananakop ng Rome sa bahaging timog ng
Italy. Nagisisimula pa lamang ang Carthage
noon na maging makapangyarihan sa
kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag
ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga
Phoenician mula sa Tyre noong 814 BCE. Nang
sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya
ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong
komersiyal na nasasakop ng hilagang Africa,
silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica,
Sardinia, at Sicily.

1
Sa simula makapangyarihan ang
Carthage sa dagat bagaman pawang
upahan ang mga mandirigma nito
dahil sa maliit na populasyon. Ang mga
Roman naman sa simula ay walang
hukbong pandagat ni karanasan sa
digmaang pandagat.

Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaan Punic


Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Vivar et. al. p. 94

163

Digmaang
Punic

Mahahalagang Pangyayari

Unang
Digmaang
Punic (264 241 BCE)

Bagamat walang malakas na plota,


dinaig ng Rome ang Carthage noong 241
BCE. Nagpagawa ang Rome ng plota at
sinanay ang mga sundalo nito na maging
magagaling na tagapagsagwan.

Bilang tanda ng pagkakapanalo ng


Rome, sinakop nito ang Sicily, Sardinia,
at Corsica.

Nagsimula ito noong 218 BCE nang


salakayin ni Hannibal, ang heneral ng
Carthage, ang lungsod ng Saguntum
sa Spain na kaalyado ng Rome.

Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang
timog France kasama ng mahigit na
40 000 sundalo.

Tinawid din nila ang bundok ng Alps


upang makarating sa Italy.

Tinalo ni Hannibal ang isang malaking


hukbo ng Rome sa Cannae noong
216 BCE. Subalit hindi naghangad si
Hannibal na salakayin ang Rome nang
hindi pa dumarating ang inaasahang
puwersa
na
manggagaling
sa
Carthage.

Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio


Africanus, sinalakay ng mga Roman
ang hilagang Africa upang pilitin
si Hannibal na iwan ang Italy at
tumungo sa Carthage upang sagipin
ang kaniyang mga kababayan.

Ikalawanag
Digmaang Punic
(218 - 202 BCE)

164

Kinahinatnan

Nanalo ang Rome


laban sa Carthage.

Natalo si Hannibal
sa labanan sa Zama
noong 202 BCE.
Sa isang kasunduang
pangkapayapaan
noong 201 BCE,
pumayag ang
Carthage na sirain
ang plota nito,
isuko ang Spain, at
magbayad ng buwis
taon-taon sa Rome.

Matapos ang 50 taon, naganap ang


Ikatlong Digmaang Punic.

Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius


Cato, isang pinuno at manunulat na
Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa
kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya
ang kasaganahan at luho ng pamumuhay
dito. Batid niyang malakas ang Carthage
at nananatili itong banta sa seguridad ng
Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya
sa isipan ng Senado at publiko na dapat
wasakin ang Carthage.

Nang salakayin ng Carthage ang isang


kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome
ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod
at ipinagbili ang mga mamamayan bilang
alipin.

Muling
natalo
ang Carthage sa
digmaan.
Kinuha ng Rome ang
lahat ng pag-aari ng
Carthage sa Hilagang
Africa.

Pamprosesong mga Tanong


1.

Bakit mahalaga para sa mga Roman ang pagkontrol sa Mediterranean Sea?

2. Ano ang dahilan ng pananaig ng Rome sa mga naganap na Digmaan Punic?


3. Paano nakabuti sa Rome ang kanilang pananaig laban sa Carthage?

Tagumpay sa Silangan
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome ay
pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome
ang Macedonia. Noong 146 BCE, ang
Macedonia ay naging isang lalawigan
ng Rome. Sa taon ding ito, sinunog ng
Rome ang Corinth at inilagay ang iba
pang lungsod-estado ng Greece sa ilalim
ng pangangasiwa nito.
Mula 133 BCE nagsimulang mapasakamay ng Rome ang marami pang lupain.
Sa pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean Sea ay
nasakop ng Rome. Dahil dito, hindi kataka-takang tawagin ng mga taga- Rome
ang Mediterranean Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 129

165

Kabihasnang Rome
Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek
ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang
sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang
Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Rome. Pangunahin
na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng pamamahala at
batas.
Panitikan
Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong
kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang
mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng
Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na
nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus Palutus at
Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy.
Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at
Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat at
orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya,
ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng
kapangyarihan o sirain ng pera kailanman.

Batas
Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang
mambabatas ng sinaunang panahon. Ang
kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan
na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay
batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito
ang ginamit upang alamin ang mga krimen at
tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito
ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang
pamamaraan ayon sa batas.

Kabihasnang Rome
Inhenyeriya

Pananamit

Ipinakita ng mga Romano ang kanilang


galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga
daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong
imperyo kabilang ang malalayong lugar.
Marami sa mga daan na ginawa nila noon
ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang
halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay
sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng
mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa
lungsod.

Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.


Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang
tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic
kung sila ay lumalabas ng bahay.
Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang
kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at
palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.

Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at
pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula
sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga
Roman ay ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Mayroon din silang
pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum,
ang sentro ng lungsod.
May iba pang gusaling pinatatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Rome. Halimbawa ay ang Coliseum na
isang ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.

166

GAWAIN 15: Lagumin Mo


Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan.
Pangyayaring Nagdulot ng Paglakas
ng Rome

Patunay/ Paliwanag

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng Kabihasnang Rome?
2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic?
3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag-unlad at paglakas ng kabihasnang Rome.

167

Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Rome


Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagamat ang pagpapatibay ng mga tratado
at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong
ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng
kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas
na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki
dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.
Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog
na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo
ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi
sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang
nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng
Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya
ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho.
Ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunan sa mga digmaan ay
napakinabangan lamang ng mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sa pagitan
ng mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng mga
tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ng kasakiman at marangyang pamumuhay
ang tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 132-133

Batay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng Rome


bunsod ng paglawak ng kapangyarihan nito?

Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa Republikang


Rome?
Maihahalintulad ba ang mga pangyayaring isinasaad sa teksto sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan? Sa paanong paraan?

168

GAWAIN 16: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa mga pangyayaring
nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa pagtatag ng Imperyong
Romano.

Ang Banta ng Digmaang Sibil


Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapuwa
tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap
bilang panganib sa katatagan ng Republic. May mga nagtangkang
magpatupad ng pagbabago katulad ng mga sumusunod:
Pinuno/Taon
Tiberius 133 BCE

Pangyayari
Nagpanukala ng batas sa
pagsasaka kung saan ang
mga lupang nakamit sa
pamamagitan ng digmaan
ay ipamamahagi upang
magkaroon ng bukirin ang
mahihirap.

Epekto
Upang hadlangan si Tiberius
at takutin ang iba pang
nagnanais ng pagbabago,
ipinapatay siya ng isang
grupo ng mayayaman.

Nais niyang limitahan ang


dami ng lupa na maaring
ariin ng mayayaman upang
pigilin ang mga ito sa
pagkamkam ng higit pang
maraming lupa.
Gaius Gracchus 123
BCE

Sinundan ni Gaius Gracchus


ang hakbang tungo sa
pagbabago na sinimulan
ng kanyang nakakatandang
kapatid subalit, ang mga
mayayaman ay hindi rin
sang-ayon sa kanyang mga
panukala.

Sinalakay si Gaius at ang


kanyang 3,000 na tagasunod
ng isang pangkat ng mga
senador kasama ang
inupahang hukbo at alipin.
Ipinapatay ng Senate ang
mga tagasunod ni Gaius
Gracchus. Siya naman ay
nagpatiwakal.

Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian ng


mga patrician sa Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye
ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 BCE. Bumalik ang kaayusan
sa Rome nang maging diktador si Sulla noong 82 BCE.

169

Gabay na Tanong:
1. Ano ang dahilan ng mga kaguluhang naganap sa Rome?
2; Ano ang ipinapahiwatig ng mga nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng
mga patrician at plebeian? Ipaliwanag.
3. Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon?
Ipaliwanag.
Tunghayan mo sa sumusunod na teksto ang ilan sa mga mahahalagang
pangyayari sa Rome.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al., p. 133

Si Julius Caesar Bilang Diktador


Sa unang siglo ng BCE, matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga heneral
at pinunong militar sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil.
Noong 60 BCE, binuo ni Julius Causa, Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang
First Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa
ng pamahalaan. Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar. Si
Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang
rebelyon ng mga alipin. Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani
dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain. Si Caesar ay isang gobernador
ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng
Rome hanggang France at Belgium. Bagamat nagkasundo silang pamunuan
ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa.
Batay sa bahaging ito ng teksto, ano ang kahulugan ng Triumvirate?

Noong 53 BCE, napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at


Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng
mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara
kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang
170

matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya
sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga
beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang
hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng
Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa
kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga
kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito
ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa
Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador,
binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya
ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman
citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad
ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti.
Gabay na Tanong:
Bakit naging tanyag si Julius Caesar?
Bakit siya tinawag na diktador sa kanyang pagbalik sa Rome?
Ano-ano ang mga pagbabagong ipinatupad niya sa Rome?

Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang


hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si
Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan
ni Caesar. Noong March 15, 44 BCE, isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar.
Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador
sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius.
Ano ang ipinahiwatig ng kamatayan ni Julius Caesar?

171

Augustus: Unang Rome Emperor


Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa
pamangkin na si Octavian. Noong 43 BCE, kasama sina Mark Antony at Marcus
Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan
sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay
si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina
Brutus at Cassius.
Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark
Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo,
samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na
kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at
Spain.
Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt.
Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra
at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian
upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 BCE. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni
Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod
na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay
si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony
at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra.
Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 BCE, hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily
laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon
ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy.
Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang
Republic bagamat hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng
hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 BCE, iginawad ng Senate
kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augustus ay karaniwang
ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang
titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan.
Mula noon, si Octavian ay nakilala sa pangalan na ito. Sa wakas, pagkatapos
ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa
ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng
Imperyong Roman.

172

Gabay na Tanong:
Sino-sino ang bumuo sa Second Triumvirate?
Bakit mahalaga ang pagkapanalo ni Octavian sa labanan sa Actium?
Bakit tinawag na Augustus si Octavian?

Limang Siglo ng Imperyo


Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan
nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga
ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara Desert sa timog. Sa pagsapit
ng ikalawang siglo CE, ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon
na binubuo ng ibat ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian.
Gaano kalawak ang sakop ng Imperyong Roman?

Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo


ng Imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 BCE hanggang 180 CE. Kadalasang
tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Rome. Umunlad
ang kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at karagatan ay ligtas sa mga
tulisan at mga pirate. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang kahoy na gamit sa paggawa
ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang
Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa Britain; tanso sa Cyprus; at bakal
at ginto sa Balkan.
Sa labas ng Imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome
sa ibat ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang
seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba pang luho.
Ano ang Pax Romana?

173

Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang
sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang
Aineid, ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy.
Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda
niyang Metamorphoses. Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural History, isang
tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni
Tacitus ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala
ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27 - 26 BCE ang From
the Founding of the City, ang kasaysayan ng Rome.
Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng
Rome?

Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus


Namatay si Augustus noong 14 CE. Ang titulong imperator o emperador
ay iginawad ng Senate kay Tiberius na siyang pinili ni Augustus na humalili sa
kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng
Imperyo noong 476 CE, ang Rome ay nagkaroon ng ibat ibang uri ng emperador.
Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian
Pinuno

Nagawa

Tiberius (14 - 37 CE)

Magaling na administrador si Tiberius bagamat


isang diktador.

Caligula (37 - 41 CE)

Nilustay niya ang pera ng Imperyo sa maluluhong


kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga
gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang
siya ay isang gladiator.

Claudius (41 - 54 CE)

Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo


ng mga batikang administrador.

Nero (54 - 68 CE)

Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya


kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling
ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog
sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang
ginagawa ito.

174

Mula sa Dinastiyang Flavian


Pinuno
Vespasian (69 - 79 CE)

Nagawa
Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos
na patakarang pananalapi at pagtatayo ng
imprastrukturang tulad ng pampublikong paliguan
at amphitheater para sa mga labanan ng mga

gladiator.

Ang Limang Mahuhusay na Emperador


Pinuno
Nerva (96 - 98 CE)

Trajan (98 - 117 CE)

Hadrian (117 - 138 CE)


Antoninus Pius (138 - 161 CE)
Marcus Aurelius (161 - 180 CE)

Nagawa
Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva
at ang kinitang interes ay inilaan niya para
tustusan ang mga ulila.
Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating
ng imperyo ang pinakamalawak nitong
hangganan.
Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga
hangganan at lalawigan ng Imperyo.
Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa
mga Kristiyano.
Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod
niya ang Pilosopiyang Stoic. Binibigyang-diin ng
pilosopiyang ito ang paghahanap ng kaligayahan
sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na
kalooban (divine will).

Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pananatili ng isang


imperyo?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Hango sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al., p.
134-137

175

GAWAIN 17: Rome Sa Isang Tingin


Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas at paghina ng Imperyong Rome
sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart.
Sanhi

Bunga
Naging malakas ang Imperyo ng Roman sa
Mediterranean.
Humina at unti-unting bumagsak ang
Imperyong Roman.

Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Romano?

GAWAIN 18: Pagsulat ng Sanaysay


Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang
Greece at Rome. Suriin din ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito sa
daigdig.

176

GAWAIN 19: I-R-F Chart


Isulat sa bahaging revised ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon.

FINAL
FINAL

REVISED
REVISED

INITIAL
INITIAL

Paano naimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad


ng pandaigdigang kamalayan?

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1.
Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tunkol sa Panahong Klasikal
sa Europe, maari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman sa paksa
sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga impluwensiya ng Kabihasnang
Klasikal sa Europe tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.

177

GAWAIN 20: E-Postcard


Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa
Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa
napiling social networking site ang ngawang E-postcard.
Larawan
Impormasyon

Kahalagahan sa
Kasalukuyan

GAWAIN 21: I-R-F Chart


Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging Final ang iyong sagot.

FINAL
FINAL

REVISED
REVISED

INITIAL
INITIAL

Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng


pandaigdigang kamalayan?
178

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain
sa araling ito.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan pagsibol, pag-unlad at pagbagsak ng mga Klasikal na
Kabihasnan sa Europe. Ang mga aral na iyong natutuhan mula sa araling ito ay
magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na aralin at sa kabuuan ay
pag-unawa sa mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig at ang kahalagahan ng
mga ito sa kasalukuyan.
Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga Klasikal na Kabihasnang
European sa susunod na aralin. Magsisilbi rin itong gabay upang maunawaan
mo at masuri ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig sa kasalukuyan.

179

ARALIN 2

PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG
MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA
AMERICA, AFRICA, AT MGA PULO SA
PACIFIC
Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, ang Africa?
At ang mga pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa mga lugar na ito?
Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nito at sa pamumuhay ng kanilang
mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag sa mga
kontinenteng ito.
Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano
nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang
mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan.

180

ALAMIN
Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga
kontribusyon ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo.
Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng mga
kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga pulo sa Pacific.
Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin.
GAWAIN 1: Imbestigasaysayan
Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na
ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang
sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.

1
Ilarawan ang
disenyo

Bakit
ipinagawa?

Ano ang
iyong
masasabi sa
kakayahan
ng mga
gumawa?

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg

1
Ilarawan ang
disenyo

Bakit
ipinagawa?
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg

181

Ano ang
iyong
masasabi sa
kakayahan
ng mga
gumawa?

GAWAIN 2: SKK - Paglalakbay


Simulan mo ang iyong paglalakbay sa araling ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na nasa loob ng kahon. Isulat mo sa bahaging Simula
ang iyong sagot. Samantala, ang bahagi ng Kalagitnaan at Katapusan
ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling ito.

Katapusan
Kalagitnaan

Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga pangyayari at
mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo sa
pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin.
Sa pamamagitan ng pagtutupad sa iba-ibang gawain sa Modyul na
ito, higit na madaragdagan ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa.

182

PAUNLARIN
Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at
impluwensiya ng kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga pulo
sa Pacific sa daigdig. Inaasahan ding masusuri mo ang kahalagahan ng
mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin ang
nilalaman ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo
pang mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na!

GAWAIN 3: Sulyap sa Nakaraan


Suriin ang timeline tungkol sa pagkakatatag ng iba-ibang kabihasnan sa daigdig mula 3000 BCE hanggang 500 CE. Pagkatapos na masuri, sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga nakaraaang aralin. Makikita rito ang pag-unlad ng kabihasnan sa ibat ibang lugar
sa daigdig mula 3000 BCE hanggang 500 CE.
Gabay na tanong:
1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China,
at India?
2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 BCE?
3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa
Mediterranean o sa America? Ipaliwanag.
4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga
kabihasnan sa daigdig?

Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente,


paano naman kaya namuhay ang mga tao sa kontinente ng Africa, at mga
pulo sa Pacific?

183

184

Africa

- Pananakop
ng Hyksos

- Pananakop
ng Nubia

- Pamumuno
ni Haring
Hammurabi

- Pag-usbong
ng Assyria

- MIDDLE
KINGDOM

- Pag-usbong
ng Babylon

2000
BCE

Pagtatayo ng
mga pyramid

OLD KINGDOM

- Naimbento
ang Hieroglyphics

Pamumuno
ni Sargon ng
Akkad

- Naimbento
ang Cuneiform at
paggamit ng
gulong

Mga guhit sa
- Pag-unlad
- Pag-unlad
ng agrikultura ng agrikultura bato sa gitnang Sahara
- Pag-usbong Paggawa ng
na nagpapakipalayok
ng Sumer
ta ng tao

Egypt

2500
BCE

3000
BCE

Mesopotamia at
Persia
Pagtayo ng
mga batong
monumento
sa Hilaga at
Timog Europ

Paglakas ng
Mycenean

GITNANG
Pagtatag ng
PANAHON
Stone-henge
NG MINOAN
Paggawa ng
kagamitang
HULING
bronze
PANAHON
NG MINOAN

SINAUNANG
PANAHON
NG MINOAN
sa Crete

Pagtayo ng
mga batong
monumento
sa Malta

MediterraNorthern
nean Lands of Europe
Europe

Pagbasak ng
kabihasnan sa
Indus

Pagdating ng
mga Hittites
sa Anatolia

Pagdating ng
mga dayuhang Aryan

Pagtatag sa
siyudad ng
Mohenjo-Daro at Harappa

Pag-usbong
ng kabihasnang Indus

India

Pagdating ng
mga Assyrian
upang makipagkalakalan

Mga unang
siyudad ng
Jericho at
Catal Huyuk

Mga unang
magsasaka

Western Asia

Mga unang
magsasaka

China

Pagtatanim ng
mais

America

Figure 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 BCE 500 CE)

185

1000
BCE

1500
BCE

Pagsimula ng
Kaharian ng
Kush

Pag-usbong
at pagbagsak
ng Imperyong Pananakop ng Pagtatag ng
Assyrian at
Carthage
Assyria
Kushite

Unti-unting
pagbagsak ng
kabihasnan

-Tutankhamun

- Queen Hatshepsut

Ang pamumuno ng Mitanni - Pamumuno


ng mga warsa hilagang
Mesopotamia rior-pharaoh

- NEW
KINGDOM

- Pag-unlad
ng mga lungsod-estado sa
Greece

- Ang
pagtatag ng
- Rome 753
BCE

- Ang mga
Etruscan sa
Hilagang Italy

- DARK
AGES sa
Greece

-Pagdating ng
mga Dorian
sa Greece

- Pagbagsak
ng Mycenean

Pagwasak sa
Knossos

Pagbagsak ng
Crete

Pananakop
ni Alexander
the Great sa
Eastern Mediterranean

Pagdating ng
mga Israelite
Pandarayuhan sa Canaan
ng mga Celts
Pamumuno
sa iba-ibang
nina Haring
bahagi ng
David at
Europe
Haring
Solomon sa
Israel

Paglakas ng
Imperyong
Hittite

- Isinilang
si Gautama
(Buddha)

- Pagsulat
ng Vedas
(religious
writings)

- Pag-unlad
ng relihiyong
Hinduismo

- Pag-unlad
ng Sistemang
Caste

Isinilang si
Confucius

DINASITIYANG
CHOU

Naimbento
ang sistema
ng pagsulat

SHANG DYNASTY

Ang pag-usbong ng mga


Olmec sa
Mexico

186

500
BCE

Pananakop ni
Alexander the
Great kung
saan naisama
ang sa kaniyang teritoryo
ang Persian
Empire

