You are on page 1of 2

Pasukan na naman!!!

Kay sarap pakinggan ang pagdating ng araw na ito. Bawat isa ay may kanya
kanyang paghahanda, muli na naman magkikita ang mga magkakaibigan.
Paano nag ba ang buhay bilang isang mag-aaral?
Para sa akin ang pagiging estudyante ay sadyang makabuluhan dahil dito na halos
umiikot ang ating buhay at nagsisilbing pangalawa nating tahanan. Ito ay isang
pagsubok na dapat natin harapin at may mga tungkulin din tayong dapat
gampanan. Ito ay isang malakingresponsibilidad para sa atin.
Masarap ang maging estudyante. Dahil dito hinuhubogpa lang tayo para
madagdagan ang ating kaalaman at upang malaman kung hanggan saan ang ating
kakayahan. Bukod pa rito ay makakakilala pa tayo ng mga panibagong kaibigan na
makakasama natin sa araw-araw at mga guro na matiyagang nagtuturo sa atin na
tinuturing natin pangalawang magulang sa paaralan.
Minsan may kalokohan din naman nagagawa. Hindi naman natin maiiwasan yun
dahil bahagi na yun ng ating buhay bilang isang estudyante. Kung minsan naman
ay hindi natin inaalam kung hanggan saan ang ating limitasyon. Marami na tayong
nagagawa na hindi tama, tulad ng pagcucut ng klase para gumimik, mag-inom at
ang iba naman ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
Bakit nga ba may lumalampas sa limitasyon bilang estudyante? Bakit mas marami
ang gumagawa ng mali kaysa sa tama? Bakit nga ba may mga estudyante na
naliligaw ng landas at pinapabayaan ang kanilang pag-aaral?
Masuwerte pa nga tayo dahil binigyan tayo ng pagkakataon na makapag-aral. Isa na
itong malaking oportunidad para sa atin. Marami nga dyan mga musmos pa lang ay
naghahanapbuhay na upang sila ay may makain. Hindi rin sila makapag-aral kahit
gustuhin man nila dahil sa kahirapan ng buhay. Hindi ba nila naisip ang paghihirap
na ginagawa mg kanilang mga magulang upang makatapos sila ng pag-aaral,
upang magkaroon ng magandang edukasyon at hindi rin ba nila inuunawa ang mga
pangaral at payo na ibinibigay ng ating mga guro.
Ako!!! Inaamin ko mahirap talagang maging isang estudyante. Pero kakayanin ko. Di
ba walang mahirap sa taong may pagsusumikap, kailangan lang ng kaunting tiyaga,
ayon nga sa kasabihan kung may tiyaga may nilaga. Mas mahirap ang walang
tinapos.
Mahirap madaliin lahat ng bagay. Ako masyado ko minadali lahat. Kumuha ako ng
dalawang taong kurso sa pag-aakala na pagkanakatapos ako ay magagamit ko ang
aking napag-aralan. Pero hindi pala, mahirap pala makipagsabayan sa mga apat na
taong kurso.Kaya ang binagsakan ko production operator sa isang malaking
kompanya.

Nakakatawang isipin di ba, nakatapos ako pero pagiging operator lang yun posisyon
na qualified sa akin. Tinanggap ko yun, mahirap din naman kasi na tambay ka lang.
Ayoko din naman na umasa pa sa akin mga magulang. Mahirap pero kinaya ko.
Hindi ko pinagsisihan na yun ang una kongpinasukan na trabaho dahil don ako
natuto.
Kaya heto ako ngayon muling ipinagpatuloy ang aking pag-aaral para mas
makahanap ng mas magandang trabaho. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong
ito.
Bilang estudyante, okay lang na minsan gumawa tayo ng kalokohan at may
karapatan din naman tayo na i-enjoy ang buhay natin bilang isang estudyante.
Hindi naman tayo pipigilan na gawin yun. Basta ito lang ang dapat natin isa-isip at
tandaan hwag tayong lalampas sa ating mga limitasyon. May mga responsibilidad,
tungkulin at patakaran tayong dapat sundin.
Pinag-aaral tayo ng ating mga magulang upang magkaroon tayo ng magandang
kinabukasan. Nagsusumikap sila na mapagtapos tayo kahit na napakahirap kaya
dapat din tayong magsumikap na abutin ang mga pangarap nila sa atin bilang ganti
sa kanila. Dapat din natin bigyan pagpapahalaga ang ating mga guro na
matiyagang nagtuturo sa atin, irespeto natin sila katulad ng pagrespeto natin sa
ating mga magulang.
Sa mga kapwa ko mag-aaral. Mga bata pa tayo kaya hwag natin sayangin ang mga
pagkakataong ibinibigay sa atin upang wala tayong pagsisihan sa huli. Tayo bilang
estudyante ay may kanya kanyang tungkulin dapat gawin. Sama-sama natin abutin
ang ating mga adhikain upang magkaroon tayo ng magandang edukasyon na
maipagmamalaki natin.

You might also like