You are on page 1of 6

Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang

ang Buwan ng wika bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating


wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay.
Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na
magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang
yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa
buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin
ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at
malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa
atin ay nagpala. Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal
na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng
wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni
Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan
ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga
Pilipino noon.
Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang
nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat
para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na
magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at
magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi
magiging maayos ang buhay kung ibat-ibang wikang etniko ang
dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating
Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe
upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may
iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang
hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating Ama ng
wikang Pambansa si Quezon dahil sa kanyang natatanging
limbag sa wikat panitikan.
Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya,
hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa website na Facebook na
kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium
o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan
ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito.
Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa
wikang
Filipino. Kamakailan
lamang
ay
naging
sikat
sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok
ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay
si David DiMuzio na lumabas na sa ibat-ibang programa dito sa
ating bansa.

Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa
Estados Unidos ang nagsasalita sa wikang Filipino at ito ang pangapat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi
rin mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan
natututunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino.
Ngayong pumapasok na ang ibat-ibang wikang banyaga sa ating
bayan, kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin ang
ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito
ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino
upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating lipunan.
Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at
nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat
mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang
ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating
pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat
at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa
mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na
tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang
wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang
pagbabago sa lipunan. Naway ating gamitin ng wasto ngayong
buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating
sariling wika!
Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay
isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay
na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman,
kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng
sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa
ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang
katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa
Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa
buhay
at
kung
paano
mabuhay
ng
maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay
na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga
mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang
na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa
kanila
sa
kanilang
mga
inaasam
na
mga
mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng


kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan,
sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa
ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at
magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito
ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan
nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay
mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng
mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang
daigdig
at
malaman
ang
mga
layunin
nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na
edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na
programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang
magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat
ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pagasa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng
edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga
pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa
Filipino.Kabataan
Maniniwala ka ba na ang mga kabataang Filipino ngayon, kahit na
kami'y rebelde, suwail, magastos at minsa'y walang pakialam, ay
nag-iisip din kung ano ang dapat naming gawin upang umangat
sa buhay? Maniwala ka. Kami'y nag-iisip din ng paraan para hindi
tumunganga na lamang sa aming pagtanda.

Tama, may mga pagkakamali kaming nakamit. Hindi mo ito


mabibilang at madalas ang mga pagkakamaling ito ay nagdudulot
ng walang kapantay na sakit at sama ng loob sa aming mga
magulang. Dulot pa nito'y dagdag-rebelde kapag napagalitan o
napagsabihan lamang. Inaamin ko, kami'y mga batang umaarteng
alam na ang lahat, ayaw naming magpadaig at mapagalitan. Sino
bang nais na laging pinapagalitan? Alam naman namin na para sa
amin iyon. Madalas, maririnig mo na masyadong mapagtuklas at
agresibo ang mga kabataan ngayon dahil sa paningin na hindi ka

in kung hindi mo kahit minsan ma'y suwayin ang mga magulang


mo. Sabi ng ating pambansang bayani, Ang kabataan ang pag-asa
ng Inang Bayan. Pero sino pa ba ang natira na naniniwala sa
matagal nang kasabihang iyon? KAMI.

Rebelde ang IBANG kabataan. Bakit nga ba? Ang paghithit ng


rugbee, pampalipas-gutom ng mga mahihirap at pagsinghot ng
marijuana sa mga kabataang gustong matanggap ng iba. Nakakahigh! sa mga salita ng isang binatilyong minsa'y sumubok at
habang panahong nalulong. Suriin natin ang paligid ng mga
kabataang ito. Sa squatter's area na lamang, halimbawa, ang
paligid doo'y hindi kaaya-aya, pugad ng krimen at mga
nagdodroga. Ang kapaligiran ay isang malaking salik at mas lalo
na ang mga tao roon. Kilala mo ba si Eminem? Isa siyang sikat na
rapper, sa Amerika at maging dito sa Pilipinas. Madaming
umiidolo sa kanya at maging sa kanyang mga kanta. Pero kung
naiintindihan mo ang mga liriko ng kanyang mga kanta ay
makikita mong siya'y biktima ng isang madilim na nakaraan. Ano
bang gagawin mo kung makikita mong binubugbog ng iyong ama
ang iyong ina? At ang iyong ina, sa harap mo'y umiinom ng kung
anu-anong gamot na ikinalulong niya? Naging magulo ang buhay
ni Eminem noong kabataan niya at kita pa rin sa kanya ang hindi
naghihilom at masaklap na sugat ng nakaraan. Ngunit siya'y
halimbawa ng isang mabuting ama. Ibinubuhos niya sa kanyang
anak na babae ang kanyang pagmamahal, at kitang ayaw niyang
maranasan nito ang karanasang hindi na niya nais pang maalala.