Ang PERSIAN
EMPIRE
sa kaniyang
kalakasan

Digmaang Punic sa Pagitan


ng Carthage
at Rome

- Pananakop
ng Imperyong
Roman

Natalo at
nasakop ng
- Pamumuno Carthage ang
ng mga Ptole- teritoryo ng
Imperyong
mies
Rome sa
- Pamumuno Hilagang
ni Cleopatra
Africa

- Pananakop
ng Imperyong
Persia,
pananakop ni
Alexander the
Great

-Pag-usbong
ng Rome

- Pamumuno
ni Alexander
the Great

- Digmaang
Peloponnesian

- Pagiging
makapangyarihan ng lungsod-estado ng
Athens

- Digmaang
Persian sa
pagitan ng
Greeks at
Persians

Paglunsad
ng tangkang
Pananakop ng Pananakop ng pananakop ni
mga Roman
mga Roman
Alexander sa
sa malaking
India
bahagi ng
Hilagang
Europe

Naimbento
ang papel

- HAN DYNASTY

- CHIIN
DYNASTY

- Itinayo ang
Great Wall

- Pag-iisa
ng China sa
ilalim ni ShihHuang Ti

- Panahon ng Pag-usbong
warring states ng mga Maya

GAWAIN 4: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya.
Mga Kabihasnan sa Mesoamerica
Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang
kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga
mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang
lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng
lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili
nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay
sa nakaraang Modyul.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec.
Naging maunlad din ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng
kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay
nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop
ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga
Maya, Aztec, at Inca kung kayat itinuturing ang mga ito na Kabihasnang
Klasikal sa America.

Kabihasnang Maya (250 CE 900 CE)


Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa
Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod
ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang
rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CE.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o tunay na lalaki
ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang
mga diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng
ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang
pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang
pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at
nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na
bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng
pyramid.

187

Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay


mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop.
Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim
nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa
kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos
ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.
Mapa. 2.1 Lokasyon
ng
Kabihasnang Maya
1. Ano-anong lungsod ang makikita
sa timog na bahagi ng Yucatan
Peninsula?
2. Paano nakipagkalakalan ang
mga Maya sa iba
pang bahagi ng
Mesoamerica?

Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit
sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE, ang ilang mga sentro ay nilisan, ang
paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon
at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa
mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang
makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang
dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at
patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari
rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain
batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na
nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang
mas manipis ang mga buto nito.

188

Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay


nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan.
Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong
Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.
Kasingtulad ng pyramid ang
estrukturang ito. Subalit,
mapapansin na ang itaas na bahagi
nito ay patag. Sa loob nito ay may
altar kung saan isinasagawa ang
pag-aalay.

Ipinagawa ang templo


upang pagdausan ng
mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay parangal
para kay Kukulcan, ang
tinaguriang God of the
Feathered Serpent

Gawa ang pyramid


mula sa malalaking
bato. Mayroon itong
apat na panig na may
mahabang hagdan.
Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan

Ang pyramid na ito


ay patunay ng mataas
na kaalaman ng mga
Mayan sa arkitektura,
inhenyeriya, at
matematika.

Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa diyagram


ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

189

Paglakas
Tapat ang mga nasasakupan
sa pinuno. Siya ay namumuno
sa pamahalaan at relihiyon.
Napag-isa ang mga mamamayan
dahil sa iisang paniniwala.
Pamahalaan
at Relihiyon

Paglakas
May mahusay na sistema ng
pagtatanim na nagdulot ng
sobrang produkto.

Ekonomiya at
Kabuhayan

Paghina
Palagiang nakikipagdigma
ang mga pinuno at kaniyang
nasasakupan upang makahuli
ng mga alipin na iaalay
sa kanilang mga diyos.
Nagbunga ito ng pagkaubos
ng yaman ng mga lungsodestado.

Paghina
Pagkawala ng sustansiya
ng lupa. Ang paglaki ng
populasyon ay nagdulot ng
suliranin sa suplay ng pagkain.

Paglakas
Mayaman at maunlad ang
mga lungsod-estado ng Maya.

Paghina
Nagdulot ng kaguluhan at
kahirapan ang madalas na
digmaan sa pagitan ng mga
lungsod-estado.

Mga Lungsodestado

Figure2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng
paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan.

Gabay na Tanong
1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema
ng pagtatanim?

190

GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo
Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng impormasyon
ang dayagram.
Pamahalaan

Relihiyon

Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan


Ekonomiya

Arkitektura

Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil

GAWAIN 6: Exit Card


Dugtungan ang sumusunod na pahayag.
Naunawaan ko sa nakaraang aralin na ...

Ang mga bahagi ng aralin na hindi ko gaanong naintidihan ay ...

Ilan sa aking tanong ay ...

Ang pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Kabihasnang Mayan ay nagdulot


ng paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na bahagi ng Mesoamerica.
Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa Mexico
Valley. Ang mga mamamayan dito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa
Mesoamerica ang Imperyong Aztec.
191

Kung ang mga Mayan ay nagtatag ng kanilang kabihasnan sa timog na


bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan
sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang
sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng
mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga
Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating
maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga
Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila
ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.
GAWAIN 7: Magbasa At Matuto
Basahin at unawain ang mga teksto tungkol sa Kabihasnang Aztec.
Kabihasnang Aztec (1200 1521)
Ang mga Aztec ay mga
nomadikong tribo
na ang orihinal na
pinagmulan ay hindi
tukoy. Unti-unti silang
tumungo sa Lambak
ng Mexico sa pagsapit
ng ika-12 siglo C.E.
Ang salitang Aztec ay
nangangahulugang
isang nagmula sa
Aztlan, isang mitikong
lugar sa Hilagang
Mexico.

Mapa 2.2 Sakop ng


Kabihasnang Aztec

Gabay na Tanong:
1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan
ang nagbigay-daan upang ito ay maging sentrong
pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang
panahon?

192

Noong 1325, itinatag nila ang


pamayanan ng Tenochtitlan, isang
maliit na isla sa gitna ng lawa ng
Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro
ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang
lungsod ay naging mahalagang
sentrong pangkalakalan.

Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi
sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec.
1. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak.
Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga
Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo
na kung tawagin ay mga floating garden.

2. Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho.


Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na
kahoy.

3. Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani,
kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato,
at gansa.

193

4. Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga
puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga
ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si
Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang
mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa
pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga
iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagamat may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.

Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon


ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan
upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga
dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-estado ng Texcoco at Tlacopan.
Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit
na pamayanan sa Gitnang Mexico.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar
at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabagong
ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay
Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga
bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan
sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga
karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay
ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa
Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa
Guatemala.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura
tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon,
liwasan, at mga pamilihan.

194

Makikita sa pahinang ito ang


graph ng populasyon ng mga
Aztec. Ang biglaang pagbaba
ng populasyon ay dulot ng
epidemya ng bulutong, pangaalipin, digmaan, labis na
paggawa, at pagsasamantala. Sa
kabuuan, tinatayang naubos ang
mula 85 hanggang 95 bahagdan
ng kabuuang katutubong
populasyon ng Mesoamerica
sa loob lamang ng 160 taon.

1.5

Mga Milyon

1.4
1.3
1.2
1.1

Populasyon

1
9
8
7

Daang Libo

6
5
4
3
2
1

1500 1520 1540 1560 1580 1600 1620 1640 1660 1680 1700

Taon
Figure2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519,


natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno
sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II,
pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing
pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan
ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.

195

GAWAIN 8: Daloy ng mga Pangyayari


Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong
Aztec.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec?
2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang sinakop?
3. Bakit madaling nakontrol ng mga Aztec ang iba pang karatig na lungsodestado?
GAWAIN 9: Pagsulat ng Sanaysay
Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong ng mga
Kabihasnang Maya at Aztec?
2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan?
3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga?

196

4. Magbigay ng kongklusyong magpapatunay na ang nabanggit na kabihasnan


ay maituturing na Kabihasnang Klasikal.
GAWAIN 10: Pagsusuri sa Aking Natutuhan
Punan ng angkop na impormasyon ang kasunod na chart batay sa paksang
tinalakay.
Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at
Ang aking mga natutuhan sa araling
ito ay _____________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Madali kong naisakatuparan ang mga


gawain tulad ng ___________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Ang aking mga tanong sa araling ito


ay ________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Nahirapan ako na mapagtagumpayan


ang mga gawain tulad ng ___________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

katangian ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at


kapangyarihan ng dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain
partikular na ang Aztec. Isa pang maunlad at higit na malawak na imperyo ang
naging makapangyarihan sa America. Ito ang Kabihasnang Inca na lumaganap
sa South America.

197

GAWAIN 11: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Inca.

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA


May magkakaibang klima at
heograpiya ang South America
kung ihahambing sa Mesoamerica.
Matatagpuan sa hilaga ng Amazon
River na dumadaloy sa mayayabong
na kagubatan. Pawang ang mga prairie
at steppe naman ang matatagpuan sa
Andes Mountains sa timog na bahagi.
Samantala, tuyot na mga disyerto ang
nasa kanlurang gulod ng mga bundok
na kahilera ng Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya-aya ang
topograpiya ng Andes, dito nabuo ang
mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig
sa hilagang gilid ng Andes noong 2000
BCE.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo BCE
maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon.
Ang mga pamayanang ito ay umusbong
sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop Mapa. 2.3 Sakop ng Kabihasnang Inca
ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw
sa lupain hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo.
Gabay na Tanong
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Imperyong Inca?
2. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinatayo ng mga Inca
upang mapatatag ang kanilang imperyo?
3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na sistema ng transportasyon?

198

Kabihasnang Inca (1200 - 1521)


Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagangkanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa
pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang imperyo. Hango ito sa pangalan ng
pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting
pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang
3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng
imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni
Topa Yupanqui (1471 - 1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang
Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan
ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa
baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang
Ecuador.
Gabay na Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng Inca?
2. Sino si Pachakuti?
Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca.
BATAYAN
Pinagmulan
- nagmula sa maliliit na
pamayanang agrikultural
Paniniwala
- pagsamba sa araw bilang
diyos
Inhinyera
- mahusay sa paggawa ng
kalsada, templo, at iba
pang gusali

AZTEC

INCA

PATUNAY
Parehas na umunlad ang
dalawang imperyo mula sa
matagumpay na pagtatanim.

