You are on page 1of 10

Paunang Salita

1
Panimula..2
Pagsasanay.3
Mga sagot sa pagsasanay

Pagtatalakay
4-5
Ikalawang
Pagsasanay..6
Mga sagot sa Ikalawang Pagsasanay

Bibliyograpiya..
7

Mahal naming Mambabasa,


Ang Modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nito
ng tulungan ka sa iyong pag-aaral, tinatalakay nito ang
tungkol sa Pandiwa at ang mga aspekto nito. Sa
pamamagitan ng modyul na ito ay maari ninyo ng gamitin
ang inyong kakayahan at kahusayansa pang-unawa at pag
sagot ng mga pagsasanay na buong sipag naming inihanda
para sa iyo.
Nawaito ay iyong magustuhan!

~Ang mga may-akda~

Ang pandiwa o berbo (Verb) ay bahagi ng pananalita na


nagsasaad ng kilos o galaw.
Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay tumakbo, bumili,

kumanta, sumayaw at iba pa.


Sa modyul na ito ay iyong matutunan ang mga iba pang
impormasyon tungkol sa pandiwa at ang aspekto nito.
Ingatan ninyo sana ang modyul na ito, at lagi ninyo
itong basahin!

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1.

2.

3.

4.

5.

Ito ay isang pananalita kung saan ito ay nagsasaad ng kilos o gawa.


a.
Pang-uri
c. panghalip
b.
Pandiwa
d. pangngalan
Ano ang iba pang tawag sa pandiwa
a.
Pandiliwa
c. pang-uri
b.
Pananalita
d. berbo o verb
Alin ang halimbawa ng pandiwa?
a.
maganda
c. maalat
b.
tumakbo
d. tamad
Ang pandiwa ay isang uri ng ___ na nagsasaad ng kilos o galaw.
a.

pananalita

c. tradisyon

b.

kaugalian

d. pangngalan

Ano ang isinasaad ng pandiwa?


a.

katangian

c.tradisyon

b.

kilos o galaw

d.paghahambing

MGA SAGOT SA PAGSASANAY

Ang pandiwa o berbo ay isang pananalita na nagsasaad ng kilos


o galaw at nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay

binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Maaaring gumamit ng isa o higit


pang panlapi sa pagbuo ng salita ng kilos na ito. Ang panlaping
ginagamit sa mga pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
May tatlong aspekto ang pandiwa. Ang aspektong pandiwa ay
nagpapakita kung kailan nangyari, nangyayari o ipagpapatuloy pa ang
kilos.

3 ASPEKTO NG PANDIWA
1.

Perpektibo o pangnagdaan- ito ay nagsasaad ng kilos


nanaganap o nangyarina. Tinatawag din itong aspekto ng

naganap.
Halimbawa:

Nagpaalam si Nena sa kaniyang nanay na siya ay aalis.


Nagluto si Mang Kulas ng adobong manok.

2.

Imperpektibo o Pangkasalukuyan- ito ay nagsasaad


ng kilos nakasalukuyang nangyayari. Tinatawag din itong
aspekto ng nagaganap.

Halimbawa:

Naglalaba siAling Bining sa ilog.


Nagwawalis siNena sa kanilang bakuran.

3.

Kontemplatibo o Panghinaharap ito ay


nagpapahayag na ang kilos ay gagawin pa lamang. Tinatawag din
itong aspektong magaganap.
Halimbawa:

Magbibigay ng pagsusulit ang aming guro bukas ng umaga.


Maglalaro kaming basketbol sa susunod na Biyernes.

Panuto: Basahi ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Guhitan ang pandiwa
at isulat ang aspekto nito.
1.
2.

Nagdidilig ng halaman si Aling Nena.


Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga kababayan nating biktima ng

3.
4.

mga trahedya.
Namitas si Carlo ng manga kahapon.
Mamimili kami sa palengke bukas.

5.
6.
7.
8.
9.
10.

Naglaro si Arnold ng videogames noong sabado.


Nagluluto si Aling Julie ng pininyahang manok.
Sila ay pupuntasa Boracay sa bakasyon.
Kami ay maghahanda para sa darating na kaarawan ng aking pinsan.
Nagtitinda ng halu-halo si Mang Pedring.
Nagtungo si Julius sa Maynila upang humanap ng trabaho.

MGA SAGOT SA IKALAWANG PAGSASANAY

http://WIKIFILIPINO.COM

http://FILIPINOTAGALOG.BLOG.SPOT.COM
https://prezi.com/orPREZI.COM
http://teksbook.blogspot.com/Gabaysapag-aaral/

MGA SAGOT SA PAGSASANAY

1.
2.
3.
4.
5.

b
d
b
a
b

MGA SAGOT SA IKALAWANG PAGSASANAY

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Nagdidilig - Imperpektibo o pangkasalukuyan


Maghahandog - Kontemplatibo o Panghinaharap
Namitas - Perpektibo o pangnagdaan
Mamimili - Kontemplatibo o panghinaharap
Naglaro
- perpektibo o pangnagdaan
Nagluluto - Imperpektibo o pangkasalukuyan
Pupunta
- kontemplatibo o panghinaharap
Maghahanda
kontemplatibo o panghinaharap
Nagtitinda- imperpektibo o pangkasalukuyan
Nagtungo - perpektibo o pangnagdaan

You might also like