Professional Documents
Culture Documents
12 May 2016
A. Panimula
Ang wika ay sumasalamin ng kultura at pagkatao ng isang lugar kung saan ito
ay nanggaling. Ito ang sumasalamin sa natatanging kaugalian at sumisimbolo sa
kultura at lahi na umiiral sa isang bayan. Kung kayat napakahalaga ng wika sapagkat
ito ay nagbibigay ng isang pagkakakilanlan sa mga mamamayan ng dako na ito.
Ngunit, ang wika ay magilas. Nagkakaroon ng pagbabago ang mga kahulugan ng mga
salita sa pamamagitan ng pag-iba ng gamit ng mga ito ng mga naroroon na
henerasyon. Ang penomeno na ito ay makikita sa saliksik ng salitang sulit na
itatalakay sa papel na ito. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipakita ang
kahalagahan ng mga salita, parikular ng salitang sulit. Ang salitang ito ay isinalin
mula sa mga diksyunaryong nanggaling sa ibat ibang mga panahon upang masuri ng
mabuti ang konsepto ang salita. Ang mga kahulugan na ito ay hindi lamang nagmula
sa isang panahon upang makita ang ebolusyon ng paggamit ng salitang.
Ipaghahambing ang mga ibat ibang depinisyon ng salita upang malinaw na makita
ang mga diwa ng salitang ito sa unang parte ng papel na ito. Sa ikalawang parte
naman ay itatalakay ang mga konseptong nabuo mula sa mga saliksik na nalagom at
sa huling parte naman ay ipapakita ang mga konsepto ng sulit batay sa konteksto ng
mga pelikulang Nick at Chai at Taklub at sa mga readings sa Filipino 12 ngayong
semestro.
B. Pananaliksik
Ang salita na itatalakay sa papel na ito ay sulit isang Hiligaynon na salita na
ginagamit bilang isang pang-uri, pang-abay at pandiwa. Ito ay isang salita na
nagpapahiwatig ng isang pag-uulit ng isang pangyayari o gawi. Ngunit, dahil sa
pananaliksik na naganap para sa salitang ito ay nakita na may ibat iba pa itong
kahulugan na itatalakay sa papel. Itatalakay din sa papel na ito ang salit ng salitang
sulit na ulit sa tagalog. Gayunpaman, tatalakayin din ang mga kahulugan ng
katunog ng Hiligaynong salita na sulit sa tagalog upang makalagap ng mas
malaking sakop ng mga kahulugan batay sa mga gamit sa iban lugar sa loob ng
pilipinas
Mula sa ikalabimpitong siglo na diksyunaryo ang Vocavulario de Lengua
Bisaya, Hiligaina y Haraya de la Isla de Panay y Sugbu y para las Dems Islas
primera parte ang kahulugan ng sulit ay dueda que se pega sin logro, capital de la
mercaduria sin ganancia, o lo que se sembr sin aumento, ni multiplico1 na ang ibig
sabihin ay utang na binabayaran na walang may nakukuha, kabiserang paninda na
walang kita, pagtanim na walang pagtubo2 o i-multiply3 and depenisyon na ito ay
makikita muli sa mga diksyunaryo mula sa panahong ito hanggang sa ikapat na
dekada ng ikalabinsiyam na siglo.
Sapagkat sa pagdating ng 1850s ang depinisyon na ng sulit ay Pagar alguno lo que
debe sin aumento, sin usura, ejercer el comercio sin ganar en el, no tener aumento eu
lo que se sembro na ang ibig sabihin ay To pay any debit that should not increase
without usury, engage in business without winning, to have what was planted not
grow4. Pansinin na ang kahulugan ng depinisyon ay magkahawig sa dueda se pega
sin logro, capital sin aumento nag-iba lamang ang mga salitang ginamit ngunit
magkapareho pa rin ang ideya nito. Habang nawala ang ni multiplicar sa mga
depinisyon ng mga diksyunaryong ito lumitaw naman ang depinisyon na coger slo
la semilla5 sa mga diksyunaryo na Diccionario Bisaya-Espanyol (1851) at Diccionario
1 Vocavulario de Lengua Bisaya, Hiligaina y Haraya de la Isla de Panay y Sugbu y para las
bisaya-espanol aumentada con mas de tres mil voces (1885). At ang ibig sabihin ng
depinisyon na ito ay Take only the seed6. Ngunit, sa pagdating ng 1895 at ng
katapusan ng ikalanisiyam na siglo ay nag-iba na depenisyon ng sulit. Ito na ngayon
ay volver o llevar una cosa lagar donde esteba7 na ang ibig sabihin ay to turn back8
o to bring one thing to where he is9.