Huitzilopochtli diyos ng araw


ng mga Aztec
Inti diyos ng araw ng mga Incan

199

Pyramid of the Sun ginawa ng


mga Aztec
Mahaba at batong kalsada
ginawa ng mga Incan

Francisco Pizzaro
Source: http://the
historyjunkie,com/
francisco.pizzaro-facts/

Dahil sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang


Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532,
ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw
mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia
hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at
Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian
tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan
sa mga nasakop na bagong teritoryo, untiunting humina ang imperyo. Dagdag pa rito
ang tila napakalaking saklaw ng Imperyong
Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa
sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga
pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Siya ang namuno sa mga Espanyol sa pananakop sa Imperyong Inca.


Samakatuwid, ang Imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa
ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador
o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno
ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay
nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar.
Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito
patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos
ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas
ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit
na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong
teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa
mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru
ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang
imperyo sa Andes.
Gabay na Tanong
1. May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca? Patunayan.
2. Paano si Francisco Pizarro natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa kasaysayan ng Pilipinas?

200

GAWAIN 12: Sino Sila?


Tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod na pinuno ng Kabihasnang Inca.

Topa
Yupanqui

Pachakuti

Huayna
Capac

Ano ang

Ano ang

Ano ang

nagawa?

nagawa?

nagawa?

Kahalagahan ng
nagawa:

Kahalagahan ng
nagawa:

Kahalagahan ng
nagawa:

GAWAIN 13: Puno ng Kaalaman


Isulat sa loob ng kahon ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Inca.
Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Dahilan ng Pagbagsak


ng Imperyong Inca

201

GAWAIN 14: MAPAsuri


Suriin ang mapa ng Mesoamerica at South America. Pagkatapos, sagutin ang
mga kaugnay na tanong.
1. Saang bansa sa kasalukuyan
makikita ang mga Kabihasnang
Klasikal sa Mesoamerica at
South America?
2. Ano-ano ang anyong-tubig na
nasa paligid ng mga nabanggit
na rehiyon?
3. Paano nakaapekto ang
heograpiya sa pagtatag ng mga
Kabihasnang Klasikal ng Aztec,
Inca, at Maya?

Mapa 2.4 Ang Mesoamerica at South America

4. Sa iyong palagay, alin sa


dalawang salik ang higit na
nakaimpluwensiya sa pagusbong ng mga kabihasnan
sa Mesoamerica at South
America, ang mga tao ba o ang
heograpiya? Ipaliwanag.

GAWAIN 15: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)


Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol
sa pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba.
PAMAHALAAN

EKONOMIYA

MAYA

AZTEC

INCA

202

RELIHIYON

KONTRIBUSYON

Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at


Inca dahil

Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang


Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of
Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan
at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili
itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan
sa America.
GAWAIN 16: Magbasa at Matuto
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga Kaharian at Imperyong naitatag
sa Africa.
Mga Kaharian at Imperyo sa Africa
Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit
limitado lamang ang mga pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi maganda
ang iyong impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang kasaysayan
ng daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa
Pacific. Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro
ng kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit naman sa mga
pulo sa Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa dalawang
rehiyong ito noong sinaunang panahon.
Heograpiya ng Africa
Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok
at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin
na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang
kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang
noong ika-19 na siglo.
Gabay na Tanong
Bakit tinawag na dark continent ang Africa?
203

Ang pinakamainit at
pinakamaulang bahagi ng Africa
ay yaong malapit sa equator.
Matatagpuan dito ang rainforest
o isang uri ng kagubatan kung
saan sagana ang ulan at ang mga
puno ay malalaki, matataas, at
may mayayabong na dahon.
Sa hangganan ng rainforest
ay ang savanna, isang bukas
at malawak na grassland o
damuhan na may mga puno. Sa
grassland sa hilaga ng equator
matatagpuan ang rehiyon ng
Sudan. Sa bandang hilaga naman
ng rehiyon ng Sudan makikita
Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng Africa
ang Sahara, ang pinakamalaki
at pinakamalawak na disyerto sa
daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirahan maliban sa mga
oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig
na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga
maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura
at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.
Gabay na Tanong
1. Ano-anong uri ng vegetation at anyong-lupa ang makikita sa kontinente
ng Africa?
2. Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng Sahara?
3. Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong ng mga Imperyo?

Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara.


Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong
Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi
ng Asya ang mga produktong African.

204

Ang Kalakalang Trans-Sahara


Noong 3000 BCE, isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng
Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag
na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ito ay tumagal hanggang ika-16 na
siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong
mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang ibat ibang
uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay
pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang
mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas.
Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban
sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Ibat ibang grupo ng mga tao ang
nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

Mapa 2.6 Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara

http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.
jpg/112619921/timbuktu.jpg

Gabay na Tanong
1. Saang bahagi ng Africa makikita ang lupain ng mga Carthage?
2. Ano ang ibig sabihin ng caravan?
3. Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa?
4. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?

205

Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa


Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay
unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang
nananahan sa Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga
mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang
bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.

Morocco
Morocco
Berber
Berber

Sudan
Sudan at
at Hilagang
Hilagang
Africa
Africa

Figure 2.4 Kalakalan ng mga Berber at African


Gabay na Tanong
1. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa?
2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong aspekto ng pamumuhay ng
mga African ang naimpluwensiyahan ng mga Berber?

206

GAWAIN 17: MAPAghanap


Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mga anyong-lupa, anyong-tubig, at
vegetation sa Africa. Tukuyin kung saang bahagi ng Africa matatagpuan ang mga
ito sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa tiyak na lugar. Gawin ito sa papel.
Rainforest

Savanna

Disyerto

Oasis

Pamprosesong mga Tanong


1. Alin sa mga nabanggit na vegetation ang may pinakamalawak na saklaw?
2. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Carthage at
Sudan?
3. Saang mga lugar maaaring umusbong ang kabihasnan o imperyo? Bakit?

207

GAWAIN 18: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang teksto tungkol iba pang Kabihasnan sa Africa.
Mga Kabihasnan sa Africa
Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng
kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia
sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan.
Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din
ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot
ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapuwa nasa
Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito
umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

350 CE

700
dataon

1240

1335

Namayani ang Kaharian ng Axum sa


Silangang Africa

Naging makapangyarihan ang Imperyo


ng Ghana sa Kanlurang Africa

Naitatag ang Imperyong Mali nang matalo ang Imperyong Ghana


Nagsimulang mamuno ang dinastiyang
Sunni na siyang nagpalawak sa teritoryo
ng Imperyong Songhai

Pigura 2.5. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa.

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan


Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng
kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay
208

ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa


Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela,
salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito
ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo
noong 395 CE.
Mapa Bilang 2.7. Ruta ng
Kalakalang Axum
Gabay na Tanong

1. Anong mga anyong-tubig


ang dinaanan ng mga Axum
sa pakikipagkalakalan?
2. Saang mga kontinte nakipagkalakalan ang mga
Axum?
3. Paano ito natutulad at
naiiba sa kalakalang TransSahara?

Kung ang Kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa,


nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging
makapangyarihan dulot din ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa
labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Ang Imperyong Ghana


Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol
ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog
na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking
pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at
ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates,
sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.
209

Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak


na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang
dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang
punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

Ginamit ang mga


sandatang gawa sa bakal
upang makapagtatag ng
kapangyarihan sa mga
pangkat na mahina ang
mga sandata.

Mahalagang salik
sa paglakas ng
Ghana

Naging maunlad
dahil naging sentro
ng kalakalan sa
Kanlurang Africa

Bumili ng mga
kagamitang
pandigma na yari sa
bakal at mga kabayo
Ang mga kabayo ay
nagbibigay ng ligtas at
mabilis na paraan ng
transportasyon para sa
mga mandirigma nito.

Gabay na Tanong
1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana?
2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang
kanilang pamumuhay?

ANG IMPERYONG MALI


Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng
Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng
Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay
niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng
patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong
lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu,

210

at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan.
Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki
at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.
Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng
kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang
teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan
tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali.
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa
pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque
o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang
mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao,
Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.

Mga Namuno sa
Imperyong Mali

Sundiata Keita

Mansa Musa

Gabay na Tanong
1. Paano nakamit ng Imperyong Mali ang kapangyarihan mula sa Imperyong Ghana?
2. Bakit naging tanyag si Mansa Musa?

211

Ang Imperyong Songhai


Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na
sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger
River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang
Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang
Islam. Bagamat hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi
niya pinilit ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa
Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi
ng Imperyong Islam.
Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit
hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong
dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula
sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay
naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak
niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria
hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang
sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa
rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng
kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang
mga kawani sa pamahalaan.

212

213

Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang
relihiyong Islam at tumaas ang antas ng
kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga
iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque
ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325.

Mali

Iugnay ang Law of


Supply and Demand sa
ipinalabas na kautusan
ni haring Al-Bakri.

Pag-isipan!

1. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai?

Ipinag-utos ni haring Al-Bakri na


ibigay sa kaniya ang mga butil ng
ginto at tanging mga gold dust ang
pinayagang ipagbili sa kalakalan.
Sa ganitong paraan, napanatili ang
mataas na halaga ng ginto.

Pigura 2.6 Infographic tungkol sa Imperyong Ghana, Mali


at Songhai

ginto
ginto

asin
asin

2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?

Gabay na Tanong

Ghana

ginto

Sa panahong ito, ginagamit ng mga


African ang ginto upang ipambili
ng asin. Ginagamit ng mga African
ang asin upang mapreserba ang
kanilang mga pagkain.

asin

Ang mga imperyong ito ay naging


makapangyarihan dahil sa kalakalan.
Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng
mga African na mayaman sa ginto at
ng mga African na mayaman sa asin.

Ghana, Mali at Songhai

GAWAIN 19: History Makers


Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa
mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.
PINUNO

IMPERYONG PINAMUNUAN

MAHALAGANG NAGAWA

Al-Bakri
SundiataKeita
Mansa Musa
Dia Kossoi
Sunni Ali
GAWAIN 20: Triple Venn Diagram
Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Isulat sa Venn Diagram ang sagot.

Ghana

Mali

Songhai

GAWAIN 21: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan).


Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Isulat ito sa loob ng angkop na kolum.
Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon.
IMPERYO

KONTRIBUSYON

GHANA
MALI
SONGHAI

214

KAHALAGAHAN

Maituturing na kabihasnang klasikal ang naitatag ng mga Imperyong


Ghana, Mali, at Songhai dahil

Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo


ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa. Samantala, sa mga pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga Austronesean.
Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang nabuong kabihasnan.
GAWAIN 22: Magbasa at Matuto
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific
MIGRASYONG AUSTRONESIAN
Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at
Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang
rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong
nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito
ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
Mapa 2.8. Migrasyon ng mga
Austronesian.

Gabay na Tanong
1. Magbigay ng ilang
sa kasalukuyan na
pinanirahan ng mga
Austronesian.

http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples

215

2. Bakit nandayuhan ang


mga Austronesian sa
mga pulo sa Pacific.

Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China


ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na
masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 BCE. Tumungo
sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at
Indonesia. Noong 2000 BCE, may mga Austronesian na tumungo pakanluran
hanggang makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, may mga tumungo
pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng Pacific.
Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania.
Noong 1000 BCE, nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti.
Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga
pulo ng Hawaii sila noong 100 BCE. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter
Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.
Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan
ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan
at kulturang ito ay Austronesian.
Ang mga Pulo sa Pacific
Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking
pangkat ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang
ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng
mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

POLYNESIA
maraming isla
poly marami
nesia - isla

MICRONESIA
maliliit na mga
isla
micro maliit
nesia - isla

MELANESIA
maiitim ang
mga tao dito
mela maitim
nesia - isla
Mapa 2.9 Ang mga isla na bumubuo sa Pacific.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

216

Polynesia
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean
na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki
kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu,
Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands,
French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at
Pitcairn.
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa
Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang sentro
ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay
tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng
mga pari at mga banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.
Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo,
at niyog. Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa.
Nanghuhuli rin sila ng pating.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan
o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang bisa o lakas. Sa mga
sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba
pang bagay.

Gabay na mga Tanong


1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia?
2. Ano ang ibig sabihin ng mana?

May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana.
Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao.
Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka
sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana. Gayundin,
ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib
na gawain ay dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang

217

ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana. Ang tawag sa
mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na
parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

Gabay na Tanong
Ano-ano ang mga paraan upang mapangalagaan ang mana?

Micronesia
Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng
Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands,
Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o
dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa
karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong
tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim
sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at
starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng
mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga
lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at
shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong
ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal
ang mga tao sa matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying
coral atolls). Ipinagpapalit ng mga taga-high-lying island ang turmeric na ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga taga-low-lying coral
atoll ay nakipagpalitan ng mga shell/bead, banig na yari sa dahon ng pandan,
at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa
itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.

218

Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal
para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang
ani.

Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng
Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago,
Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa
dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan
ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong
Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad
ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito
ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng
baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito.
May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal
ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin
ang mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng
diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna,
kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at
Vanuatu ang paniniwala sa mana.
May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay
ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at kontinente.
Bagamat hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-yaman ng mga
kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga
mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito
sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan.

219

GAWAIN 23: Pagsagot sa Chart


Punan ng kinakailangan impormasyon ang talahanayan.
Isla

Kahulugan ng
Pangalan

Kabuhayan

Relihiyon

Polynesia
Micronesia
Melanesia

GAWAIN 24: Anong Konek?


Makibahagi sa iyong pangkat. Magsaliksik tungkol sa kultura ng mga taga-Pacific
Islands at ihambing ito sa kulturang Pilipino. Iulat ang inyong nasaliksik sa klase.
GAWAIN 25: Ang Aking Paglalakbay
Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng Kalagitnaan.

Katapusan
Kalagitnaan

Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga pangyayari at
mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo sa
pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan?

220

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2.
Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga salik na nagbigaydaan sa pag-usbong ng mga kabihasnang klasikal sa mga pulo sa Pacific,
maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Tinalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa Panahong Klasikal sa
Europe, America, at mga pulo sa Pacific. Nagkaroon ka rin ng malawak
na kaalaman tungkol sa iba-ibang kontribusyon ng mga nabanggit na
kabihasnan sa daigdig.
Ngayon naman ay kritikal mong masusuri ang impluwensiya ng mga
nabanggit na kabihasnan sa daigdig.
GAWAIN 26: AdBakit?
Makibahagi sa iyong pangkat. Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang
Klasikal na nakatalaga sa iyong pangkat. Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet
na nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon
nito sa kasalukuyan. Sundin ang format sa ibaba.

221

Front Page
Larawan ng Kontribusyon

First Page

Second Page

Ipaliwanag ang kahalagahan


ng kontribusyon sa
kasalukuyang panahon sa:
Daigdig
Pilipinas

Sumulat ng maikling
pahayag na naglalaman
ng inyong adbokasiya
upang mapangalagaan ang
kontribusyon na inyong napili

GAWAIN 27: Ang Aking Paglalakbay.


Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng Katapusan.
Katapusan
Kalagitnaan

Simula
Paano
nakaimpluwensiya
ang mga pangyayari at
mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo sa
pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan?

222

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain
para sa Aralin 2.

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga


kontribusyon at impluwensiya ng mga Kabihasnang Klasikal sa America
at Africa at sa kultura ng mga mamamayan sa Pacific Islands. Handa ka
na para sa susunod na aralin.

223

ARALIN 3

ANG DAIGDIG SA PANAHON NG


TRANSISYON: MGA PANGYAYARING
NAGBIGAY-DAAN SA PAG-USBONG NG
EUROPE SA PANAHONG MEDIEVAL
Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: In the space between
chaos and shape there was another chance. Nangangahulugan ito na ang bawat
kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil
pagkakataon para bumangon, pagkakataon para muling umunlad. Sa pagitan ng
pagbagsak at pagbangon ay isang mahalagang pangyayaring maaaring ituring na
transisyon. Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon?
Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyonal na Panahon.
Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang naganap sa
kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang epekto ng mga
pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan?
Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Transisyonal na Panahon
sa paghubog at pagbuo ng pagkakakilanlan ng bansa at rehiyon sa
daigdig? Halinat iyo itong tuklasin.

ALAMIN
Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig,
bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang kalagayan ng
mundo sa Panahon ng Transisyon. Pagtutuunan sa araling ito ang mga
kaganapan sa kasaysayan na nakasentro sa Europe- mga pangyayari na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Ano
nga ba ang epekto ng mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap
ng pandaigdigang kaalaman? Subalit, bago mo tuluyang alamin ito,
gawin mo muna ang sumusunod upang malaman ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?

224

GAWAIN 1: Photo-Suri

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Pamprosesong mga Tanong

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang mga tagpong
nasa larawan?
3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong nakikita
sa larawan? Patunayan.

GAWAIN 2: A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide)


Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin. Upang mataya
ang dati mong kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na gawain.
Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang
tatalakayin. Isulat sa unang kolum ang SA kung ikaw ay
sang-ayon sa pahayag at HSA naman kung hindi.

225

Bago ang
Talakayan

PAHAYAG
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga
barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon
at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
2. Si Charlemagne o "Charles the Great ang
itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari
ng Panahong Medieval. Pinamunuan niya
ang Holy Roman Empire na sinasabing
muling bumuhay sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro,
naging kanlungan ng mga tao ang
Simbahan. Naging mahalaga ang papel ng
Kapapahan o ang tungkulin, panahon
ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad
ng mga Krusada ang pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang
panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag noong Panahong
Medieval. Itinuturing itong sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na
sagot sa pangangailangan sa tagapanguna
sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng
Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo.
Ito ay ang sistemang gumagabay sa
pamumuno ng mga hari sa kanilang
nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago ng
bayan ay nakatulong sa paglago ng
kalakalan at ang paglago ng kalakalan
ay nakatulong din sa paglago ng mga
bayan.

226

Matapos ang
Talakayan

8. Maaaring umangat ang isang tao


sa lipunan dahil hindi nakabatay sa
kapanganakan ang antas sa buhay
kundi sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa
pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa
pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa
pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan
sa kasalukuyang panahon.

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin.
Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa
talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul. Sa iyong pagtupad
sa iba-ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating kaalaman
sa mga bagong kaaalaman na iyong matututuhan sa Modyul na ito.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahan na matututuhan mo ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Sagutin
ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol
sa paksa. Handa ka na ba?

227

GAWAIN 3: Daloy Ng Kasaysayan


Tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 2 ang pagkakatatag ng mga Klasikal
na Kabihasnan sa Europe. Sa pagdaan ng panahon, ang dating matayog at
makapangyarihang Imperyong Roman ay unti-unting humina at tuluyang
bumagsak. Makikita sa diyagram ang mga salik ng pagbagsak ng Imperyong
Roman.
Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Paglubha
ng Krisis
Pangkabuhayan

Pagkawala ng
Katuturan ng
Pagkamamamayang
Roman

Paghina ng
Hukbong
Roman

Pagbaba ng
Moralidad
ng mga
Roman

Pagsalakay
ng mga
Barbaro

Diagram Blg. 3.1. Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman.


Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon, nina Vivar
et al, p. 137-139

Pamprosesong mga Tanong

1. Mula sa mga ipinakitang salik sa diyagram, ano sa tingin mo ang


pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman? Bigyang
katuwiran ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng Imperyong
Roman sa kabuuan ng Europe?

228

Pagbagsak ng Imperyong Roman

Kakulangan
ng mga
Tapat
at may
Kakayahang
Pinuno

Suriin ang diyagram tungkol sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval


Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong
ng Europe sa Panahong Medieval

Ang Paglakas ng
Simbahang Katoliko
Bilang Isang Institusyon
sa Gitnang Panahon

Ang Holy Roman


Empire

Ang Paglunsad ng
mga Krusada

Ang Buhay sa Europe


Noong Gitnang
Panahon (Piyudalismo,
Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan
at Lungsod)

Diagram Blg. 3.2 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahong Medieval sa Europe


http://mrgrayhistory.wikispaces.com/file/view/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg/244152229/293x372/L_Middle_
Ages_-_Pope_Apology.jpg
http://images2.wikia.nocookie.net/__cb20101006230145/deadliestfiction/images/b/b1/Charlemagne.jpg
http://ts2.mm.bing.net/th?id=H.4513801360115517&pid=15.1
http://crabberworldhistory.wikispaces.com/file/view/high_middle_agesjpg/180280913/high_middle_ages.jpg

Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang


mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang institusyon noong Panahong Medieval.

