You are on page 1of 9

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasanayan


Ang kabanatang ito ay lahad ang isang pangkalahatang-ideya sa mga istraktura
at mga pangunahing punto ng aming pag-aaral; pagpapasok ng pahayag ng mga
problema at pag-uudyok para sa pananaliksik, kasama ang mga benepisyo at
kahalagahan ng pag-aaral. Dito rin ay ipinapakita ng mga mananaliksik ang
isang maikling account ng mga natamo at napag-alaman sa pamamagitan ng
pananaliksik.
Introduksyon
Bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng ibat
ibang klase ng teknolohiya lalong lalo na ang pinakahuhumalingan nating
Internet. Malaki ang ginagampanan nito sa ating buhay lalo na at ito ay
nakatutulong sa ating pag-aaral at mga gampanin sa lipunan gaya ng
komunikasyon, balita, trabaho o negosyo, at paglaganap ng impormasyon,
maging sa ating libangan. Sa mataas at maunlad na lipunan ngayon na ating
ginagalawan, tayo ay natuto nang dumepende sa kung ano ang maibibigay sa
atin

ng

internet

upang

gawing

posible

ang

halos

anumang

bagay,

kapakinabangan man o kapinsalaan.


Nang sa pag-unlad ng ating teknolohoya, naging kilala ang tinatawag
natin ngayon na social media. Ang mga tao, walang alintana sa kanilang edad,
hilig o kasarian; ay gumagamit na nito upang tapusin ang mga gawain ng mabilis
at mas epektibo. Ito ay nagbigay daan sa mabilis na lumalagong lipunan ng ika21 siglo. Ang Social Media ay naging kapaki-pakinabang sa pandaigdigang
paggawa ng pagbabago, at ang mga taolalo na ang mga kabataanay naging
lubos na umaasa sa dito. Ginawa nito ang lahat ng bagay na possiblemula sa
personal na mga computer, sa mga smart phone at wireless na komunikasyon.
Gayunpaman, ang malaking pagtaas ng demand ng internet ng mga tao
ay may kaakibat rin na negatibong epekto. Ito ay kilala at ginagamit na ng halos

lahat ng tao sa lipunan, lalo na ng mga kabataan. Sila ang halos nahuhumaling
sa paggamit nito. Kinakain na halos ang buong oras nila ng social media, na
halos umabot na sa kanilang hindi pagtulog magamit lamang ng mga ito.
Maaring mayroon pa ngang nabubuhay na sa internet o social media dahil dito
na sila nakikisalamuha. Ang mga negatibong epekto nito ay maaaring makaapekto sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao katulad na lamang sa pag-aaral ng
mga kabataan. Higit sa lahat, ito ay maaaring umabot sa pagka-adik ng mga
bata sa paggamit nito.
Ang paggamit ng social media ay may kaakibat na positibo at negatibong
epekto sa atin. May mga bagay ang social media ay nagiging mabuti para sa
mga kabataan depende sa kanilang paggamit. Ito ay higit na mas epektibo kung
gagamitin ng may kontrol at limitasyon. Sa kabilang banda, ang negatibong
epekto nito ay dapat bigyang pansin at limitahan sa mga taong gumagamit nito.
Sa paggamit ng social media, makadudulot ito ng pagbabago sa isang
ugali o personalidad ng manggagamit. Ang mga pagbabago na ito na maaring
maging

positibo

at

negatibo

rin.

Ang

mga

pagbabago

na

ito

ay

makakaimpluwensiya sa pag-iisip ng isang tao o sa paggawa ng desisyon na


maaring maging permanente. Dito pa lamang ay makikita na agad ang malaking
epekto ng social media sa buhay ng mga gumagamit nito. Halimbawa na lang
nito ay ang pangangampanya ng mga supporter ng isang partikular na kandidato
sa eleksyon. Sa pamamagitan ng mga comments o posts sa Facebook ay maari
nilang maimpluwensiyahan ang pagdedesisyon ng mga botante sa eleksyon.
Ang nabanggit ay isa lamang sa maraming epekto ng social media.
Marami pang ibang epekto ang social media sa mga tao, parehong positibo at
negatibo. Dahil ito ang isa sa mga pinakagamit sa internet, nakabubuti sa mga
kabataan na maging mulat sila sa maaring maidulot sa kanila ng social media.
Ang kawalan ng kamalayan ng kabataan sa epekto ng social media sa kanila ay
maaring mas mabilis silang maapektuhan nito na magkakaroon ng pagbabago
sa kanilang buhay.