Sa pagsimula na ikadalawampung dekada, partikular sa 1911, ay nagkaroon na
naman ulit ng isang malaking talon sa depinisyon ng salita sapagkat sa VisayanEnglish Dictionary ang sulit ay repetition10 o to repeat11. Ang depinisyon ng
sulit bilang isang pag-uulit o repetition ay mapapansin sa mga diksyunaryo na
kasunod nito. Ngunit, sa Suplemento al Diccionarion Visaya = Espanyol ang sulit
ay nagkaroon ng isang natatanging depinisyon at ito ay Aniversario, cumpleaos12 na
ang ibig sabihin ay anniversary13, birthday14 isang pangyayari na nangyayari taontaon. Isang natatanging depinisyon din ay mahahanap sa Hiligaynon Dictionary kung
2016.
7 Diccionario Hispano-Bisaya, s. v., sulit.
8 Lissa Salapantan, interview by Jiara Montao, e-mail, March 7, 2016.
9 Ibid.
10 Visayan-English Dictionary, s. v., sulit.
11 Ibid.
12 Suplemento al Diccionarion Visaya = Espanyol, s. v., sulit.
13 Collins Spanish Dictionary - Complete and Unabridged 8th Edition, s. v., aniversario.
14 Collins Spanish Dictionary - Complete and Unabridged 8th Edition, s. v., cumpleaos.
ay Again, do a thing again or repeat what has been said23 at A successor, like father
like son. Another lieutenant, and replace or put something in place24. Sa VisayanEnglish Dictionary ni Patrick Rafferty ang liwat ay offspring, generation, to
generate at to breed25 at sa Visayan-English Dictionary naman ni Rodolfo Cabonce
ito ay having the same features, of a predecessor or ancestor, a person of the same
breed, descendant26 at follow the same breed, features, etc27. Sa Diksiyonaryong
Hiligaynon-Filipino ito naman ay uulitin, iibahin at sa Dictionary of Bisayan Arts:
(Cebuano/Hiligaynon/Waray), ito ay to repeat, repeated, replica repetition28 at ang
liwan naman ay to transform, do again, repeat, remodel, change, replace29.
Sa salin naman sa tagalog natagpuan na ang most na kahulugan ng ulit ay
pareho lamang sa mga kahulugan ng sulit ngunit natagpuan din na may iba pa itong
mga kahulugan. Sa UP diksyunaryong Pilipino, natagpuan na may kahulugan ang
salita na panggagaya30, biro31 at guhit.32 Sa The New English Filipino Dictionary,
23 Lissa Salapantan, interview by Jiara Montao, e-mail, March 7, 2016.
24 Ibid.
25 Visayan-English Dictionary, s. v., liwat.
26 Visayan-English Dictionary, s. v., liwat.
27 Ibid.
28 Dictionary of Bisayan Arts: (Cebuano/Hiligaynon/Waray), s.v., liwat.
29 Dictionary of Bisayan Arts: (Cebuano/Hiligaynon/Waray), s.v., liwan.
30 UP Diksyunaryong Filipino, s.v., ulit.
31 Ibid.
32 Ibid.
Sa katunog naman ng sulit nakita na may mga depinisyon ito na dar cuenta,
examinarse, sacar el principal sin ganancia e Ensayarse en comedia40 na may ibig
sabihin na pagbigay ng salaysay, pagkuha ng pagsusulit, ang pagkuha ng puhunan
nang walang tubo at pag-insayo sa comedia.41 Kadalasang ding makikita sa mga
diksyunaryo ang kahulugan nito bilang anumang itinakdang pamantayan na dapat
lampasan42, paliwanag o pagpapaliwanag, pagsasauli sa anumang hiniram at antas ng
pakinabang sa puhunan.43 Ang sulit bilang isang iksamen ay may mga mas partikular
na gamit. Natagpuan na mayroon itong depinisyon ng paglilitis,44 pag-interrogate45,
inquest46 at search47 sa mga imbestigasyon at pagsusulit o test48 sa konteksto naman ng
paaralan. Sa aspeteo naman ng sulit bilang isang pagsasalaysa ay mayroon ding mga
mas partikular na mga kahulugan na nahanap. Natagpuan na mayroon itong
pagsusulit.