229

GAWAIN 4: Magbasa at Matuto


Bilang panimula sa pagtalakay ng paksa, basahin at unawain ang teksto tungkol
sa mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Pope sa Europe.
Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan
Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan
ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na
siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

Pagbagsak ng Imperyong Roman


Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko
at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman noong 476 CE,
na naghari sa Kanluran at Silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa Hilagang
Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng
kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang
naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang
tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang
lipunan sa dalawang panig ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo
ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming
maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag
na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng
Imperyong Roman. Noong 476 CE, tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga
barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng
Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang Simbahang Kristiyano, na tanging institusyong
hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan
ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at
kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa Simbahang
Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng
kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas
sa pamamagitan ni Kristo.

230

Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng


Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat na
mga kaanib ng pari.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al.
p. 141-144

Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman?

Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng


pagbagsak ng Imperyong Roman?

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga
pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na
pinamunuan ng obispo. Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari sa iba-ibang
parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga obispo ang mga pari sa kanilang
pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng obispo, hindi lamang
mga gawaing espirituwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan
din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng
Simbahan. Bukod dito, ang obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng
kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.

231

Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod


na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala
ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang arsobispo sa mga
obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag
bilang *Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa
Kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga arsobispo, obispo at mga pari ng mga
parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng
mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang
gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan
ng mayorya ang paghalal ng Papa.
* Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng
panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno
ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampolitika bilang
pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang Pope ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang
Latin na Papa. Noong unang panahon itinuturing ng mga Kristiyano
ang Papa bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kaniya
sa kasalukuyan.

Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod:


Pari- ______________________________________________
_________________________________________________
Obispo- ___________________________________________
_________________________________________________
Arsobispo- _________________________________________
_________________________________________________

232

Uri ng Pamumuno sa Simbahan


Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas
ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan. Ilan lamang sa
mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa
talahanayan.
Pinuno / Papa
Constantine the
Great

Papa Leo the Great


(440-461)

http://upload.wikimedia.
org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._
Leo_IV.jpg

Paraan ng Pamumuno
Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho
ng Nicea na kaniyang tinawag.

Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa


pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa
kapulungang ito, pinag-uri-uri ng mga obispo ang ibaibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin,
pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil
dito, kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahang Katoliko Roman.

Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang


doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang
tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng
Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador
sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang
kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang
taon, ibinigay ang pangalang Papa sa obispo ng Rome.
Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang
kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa
Kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang
Katoliko sa Silangang Europe na kilalanin ang Papa
bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo
hanggang sa panahong ito.

233

Papa Gregory I

Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at


pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at
patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe.

Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay


nang magawa niyang sumampalataya ang iba-ibang
mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo
sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito,
nagpadala siya ng mga misyonero sa iba-ibang bansa
na hindi pa sumasampalataya sa Simbahang Katoliko.
Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan
ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya
sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at
Germany.

Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng


kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power
of *investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin
sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni
Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa
Simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang
ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII.
Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa
Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya
sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang
kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng
lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak
pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/
Francisco_de_Zurbar%C3%A1n_040.jpg
Papa Gregory VII

http://hist2615.wikispaces.com/file/view/
Gregory_VII-1.jpg/251843136/174x220/
Gregory_VII-1.jpg

* Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong


sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong kaniyang hinihirang bilang maging
pinuno ng simbahan.
Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang
karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa
pinuno ng Simbahan.

234

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag


ng isang organisasyon? Ipaliwanag.

Pamumuno ng mga Monghe


Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa
makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay
sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at
itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim
lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng
monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilang impluwensiya sa pamumuhay ng tao
noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang Ang pagtatrabaho at
pagdarasal, nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid
sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang
kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensiya
ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.
Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat
ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Roman. Dahil sa
hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng
mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang
matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa
ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at
panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan.
Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa Kanlurang Europe ay
nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim
ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga
sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga
kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag
ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan
ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinuman ang nagsasagawa
ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat
ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno, at tulong.

235

Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang


pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba-ibang dako ng Kanlurang
Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo
ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland, at Scotland,
at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging
martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain
ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.
Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng Simbahan at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

Halaw sa : Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar
et al. p. 141-144
GAWAIN 5: Diyagram ng Aking Natutuhan
Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng
kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot.

Salik sa Paglakas
ng Kapangyarihan
ng Papa

236

Pamprosesong mga Tanong

1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng Simbahan


noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Bakit madaling nahikayat ng Simbahan ang mga pangkat barbaro na
yakapin ang Katolisismo?
3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng Simbahan sa kasalukuyan
sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.
GAWAIN 6: 3-2-1 Chart
Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa binasang
teksto.
Konspeto o kaalaman na aking natutuhan
1. __________________________________________
__________________________________________

2. _________________________________________
_________________________________________
3. _________________________________________
_________________________________________
Konsepto o kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan
1.

__________________________________________
_________________________________________

2.

_________________________________________
_________________________________________

Tanong na nais ko pang mabigyan ng linaw

1.

_________________________________________
_________________________________________

237

GAWAIN 7: Sa Madaling Salita


Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang


paglakas ng Simbahang
Katoliko sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong
Medieval?

Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng Simbahang


Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa
Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng Holy
Roman Empire. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit
tinawag na Holy Roman Empire ang imperyo? Ano
ang kontribusyon ng imperyong ito sa pagpapalaganap
ng pandaigdigang kamalayan?

238

GAWAIN 8: Magbasa at Matuto


Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang nagbigay-daan
sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.
481 - Pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
496 - Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511 - Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kaniyang mga
anak
687 - Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717 - Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751 - Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang
Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo

Ang Holy Roman Empire


Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin
ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na
nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili
kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay
na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay
na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba-ibang wika. Inanyayahan din
niya ang ibat ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at
opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian, at Saxon
at ginawang mga Kristiyano.
Para sa karagdagang kaalaman basahin ang Kasaysayan ng Daigdig"
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et al.
pahina 173-175

Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Roman (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang
imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Roman. Sa panahon ng imperyo,
ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Roman. Ang
pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani
sa kabihasnang Medieval.

239

Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang Emperor of the Holy Roman
Empire. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Roman ng
isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.

Nang namatay si Charlemagne noong 814 CE, humalili si Louis the Religious.
Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa
paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak
ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay
Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; at ang Italy
kay Lothair. Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang
mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob
ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at
humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko,
politiko at militari- ang piyudalismo.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina Vivar et al. p. 140-141

GAWAIN 9: Paggawa ng Timeline


Batay sa binasang teksto, punan ang timeline ng mahahalagang pangyayaring
nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.

Pinag-isa ni
Clovis ang mga
tribong Franks
at sinalakay
ang mga
Romano.

481

500

600

700

240

800

Pamprosesong mga Tanong

1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatatag


ng Holy Roman Empire?
2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne?
3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa Holy Roman Empire?
4. Sa kasalukuyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan
at Simbahan? Patunayan.
GAWAIN 10: Sa Madaling Salita
Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikalawang kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang paglakas ng


Simbahang Katoliko sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


pagkakatatag ng Holy Roman
Empire sa pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

1.

2.

241

Sa Panahong Medieval, unti-unting


namayagpag ang Simbahang Katoliko.
Nagsimulang maging Kristiyano ang mga tao
sa Europa, subalit nang bumagsak ang Holy
Roman Empire, nawalan ng malakas na pinuno
ang imperyo. Sa kabilang dako ay nagpapalawak
din ng imperyo ang mga Muslim. Nakuha ng mga
Muslim ang Jerusalem. Bunsod nito, nanawagan
ang Papa ng paglulunsad ng mga Krusada. Alamin
sa susunod na aralin ang mga sanhi at bunga ng
paglulunsad ng mga Krusada.

Gawain 11: Magbasa at Matuto


Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada sa Europe.

ANG KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal
na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na
sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng
mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang
Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay
mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya
ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga
ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang;
at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop.
Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3 000 kabalyero at 12 000 na mandirigma
sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa nobility. Matagumpay
na nabawi ng pangkat na ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng
Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem,
maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila
ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

242

Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring
Luis VII ng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na
naranasan ang pangkat na ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay
nila ay ang pagsakop ng Damascus.
Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si
Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno
ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob
ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay
na naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga
bata ang sumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi
sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo.
Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong
bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang
excomunicado. Nagpatuloy sa pangdarambong ang mga krusador hanggang
sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261
sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang
huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito
ay naging simula ng paghina ng Krusada.
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga
ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuan, ang mga krusada
ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng
isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga
Turkong Muslim ang lupain.

243

Mapa 3.1 Ruta ng ilan


sa mga Krusada

Resulta ng Krusada*
Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng
kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng
mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din.
* Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na crux na
nangangahulugang cross. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng
Krus sa kanilang kasuotan.
Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga
sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan
sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay
at mangalakal.
Halaw sa: Araling Panlipunan, Ease Module 8, Ang Simbahang Katoliko:
Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al. p. 145-147.

244

Gawain 12: History Frame


Matapos mabasa ang teksto, bumuo ng history frame tungkol sa paksang
napatakda sa pangkat.
Unang Pangkat; Pangyayari at Mga Tauhan
Ikalawang Pangkat: Suliranin o Layunin
Ikatlong Pangkat: Konteksto (Saan at Kailan)
Ikaapat na Pangkat: Mahahalagang Pangyayari
Ikalimang Pangkat: Kinalabasan/ Resulta
History Frame:
Pangyayari:

Mga Pangunahing Tauhan:

Suliranin/ Layunin ng Pangyayari:

Konteksto:

Kinahinatnan/ Resulta:
Mahahalagang Pangyayari:

Aral na Natutunan:

Pagkatapos ng talakayan sa pangkat, ibahagi ang inyong output sa klase.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?


2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap na
krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.
3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pangaraw-araw na buhay? Ipaliwanag.
245

Gawain 13: Lesson Closure


Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan
ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang Krusada ay isang ____________________ na inilunsad ng


mga taga Europe sa panawagan ni ______________. Layunin nito na
_________________________________________________
_________________________________________________
______________________________________. Sa kasaysayan,
maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang ___________
__________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________.
Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na
Krusada dahil _______________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

246

Gawain 14: Sa Madaling Salita


Mula sa naging talakayan tungkol sa paksa, sagutin ang tanong sa ikatlong kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong
ang paglakas ng
Simbahang Katoliko
sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong
Medieval?

