You are on page 1of 4

Mga gabay na tanong para sa Kabanata 1- 11

Kabanata 1 Sa Itaas ng Kubyerta


1. Hanapin ang sumusunod na teknik na pampanitikan na ginamit ni Rizal sa Kabanata 1 Sa
Kubyerta.
Sinasabi ng tauhan tungkol sa kanyang sarili
Sinasabi ng isang tauhan tungkol sa kapwa tauhan nito
Pagpapakita sa pamamagitan ng diyalogo.
2. Anong binary opposition ang matutukoy sa kabanata? Paano ito maiuugnay sa
kasalukuyang panahon?
3. Sino sa mga ipinakilalang tauhan ang napuna mong may mabuting kaloobam?
Pangatwiranan
4. Ayon kay Simoun ano raw ang solusyon sa mabagal na takbo ng Bapor Tabo?
5. Ano ang naging mungkahi ni Don Custodio na lunas sa problema
6. Ipaliwanag ang sumsunod na parirala
ang mga patay ay naiiwang patay at ang malalakas lamang ang binibigyang ng
katuwiran ng mga darating na panahon
Nakadududa ang mga panukalang binalutan ng matataas na salita
7. Anong kabalintuan / ironya ang ipinahahayag ng pananaw ni Donya Victorina tungkol sa
mga Indio?
8. Alalahanin ang ugali ni Donya Victorina sa Noli Me Tangere. Paghambingin.
9.Anong simbolo ang maaaring ilahad ng Bapor Tabo? Aling particular na bahagi ng bapor ang
nagsisilbing simbolo?
10. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa pagpuna ni Donya Victorina sa pagdami ng mga
pato?
Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta
1. Ihambing ang mga tauhan sa ilalim kubyerta sa mga tauhan sa itaas ng kubyerta/
2. Ano ang pinagtatalunan nina Isagani at Kapitan Basilio? Ibigay ang argumento ng bawat isa?
3. Bakit tinawag na Itim na Kardinal si Simoun?
4. Paano ikinumpara ni Kapitan Basilio ang sistema ng edukasyon nang panahon niya sa
panahong kinabibilangan nina Isagani?
5. Paano pinaghandaan nina Isagani ang kanilang proyekto tungkol sa pagtuturo ng wikang
Espanyol?
6. Ipaliwanag : matamis at naiinom ang tubig at pumapawi sa lasa ng alak at serbesa saka
pumapatay ng apoy
7. Ano ang sinisimbolo ng tubig at alak , ayon sa pahayag ni Isagani?
8. Magbigay ng isang sitwasyon sa kasalukuyan na maaaring iugnay sa ginawa ng mga
kabataan para matulungan sila ni Padre Irene sa kanilang proyekto.
9. Anong elemento o literari teknik ang ginamit sa akda ukol sa katauhan ni Simoun?
10. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa gagawing paaralan ang bahay ni Macaraig?

Kabanata 3 Ang mga Alamat


1. Paghambingin ang mga kuro batay sa kanilang mga ari-arian?
2. Sa mga binanggit na alamat ng Kapitan ng bapor , ni Padre Florentino at Padre Salvi, alin
ang magagamit na alusyon sa kasaysayan ng Pilipinas?
3. Isalaysay ang alamat ni kinuwento ni Padre Salvi at ano ang naging reaksyon ni Simoun ukol
dito?
4. Ipaliwang : Nahihilo ba kayoat sa isang tulo ng tubig na tulad ng lawing ito?
5. Paano inilarawan ng may-akda ang wawa? Anong tayutay ang ginamit niya rito?
6. Paano napapunta ang kanilang usapan sa nangyari kay Crisostomo Ibarra? Anong elementong
pampanitikan ang ginamit sa pagbabagong anyo ni Simoun nang mabanggit si Ibarra?
7. Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa pahayag hinggil pagkakaroon ng ari-arian ng
mga prayle?

