You are on page 1of 5

MAPA NG LUNGSOD NG MALABON

SAGISAG NG LUNGSOD NG MALABON

KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MALABON

Ang malabon ay isa sa pinaka matandang munisipalidad at isang lugar na


nagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa. Ang bayan na ngayon ay isa nang lungsod
ay biniyayaan ng natural na mga atraksiyon, mga gusaling pangnegosyo, mahaba
at mayamang look, isang matibay na ekonomiya, maayos na pamahalaan, at mga
taong may malawak na pag-iisip at nakikitungo ng maayos sa ibang tao para
maipakita ang lugar na kanilang ipinagmamalaki.
Ang Lungsod ng Malabon kasama ng mga naninirahan dito, ay nagpapahayag ng
diwa ng buhay at lakas na madaling maunawaan. Ang lakas na ito ay sumasalamin
sa kanyang heograpiyang posisyon: isang malawak na lupaing nakaharap sa asul
na dagat na may makasaysayang lupain sa likod nito. Isang lungsod na may
hinahangaang nakaraan, isa itong kilalang bayan magmula pa noong panahong
sakupin ng mga Kastila ang bansang Pilipinas.
Ito'y mayroong matibay na lakas at nag-aalok sa isang makulay na mga tanawin na
binago na ng panahon. Ang pagkakaroon ng masayang pagkakahalohalo ng luma
at bago ay ilan sa mga natatanging istraktura, ang lungsod ng Malabon ay mabilis
na umuunlad gaya ng mga modernong siyudad sa bansa at punong-puno ng mga
gawain sa lahat ng aspeto ng buhay, gawin itong industriya, komersiyal, kultura o
pulitika.

Ang orihinal na pangalan ng bayan ay tambobong, ang Malabon ay ang "visata" ng


Tondo na itinakda ng mga Paring Agustino noong ika 21 ng Mayo, 1599 at naiwang
bayan sa ilalim ng administratibong kapangyarihan ng probinsya ng Tondo mula
1672 hanggang 1688. Ang Malabon ay ginawang opisyal na munisipalidad ng
bagong probinsya ng Rizal noong ika-11 ng Hunyo, 1901 mula sa kabutihan ng
Philippine Commission Act 137.
Mula ng ipinahayag ang Philippine Commission Act 942, Ang Malabon ay naging
kabahagi ng Navotas sa ilalim ng bagong gobyerno. Noong ika 6 ng Enero, 1906,
ang Philippine Commision Act 1441 ay naglalayong ihiwalay ang Malabon sa
Navotas at ginawang isa sa dalawang munisipalidad ng probinsiya ngv Rizal.
Sa mahigit kumulang 70 taon, ang Malabon ay patuloy na naging Munisipalidad ng
Rizal, hanggang noong ika 7 ng Nobyembre 1975, mula sa Presedential decree
No. 824, ang Malabon ay naging bahagi ng kalakhang Maynila o Pambansang
Punong Rehiyon.

MAKASAYASAYANG LUGAR AT MAGAGANDANG TANAWIN SA


LUNGSOD NG MALABON
SAN BARTOLOME CHURCH SA MALABON

PRODUKTO NG LUNGSOD NG MALABON

PANSIT MALABON

PANSIT MALABON

You might also like