Paano nakatulong ang


pagkakatatag ng Holy
Roman Empire sa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


paglulunsad ng mga
Krusada sa pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Tatalakayin naman sa bahaging ito ang


tungkol sa Piyudalismo, Manoryalismo, at ang
Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod sa Europe
noong Panahong Medieval.

247

GAWAIN 15: Comic-Suri


Suriin ang comic strip at sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Akoang
Ako
angHARI,
HARI,
pagmamay-ari koko
pagmamay-ari
ang
ang
lahat ng
lahat
nglupain.
lupain.
Subalit
Subalit
ibinigay ko
ibinigay
koang
ang
ibaiba
sa sa
mga BARON.
mga
BARON.

Ako ang
Ako
ang BARON,
BARON, dapat
dapat akong
akong
maging TAPAT
maging
TAPAT sa
sa HARI
HARI dahil
dahil ibinigay
ibinigay
niya sa akin
niya
akin ang
ang ilan
ilan sa
sa kaniyang
kaniyang
lupain. Dapat
lupain.
Dapat maging
maging handa
handa akong
akong
ipaglaban siya
ipaglaban
siya at
at magsanay
magsanay ng
ng mga
mga
KNIGHT. Ibinigay
KNIGHT.
Ibinigay ko
ko ang
ang ilan
ilan sa
aking lupain
aking
lupain sa
sa aking
aking mga
mga
KNIGHT.

Akoang
Ako
angVILLEIN,
VILLEIN,
ibinigay ng
ibinigay
ng KNIGHT
KNIGHTsa
sa akin
akin ang
ang ilan
ilan sa
kaniyang lupain
kaniyang
lupain upang
upang mapagtaniman
mapagtaniman
at paunlarin.
at
paunlarin. Tungkulin
Tungkulin kong
kong magbayad
magbayad
ng buwis
ng
buwis at
at pagkalooban
pagkalooban siya ng
ng regalo.
regalo.
Hindi ako
Hindi
ako maaaring
maaaring umalis
umalis sa
sa lupain
lupain na
na
kaniyang nasasakupan
kaniyang
nasasakupan nang
nang walang
walang
pahintulot ngng
pahintulot
KNIGHT.
KNIGHT.

Ano-anong mga uring panlipunan ang makikita sa comic strip?

Ano ang salitang nababanggit sa lahat ng bahagi ng comic strip? Ano ang
ipinapahiwatig nito?

248

Sa iyong palagay, anong sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng comic strip?


Ipaliwanag. ______________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
GAWAIN 16: Magbasa at Matuto
Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong sa kahon
kaugnay ng tekstong binasa.

Ang Piyudalismo
Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng
kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari
ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain,
ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong
bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong
may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang
lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring lord
dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong
bughaw.
Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang
kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging
tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang
investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.
Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag
ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty.
Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isat isa, gagampanan
na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na
suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay
o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga
alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng
serbisyong pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang
pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.
Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry
ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight

249

ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa


kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
nina Mateo et al. pahina 192-193

Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?

Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal?

Ang Pagtatag ng Piyudalismo


Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang
tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng
pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari.
Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng
mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.
Sinalakay nila ang iba-ibang panig ng Europe lalo na sa bandang France. Ang
mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang
France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila
ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa
mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon
ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.
Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9, Sistemang Pyudal sa
Gitnang Panahon sa Europa

250

Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero


(knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga
kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal
at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing
Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi
at paggalang sa kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng Simbahan ang pagiging
kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang
Kristiyanismo.
Halaw sa : Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon
nina Vivar et al., p. 50

Ano ang kinahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong


binasa?
Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et al., p.
192-195 at Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon
nina Vivar et al., p. 148-150.

Lipunan sa Panahong Piyudalismo


Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf).
Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan
sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring
mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.
Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay
ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang

251

loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang
mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang
magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa
bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng
mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng
kanilang lupain.
Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili
silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga
serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng
hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon
nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas
ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag-aasawa lamang ang
isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati
na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang
maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon
nina Vivar et al. , p. 148-149

Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo? Ilarawan


ang bawat isa.

252

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng uring lipunan sa Sistemang


Piyudalismo?
2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo? Pangatuwiranan
GAWAIN 17: Alam Ko Na
Upang mataya at mapagtibay ang iyong kaalaman mula sa binasang teksto,
sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang Piyudalismo?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________.
2. Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________.
3. Ano ang kahalagahan ng lupa sa Sistemang Piyudalismo?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________.
GAWAIN 18: Magbasa at Matuto
Sa bahaging ito ng Modyul, pag-aaralan mo naman ang Manoryalismo. Basahin
at unawain ang teksto tungkol sa paksa.

Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor


Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na
nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa
isat isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan
ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa

253

manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng
pagsasaka sa manor na kaniyang magiging kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari
ring ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay
palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito.
Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para
sa mga naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa
manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon.
Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon,
ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nag-iiwan siya
ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.
Halaw mula sa: Araling Panlipunan, EASE Module 9, Sistemang Piyudal sa
Gitnang Panahon sa Europa; at Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo, et al., p. 195

* Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi


ng lupain na umaabot ng 3 hanggang ng kabuuang lupang sakahan
ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang
nagmamay-ari ng lupa.

254

GAWAIN 19: Photo-suri


Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon.
Ano ang ipinapahiwatig
ng kastilyo sa gitna ng
manor? Ipaliwanag.
__________________
__________________
__________________
__________________
Ano ang pangunahing
ikinabubuhay sa isang
manor?
__________________
__________________
__________________
__________________
Ano ang kahalagahan
ng mga magbubukid sa
manor?
__________________
__________________
__________________
Halaw mula sa: Araling Panlipunan III, EASE Module 9,
Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa

Pamprosesong mga Tanong

1. Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga magbubukid?
2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan.
3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo?
Ipaliwanag.

255

GAWAIN 20: Magbasa at Matuto


Kasama ng iyong pangkat, basahin at suriin ang sumusunod na teksto.

Paglago ng mga Bayan


Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga
bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga
bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito,
tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao.
Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali
ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan
sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan.
Paggamit ng Salapi
Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan
ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng serf ang mga
produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito
nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap
lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan.
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng
panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpotagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal
dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang
salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money
changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba-ibang barya. Sa pagpapalit
ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng
malalaking halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang
din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa isang
lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang
kolektahin sa ibang lungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng
salapi.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang
Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa
iba-ibang lugar.
256

Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?


Unang Talata
_______________________________________________
Ikalawang Talata
_______________________________________________
Ikatlong Talata
_______________________________________________
Ikaapat na Talata
________________________________________________
Ikalimang Talata
________________________________________________
Ang Paglitaw ng Burgis
Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan,
isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis
(men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng pangkat na ito ay nasa
kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at
mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad.
Ang mga bourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa
kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at
nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa
mga dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan
batay sa yaman at hindi na sa angkan.
Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?
Unang Talata
___________________________________________________
Ikalawang Talata
___________________________________________________

257

Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo
ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag na burgher. Sa France, ang
mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie.
Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyonal na paghahati ng lipunan batay sa
kanilang ginagawa. Hindi sila lord na may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin sila
sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga naninirahan sa
bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang dumarami
ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang
mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan,
ang gitnang uri o middle class.
Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman
at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na
mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon, nina
Mateo et al., p. 202-203

Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto?


Unang Talata
___________________________________________________
Ikalawang Talata
___________________________________________________
Ikatlong Talata
________________________________________________

Ang Guild System


Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild ay samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.
Ang Merchant Guild
Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila
ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalye ng kanilang
negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalakalan sa
bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan.

258

Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o
guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant
guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal
para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat
na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga
pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga
lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito.
Ang Craft Guild
Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang
bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero,
barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang
sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto
na ginagawa ng nasabing guild.
Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon
nina Mateo et al., p. 204-205

Bigyang kahulugan ang sumusunod na konsepto:


Ang Merchant Guild
_________________________________________________
_________________________________________________
Ang Craft Guild
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

259

GAWAIN 21: Dahilan-Epekto


Batay sa mga binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong sagot.
Dahilan

Pangyayari

Epekto

Pag-unlad ng kalakalan

Paglitaw ng mga
Bourgeoisie

Ang paggamit ng salapi

Pagkakaroon ng sistemang
Guild

Pamprosesong mga Tanong

1. Batay sa mga teksto, ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pagusbong ng mga bayan at lungsod?
2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mga burgis sa
lipunan? Ipaliwanag.
3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring
nabasa mo sa mga teksto? Ipaliwanag.

260

GAWAIN 22: Sa Madaling Salita


Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikaapat na kahon.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang


paglakas ng Simbahang
Katoliko sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong
Medieval?

Paano nakatulong ang


pagkakatatag ng Holy
Roman Empire sa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

Paano nakatulong ang


paglulunsad ng mga
Krusada sa pag-usbong
ng Europe sa Panahong
Medieval?

Paano nakatulong ang


pag-usbong ng mga
bayan at lungsod sa pagusbong ng Europe sa
Panahong Medieval?

GAWAIN 23: A-R Guide(Anticipation-Reaction Guide)


Sagutin ang pangatlong kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasangayon o SA kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at hindi sumasang-ayon o
HSA kung ikaw naman ay hindi sumasang-ayon sa pahayag.

261

Bago ang
Talakayan

PAHAYAG
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at
pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga
barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon
at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
2. Si Charlemagne o Charles the Great ang
itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng
Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang Holy
Roman Empire na sinasabing muling bumuhay
sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak
ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga
tribung barbaro, naging kanlungan ng mga
tao ang Simbahan. Naging mahalaga ang
papel ng papacy o ang tungkulin, panahon ng
panunungkulan at kapangyrihang panrelihiyon
ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga
Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang
naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing
itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko
at militar na sagot sa pangangailangan sa
tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspekto ng Piyudalismo
ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang
sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga
hari sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad
ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay
nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang
paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa
paglago ng mga bayan.
8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan
dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang
antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa
pakikipagkalakalan sa ibang bayan.

262

Matapos ang
Talakayan

10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa


pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa
pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan
sa kasalukuyang panahon.