46 Ibid.
47 Ibid.
48 Diksiyonaryo ng Wikang Pilipino, s.v., sulit.
"sulit"
gamit
pagsasauli
gawa
reward
aksyon / anyo
pangagaya /
imitasyon
Sulit
Pagbalik
Pag-uulit
insist / persist
illusyon
pag-alaala
pangyayari
Pagsusulit
pagpapatuloy
bilang isang
pamantasan
pagkakaroon ng
pagkakataon
nalalaman ng tao
Batay sa
Halaga
pakinabang
pangunahing konseptoisang pagbabalik, isang pag-uulit at isang pagsusulit at ibat iba
pang mga menor na mga konsepto sa ilalim ng bawat pangunahing konsepto na makikita sa
talangguhit sa taas. Ang mga konseptong na nailatag sa tsart na ito ay itatalakay sa susunod na
mga pahina ng papel na ito.
1. Sulit bilang pagbabalik
Sulit bilang pagbalik sa isang ibinigay at iginasto. Ito ang dalawang mga
konseptong nabuo mula sa mga saliksik na naigawa mula sa mga Hiligaynon at
49 Ibid.
50 Ibid.
51 Talahuluganang Pilipino-Ingles, s.v., sulit.
52 Diksyunaryo Tesauro, Pilipino Ingles, s.v., sulit.
53 Tagalog-English Dictionary, s.v., repeat.
unlimited rice at drinks masasabing mong mas sulit kumain dito kaysa sa
isang restawran na nag-a-alok ng isang potahe na walang unlimited rice at
unlimited drinks sa magkaparehong presyo sapagkat mas malaking halaga ang
nakukuha ng mo para sa perang gagastuhin mo. Sa ganitong halimbawa
makikita natin ang pagkakaroon ng isang palitan sa pagitan ng pera at
pakinabang ng isang bagay na ibinili. Ang palitan na ito ay ang pagbalik ng
halaga ng pera sa pamamagitan ng pakinabang ng ibinili.
Ngunit, maari ding magkaroon ng isang palitan sa pagitan ng
pakinabang at sa pera. Ito ay inilalarawan ng ating lipunan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng bayad sa mga mangagawa. Mas malaki ang halaga ng sweldo
na nakukuha ng mga mangagawang mas mataas ang ranggo sa isang kompanya
sapagkat mas kapakipakinabang at kadalasang mas mahirap ang kanilang
trabaho. Ngunit, hindi lamang ito tumutukoy sa trabaho o di naman kaya sa
ekonomiya. Tumutukoy din ito sa buhay mismo. Ang isang estudyante na
tinatamad ay siguradong magkakaroon ng mas mababang grado kaysa sa isang
estudyanteng na palaging nagsisikap. Sabi nga ng mga matatanda talo ng
masipag ang mga matatalino. Ito ay sapagkat kahit na matalino ang isang tao
ngunit kung siya naman ay hindi nagsisikap ay hindi niya makukuha ang
gradong taglay niyang makuha. Sa ibang salita, hindi niya nagamit ang kanyang
full potential. Sa isang banda naman ang isang masipag na estudyante ay
nagkakaroon ng pagkakataon na maabot ang pinakamataas na grado na
pwedeng makuha ng isang estudyante. Sa mga halimbawang ito makakita tayo
ng isang palitan sa pagitang ng sukat ng sikap ng isang tao sa isang halaga.
Batay sa mga itinalakay maisasabi na isinasakonsepto ng sulit ang isang
palitan sa pagitan nang dalawang pantay o mas labis na halaga.
2. Sulit bilang pag-uulit
Sa pelikula makikita din na sinasabi ni Nick at ni Chai ang pariralang Life must
go on, all is well ng paulit-ulit. Ang pag-uulit ni Nick at ni Chai sa mga pariralang ito
ay isang ehemplo kung saan kinukumbinsi nila ang sarili nila na talagang All is well.
