You are on page 1of 19

MAYNILA

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang
punong lungsod ng Pilipinas at isa sa 17 lungsod at munisipalidad[bayan] na bumubuo ng
Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa

kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi


ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan
ng humigit sa 19 na milyong katao..

Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang


pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong
naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon, ang dating punong lungsod ng
bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.

Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro
ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagangsilangan mula sa Kuala Lumpur. Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa
depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming
sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Noong kapanahunan ng mga Hispano, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na


pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang
orihinal[tunay] na Maynila. Ang Intramuros ay isa sa mga pinakalumang
nagsasanggalang na haligi[tanggulan] sa timog Silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng
mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at
mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos
ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni
Daniel Burnham.

Ang Maynila ay tinatabihan ng ilang lungsod sa Kalakhang Maynila katulad ng lungsod


ng Navotas at lungsod ng Kalookan sa hilaga, lungsod Quezon sa hilagang-silangan,
lungsod ng San Juan at lungsod ng Mandaluyong sa silangan, lungsod ng Makati sa
timog-silangan at lungsod ng Pasay sa timog.

Noong ika-13 dantaon, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tanggapan


tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang
pamayanan. Ang opisyal na pangalan na binigay ng mga Malay sa lungsod ay
Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi
na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa
pangalan na binigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang Maynila, unang nakilala
bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang
mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit para gumawa ng sabon para
sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may mila, na may unlaping ma- na
tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay (ang nila ay
maaaring Sanskrit na nila "punong indigo").(Ang sinasabing naging pangalan ng halaman
ay nilad ay kathang isip lamang). Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na
nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na
pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898.
Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan ng dakilang
Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong
Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling punong lungsod ng Pilipinas sa pamamahala
ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga
arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nagaaklas
laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong


dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timogsilangang Asya. Noong 1899, binili ng nagkakaisang mga estado ng amerika ang
Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946.
Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang
lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod na sumusunod sa Varsovia,
Polonya noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay
gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o
Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga
huling sandali ng Dinastiyang Ming bilang resulta ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang
Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito
ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o
anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan".
Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang
wasakin ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod
ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo. Sa pamamahala ng
Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng
mga Lakandula sa Tondo. Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na
may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig
simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay
ang Sapa, ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang


Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na
pinamumunuan ng mga Raha. Sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda ay namuno sa mga
komunidad ng Muslim na matatagpuan sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang
namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian na matatagpuan sa timog
ng ilog. Ang dalawang komunidad ng Muslim ay pinagsanib at dito naitaguyod ang
kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita sa wikang Malay na
mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at ang mga sultanate ng Sulu at
Ternate.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na
pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si
heneral Miguel Lpez de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito
nadiskubre ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at
kalaunan, pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan,
tirahan, simbahan sa labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan
sa Intramuros. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay pinamahalaan
ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa

Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala


ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga
arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong
rebelde laban sa mga Briton.
Ang tarangkahan ng Kutang Santiago sa Intramuros

Ang Maynila ay nakilala noong may


kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng
tatlong siglo at nakapaghatid ng mga
kagamitan simula sa Mehiko papunta ng
Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili
ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga
Espanyol at pinamahalaan ang buong
arkipelago ng hanggang 1946. Noong
ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak
ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod
ay ang pangalawang pinakawasak na
lungsod na sumusunod sa Warsaw, Poland
noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang
rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.
Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Alfredo Lim.
Isang pandaigdigan lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization
and World Cities Study Group and Network noong 2008.

MAKATI

Ang Lungsod ng Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte
ng Kalakhang Maynila. Ito ay ang sentro ng pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito
matatagpuan ang Makati Central Business District o MCBD. Maraming mga
maimpluwensiyang mga negosyante tulad ng pamilyang Ayala ang nakatira dito. Dati
itong matatagpuan sa lalawigan ng Rizal ngunit inilipat ito sa Kalakhang Maynila noong

1975. Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (Financial Capital of the


Philippines).

Noong 1470, nasa ilalim ng pamumuno ni Lakan Tagkan at ng kanyang maybahay


na si Bouan ang lugar na sakop ngayon ng Makati.

Nakita ni kongkistador Miguel Lopez de Legaspi ang lugar noong 1571 at


itinanong sa mga katutubo ang pangalan ng lugar. Sumagot ang mga katutubo ng
Makati-na sa pag-aakalang ang itinatanong ay ang Ilog Pasig.

Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang visita, isang distrito ng Sta. Ana
de Saya sa pamamahala ng isang paring Fransiscano ng si Pedro de Makati.
Tinawag ang lugar na Sampiro.

Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.

Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890.

Nagkaroon ng isang pangulong municipal ang Makati matapos ang Digmaang


Pilipino-Amerikano noong 1900.

Noong 11 Hulyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt ng Pilipinas Blg.


137, isinama ang Makati sa lalawigan ng Rizal.
Noong 28 Pebrero 1914, itinakda ng Batas Lehislatura ng Pilipinas Blg. 2390 ang
pagpapalit ng pangalang San Pedro de Makati sa Makati, na naging opisyal na
pangalan nito.

Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng
Neilson.

Itinayo ang Makati Commercial Center noong 1956.

Itinayo ang bagong gusali ng pamahalaang lokal noong 1962.

Itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino si Jejomar C. Binay bilang OIC ng Makati.


Nahalal siyang punong-bayan noong 1988. Muli siyang nahalal noong 1992, 1995,
2001 at 2004.

Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7854 noong 2
Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga mamamayan
sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.

MUNTINLUPA

Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas,


mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga lungsod
ng Taguig, Paraaque at Las Pias sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng Bacoor,
Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang lawa ng bay sa silangan. Hinahati ng South
Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.

Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid
Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na
taong nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng
Muntinlupa o Munti ang salitang bilangguan.

Nagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga ng mga


paring Agustino noong 1601. May tatlong panig ang pinagmulan ng pangalang
Muntinlupa bagama't walang nakakatiyak kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng
talaan o kasulatan tungkol dito. May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa
manipis na luwad na matatagpuan sa pook. Mayroon namang iba na nanatiling may
kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang "Monte", bundok sa wikang Kastila,
ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay bulubunduking lupa. Mayroon din
nagsasabing nagsimula ang pangalan dahil "Monte Sa Lupa" ang sagot ng mga
naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar sa
pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.

Naitala ni Padre Joaquin de Zuiga, isang paring Katoliko, ang pangalan ng pook bilang
La Poblacion Que Sigue Se Llama Muntinlupa nuong kaagahan ng ika-19 na dantaon.
Ang barangay Poblacion lamang ang itinuturing na Muntinlupa nuong sinauna ngunit
upang mapamahalaang mabuti ng mga Kastila ang lupain ay ipinailalim rin nila rito ang
mga karatig na pook ng Alabang, Sucat, Tunasan at Cupang noong taong-1869.

Naging bahagi ng Morong, Rizal ang Muntinlupa noong 1901 at panandaliang naging
bahagi ng bayan ng Bian, Laguna noong 1903. Nagsampa ng pagtutol ang mga
naninirahan kaya naman binalik muli ito sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng
Taguig noong 1905. Naging ganap lamang ang kasarinlang bayan ng Muntinlupa noong
taong 1918 sa pamamagitan ng Executive Order 108 ni Gob. Harrison.

Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng
Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na
lungsod ng Pilipinas noong ika-1 ng ika -3 buwan, 1995 sa pamamagitan ng Republic Act
No. 7926[1]. Simula 2001, idinidiwang na isang Special Working Holiday sa lungsod ang
ika-1 ng ika-3 buwan bilang Muntinlupa City Charter Day.
Bureau of Corrections Administration Building (Gusaling Pangasiwaan ng Kawanihan ng
mga Bilangguan) - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na itinayo noong 1941 at
nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang nakilalang Bilibid sa
'telebisyon' at 'pelikula' bagama't sa kanlurang bahagi pa ng gusaling ito matatagpuan ang
pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali na kung tawagin ay mga brigada.
Lawa ng Jamboree - Ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng bansa. Hilig itong
tambayan ng mga taong nais magpalamig o magmasid sa kalikasan.
Memorial Hill - Isa itong maliit na burol sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na kung saan
matatagpuan ang isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Dito rin
sa burol na ito nakalibing ang tanyag na tagapangasiwa ng Bilangguan noong 1937
hanggang 1949 na si Eriberto Misa.
'Director's Quarters (Tahanan ng 'Direktor) - Ito ang 'opisyal' na tahanan ng
tagapangasiwa ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling pangasiwaan noong 1941.
Mamamalas sa mahusay na pagkakagawa nito ang ambag ng 'arkitektura' ng panahong
bago mag-digmaan at siyang nagbibigay-katangian sa malaking gusaling ito.
Japanese Garden Cemetery (Himlayang Halamanan ng mga Hapon) - sa halamanan na ito
nakalibing si punong hukbo Tomoyuki Yamashita na naging tanyag noong pananakop ng
mga Hapon sa bansa.

