You are on page 1of 1

I.

AWITING PANSAMBA SA PANAHON NG KWARESMA

Malaking bagay sa mga Pilipino ang Panahon ng Kwaresma na nagsiismula sa Miyerkoles ng


Abo.
Maraming magsisimba sa araw na ito sapagkat may paglalagay ng abo sa ulo (noo) na
magaganap matapos ang homiliya. Ang abo ay simbolo ng karupukan n gating sarili; simbolo ng
pagiging mortal; simbolo ng rin ng kababang loob at ng pagbabalik at pagpapanibago ng buhay
(conversion). Ang paglalagay nito sa simula ng Kwaresma, o ang Apatnapung raraw para sa
Pagahahanda sa Pasko ng Pagkabuhay, ay simbolo ng pag-amin n gating mga kasalanan at
paalala ng dakilang awa ng Diyos. 1Inaalala rin naman natin sa panahong ito ng Liturhiya ang
pakikipag tuos ng Panginoon sa pangungutya at panunukso ng Diyablo. Maririnig din natin sa
mga Linggo ng Kwaresma ang kahalagahan ng mga simbolo ng binyag: liwanag, puting damit,
tubig, bagong buhay etc. bilang paghahanda sa magaganap na binyagan sa Magdamagang
Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay.
Sa mga Koro, ito ay panahon din para bigyan ng kakaibang panlasa ang mga awitin sa Misa, na
kadalasan ang mga tema ay pag-babagong buhay, pag-amin at kapatawaran sa kasalanan,
paghahanda sa binyag at tungkol sa kahalagahan at kahulugan ng Krus ng Panginoon sa ating
buhay.
Pinaaalala sa atin ng dokumento ng Ikalawang-Konsilyo Vaticano, ang Paschalis Solemnitatis,
ang mga sumusunod patungkol sa mga awiting Pansamba:
-

Ang mga Instrumento ay tutugtugin lamang upang suportahan lamang ang tunog ng
boses ng mga mang-aawit. #17 Paschalis Solemnitatis
Na ang Alleluia ay hindi muna aawitin. Muli itong babalik sa Liturhiya sa Magdamagang
Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. #18 Paschalis Solemnitatis
Na ang mga awiting pansamba, lalo na ang gagamitin sa loob ng Pagdiriwang ng Misa at
ng mga debosyon ay dapat na naaayon sa espiritu ng panahon ng Kwaresma at ng mga
aklat ng liturhiya.#19 Paschalis Solemnitatis
Na sa Ika-apat na Linggo ng Kwaresma ay maaring gamitin muli ang mga Instrumento ng
may kagalakan Laetare Sunday .#25 Paschalis Solemnitatis.

Paschalis Solemnitatis #21

You might also like