Kabanata 4 Si Kabesang Tales


1

1. Paano umunlad ang buhay ni kabesang tales? Ano ang naging kapalit ng pag-unald ng
kanyang kabuhayan?
2. Paano inubos ng mga prayle ang pasensya ni Kabesang Tales?
3. Ilahad ang mga hakbang na isinagaw ni Kabesang Tales sa pag-aasikaso ng kanyang kaso
tungkol sa pag-angkin sa kanyang mga ari-arian?
4. Anong binary opposition ang matutukoy sa kaso ni Kabesang Tales?
5. Ayon kay Kabesang Tales, kanino lamang niya isusuko ang kanyang lupain?
6. Ano ang nangyari kay Kabesang Tales sa madalas niyang pag-alis ng bahay?
7. Ano ang ilusyong nabuo kay Juli tungkol sa paglikom niya ng pera? Ano ang mga hakbang na
ginawa niya para makalikom ng perang pantubos sa kanyang ama?
8.Ipaliwanag:
Umiwas na isalpok ang palayok sa isang kawali
Ipalagay mo na lang na lumaki ang buwaya
Ipalagay mo na lang na dumating ang mga kamag-anak ng buwaya!
9. May matutukoy ba na kontrast sa buhay ni Juli. Humango ng eksenang nagpapahayag nito.
10. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa payo ni Tandang Selo kay Kabesang Tales tungkol
sa pagbabayad ng binanggit na buwis?
Kabanata 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
1. Bakit naabala ang lakad ni Basilio nang dumating siya sa San Diego?
2. Ano ang napuna ni Basilio tungkol sa paghahanda ng mga taga- San Diego tungkol sa
Pasko?
3. Bakit nalungkot nang lubos si ABsilio pagkatapos magbalita sa kanya ng matandang katulong
sa bahay ni Kapitan Tiago?
4. Ipaliwanag : Wala nga raw sigurong gwardiya sibil noon dahil ikukulong ng mga ito ang
negrong si Melchor dahil nangahas pumagitna sa dalawang putting sina Gaspar at Baltasar.
5. Paano maiuugnay sa kasalukuyan ang sumusunod na mga sitwasyon :
Ang di pagtanggap ni Kapitan Basilio sa bayad ng alperes sa isang kadenang relo.
Ang paghuli ng gwardiya sibil sa kutsero dahil walang ilaw ang kanyang karomata.
6. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa pagdarasal ng kutsero sa pagdaan ng prusisiyon sa
kabila ng pagkabugabog sa kanya ng gwardiya sibil?

Kabanata 6 Si Basilio
1. Bakit patagong nagpunta si Basilio sa libingan ng kanyang ina at ano ang kanyang naalala
nang dumating siya roon?
2. Paano nakapag-aral si Basilio? Paano siya nakilala sa paaralan? Isalaysay ang karanasan niya
sa paaralan.
3. Ano ang pagkakaibang napuna ni Basilio sa una at pangalawa niyang paaralan?
4. Ipaliwanag:
Ang pagtawag kay Basilio na isang loro ng kanyang guro dahil sa kanyang paglalahad ng
leksyon.
Ano ang ibig sabihin ng sobresaliente na natamo ni Basilio dahil sa kahusayan niya?
5. Kanino maaaring maihambing sa kasalukuyan ang sumusunod na mga tauhan?
Ang mga kaklase ni Basilio sa unang taon sa paaralan.
Ang mga estudyante na natutuwa dahil hindi sila pinapansin ng kanilang guro.
6. Humango ng isang eksenasa kabanata na kasasalaminan ng binary opposition.
7. Paano maihahambing sa kasalukuyan ang guro ni Basilio nanag siya ay nasa ikatlong taon pa
lamang?
8. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa pagkakaroon ng pagkakataon ni Basilio na makapagaral?
Kabanata 7 Si Simoun
1. Isalaysay ang pagkikita nina Basilio ay Simoun.
2. Ano-ano ang hinihingi ng kabataan ayon kay Simoun?
3. Bakit tutol si Simoun sa layunin ng mga kabataan na magpatayo ng Akademya ng Wikang
Espanyol? Paano sinagot ni Basilio ang argumento ni Simoun?
4. Bakit hindi ipinagpatuloy ni Simoun ang plano niyang lapitan sina Macaraig at Isagani?
2

5. Ano ang binanggit ni Simoun para gisingin kay Basilio ang paghihiganti?
6. Ipaliwanag ang sumusunod :
Kapwa tayo uhaw sa katarungan
nagsama-sama kayo sa Europa para maging bahagi ng Espanya ang inyong bayan ,
pero sa halip na makagawa kayo ng kwintas na rosas, ang pinapanday ninyoy kadenang
matigas pa sa brilyante!
Ano na ang kamatayan ng isang tao kung ikukumpara sa kamatayan ng lipunan?
pabayaan na lamang masawi ang mahihinat mabuhay ang higit na malakas
7. Anong elemento ng nobela ang nakapaloob sa natuklasan mong tungkol kay Simoun?
8. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa layunin ni Simoun?