Maaaring naghahanap lamang ng atensyon ang ibang kabataang


nagrerebelde. Ipalagay nating nais ng isang binata ang
makapiling ang kanyang mga magulang na gabi na umuuwi dahil
sa pagkasubsob sa trabaho kaya gumagawa siya ng paraan
upang makuha ang kanilang atensyon. Maaaring nais din ng isang
kabataan na maramdamang siya'y tanggap. Nais niyang
maramdaman na may kalalagyan siya kaya ginagawa niya ang
mga nais ng kinabibilangan niyang grupo. Hindi rin naman
mapagkakailang may mag kabataang sadyang rebelde, agresibo
at lubhang mapagtuklas. May mga nalululong nang labis sa mga
bawal na gamot, may mga maagang nabubuntis at nagiging
miserable, may mga gumagawa ng krimen na mga menor de
edad pa lamang at may mga nagpapakamatay sa 'di malamang
dahilan. Hindi natin matatanggal na talagang may mga
kabataang nalilihis ang landas.

Minsa'y nasa mga nagpapalaki din naman 'yan, kung talagang


nagkulang sila sa paalala at pagsuporta, paggabay at pag-alaga.
Mahalaga ang paggabay sa kabataan sapagkat gaya nga ng sabi
ng mga matatanda, hindi lahat ay alam na ng kabataan.

Hindi rin naman dapat idamay lahat ng kabataan sa mga


pagkakamaling nagawa na ng iba. Kung hindi nagkukulang sa
tamang paggabay at pagpapaalala ang mga magulang sa
kanyang anak, ano ang dahilan upang maging pabaya ang isang
bata? Nasa desisyon din 'yan ng isang kabataan kung paano ang
paggawa ng landas na tatahakin niya. Hindi dapat hatulan ang
kabataan dahil sa mga sabi-sabi at pala-palagay lamang dahil
hindi lahat ay mga sira ulo't nagdodroga, mga may bisyo't suwail
at mga rebelde.

Himalang maituturing ang isang batang pinili ang edukasyon


kaysa droga. Marami pa naman ang gumagawa ng himalang ito.
Hindi ba natin ito nakikita? May pag-asa pa. Ang negatibong
pananaw sa kabataan ngayon ay mali naman, 'di ba?

Ang mga matatanda'y minsa'y naging mga kabataan din. Sinuway


din nila ang kanilang mga magulang, nagpadala din sa barkada
nila. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay bigyan kami
ng pag-asa. Isang tanong lang ang nasasaisip ko. Bakit kapag
mali'y sobra-sobra ang pagpuna samantalang kapag tama,
minsan pa'y nakakaligtaang kilalanin? Madaming kayang gawin
ang mga kabataan. Maabilidad kami't matatalino, madaming
ideya't malikhain kaya bakit 'di niyo kami bigyan ng
pagkakataong mapatunayan ang mga maaari naming magawa?

Kabataan nga kami, pero may sariling pananaw at pag-iisip din.


Hindi kami manhid sa mga sakripisyong ginagawa ng aming mga
magulang at kahit papaano'y mulat din kami sa mundong
ginagalawan nating lahat. Sa pagtagal ng panahon, lalo pang
lumalawak ang pang-unawa namin sa buhay, kung sa paggising
ba nami'y may naghihintay na kinabukasan at tagumpay. Mahirap
bang paniwalaan? Hindi din natin alam. Tulad na lamang ni
Winston Churchill na malakas uminom at madaming bisyo, sino

bang mag-aakalang magiging isa siyang mabuting pinuno? At si


Adolf Hitler na walang bisyo't malusog ang magiging puno't dulo
ng isang pandaigdigang digmaan? Malay ba natin na ang mga
kabataang suwail at rebelde ang magiging pag-usad ng
kabuhayan at kinabukasan ng ating bansa sa hinaharap? Isang
survey ang lumabas sa Asya na nagsasabing ang mga kabataan
daw ngayon, kahit na sila'y magastos, mataas ang pagnanasang
kumita ng malaki at nais sa buong mundo'y magtagumpay, ay
may malasakit at nais pa rin na maging mapayapa ang mundo
kaysa makita itong bumagsak. Mas nais daw nilang tumira sa
mundong walang gulo. Ang kabataan ay hindi makasarili. Sino ba
ang nagsabing 'di kami nagmamalasakit?

Alam ng lahat na masarap ang maging kabataan. Masarap


magkaroon ng kalayaan, mabigyan ng pera araw-araw, gastusin
ito, magsaya na parang wala nang bukas at isipin ang gagawin sa
susunod na araw. Hindi mo 'to matatanggal sa isang bata. Pero
kami na ang nagsasabi, sa paglipas ng panahon, napagtatanto din
naman namin na pag-unlad ang nais namin. Alam ng mga
makabagong isip namin na ang buhay ay hindi puro sarap,
minsa'y kailangan mong sumugal at maghirap upang makamit
ang nais na tagaumpay. Hindi kami magiging pabigat sa aming
pagtanda kami ang pag-asa ng Inang Bayan at hindi namin kayo
bibiguin!

You might also like