Professional Documents
Culture Documents
Maraming ang epekto ng anorexia nervosa sa taong nakakaramdam nito. Maaaring sa pisikal na
aspeto, pag babago sa kilos o gawi , o pang sikolohikal na epekto. Kung pag uusapan ang resulta
sa pisikal na aspeto ng isang tao, makikita na kadalasan sa may Anorexia Nervosa ay sobrang
payat, tuyot ang balat, marupok ang mga kuko, maputla ang kulay ng balat at lubog ang mga
mata, putuk-putok ang labi, lila ang kulay ng kanilang paa't kamay dahil sa mahinang
sirkulasyon ng dugo, at iba pa. Sa gawi o kilos naman, mapapansin na sila ay may sobrang
pagkahumaling sa pag eehersisyo at pag papapayat. Halos lahat ng paraan para bumaba ang
kanilang timbang ay ginagawa nila. Nariyan ang pag gamit ng ibat ibang gamot, sobrang
paglimita sa pagkain, pag gamit ng ibat ibang kasangkapan/makinarya sa pag papapayat . Sila
ay sobrang sensitibo sa pagtaas ng timbang. Sa sikolohikal na epekto ng Anorexia Nervosa,
karaniwan isang taong nagdebelop ng ganitong karamdaman ay may mababang pagpapahalaga
sa sarili. Nagkakaroon sila ng pakiramdam na sila ay walang halaga sa ating lipunan dahil para
sa kanila, hindi nila matugunan ang mga pamantayan ng kanilang lipunan. Iniisip nila na ang
kanilang katawan ay hindi naaayon sa kung ano ang kinikilalang maganda at katanggap tanggap
sa ating lipunan. Nagkakaroon ng pagkukumpara ng sarili sa ibang tao na ginagawang modelo o
hambingan ng kagandahan.
Bagaman ang halos lahat ng tao ay lumalahok sa mga sosyal na paghahambing, kailan,
bakit, at kung paano dumalo ang tao sa kanilang mga sosyal na kapaligiran sa paraang ginagawa
nila ay naiimpluwensyahan ng ilang bilang ng mga kadahilanan. Una, ang mga madalas
magkumpara ng kanilang sarili sa iba sa pangkalahatan ay higit na hindi sigurado sa kanilang
sarili: magpakita ang mga ito ng mas mababang antas pagpapahalaga sa sarili at mas mataas na
antas ng panlipunang pag-aagam-agam, sariling kamalayan sa publiko at neuroticism, at sila ay
higit na sensitibo sa pag-uugali ng ibang mga tao. (Gibbons & Bunk, 1999, p. 339)
Sa paghahambing ng mga kababaihang tinedyer ng kanilang mga sarili sa kanilang iniidolo,
nasasakripisiyo ang kanilang kalusugan. Dahil na rin sa kanilang pagnanais na magkaroon ng
perpektong katawan kaya nag iiba ang tingin nila sa sa kanilang sarili at bumababa ang kanilang
pagpapahalaga sa sarili.