Gumagawa sila ng isang ilusyon sa kanilang sarili upang maituloy ang kanilang
buhay. Sapagkat sariwa pa ang sakit na kanilang nakuha sa bagyo ay kinakailangan ni
Nick at ni Chai gumawa ng isang palabas ng isang taong malakas upang hindi
manghina ang isat isa. Ang palabas na ito ay gumagawa ng isang ilusyon sa isat isa
na dapat maging malakas ako para sa kanya at sa kanilang sarili mismo all is well.
Maarin nating itong ihambing sa isang band-aid. Kailangan na itago muna nila ang
sakit upang dahan-dahan itong gumaling.
Samakatuwid mula sa konteksto ng pelikulang Nick at Chai, masasabi na ang
sulit ay isang pagsimula muli sa pamamagitan ng paggawa ng isang ilusyon ng isang
simula at pagdami ng pag-asa dahil sa pagbalik sa isang dating estado.
3. Taklub
Sa pelikulang ito makikita na pilit na itinutuloy ng mga Yolanda survivors ang
kanilang buhay. Kahit na maraming mga problema ang dumating sa kanila ay
sinusubok pa rin nila ang buhay. Pansinin din na kahit umalis na ang bagyo hindi pa
rin ito ganap na umalis sa mga tao. Nandoon pa rin ang trauma nila sa mga tsunami.
Nandood pa rin ang sakit ng pagkawala ng kanilang mga minamahal sa buhay. Kahit
na lumipas na ang bagyo ay hindi pa ganap na umalis ang mga epekto nito sa mga
mamamayan. Dahil dito gumagawa ito ng isang ilusyon ng pagpapatuloy ng bagyo
dahil sa patuloy na pag-uulit at pagbabalik ng kanilang mga problema. Kung kayat
maaring masabi na ang mga karakter sa pelikula ay parang mga tao na binitag sa
bagyo. Dahil sa pagpapatuloy ng sakit ay hindi sila ganap na makapgsimula muli.
Kahit anung pilit nilang balikan ang kanilang dating estado ng kasiyahan at
kapayapaan ay hindi nila maigawa. Sila ay naibitag sa isang sitwasyon kung saan
hindo mo naman nararamdaman ang bagsik ng hangin ngunit hindi naman maka-alis
ang sakit na dala nito.
Dahil sa mga konseptong nabuo mula sa pelikulang ito maisasabi na ang sulit
ay may konsepto ng isang pagpapatuloy at pagdami ng sakit kung saan hindi sila
makapagsimula muli. Ito ay maaarin masabi na kabalintunaan sapagkat may ibig
sabihin ang ulit na pagsimula muli.
E. Konklusyon
Batay sa mga saliksik na nalagap, masasabi na malaki ang saklaw ng mga konsepto
ng salitang isinaliksiksulit sa dalawang magkaibang wika: ang Hiligaynon at
Tagalog. Ngunit, kahit sa pagkakaiba ng mga depinisyong ito mapapansin na ang mga
konseptong nabuo dito ay bumbalik sa isang pangunahing konsepto ng sulit: ang isang
pagbabalik. Pansinin na sa papel na ito ay may tatlong pangunahing mga konsepto: ang
sulit bilang pagbabalik, sulit bilang isang pag-uulit at sulit bilang isang pamantasan.
Gayunpaman, upang magkaroon ng isang pag-uulit ay kailangan na balikan ang isang
estado o processo upang magkaroon ng isang pag-uulit at isang pagdadami. Kailangan
na balikan ang isang simula ng isang aksyon ng ilang beses upang maigawa ito ulit.
Kailangan na balikan ulit ay simula ng isang processo upang maituloy ang pagdadami
ng resulta nito. Gayundin sa konspeto ng sulit bilang isang pamantasan. Upang maisabi
na ang isang bagay ay ganap na sulit ay dapat magkaroon ng isang pagbalik sa iginasto
o ibinigay ng tao sa pamamagitan ng pagsasauli, gantimpala para sa ginawa niya o sa
pakinabang ng bagay na kanyang ibinili.
Gayunpaman, masasabi na isinasakonsepto ng sulit ang isang pagbalik kung
saan tinutulak nito ang ibat ibang konsepto ng pag-uulit at pagiging pamantasan.