Kabanata 8 Maligayang Pasko


1. Bakit nag-alala si Juli nang halikan ang suot na agnos?
2. Ano ang ginawa ni Juli upang mapagaan ang loob ng kanyang sarili at ng kanyang lolo?
3.Nanatili ba si Juli sa pagpapalakas ng kanyang loob nang siyay aalis na? Ipaliwanag ang
sagot.
4. Paano idinaraos ng mga tao ang kapaskuhan
5. Bakit nalungkot si Tandang Selo nang dumating ang kanyang mga kamag-anak at ano ang
nangyari sa matanda sa huling bahagi ng kabanata?
6. Ibigaya ang kahulugan ng sumusunod:
Para sa mga bata ang Pasko sa Pilipinas.
Nagsasalita nang Espanyol ang amo ko at iyon ang pinakamurang kolehiyo na
nakita ko.
7. Nadaragdagan ang mga problemang kinakaharap n gating mga tauhan at isa na rito si Juli.
Anong elemento ng nobela ang matutukoy rito?
8. Anong pagpapahalaga ang hinihingi ang pag-asa ni Juli na may milagrong mangyayari?
Kabanata 9 Mga Pilato
1. Sino ang mga Pilato na tinutukoy sa kabanatang ito? Ipaliwanag
2. Ayon sa paniniwala ni Hermana Penchang, ano-ano ang katangian ng isang babaeng
mabuting Kristiyano?
3. Ano ang pananaw ng mga pari sa mga kabataang nagpupuntas sa MAynila para mag-aral?
4. Paano nakauwi si Kabesang Tales? Ano ang kanyang natuklasan sa kanyang pagbalik sa
kanilang tahanan?
5. Ipaliwanag : Madalas na nagpapadala sa atin ng Diyos ng mga ganitong bagay dahil
makasalanan tayo o ang ating mga kamag-anak.
6. Paano maiuugnay sa kasalukuyan ang sumusunod na mga sitwasyon:
Ang pagdukot ng mga tulisan kay Kabesang Tales
Ang pagpasok ni Juli bilang katulong para matubos ang ama sa kamay ng mga tulisan
7. Anong pagpapahalaga ang hinihingi ang hindi pag-aalala ni Padre Clemente at ng mga
gwardiya sibil sa pagkadukot ng mga tulisan kay kabesang Tales?

Kabanata 10 - Yaman at Dalita


1. Bakit pinili ni Simoun ang bahay ni akbesang Tales para sa pagbebenta niya ng kanyang mga
alahas?
2. Bakit nagpunta rin ang mga mamimili sa bahay ng Kabesa sa kabila ng nangyari sa kanya?
3. Ano ang nararamdaman ng Kabesa habang ipinakikita ni Simoun ang dala niyang mga
alahas? Ano rin ang kanyang naisip nag ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang bukirin?
4. Bakit hindi makita ni Simoun ang kanyang rebolber na ipinakita niya kay Kabesang Tales?
5. Bakit hinuli ng mga gwardiya sibil ang am ang Kabesa?
6. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang sumusunod:
mga batong ito, dalisay na tulad ng mga talsik ng liwanag mula sa langit
pusong nag-aapoy sa paghihiganti
lunurin sa luha ang lahat ng tao
7. Aling katutubong katangian ng mga Pilipino ang masasalamin sa pag-aalala ni Kabesang
Tales sa pagdating ni Simoun sa kanyang bahay?
3

8. Anong teknik ang ginamit sa kabanata para ipaalam sa mambabasa ang pagsama ni
Kabesang Tales sa mga tulisan?
9. Anong teknik na pampanitikan ang matutukoy sa pahayag ni Simoun na: Natagpuan ko na
ang taong aking hinahanap!
10. Tukuyin ang eksenang naglalahad ng contrast.
11. Anong pagpapahalaga ang hinihingi ang pagtukso ni Simoun kay KAbesang Tales kaugnay
ng maaaring magawa ng isang alahas sa buhay ng isang inabuso?
Kabanata 11 Los Baos
1. Ibigay ang naging pasya ng Kapitan Heneral tungkol sa sumusunod na mga kaso:
Armas de salon
Gusaling hinihingi ng maestro para sa paaralan
Akademya ng Wikang Espanyol na hinhingi ng mga kabataan
Kahilingan ni Juli para sa kanyang lolo
2. Ano ang layunin ni Simoun sa paghingi ng taya na hindi salapi sa kanyang mga kalaban sa
sugal?
3. Ano ang dalawang uri ng tulisan ayon kay Simoun?
4. Ipaliwanag ang pahayag :
si Basilio , sinabi ni Padre Irene na itoy parang tubig na hindi kumikilos
5. Ginamit ng may-akda ang salitang tulisan para patungkulan ang mga tiwaling prayle at
opisyal ng pamahalaan. Ano ang iyong reaksyon sa paggamit ng salitang ito?
6. Saan maiiugnay sa kasalukuyan ang sumusunod na mga sitwasyon?
Ang pagtatalo ng Heneral at mga kasama nito tungkol sa mga kasong dapat desisyunan
ng nauuna.
Ang resulta ng paghingi ng guro ng gusali para sa paaralan
7. Anong pagpapahalaga ang hinihingi sa pagpapatalo nina Padre Irene at Padre Sibyla sa
Kapitan Heneral?

You might also like