MANDALUYONG

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan


ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang
lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at
ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng

Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong


Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".

Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila. Kabilang sa


maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas, isa sa mga
pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng Pasig ang
natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-tanggapan
ng Asian Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang
pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang SM Megamall, isa sa
pinakamalaking shopping mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star
Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country
Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills, isang tanyag na mataas na
paaralang panlalaki. Ang estasyong ng MRT sa bulebard ng Shaw na itinuturing din isang
mall, maliban na pagiging estayson, ay nagdurugtong ng tatlo pang mga mall (Star Mall,
Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).

Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro
tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang
katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for
Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa
lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook
kung saan laganap ang kahirapan.

Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy.


Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo
ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na
inihalintulad sa produksiyon ng pinaka produkto ng palitan

MARIKINA

Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina),
kilala bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa Pilipinas, ay isang lungsod at bayan na
bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dati itong punong lalawigan ng Maynila
noong ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon, sa
silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, napapaligaran ang Marikina ng Lungsod

Quezon sa kanluran, Lungsod ng Pasig at Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolo sa


silangan, ang kabisera ng lalawigan ng Rizal, at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din.
Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula sa Lungsod ng Maynila.

Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang


Punong Rehiyon sa Pilipinas, at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng Kalakhang
Maynila. Bahagi rin ito ng Metro Luzon Urban Beltway (Daanang-sinturon ng Malalungsod na Kalakhang Luzon). Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng Gitnang
Luzon, Timog Katagalugan o Calabarzon at ang Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang
Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa Pilipinas.

Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang Kapital
ng Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang
pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay
naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang
lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng
dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa
katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan
kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy). Kakambal na lungsod
ng Marikina ang Brampton, Ontario sa Canada.

MALABON

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng


Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, tinatayang 353, 337
ang populasyon nito noong 2010. Ito ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na

lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong


kabuuang lawak na 19.76 kilometro kwadrado.

Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na tinaguriang


CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng CAloocan, MAlabon,
NAvotas, at Lungsod ng VAlenzuela. Napapaligiran ang Malabon ng Caloocan sa timog
at silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga. Nasa hilagang-kanluran naman
ng hangganan nito ang Obando, isang bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa haka-haka, galing sa salitang maraming labong ang salitang Malabon. Unang
tinawag na bayan ng Tambobong, binuo ang Malabon bilang Visita ng Tondo ng mga
Agustino noong May 21, 1559 at nanatili sa pamamahala ng Lalawigan ng Tondo mula
1627 hanggang 1688.

LAS PIAS

Ang Lungsod ng Las Pias (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod sa
Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng
Lungsod ng Paraaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa
timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad
ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential)

ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial),


industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang
pisograpiya ng Las Pias ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at
Guadalupe Plateau.
Ang kasaysayan ng 'Las Pias' ang pangalan ay hindi malinaw, ngunit isang lumang
simbahan KAMPANILYA sa loob ng museo ng Las Pias Church ng parokya ay may
tatak na nagsasabing 'Siendo Cura-del Pueblo de Las Peas el MRP Padre Diego Cera se
Fundio Este equilon ano de 1820. ' Ipinapakita nito na kasing aga ng 1820, ang bayan ay
tinatawag na 'Las Peas' hanggang hindi pa natatagalan sa kasaysayan kapag ang
pangalan ay binago sa 'Las Pias.' Ang lungsod ay sikat para sa Bamboo organ na ay
itinayo sa 1822 at gumagawa ng kanyang bahay sa loob ng St Joseph Church, kung saan
ang Bamboo organ Festival ay gaganapin tuwing Pebrero. Las Pias ay din ang site ng
Philippine revolts sa panahon ng Philippine-Spanish rebolusyon ng 1896, kapag ito ay na
inookupahan ng mga puwersa ng General Emilio Aguinaldo, at sa panahon ng World War
2.

You might also like