You are on page 1of 5

FILIPINO

PAGSUSUR
sa isang
I
PELIKULA
Hannah Thea D. Mendoza
X- STE 1
Gng. Aurora Reyes

Hannah Thea D. Mendoza

X-STE 1

ika-

ng Enero 2016

Aralin 3.7

Gng. Aurora Reyes

Awtput blg.

Pagsusuri ng Pelikula

I. Pamagat :

Four Sisters and a Wedding

II. Mga Tauhan :


Tony Gonzaga bilang Theodora Teddie Salazar
-

Panganay sa magkakapatid; nagtungo sa


makapagtrabaho ngunit nasesante at naging
lamang; maparaan at malikhain

Spain upang
katulong na

Bea Alonzo bilang Roberta Olivia Bobbie Salazar


-

Ikalawa sa panganay sa magkakapatid; may


napag-aralan at nakarating na sa New York
magtrabaho bilang corporate
communications manager; matalino at

Angel Locsin bilang Alexandra Camille Alex


-

mataas na
upang
matiyaga
Salazar

Ikatlo sa panganay sa magkakapatid; nagtatrabaho sa Pilipinas bilang film director; matapang at


malakas

Shaina Magdayao bilang Gabriella Angela Gabbie Salazar


-

Ikalawa bago magbunso sa magkakapatid; isang guro sa Pilipinas at katuwang ng kanyang ina sa
bahay; mapagkumbaba at tahimik

Enchong Dee bilang CJ Salazar


-

Ang bunsong lalaki ng pamilyang Salazar na hiniling pa nang kanyang mga kapatid sa langit; may
isang salita

Coney Reyes bilang Grace Salazar


-

Ang ina at nagtataguyod sa pamilyang Salazar sa abot ng kanyang makakaya

Angeline Quinto bilang Princess Antoniette Mae Bayag


-

Ang iniibig ni CJ; galing sa isang mayamang pamilya

Carmi Martin bilang Jeanette Bayag


-

Ang ina ni Princess; mataas ang tingin sa sarili

Boboy Garovillo bilang Honey Boy Bayag


-

Ang ama ni Princess; may kayabangan palibhasay mayaman

Sam Milby bilang Tristan Harris


-

Ang kasintahan at kinakasama ni Bobbie sa New York

Janus del Prado as Frodo


-

May lihim na pag-ibig kay Teddie at ginagawa lahat para sa kanya

III. Buod ng Pelikula

Sa nalalapit na kasal ni CJ, tinawagan ni Gabbie ang kanyang mga kapatid upang umuwi at magsamasama sa
gaganaping selebrasyon.

Si Bobbie na kasalukuyang nasa New York ay ipinagpaliban ang kasal na nais ng kanyang kasintahang si
Tristan na mangyari at agad na nakauwi sa Pinas. Samantalang si Teddie ay nahirapan sapagkat natanggal siya
kanyang pagiging guro sa Spain at naging katulong na lamang. Nagpatulong siya sa kanyang katrabaho, si Frodo, na
makauwi. Bilang kapalit, siya ang ipakikilalang kasintahan nito. Si Alex naman ay nagdalawang-isip pa dahil nga sa
matagal na nilang away ni Bobbie.
Matagumpay na nakauwi ang magkakapatid na siya namang sinalubong ng kanilang ina, ni CJ at Gabbie sa
bahay. Nag-usap sila kung talaga nga bang sigurado si CJ sa kanyang desisyon na makasal sa kanyang edad at
nagawa pang laitin ang mapapangasawa nitong si Princess. Sigurado si CJ at walang makapipigil sa kanya.
Bumisita ang mga Salazar sa mga Bayag upang magplano sa gaganaping kasal. Naging mapagmataas ang
pamilyang Bayag at di nagustuhan ng magkakapatid kung kayat nagplano sila na ipatanto sa kanilang bunso na
hindi dapat matuloy ang kasal. Inimbistigahan nila ang kaduda-dudang negosyo ng pamilya ni Princess. Nalaman ito
ng kanyang ina at nagbantang iimbistigahan rin ang pamilyang Salazar. Nakarating rin kay CJ ang balita na siyang
ikinagalit nito. Dumating ang mga Bayag sa kanilang tahanan upang ipakita ang mga gown na gagamitin sa kasal at
naglaro sila ng tinatawag na charades. Dito nabunyag ang lihim ni Teddie, nagkaroon ng sagutan dahil sa inggitan ng
magkakapatid sa isat isa at panghuhusga kay Princess. Sa huli ay pinaliwanag ng kanilang ina na hindi niya alam na
ganoon ang nararamdaman ng kaniyang mga anak at hanggad lamang niya ay kabutihan at kaayusan ng kanilang
buhay.
Nagkaayos at nagpatawaran ang parehong pamilya. Kinalaunan ay hindi rin natuloy ang kasal sanhi ng
pagpanaw ng lolo ni Princess. Ngunit upang hindi masayang ang mga inihanda para sa kasal, ipinaubaya na lamang
ang mga ito sa kasal nina Bobbie at Tristan.