Pamprosesong mga Tanong

1. Magkatulad ba ang iyong kasagutan sa una at ikatlong kolum?


2. Paano mo ilalarawan ang iyong kaalaman sa paksa batay sa gawain?
Ipaliwanag.

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 3
Pagkatapos tuparin ang mga inihandang gawain sa bahaging Paunlarin
ng aralin, tiyak na sapat na ang iyong kaalaman sa mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Maituturing
ang mga pangyayaring ito na bahagi ng transisyon sa daigdig. Dahil sa
iyong mga natutuhan, maaari mo ng gampanan ang mga inihandang
gawain upang mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa paksang ito.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa
paksang pinag-aralan. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal mong
masusuri ang mga epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari
sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.

263

GAWAIN 24: Bumuo at Matuto


Batay sa mga naganap sa talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda, anoano ang kontribusyon ng sumusunod na pangyayari sa pag-usbong ng Europe
sa Panahong Medieval?
Sumali sa pangkat at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga
nabanggit na pangyayari na nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval. Bawat pangkat ay gagawa ng powerpoint presentation at ilalahad ito
sa klase.
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong
ng Europe sa Panahong Medieval

Ang Paglakas
ng Simbahang
Katoliko Bilang
Isang Institusyon sa
Gitnang Panahon

Ang Holy Roman


Empire

Ang Paglunsad ng
mga Krusada

Ang Buhay sa
Europe Noong
Gitnang Panahon

Kontribusyon

Kontribusyon

Kontribusyon

Kontribusyon

Patunay

Patunay

Patunay

Patunay

264

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong


Panahong Medieval sa kasalukuyan?
2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang
pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag
GAWAIN 25: Makasaysayang Paglalakbay
Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay sa iyong mga
naunawaan sa mga nakaraang aralin.
Ano ang kontribusyon ng iba-ibang panahon na tinalakay sa modyul na
ito sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan?

Pag-unlad ng
Pandaigdigang
Kamalayan

Kabihasnang Klasikal
sa Europe

Kabihasnang
Klasikal sa America,
Africa, at mga pulo
sa Pacific

Mga Mahahalgang
Pangyayari sa
Panahong Medieval

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga
pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval. Tiyak na handa ka na para sa susunod na gawain.

265

ILIPAT AT ISABUHAY
Natitiyak kong lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangyayari
sa daigdig sa mga Klasikal at Transisyonal na Panahon. Sa bahaging ito
ng Modyul, ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa kasalukuyan. Ano
nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong pinag-aralan sa iyong
buhay bilang isang indibidwal at bilang isang bahagi ng daigdig na iyong
ginagalawan? Isagawa ang sumusunod na gawain.

GAWAIN 25: Video-Kasaysayan


Bumuo ng isang pangkat na may tatlo hangang apat na miyembro.Sundin ang
GRASPS chart sa pagbuo ng isang video tungkol sa pagmamalaki
at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Tansisyonal na panahon
Goal

Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng


pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang
Klasikal at Transisyunal na Panahon
Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawa ng video:
a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng
Klasikal at Transisyonal na Panahon
b. Pangangatuwiran ng pangangalaga sa nasabing
pamana
c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon

Role

Miyembro ng isang organisasyong pang-mag-aaral na


may adbokasiyang ipaalam sa mga kapuwa mag-aaral ang
kahalagahan ng mga pamanang Klasikal at Transisyonal na
Panahon

Audience

Mga kapuwa mag-aaral

Situation

Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa


mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon.

Product/Performance

Video

Standards

Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa


sumusunod na pamantayan

266

267

Komprehensibo at
mahusay ang pagsusuri
sa pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik
at epekto ng ibat ibang
pangyayari.

Ibinatay sa iba-ibang
saligan ang mga kaalaman
tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview,
radio at iba pa.

Higit na nauunawaan
ang mga paksa. Ang
mga panguhaning
kaalaman ay nailahad
at naibigay ang kahalagahan. Wasto at
magkaka-ugnay ang
mga impormasyon sa
kabuuan.

Pinaghalawan
ng Datos

Kaalaman sa
Paksa

Naunawaan ang paksa.


Ang mga pangunahing
kaalaman ay nailahad
ngunit di-wasto ang
ilan. May impormasyon
na hindi maliwanag ang
pagkakalahad.

Hindi gaanong naunawaan


ang paksa. Hindi lahat ng
pangunahing kaalaman ay
nailahad. May mga maling
impormasyon at hindi
naiugnay ang mga ito sa
kabuuang paksa.

Ibinatay lamang ang


saligan ng impormasyon
sa batayang aklat.

Ibinatay sa iba-ibang
saligan ang mga
impormasyon ngunit
limitado lamang.

Hindi naunawaan
ang paksa. Ang mga
pangunahing kaalaman ay
hindi nailahad at natalakay.
Walang kaugnayan
ang mga pangunahing
impormasyon sa kabuuang
gawain.

Walang batayang
pinagkunan. Ang mga
impormasyon ay gawa-gawa lamang.

Hindi naipakita ang


mahusay na pagsusuri
sa pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik
at epekto ng ibat ibang
pangyayari.

Hindi gaanong naipakita


ang mahusay na
pagsusuri sa pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik
at epekto ng ibat ibang
pangyayari.

Naipakita ang mahusay


na pagsusuri sa pagunlad ng Pandaigdigang
Kamalayan sa
pamamagitan ng
paguugnay-ugnay ng
mga salik at epekto ng
ibat ibang pangyayari.

1
NAGSISIMULA

MAHUSAY

NAPAKAHUSAY

2
NALILINANG

Pagsusuri sa
Pag-unlad ng
Pandaigdigang
Kamalayan

PAMANTAYAN

268

Malikhain ang nabuong


video. Gumamit ng mga
props at costume ang mga
nagsipagganap.

presentation.

Organisado ang mga paksa


sa kabuuan at may maayos
na presentasyon ngunit
di masyado nagamit nang
maayos ang powerpoint

Hindi gaanong malikhain


ang video. Gumamit ng
mga props at costume
subalit hindi gaanong
angkop sa kanilang ginawa.

Walang interaksyon at
ugnayan sa mga kasapi.
Walang malinaw na
presentasyon ng mga
paksa. May owerpoint
presentation. ngunit hindi
nagamit at nagsilbi lamang
na palamuti sa pisara

Mahalagang ikintal sa isip ang mga bagay na iyong natutuhan dahil


makatutulong ito sa lalo mo pang pag-unawa sa kasaysayan ng mundo.
Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang susunod na
pangyayari sa kasaysayan patungo sa kasalukuyang panahon.

Binigyang-tuon sa Modyul na ito ang pagtalakay sa mga pangyayari


sa daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon. Nakasentro ang
pagtalakay sa mga kontribusyon ng bawat kabihasnan at pangyayari
sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.

Transisyon sa susunod na Modyul

Malikhain ang nagawang


video. Bukod sa props at
costume ay gumamit ng
ibat ibang teknolohiya
tulad ng sound
effects, digital at visual
effects upang maging
makatotohanan ang
senaryo.

Pagkamalikhain

presentation.

Organisado ang mga


impormasyon. Ang
presentasyon ng gawain ay
malinaw na naipapahayag
at natatalakay gamit ang
makabuluhang powerpoint

Organisasyon

Hindi malikhain ang


ipinakitang video.
Kulang sa mga props at
costume upang maging
makatotohanan ang
senaryo.

Hindi organisado ang


paksa. Malinaw na
walang preparasyon
ang paksa.

TALASALITAAN
Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng
Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece
Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring
magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece
Barter- pakikipagpalitan ng produkto
Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi
nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian
Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay
Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal
Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas,
isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece
Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang
tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain
Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin sa
kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng Estado ng Vatican
Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo
laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito
Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo
ng singsing at tauhan para sa kaniyang opisina
Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira
sa kastilyo
Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng gitna, ang Mesoamerica
ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America
Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na
ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo
Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America; nangangahulugan
ang salitang Olmec na rubber people dahil sila ang kauna-unahang gumamit
ng dagta ng mga puno ng rubber o goma
Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang
Athens
Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na
hanay ng mga mandirigma

269

Piyudalismo- isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase


sa pagmamay-ari ng lupa.
Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilisasyong nabuo sa
Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.
Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na tirahan ng diyos at isa
ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Tyrant- sa sinaunang kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan
Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord
Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng
tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa.

SANGGUNIAN
A. Aklat
Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan
Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St.
St. Manila Philippines. 1999.
Banks, James A. et al. World History. Adventures in Time and Place. Macmillan/
McGraw-Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997.
pp. 192-218, 422-448.
Beck, Roger B. et al. A Modern History of the World. World History Patterns of
Interaction. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999
. 108-132, 138-166, 388-407
Boehm, Richard G. Our Worlds Story. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea
Harbor Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336-338.
Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. pp.
Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human Experience.
Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999. pp.
Mercado, Michael M. Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publishing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City.
2009. pp.

270

McCannon John. AP World History. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless
Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69.
Millard, Anne. The Usborne Book of World History. Usborne Publishing Ltd. 20
Garrick Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91, 138-140.
Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston, Massahusetts USA. 1989. pp.
B. Module
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 4: Ang Pagsibol ng Sibilisasyong
Griyego
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 5: Ang Pagsibol ng Imperyong
Roman
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 6: Sinaunang Africa
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa
Amerika at Pacifico
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko
Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 9: Ang Sistemang Piyudalismo
C. Websites
Colloseum
http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view/coliseum.jpg/92540006/
coliseum.jpg
Gregory I
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zurbar%C3%A1n_040.jpg
Gregory VII
http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII-1.jpg/251843136/174x220
Leo the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg
Lokasyon ng Digmaang Peloponnesian
http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian
Map of Pacific Islands
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

271

Mapa ng Minoan at Mycenean


http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece
Mapa ng Mycenean Greece
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
Migrasyon ng mga Austronesian
http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples
Mauseleum in Timbuktu
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg
Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia
http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIAN-WARS.gif
Paglalarawan kay Alexander the Great
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-detail1.jpg
Parthenon
https://encrypted- tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcReawl5Xp8agCBTODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64yykmPzc7kg
Pisistratus
http://en.wikipedia.org/wiki/Cleisthenes
Pyramid of Kukulkan
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg
Punic Wars
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/79/First_Punic_War_264_
BC.png
Romulus and Remus
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6a/She-wolf_suckles_Romulus_and_Remus.jpg
Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara
http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.jpg/112619921/
timbuktu.jpg
Solon
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Solon2.jpg

272

You might also like