Pahayag ng Problema
1. Ano-ano ang mga sanhi at bunga ng impluwensiya ng social media sa
kabataan?
2. Mayroon bang epekto ang social media sa pag-aaral ng mga kabataan
ngayon
3. Sa anong paraan, naapektuhan ang mga kabataan ng social media?
4. Ang pagkakaiba ba ng kabataan noon at ngayon ay may relasyon sa
paggamit ng social media?
Sa mga katanungang ito, ang mga mananaliksik ay makatutulong ito
upang maka-focus sa kung anumang data at impormasyon ang matitipon. Base
sa mga katanungan, ang mga mananaliksik ay maaaring makabuo ng mga
bagong kaalaman na magbigay ng mas malinaw na pag-unawa tungkol sa mga
impluwensiya ng social media sa mga kabataan. Ito ang magsisilbing gabay sa
kung saan ang mararaating ng pag-aaral na ito.

Rasyunal
Sadyang hindi na talaga mapipigilan ang patuloy na pagtangkilik ng
mamayan sa social media lalo na ang makabagong henerasyon. Dahil sa lawak
at dami ng sakop nito ay lalo pang dumadagsa ang mga gumagamit nito. Kabila
kabila ang mga kabataang gumagawa ng mga accounts sa mga naturang Social
Networking Sites (ilan sa mga halimbawa nito ay ang Facebook, Twitter,
Instagram, Tumblr, atbp.). Ang lubusang pagtangkilik ng masa sa social media
ang nagsilbing isa sa mga dahilan ng aming pananaliksik tungkol sa mga epekto
at impluwensya ng Social media sa mga kabataan sa henerasyon ngayon.
Ang obhektibo ng pananaliksik na ito ay maihayag sa lipunan ang mga
naidudulot ng kanilang paggamit ng ibat ibang social media sites, maging
positibo man ang mga ito o negatibo. Isa rin sa mga obhektibo ng pananaliksik

na ito ang matuklasan ang iba pang naidudulot ng paggamit ng SNS lingid sa
kaalaman ng karamihan sa atin, naglalayon ang pananaliksik na ito na
maipahayag ng may katuturan ang mga nasabing epekto upang lubusang
maintindihan ng mababasa ang mga nakasaad sa pananaliksik na ito. Ang
pananaliksik na ito din ay isinakatuparan sa kadahilanang ito ay naayon din sa
ating panahon ngayon, nais naming ipabatid sa masa ang mga impluwensya nito
hindi lamang sa indibidwal nilang buhay kundi sa isang buong lipunan. Ninanais
din naming magkaroon pa ng mas malawak pang kaalaman ang mga SNS users
tungkol sa mga ginagamit nilang Social Media sites pagkat hindi na din natin
mapagkakaila ang tagal ng oras ng paggamit nito, halos hindi na nga
makukumpleto ang araw ng ilan sa atin kung hindi sila bibisita ang kani-kanilang
mga newsfeed o kung hindi sila makapag-status na sadyang isa sa mga sikat na
ginagawa nila sa kani-kanilang accounts.

Kahalagahan
Mahalagang masaliksik at maipabatid ng mga mananaliksik sa mga
mambabasa lalong lalo na sa mga kabataan ang mga impluwensya ng paggamit
ng social media dahil sa paraang ito, magkakaroon sila ng kaalaman ukol sa
usaping ito. Makatulong ito upang magamit nila sa pinakamaayos at
pinakamabisang paraan at maiwasan ang mga masamang maidudulot at epekto
ng social media sa mga mag-aaral, mananalkisik at sa paaralan.
Ang Social Media din ay isa sa mga paraan upang patuloy pa din na
magkaroon ng komunikasyon ang mga OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa isang pm o private message sa kanilang mga SNS accounts ay maari na
nilang makamusta ang kanilang mga mahal sa buhay kahit saan pang lugar sila
naroon. Dahil din sa SNS ay mabilis natin nalalaman ang mga balita at
pangyayari sa ating paligid. Mas nagging madali na din ang pagpapahayag ng
ating saloobin at ideya sa publiko gamit lamang ang ating mga social media
accounts. Kung atin ngang iisipin, napakalaki talaga ng ambag ng social media