Ang salitang ito ay ang nagiging simbolo ng diwa ng pagbabalik sa pamamagitan ng
pag-uulit kung kayat maari itong maging tanda ng isang alaala, ilusyon, pakinabang
at iba ang mga konseptong naitalakay sa papel. Sinasalamin ng salita ang isang
pagbalik sa panahon, partikular sa isang simula.
Bibliyograpiya
Alburo, Erlinda K. Dictionary of Bisayan Arts: (Cebuano/Hiligaynon/Waray). Manila:
National Commission for Culture and the Arts, 2009.
Alcantara, Ruby Gamboa. 1997. Diksiyonaryong Hiligaynon-Filipino. Diliman, Quezon City:
Sentro ng Wikang Filipino, Office of Research Coordination, University of the
Philippines.
Alcazar, Antonio Valeriano. Suplemento al Diccionarion Visaya=Espanyol. Manila: Imprenta
de Santos y Bernal, 1921.
Almario, Virgilio S. UP Diksiyonaryong Filipino. Binagong Edisyon ed. Diliman: UP Sentro
Ng Wikang Filipino, 2010.
Cabonce, Rodolfo S.J. Visayan-English dictionary. Quezon City: Ateneo de Manila, 1955.
Cannell, Fenella. Beauty and the Idea of America. In Power and Intimacy in the
Christian Philippines, 203226. Moussons, 2014.
Constantino, Ernesto. An English-Hiligaynon dictionary. Diliman, Quezon City: University
of the Philippines, 1975.
Collins Spanish Dictionary - Complete and Unabridged. 8th ed. Glasgow; New York, NY:
HarperCollins Publishers, 2005.
Daluz, Eusebio T. Filipino-English vocabulary with practical examples of Filipino and
English grammars. Manila: s.n, 1915.
De la Encarnacion, Juan Felix. Diccionario Bisaya-Espanyol. Vol. 1. Manila: Imprenta de los
Amigos del Pais, 1851.
------. Diccionario bisaya-espanol. aumentada con mas de tres mil voces. Manila: Amigos del
Pais, 1885.
De Noceda, Juan & De Sanlucar, Pedro. Vocabulario de la Lengua Tagala. Manila:
Reimpreso en Manila, Impr. de Ramirez y Giraudier, 1860.
De San Antonio, Francisco, O.F.M. Vocabulario Tagalo. 1624. Reprint, Quezon City :
Pulong: Sources for Philippine Studies, 2000.
Diksyunaryo Ng Wikang Filipino. San Miguel, Manila: Komisyon Ng Wikang Filipino, 1998.
English, Leo James. Tagalog-English Dictionary. Manila: Congregation of the Most Holy
Redeemer, 1977.
---. Tagalog-English Dictionary. Manila: Congregation of the Most Holy Redeemer, 1986.
Enriquez, J., Jose Bautista, and Francis Jamolangue J. Pocket Dictionary: English-Tagalog,
Visayan (Cebuano-Ilongo) Vocabulary. Manila: Philippine Book Company, 1949.
Enriquez, Pablo Jacobo. English-Tagalog, Tagalog-English Vocabulary. Manila: Philippine
Book. Co., 1949.
Flores, Patrick. "Palabas. Ctrl + P Journal of Contemporary Art, no. 11 (2008): 89.
Accessed March 23, 2015, http://barnard.edu/sites/default/files/inline/ctrlp_issue11.pdf
Grino, Eliza U. Diksyonaryo = Dictionary : Hiligaynon-English, English-Hiligaynon. Jaro,
Iloilo City: Central Philippine University Press, 2005.
Hall, Alton L., and Custodio Andres. Visayan-English Dictionary. San Jose, Antique: A.H.
Hall, 1911.
Haynor, H.O. Practical Dictionary of the Tagalog Language, with Definitions in English.
New York: Lawyers Cooperative Pub., 1930.
Hispanismos En el Tagalo. Madrid: Oficina de Educacion Iberoamericana, 1972.
Ignacio, Rosendo. Diccionario Hispano-Tagalo: o Aklat ng mga pangungusap na Kastila at
Tagalog. Tomado de varios diccionarios de la lengua castellana, especialmente del de
la Real Academia Espanola. Manila: s.n., 1922.
---. Diksiyonaryo ng Wikang Pilipino. Inihanda para sa nagsisipagaral sa mababa at mataas
na paaralan. Quezon City: Samar Publication, 1958.