You are on page 1of 5

Tahanan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang bahay o tahanan, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay
isang kayarian o istrukturang gawa ng tao o mangangaso, at isang tirahan na napapalibutan ng
mga dindingat may bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa isang nilalang laban
sa presipitasyon, hangin, init, lamig, at mga tao o hayop na ibig pumasok na walang pahintulot.
Kapag ginagamit bilang isang kinagawiang tirahan para sa mga bisiro, tinatawag na tahananang
isang bahay (bagaman kadalasang tumitira sa loob ng bahay ang mga hayop, mga alaga man o
hindi katulad ng mga dagang naninirahan sa loob ng mga dinding). Maaaring wala sa tahanan
ang mga tao, sa halos buong araw, upang magtrabaho at maglibang, ngunit karaniwang umuuwi
sila sa bahay para mamahinga, kumain at matulog.[1]
Sa pangkalahatan, sa maliit na bilang, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa anyo ng
isang pinto o isang portal, at maaaring mayroong ilang bilang ng mga durungawan o wala
man. Tahan ang salitang-ugat ng tahanan, na nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng
pagpapatigil ng pag-iyak ng isang sanggol) o pagpawi ng kalungkutan. Sinasabing napapawi ang
lahat ng lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan. Sa isang metapor,
pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan: na tumutukoy ang bahay sa pangkalahatang
kayarian, samantalang tumutukoy naman ang tahanan sa pakikipagugnayan sa pamilya sa loob
ng isang bahay.[1]

Larawan ng isang pangkaraniwang bahay.

Larawan ng isang bahay-kubo.

Larawan ng isang pamilyang nasa loob ng kanilang tahanan, habang nakaharap sa hapagkainan.

Mga nilalaman

1 Mga kanlungan

2 Sa loob ng bahay
o

2.1 Mga bahagi ng tahanan

3 Paggawa ng bahay

4 Mga uri ng bahay

5 Bahay para sa mga hayop

6 Tingnan din

7 Mga sanggunian

Mga kanlungan
Kabilang sa mga kanlungan na mas payak kaysa sa isang masasabing tunay na bahay ang
lungaw, tolda (tignan din kampo), mga tent, kubo, bubong na walang dinding, o isang kayarian
na may bubong ngunit may bahaging dinding (katulad ng hintuan ng bus), at mga gazebo.[1]

Sa loob ng bahay
Mga bahagi ng tahanan
Pangkaraniwan na ang mga bahay ay may iba't ibang uri ng silid na ginagamit para sa maraming
dahilan: na kabilang ang hapag-kainan, silid na pambisita, silid-tulugan, labahan at plantsahan,
paliguan, kusina, paradahan ng sasakyan, at iba pa.
Mga piling bahagi ng bahay:

Larawan ng isang silid-tulugan.

bubong

silong

banyo
o

paliguan

palikuran

silid-tulugan

silid-kainan

sala

garahe

daanan

kusina

paminggalan

labahan

silid-aklatan

silid-libangan

sambahan

hagdanan

balkonahe

taguan

gawaan

Paggawa ng bahay

Planong pang-arkitetura para sa isang bahay


.
Kabilang sa mga tanyag na makabagong pamamaraan sa paggawa ng bahay ang magaang na
balangkas (light-frame construction) sa mga lugar na may sapat na kahoy at adobe; o kadalasan
ang mga yari sa pinatibay na mga lupa (rammed-earth construction) sa mga tigang na rehiyong
may kakulangan sa kahoy na pantabla. Kailan lamang nakuha (o nakuhang muli) na maging

tanyag ang mga alternatibong paggawa ng mga kayarian sa mga nakaraang taon. Halimbawa na
ng mga ito ang cordwood construction, straw table construction, at mga geodesic dome.[1]

Mga uri ng bahay


Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng
mga tao, mga materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong
karaniwang nararanasan sa lugar na iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas
matipid magtayo ng bahay kung gagamitin ang materyales na madaling makuha ayon sa pook.
Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at mataas sa lupa kung malapit sa
kailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga bahay na yari
sa yelo kung naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at
mayroon ding mga bahay na yari sa tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad
ng sa bansang Hapon). May mga bahay ding nabubuhat o natitiklop para maililipat-lipat ng lugar
habang naglalakbay sa ilang.[1]

Bahay para sa mga hayop

Larawan ng isang bahay na pang-aso.


Sa kadalasan, gumagawa ang mga tao ng mga bahay para sa mga maamo o mabangis na hayop.
Karaniwan na mukhang isang maliit na bersyon ng tirahan ng tao ang mga bahay na pang-hayop.
Kabilang sa mga kilalang bahay ng mga hayop ang mga hawla ng ibon at bahay ng aso.
Samantalang, tinatawag namang kwadra ang kadalasang tawag sa mga bahay para mga hayop sa
kabukiran, katulad ng para sa mga kabayo, baka, baboy, at kalabaw. Gayon man, hindi tumitigil
sa mga alagang hayop lamang ang interes ng tao na gumawa ng mga bahay para sa mga hayop.
Maaari ding gumawa ng mga bahay para sa mga ibon o paniki, mga pugad para sa mga mailap
na pato, at iba pa.[1]

You might also like