sa ating panahon. Kaya nararapat natin malaman ang mga naidudulot ng social
media, positibo man ang hatid nito o negatibo pagkat mas magagamit natin ang
mga ito sa mga produktibong paraan tulad na lamang ng pagbibigay ng
kaalaman o babala sa ilang mahahalagang bagay, halimbawa nga nito ay ang
pag-share ng ilang kapakipakinabang na mga artikulo sa iyong newsfeed. Hindi
lamang ito indibidwal na makakatulong ngunit pangkalahatan din ang magiging
epekto nito isang halimbawa nga nito ay ang kapangyarihan natin mga kabataan
impluwensyahan ang pagboto ng susunod na mga opisyal ng pamahalaan.Sa
pamamagitan ng paggamit ng SNS ay magagawa natin makibahagi tungo sa
pagbabago ng ating bansa. Ang social media ay talagang mahalaga na sa
panahin natin ngayon. Isang click lamang ay maari na tayong makaimpluwensya
o maimpluwensyahan kayat mahalagang malaman ng mga SNS users ang mga
naidudulot ng Social media sa ating indibidwal na buhay, kapwa at sa ating
lipunang ginagalawan.
Layunin ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay naglalayong magbigay ng mga layunin upang
maglagay ng isang marka kung hanggang saan ang itatakbo ng pananaliksik.
Ang mga layunin ay ang mga sumusunod:
1.
2.
3.
4.

Mailahad ang pros at cons ng social media sa kabataan


Mapakita ang pagkakaiba ng dalawang aspeto
Malaman ang epekto nito sa kabataan, parehong positibo at negatibo
Malaman ang hangarin ng mga kabataan sa paggamit ng social networking sites.

Saklaw at Limitasyon
Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa
impluwensya o epekto ng social media sites sa mga kabataan na nag-aaral sa De La
Salle College of Saint Benilde sa kursong Multimedia Arts, unang taon at ikalawang

termino taong 2015-2016. Bilang mga estudyanteng mananaliksik, bilang lamang ang
aming mapagkukuhanan ng kaalaman at datos kung kayat may limitasyon ang mga
nakasaad sa papel na ito

Balangkas Theoritikal

Internet

Social
Media
Kabataan sa College of
Saint Benilde, unang
taon, pangalawang
termino

Dahilan kung bakit


ito madalas na
ginagamit

Epekto
Positib
o

INPUT

PROSESO

RESULTA
Survey Method
ang aming
gagamitin para
sa mga magaaral ng College
of Saint Benilde
sa unang taon,
pangalawang
termino sa
kursong
Multimedia Arts.

Kami ay
makakakuha
ng resulta
galing sa
sampung
Balangkas
Konseptwal
estudyante
(Walang tiyak
na kasarian),
na umiikot sa
15-20 na taong
gulang.

Negatibo
RESULTA

Maihahayag
naming ang
resulta ng
aming survey
na Epekto ng
Social Media sa
Kabataan sa
mga sagot na
ibibigay ng mga
respondante.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Teknolohiya mga makabagong tuklas na kagamitan na nakakapagpadali ng


buhay ng mga tao.

Internet - malawak na computer network na maaaring gamitin ng publiko sa

buong mundo.
Social media mga aplikasyon, software o gamit na nagagamit pang-

komunikasyon, particular sa pakikisalamuha sa mga tao


Smart phone isang uri ng makabagong gadyet na maraming nagagawa tulad

ng pagkuha ng litrato at bidyo o pag


Pagka-adik sobrang pagkahumaling
Supporter mga tao na sinusuportahan ang isang partikular na kandidato sa

eleksyon
Comments katawagan sa pahayag ng isang user sa isang post.
Posts isang feature ng Facebook na naglilimbag ng electronic na teksto na

sinulat ng mga may-ari ng accounts


Social networking sites/sns mga websites na ginagamit partikular sa

pakikisalamuha sa mga tao sa internet.


Newsfeed isang parte ng Facebook na nagpapakita ng mga posts ng mga tao

na may account sa nasabing website.


Status ang tawag sa teksto na post sa Facebook.
Accounts ang tawag sa membership ng isang tao sa isang website.
PM (Private message) isang feature ng ilang piling na social media sites na

ang layunin ay ipadala ang isang mensahe na mababasa ng isang tao lamang.
User katawagan sa mga gumagamit ng social media sites.
Click isang ekspresyon na sinasabi ang pagkabilis ng impluwensya ng social

media sa mga user.


Pag-share - isang feature sa Facebook na kumakatawan sa pagbabahagi ng
isang post.

You might also like