Talinghagang tinumbasan ng mga katangian ng hayop, ibon, isda, kulisap, at halaman
Asong-pungge susunod-sunod sa dalaga
Balat-kalabaw Matibay ang hiya; walanghiya Balat-sibuyas maramdamin; madaling umiyak Basang-sisiw api-apihan; kalagayang sahol sa hirap Buhay-alamang laging nasusuong sa panganib; hikahos Buhay-pusa mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib Bulang-gugo buks ang palad sa paggasta Buwayang-lubog taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa Dagang-bahay taksil sa kasambahay Kakaning-itik api-apihan Kutong-lupa bulakbol; walang hanapbuhay Lakad-kuhol mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan Ligong-uwak hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa. Maryakapra (marya-kapra) babaing masagwa o baduy magbihis Mataas ang lipad hambog Matang-manok Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi May sa-palos Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng bagay. Nagmumurang kamatis nagdadalaga Nagmumurang kamyas bagong naniningalang-pugad; bagong nanliligaw. Paang-pato tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad Pagpaging alimasag walang laman Puting-tainga maramot Putok sa buho Walang tiyak na ama nang isilang Salimpusa (saling-pusa) hindi kabilang sa anumang panig; Sangkahig, sangtuka Ginagasta ang siyang kinikita. Tagong-bayawak madaling makita sa pangungubli Tawang-aso tawang nakatutuya Talinghagang tinumbasan ng mga bahagi ng katawan o kayay kilos ng tao Buks ang palad magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot Kadaupang-palad kaibigang matalik Kumindat sa dilim nabigo; nilubugan ng pag-asa Lawit ang pusod balasubas Ligaw-tingin torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan Mababang-luha iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak Mabigat ang dugo kinaiinisan Magaan ang bibig palabati; magiliw makipagkapuwa Magaan ang kamay magandang magbuwana mano, kung sa negosyo o sugal; mapagbuhat ng kamay, o madaling manampal o manakit Mahaba ang paa nananaon sa oras ng pagkain ang pagdating o pagdalaw Mahabang-dila palasumbungin Mahabang-kuko palaumit Mahigan ang kaluluwa matinding galit Mainit ang mata malas sa panonood; nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan Manipis ang balt mapaghinanakit; madaling masaktan kapag sinabihan Marumi ang noo taong may kapintasan May balahibo ang dila sinungaling May blat sa batok malas
May bituin sa palad masuwerte sa lahat ng bagay, lalo sa negosyo; mapapalarin
May kuko sa batok masamang tao; di-mapagkakatiwalaan May kurus ang dila nagkakatotoo ang bawat sabihin May nunal sa paa Lays; mahilig maglagalag May tala sa noo babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki May-sungay lalaking di-pinagtatapatan ng asawa; lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa Nakadikit ng laway tanggalin; madaling tanggalin Namuti ang mata Nabigo sa paghihintay; hindi dumating ang hinihintay Namuti ang talampakan kumarimot dahil naduwag; tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag. Nasa dulo ng dila hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagamat alam na alam Naulingan ang kamay nagnakaw; kumupit ng salapi Puting tainga maramot Sa pitong kuba paulit-ulit Tabla ang mukha walang kahihiyan Taingang-kawali nagbibingi-bingihan; kunwariy hindi nakarinig. Walang butas ang buto malakas Walang sikmura hindi marunong mahiya . Ang matibay na kalooban ang lahat ay nagagampanan. 2. Kapag ang taoy matipid, maraming maililigpit. 3. Hul man daw at magaling ay naihahabol din. 4. Kung tunay nga ang tub, matamis hanggang dlo. 5. Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila. 6. Kapag may isinuksok ay may madudukot. 7. Walang binhing masama sa [may] mabuting lupa. 8. Di man magmamana ng ari, ay magmamana ng ugali. 9. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. 10. Wika, at batong ihagis, di na muling magbabalik.
11. Kung pinukol ka ng bato,
gantihin mo ng puto. 12. Ang taong mapagbulaan ay hinlog ng magnanakaw. 13. Walang matibay na baging sa mabuting maglambitin. 14. Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin. 15. Walang mataas na bakod sa taong natatakot. 16. Ang maikli ay dugtungan, ang mahaba ay bawasan. 17. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman. 18. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. 19. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran. 20. Malakas ang bulong kaysa hiyaw. 21. Kung saan ang gasgas, naroon ang landas. 22. Putik din lamang at putik, tapatin na ang malapit. 23. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo. 24. Sa taong may hiya, ang salita ay sumpa. 25. Kahoy mang babad sa tubig, kapag nadarang sa init, pilit na magdirikit. 26. Ang mahuli sa daungan ang daratnay baling sagwan.
27. Sa kinanti-kanti ng munting palakol
ay makabubuwal ng malaking kahoy. 28. Ang ulang atik-atik madaling makaputik. 29. Pag maaga ang lusong, maaga [rin] ang ahon. 30. Ang tao pag naumpog, marapat nang yumukod. 31. Matisod na na sa bato huwag lamang sa damo. 32. Biro-biro kung sanlan, totohanan ang tamaan. 33. Sa lakad ng panahon, lahat ay sumusulong. 34. Ano mang talas ng tabak, mapurol kung nakasakbat. 35. Ang hinahon ay malakas nang higit pa sa dahas. 36. Sa payo ng nagigipit hindi ka dapat manalig.