You are on page 1of 1

Antonio Luna

Si Antonio Luna de San Pedro y Novicio-Ancheta o higit na kilala bilang Antonio Luna (29 Oktubre
1866 - 7 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang
Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag
noong Unang Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na Pilipinong opisyal ng
militar noong digmaan.[1] Sinundan niya si Artemio Ricarte bilang kumander ng Hukbong Pilipinong
Mapaghimagsik, at nagbuo ng mga prupesyunal na sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na
depensa, na tinawag ngayong Linyang Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong Amerikano sa
mga lalawigan sa hilaga ng Maynila.

Biograpiya
Si Antonio Luna de San Pedro y Novicio-Ancheta o higit na kilala bilang Antonio Luna Ipinanganak
siya sa Maynila noong 29 Oktubre 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin
Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong
1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas
at nakamit niya ang kanyang lisensiya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa
pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko.

Edukasyon
Sa gulang na anim, natuto si Antonio magbasa, magsulat, at mag-aritmetika mula sa kayang guro na
kinilalang si Maestro Intong. Nasaulo niya ang Doctrina Christiana, ang kauna-unahang aklat na
nailimbag sa Pilipinas..[3]Lumaon ay nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, kung saan
nakatanggap siya ng digri sa Batsilyer sa Sining noong 1881. [3] Nag-aral siya ng panitikian at kimika sa
Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan napanalunan niya ang unang gantimpala sa isang pagsusulat
tungkol sa kimika.Ang pagsusulat ang libangan Antonio Luna. Iniakda niya ang El Nomatozario del
Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaki niyang naiambag sa
literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga
lathalain sa ibang pahayagan.Sa simula pa lamang ay isa na siyang tagapagtaguyod ng paghingi ng
reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa
pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong.Nang siya ay makalaya,
nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya
sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at
tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang
lakas laban sa mga Amerikano.Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng
pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng
Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si
Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit
dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.Nasawi si Heneral
Luna noong 5 Hunyo 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad
sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa
loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng
disiplina.Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang
Unang Republika ng Pilipinas.

You might also like