You are on page 1of 10

Ang Pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang

isang pagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang pistang ito ay nagmula sa


pangalang magayon na ang ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong ding
ito ay bilang pagbibigay parangal kay Nuestra Seora de la Porteria, ang patron ng
Daraga. Ito ay isang maalamat, makasaysayan at ralihiyosong pagdiriwang na
naglalayong buhayin and kultura ng mga mamamayan ng Daraga, Albay. Ang
pagdiriwang ay kinatatampukan ng iba't-ibang mga kaganapang pang kultura, isports at
mga pamilihan. Isa ito sa mga paraan kung saan ang kultura ng mga mamamayan roon
ay patuloy na binubuhay at naipapamalas sa mga dumadayo roon sa panahon ng pista.
Sa mga iba't-ibang akitibidad sa panahon ng pagdiriwang ang pinakasentro ng pansin ay
ang pagsasadula ng alamt ng BulkangMayon at ang pag-ibig at kamatayan ni Dagarang
Magayon.

Magayon Festival
Ang Pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang
isang pagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang pistang ito ay nagmula sa
pangalang magayon na ang ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong ding
ito ay bilang pagbibigay parangal kay Nuestra Seora de la Porteria, ang patron ng
Daraga. Ito ay isang maalamat, makasaysayan at ralihiyosong pagdiriwang na
naglalayong buhayin and kultura ng mga mamamayan ng Daraga, Albay. Ang
pagdiriwang ay kinatatampukan ng iba't-ibang mga kaganapang pang kultura, isports at
mga pamilihan. Isa ito sa mga paraan kung saan ang kultura ng mga mamamayan roon
ay patuloy na binubuhay at naipapamalas sa mga dumadayo roon sa panahon ng pista.
Sa mga iba't-ibang akitibidad sa panahon ng pagdiriwang ang pinakasentro ng pansin ay
ang pagsasadula ng alamt ng BulkangMayon at ang pag-ibig at kamatayan ni Dagarang
Magayon.

Ibalong Festival
Ang Ibalong Festival ay manyayari sa ikalawang linggo ng Oktubre sa loob ng isang
linggo. Nagyayari ito sa Legazpi, Albay. Ang selebrasyon na ito ay nagpapakita ng unangunang Bicol. Naglaarawan itong mga bayani katulad ni Handiyong, Batlog at Orylol.
Nagpapakita rin ito ng mga kontra-bida at hayop noon unang panahon.

Panagbenga Festival
Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng
Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang
kapistahan sa Lungsod Baguiona idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki
dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila
kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may
kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang
magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin,
paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Pahiyas Festival

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo


sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga
magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro
Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon
ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian
ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at
'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan .

Peafrancia Festival
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng
Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng
Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng
pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa
selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera
ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga
nakakasiglang kumpetisyon.

Moriones Festival

Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque.


Ang Morion ay nangangahulugan maskara, na parte ngarmor ng Romano na
ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong
nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong
araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay
nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

Higantes Festival
Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang
tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para
kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng
mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga pahadores, (mga
deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda,
sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa
pangingisda) at mga higantes (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot
sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang
prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa
parokya.

Bangus Festival

Bangus Festival ay isang taunang pagdiriwang sa Dagupan City, Pangasinan tuwing


buwan ng Abril. Ito ay ipagdiriwang Bonuan bangus sa lalawigan, kung saan ay kilala
para sa kanyang natatanging lasa.

Sinulog Festival
Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa
Cebu sa kanilang pagbibigay-bunyi sa kanilang mga anito. Noong dumatingFerdinand
Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si
Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang ninais na mabinyagan bilang Katoliko.
Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Nio sa asawa ni Rajah Humabon at
pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Nio
sa mga taga-Cebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang
representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Nio na binabasbasan ang
kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging
importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.

Pintados Festival
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang
masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap
ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance

Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing
nagmula sa Pista ni Seor Santo Nio tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay
ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan.
Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa
kanilang sarili.