IV. Banghay ng mga Pangyayari :


a. TagpuanSa Pilipinas, Spain at New York sa modernong panahon o sa kasalukuyan

b. ProtagonistaAng apat na babaeng magkakapatid; Teddie, Bobbie, Alex at Gabbie

c. AntagonistaAng amat ina ni Princess o ng pamilyang Bayag

d. SuliraninAng suliranin ng pelikula ay ang hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid na humantong sa inggitan


sa pagitan ng isat isa. Isa pang suliranin ay ang hindi pagtitiwalat agad na panghuhusga kay
Princess.

e. Pagsubok sa Paglutas ng SuliraninNagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang magkakapatid at nagplano ng palihim laban sa pamilyang
Bayag. Nagkaroon rin ng harapan at mga away.

f. Mga IbininungaNagkaaminan ng mga lihim ang pamilyang Salazar at nakipag-ayos sa mga Bayag. At sa wakas ay
nagkasundo na rin ang magkakapatid.

V. Paksa o Tema

Ang paksa ng pelikula ay tungkol sa pamilya. Nararapat lamang na maging bukas sa isat isa ang
bawat kasapi ng pamilya upang hindi magkaroon ng di pagkakaunawaan na maaari pang humantong sa mas
malalang mga bagay. Sapagkat ang pamilya ang pinakamahalagang unit ng lipunan, dapat itong pangalagaan
at panatilihin rito ang kaayusan at pagmamahalan.

VI. Bisa sa..

A. Isip
Kung mapapanood ang pelikula, mapagtatanto na hindi lahat ng nakikita o naririnig ay pawang
katotohanan agad. Maaaring may nakatagong dahilan ang isang bagay kaya ito ang panlabas nitong anyo na
madidiskubre lamang ito kung makikilala ng mahabang panahon at ng mahinahon.

B. Damdamin
Tunay na nakapupukaw ng damdamin ang istorya ng pelikula. Hindi lamang nakaaaliw ngunit
kapupulutan din ng marami at mahahalagang mga leksyon. Lalo na sa parte kung saan nalaman ng kanilang
ina ang mga kinikimkim nilang inggit at sama ng loob laban sa isat isa.

C. Kaasalan
Madarama ng mga manood ang bawat emosyon na pinapahayag ng mga tauhan dahil napaka-natural
at masasabing tagos sa buto ang katotohanan nito sa buhay ng tao o kahit sa loob ng isang pamilya. Na kahit
sa hirap at ginhawa, sa huli, ang pamilya ay mananatili bilang isang pamilyang nakaagapay sa isat isa.

D. Lipunan
Maaaring maapektuhan ang lipunan sa mabuti kung maisasapuso ng mga manonood ang mensahe nito
tungkol sa tunay na nadarama at nararanasan isang tao na minsan ay nagseselos, hindi nawawala ang pagkainggit at pagtingin sa sarili nang mababa. Na siyang hindi dapat ipagsawalang-bahala kahit anong mangyari.

VII. Mga Aspektong Teknikal

A. Sinematograpiya
Ang pelikula ay may maayos na sinematograpiya para sa akin dahil kinuhaan lamang ang mga
mahahalagang scenes at naging akma sa kabuuan ng istorya.

B. Musika
Ang pelikula ay kumuha rin ng angkop musika, kabilang ang ibang sound effects na nagdulot ng
pagiging malikhain sa paggawa nito.

C. Visual Effects
Ang pelikula ay gumamit ng simpleng visual effects kagaya ng slow motion o pagpapabagal ng takbo
ng isang scene upang mabigyan ng emphasis ang nais mapalutang.

D. Set Design

Kagaya ng iba, naging mahusay ang ginawang setting sa bawat scene. Akmado rin ito sa nagaganap,
panahon lugar at tauhan na siyang naging daan upang mauunawan ng maayos ang istorya at
nagpaayos sa kabuuan nito.

VIII. Kabuuang Mensahe

Ang kabuuang mensahe ng pelikula ay huwag maging mapanghusga sa kapwa ayon sa panlabas
nitong kaanyuan, matutong kilalanin muna ang isang tao; maging mapang-unawa at mapagpatawad sa kapwa
lalo na sa kapamilya, nararapat na magkaroon ng pagkakaunawaan at kaayusan upang mapanatili ang
pagmamahalan at tiwala sa isat isa; at huwag rin maging mapagmataas sa kung ano ang naabot at kung ano
ang mayroon ka kundi ay magpasalamat na lamang sa Diyos at pahalagahan ang mga natanggap na regalo
mula sa Kanya.