Ati-Atihan Festival
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista
ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nio. Nagpapahid ng uling sa
mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na
waring nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira! Makikilahok ang buong bayan sa pista,
magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan.
Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong
mananakop, at ang pagsamba sa Santo Nio na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang
ngayon.

Dinagyang Festival

Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa


lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at AtiAtihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nio at para na rin sa
pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing
taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito
ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of
Excellent Folk Choreography.

Masskara Festival
Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang
isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Ang mga kalahok sa
pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing
maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang
lungsod ng mga ngiti.

Sandugo Festival
Ang Sandugo ay ang tradisyunal na kasunduan na pinatutunayan ng pag-iisang dugo. Ito
ay higit na tumutukoy sa ginawang pag-iisang dugo ng Kastilang si Miguel Lpez de
Legazpi at Boholanong si Datu Sikatuna noong Marso 16, 1565 sa Bohol upang selyuhan
ang kanilang pagkakaibigan. Pinasok ni Lpez de Legazpi ang kasunduan upang tiyakin

maayos na pakikitungo sa kanila ng mga katutubo. Ito ang sinasabing unang kasunduang
internasyonal sa pagitan ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi,
ang Filipino at Kastila.
Ang Sandugo ay inilalarawan ng opisyal na watawat ng lalawigan ng Bohol, maging ng
simbolo ng kapayapaan ng mga Boholano. Ito rin ang nakalagay sa watawat ng Lungsod
ng Tagbilara
Mga Festival sa Mindanao

Kadayawan Festival
Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat
para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto
sa Lungsod ng Davao. Ang salitang Kadayawan ay nagmula sa katutubong salitang
dayao na ang ibig sabihin ay madayaw isang ekspresyon na ginagamit din upang
ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang.
Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Kaamulan Festival
Ang Kaamulan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan
ng Bukidnon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso. Ang salitang kaamulan ay nagmula

sa salitang Binukid na amul, na nangangahulugan tipunin. Isa itong makabuluhang


pagtitipon ng mga kasapi ng tribo sa Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa
pagiging datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng pasasalamat tuwing
panahon ng ani, isang kasunduan sa kapayapaan o lahat ng mga ito.

Lanzones Festival
Ang Lanzones Festival ay isang taunang selebrasyon ng pasasalamat dahil sa
masaganang ani sa Isla ng Camiguin. Ang bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito
tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa panahon nang pag-ani sa prutas na lanzones.
Pinaniniwalaan na ang selebrasyon ay nagsimula sa isang lokal na alamat tungkol sa
mag-asawa na humiling na magkaroon ng anak mula sa diwata ng puno ng lanzones.
Ipinagkaloob ng diwata ang hiling ng mag-asawa at binigyan sila ng isang malusog na
batang lalaki, ngunit nakalimutang magpasalamat ng dalawa. Isang araw, isang babae
ang lumapit sa bata habang siya ay naglalaro. Biglang tumumba ang bata at nawalan ng
malay. Naisip ng mga magulang na ang diwata ang gumawa nito sa bata. Kaya naman
nag-alay ng ritwal ang mag-asawa upang makipag-ayos sa diwata, at hindi nagtagal ay
gumaling na ang bata. Sa sumunod na taon, inimbitahan ang mag-asawa sa kabilang
baryo para sa isang ritwal ng pasasalamat. Mula noon, ang ritwal ay naging isang
taunang pista na sa Camiguin. Ito ay ginagawa upang alalahanin ang mga seremonya na
ginawa ng kanilang mga ninuno sa isla para sa mga diyos na nagbibigay ng magandang
panahon at masaganang ani.

Pista ng Kadayawan sa Dabaw


Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat
para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto
sa Lungsod ng Davao. Ang salitang Kadayawan ay nagmula sa katutubong salitang
dayao na ang ibig sabihin ay madayaw isang ekspresyon na ginagamit din upang

ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang.


Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

You might also like